webnovel

Chapter 38

Naramdaman ni Dani na parang walang balak si Axel na bitawan siya. "Anong problema?" Tanong niya sa binata. Lumuwag naman ang pagkakayakap ni Axel sa dalaga. Humarap ito sa talaga at seryosong tiningnan si Dani. Nagtataka naman si Dana sa inaasal ng binata.

Hinawakan ni Axel ang mukha ni Dani at maya maya ay lumapat na ang mga labi ng binata sa labi ng dalaga. Masuyong hinalikan ni Axel si Dani kaya ang huli ay nadala sa halik ng binata na puno ng emosyon. Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay nakita ni Dani ang mga mata ni Axel na tila may lungkot itong dinadala.

"Sorry, I'm really sorry. Dahil sa akin ay nalagay ang buhay mo sa peligro. Nasaktan ka, natakot, at naging magulo ang buhay mo na dating tahimik." Sabi ni Axel. Na-guilty naman si Dani dahil mukhