webnovel

Chapter 40

"Ano ang gusto mo for dinner?" Tanong ni Axel habang magkatabi sila sa sopa at nanonood ng TV. "Parang busog pa ko." Sagot ni Dani. Ngumiti si Axel. "Inubos mo ba naman kasi yung dalawang plastic ng streetfoods ni manong." Nakangiting sabi ni Axel. "Namiss ko talaga tinda ni manong. Kasi ba naman kapag lumabas ako ng PGM eh tiyak maya maya lang eh nasa social media na naman ako." Sabi ni Dani at naging seryoso ang mukha ni Axel.

Napansin naman ni Dani na tumahimik ang katabi kaya nilingon niya ito. "Sorry, wala naman akong ibig sabihin doon." Sabi ni Dani. "Sorry talaga, ginulo ko ang mundo mo." Sabi ni Axel na akala mo batang napagalitan ng nanay. Bumuntong hininga si Dani.

"Oo, napagulo na talaga ng buhay ko ngayon." Sabi ni Dani na lalong nagpalungkot sa mukha ni Axel. "Dati nakakalabas ako ng wala akong iniintindi. Malaya ako ng walang nakabuntot sa akin. Di ako kilala ng ibang tao kaya nakakapasyal o nakakakain ako sa gusto kong lugar." Patuloy na sabi ni Dani. Pakiramdam ni Axel ay ayaw na niyang madinig ang iba pang sasabihin ni Dani dahil lalo lang siyang nalulungkot.

"Pero..." sabi ni Dani at hinawakan ang mukha ni Axel na kulang na lang ay tuluyan ng bumagsak sa sahig. "Boring ang tahimik lang. Nakakasawa din yung ako lang mag-isa lagi. Masarap din pa lang may nakakasama ka sa araw-araw na nagpapagulo ng buhay mo." Sabi ni Dani at biglang nagliwanag ang mukha ni Axel.

"Masaya ako pagkasama ka kahit minsan eh nakakaasar ka na. Nakakapikon pero masaya. May living teddy bear ako sa gabi. May shield ako kapag madaming tao ang gustong lumapit sa akin. May kadamay ako maliban sa parents and friends ko." Patuloy ni Dani. "Magulo pero thank you kasi masaya ako." Sabi ni Dani. Feeling nasa heaven si Axel. Natawa si Dani sa itsura ni Axel na akala mo ay tumama sa lotto.

Hahalikan na dapat sana ni Axel si Dani ng pigilin nito ang mukha niya gamit ang kamay. "Hep! Masaya ako pagkasama ka pero dapat ay paghirapan mo pa din ang sagot ko sa pagmamahal mo. Whirlwind romance ang nangyari sa atin. Hindi ko man lang naranasan na maligawan mo. I'm really curious, paano ba manligaw ang isang Mr. Axel Monteclaro?" Tanong ni Dani na nakangiti.

"Pede bang bukas na ko manligaw? Pa kiss lang, isa lang, please? Binili naman kita ng gusto mo, di ba? Dapat ay may reward ako." Sabi ni Axel. Natawa si Dani. "Halos araw araw ay may reward ka kaya." Sabi ni Dani na pigil pa din ang mukha ni Axel. Nagsign si Axel ng isa lang sa daliri. Natawa si Dani. "Isa lang?" Tanong ni Dani. Tumango si Axel.

Hahalik na sana si Axel ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Dalton kasunod si Zack. Napakamot ng ulo si Axel. Natawa naman si Zack. Kumunot ang noo ni Dani.

"Wrong timing ka naman, Pare!" Sabi ni Axel at pinaupo si Zack. "Dalton, please stay." Patuloy ni Axel. "Pare, this is Daniella Monteverde. Mahal, this is Detective Zack Montes." Sabi ni Axel. Kakamayan dapat ni Zack si Dani kaso ay si Axel ang kumuha ng kamay ng detective. Umikot ang mata ni Dani. Natawa naman si Dalton.

"Grabe, pare, higpit mo!" Sabi ni Zack. "Akin lang yan, pare, bawal hawakan." Nakangiting sabi ni Axel na ikinatawa ni Zack.

"Hindi ako makaisip ng dadalin para sa inyo so I bought sansrival and sylvanas." Sabi ni Zack at iniabot kay Axel. Para naman bata si Dani at excited na kinuha ang bag kay Axel. "I thought busog ka pa?" Tanong ni Axel. "I'll just taste this, they're my favourites." Sabi ni Dani at tumingin kay Zack. "Thank you." Sabi ni Dani at tumango namam si Zack. Tinakpan ni Axel ang mukha ng dalaga. "Bawal ding tingnan!" Sabi ni Axel. Tumawa lang si Zack at Dalton. "Ano bang pinakain mo sa kaibigan ko at mukhang head over heels sa iyo?" Tanong ni Zack sa dalaga. "Fishball." Nakangiting sabi ni Dani at nagkatawanan silang apat.

"Sino ba ang gigisahin natin ngayon, pare?" Tanong ni Zack. "Hindi pa naman ako sigurado, it's just a hunch and I want to know if my gut feeling is correct." Sabi ni Axel at tumingin sa kanya si Dani. "It's Britney." Sabi ni Axel. "Your ex?" Gulat na tanong ni Zack. Tumango naman si Axel.

"She's been acting really weird. Alam kong mabait siya but sometimes, because of her jealousy, she can do everything that pops up into her mind. One time, noon kami pa, there's this one girl na nakikipagflirt sa akin and she hurriedly pinned her down and hurt her. Pero dahil nakipag-areglo ang parents niya sa babae, parang walang nangyari." Kwento ni Axel.

"Ok, I'll do the rest. Sabihan kita if I find something unusual about her." Sabi ni Zack. "Hindi na ako magtatagal at alam ko naman may binabalak ka kanina pero naudlot lang." Nakangiting sabi ni Zack. "Buti, pare at alam mo." Sagot naman ni Axel at inihatid na si Zack sa baba.

Nagkwentuhan ang magkaibigan sa parking area at ng umalis na si Zack sakay ng motor nito ay excited na umakyat si Axel pero nanlumo siya ng makitang nakatulog na si Dani sa sopa. Nakatayo naman si Dalton at nangiti sa nakitang itsura ng binata. Binuhat ni Axel ang dalaga at maingat na ibinaba sa hospital bed. Nakuntento na lang ang binata sa paghalik sa noo ng dalaga.

"Anong balita?" Tanong ni Britney sa kabilang linya. "Naialis na po namin ang mag-ina sa ospital at nailipat na namin sila sa isang maliit na ospital sa kanilang probinsiya." Sabi ng kausap ng dalaga. "Siguraduhin nyo lang na di sila makakalabas diyan." Sabi ni Britney. "Opo, ma'am. May bantay sila 24/7. Hindi sila makakatakas." Sagot ng lalaki. "Ok, good."

"Bumalik ka na dito at si Daniella Monteverde naman ang haharapin natin." Sabi ni Britney at tinapos na ang tawag.

"Just wait and see Daniella. I will get what I want. What Britney wants, Britney gets." Sabi ni Britney at ngumisi bago ininom ang alak na hawak niya.

Next chapter