webnovel

Chapter 39

Nang makita ni Axel sila Aubrey at Cleo ay bumaba na din siya mula sa kanyang kotse. Pagkasarado niya ng pintuan ay saka tumunog ang kanyang phone dahil sa pinadalang text message ni Dalton.

"Hi, Manong!" Bati ni Aubrey sa nagtitinda ng fishball. "Magandang hapon mga magagandang binibini." Sabi ng matandang lalaki. "Si Manong talaga, lagi kang nagsasabi ng totoo." Sabi ni Cleo at ngumiti ang matanda. "Kamusta na si Ma'am?" Tukoy ng matanda kay Dani.

Napanood ng matandang lalaki ang balita tungkol kay Dani at siya ay nag-alala. Suki na niya ang tatlo sa kanyang tinda. Alam niyang mayaman si Dani pero napakasimple lamang nito. Si Dani lang ang kilala niyang mayaman na kumakain ng pagkaing lansangan na walang kahit anong arte sa katawan.

"Nagpapagaling na po. Sa katunayan, hayan ang boyfriend niya para pakyawin ang tinda ninyo manong, gaya ng ginagawa ni Dani." Turo ni Aubrey sa papalapit na si Axel. "Napakagwapong bata, bagay na bagay sila ni "Ma'am." Sabi ng matanda at ngumiti naman si Axel ng madinig ang sabi ng lalaki.

"Siya ba?" Tanong ni Axel. "Oo, siya ang suki ni Dani." Sagot ni Aubrey. "Tay, bilin ko na po ang lahat iyan. Mukhang naglilihi na si misis eh." Biro ni Axel. "Nako, iho, talaga ba? Maswerte ka kay Ma'am at tingin ko naman ay maswerte din siya sa iyo. Magiging ama ka na pala kaya may discount ka sa akin." Sabi ng matanda na nakangiti. "Nako, tay, nagbibiro lang po ako. Hindi pa ko nakakaacore eh." Sabi ni Axel na kumamot sa ulo. Natawa sila Aubrey at Cleo pati din ang matanda.

"Huwag kang mag-alala iho, sa gwapo mong iyan, tiyak na papayag si Ma'am na ikaw ang maging ama ng mga anak niya." Sabi ng matanda. "Sana nga, tay." Sagot naman ni Axel.

Matapos iluto ang mga street foods ay naghiwalay na ang tatlo. Pagsakay ni Axel sa kotse at sabay namang pagtunog ng kanyang phone.

"Bakit, Dalton?" Takang tanong ni Axel. "Sir, kakapasok lang po ni Ma'am Britney sa loob ng room ni Ma'am Dani." Sabi ni Dalton. Bigla ang mabilis na tibok ng puso ni Axel. Pinaandar niya agad ang kotse at nagmamadaling umalis sa lugar. Halos umabot ng 140/kph ang takbo ni Axel. Walang lubak, walang humps.

"Hello, Daniella! How are you?" Bungad ni Britney ng makapasok sa kwarto ni Dani. "Hi, I'm fine, please have a seat." Sagot naman ni Dani. Pag-upo ni Britney ay tiningnan niya ng masama si Dalton. "Do you really need to be here? I need to talk to her in private?" Pagtataray ni Britney sa bodyguard. "Pasensya na, pero, sumusunod lang siya sa utos ni Axel. Dalton, please, leave us." Sabi ni Dani. "Ma'am?" Sabi ni Dalton. "It's ok." Sagot ni Dani. Walang nagawa si Dalton. Duda man siya sa mukha ni Britney ay kailangan niyang sundin ang pakiusap ni Dani. "Ma'am, tawag lang po kayo." Sabi ni Dalton at tumango si Dani. Inirapan naman ni Britney ang palabas na bodyguard.

"So, how does it feel to be the girlfriend of an Axel Monteclaro?" Tanong ni Britney na sa palagay ni Dani ay may ibang kahulugan. "We're still at the stage of getting to know each other." Sagot ni Dani. "Really? Ang bagal naman pala ni Axel. Noong kami pa, first day pa lang..." Sadyang binitin ni Britney ang sasabihin at tumawa na kala mo kinikiliti sa kung saan. "He's really great in bed." Malanding sabi ni Britney. Ngumiti lang Si Dani. "Oh, I'm sorry. I can't stop thinking about him when he's..." Hindi natapos ni Britney ang sasabihin dahil nagsalita si Dani. "Ms. Britney, I think all your escapades with my BOYFRIEND should be kept in private because it was between you and him. You should not be doing the "kiss and tell" talkathon with me because for me, it's already in the past." Sabi ni Dani.

Nag-init naman ang punong tainga ni Britney sa nadinig mula kay Dani. Inis na inis siya pero hindi niya pinahalata.

"Oh, I'm sorry, my fault." Sabi ni Britney. "By the way, where's Axel?" Maarteng tanong ni Britney. "Lumabas lang sandali." Maikling sagot ni Dani. Magsasalita pa sana si Britney pero bumukas na ang pinto at pumasok si Axel kasunod si Dalton.

"What are you doing here!?" Galit na tanong ni Axel na ikinagulat ng dalawang babae. "I'm visiting her, masama ba?" Pinagmukhang kaawa awa ni Britney ang sarili pero walang epek ku Axel. Lumapit agad ito kay Dani. "Ok ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Axel. Tumango si Dani at tumingin kay Britney na may mga ngiting tagumpay. Nagpupuyos naman sa galit si Britney.

Nang makita ni Dani ang plastic na dala ni Axel na binaba sa lamesa ay excited siyang binuksan ito. "Wow! Ang bango, namiss ko talaga to." Sabi ni Dani sabay kuha ng stick ay tinusok ang fishball.

Si Britney naman ay hindi maipinta ang mukha pagkakita sa pagkain. "Yuck!" Bulong niya sa sarili.

"By the way, Axel, it's mom's birthday next week. She told me to invite you. She will be happy if you can make it." Sabi ni Britney. "I'll think about it." Sagot ni Axel na nakatingin pa din sa kumakaing si Dani. Lalo naman nanggigil si Britney ng hindi man lang siya tingnan ng binata.

"Masarap ba?" Tanong ni Axel na tila natatakam sa kinakain ng dalaga. Tumango lang ito habang ngumunguya. Tumusok ulit si Dani ng fishball at sinubo sa binata. "Masarap di ba?" Sabi ni Dani at tumango ang binata. "Kain tayo, Ms. Britney." Sabi ni Dani. "Thanks, but no, thanks. I'm still full." Sagot ni Britney. Gustong matawa ni Dani sa itsura ni Britney. Parang diring diri sa pagkain. Nakaisip ng kalokohan si Dani.

"Alam mo ba, mahal, pinapahirapan talaga ako ng baby natin." Sabi ni Dani. Nanlaki ang mga mata ni Britney. Nasamid naman si Axel at umubo ng umubo. Natawa naman si Dalton at kumuha ng tubig para ibigay sa binata.

"What!? You're pregnant!?" Sigaw ni Britney na hindi makapaniwala sa nadinig. "As what you have said a while ago, he's really great in bed. Kaya eto, nakabuo kami agad." Sabi ni Dani at hinimas ang tiyan. Umiinom na ng tubig si Axel ng marinig ang sinabi ni Dani kaya muli na naman siyang nasamid. Tinapik tapik ni Dalton ang likod ng binata, pinipigil ang sarili na matawa ng malakas.

"I really hate you, I hate both of you!" Sabi ni Britney at nagdadabog na lumabas ng pinto. Doon na pinakawalan ni Dalton ang malakas na tawa. Tumingin si Dani sa bodyguard at nag-high five pa saka sabay na tumawa. Si Axel ay iiling iling lang sa dalawang taong nasa harap niya na namumula na sa kakatawa.

Next chapter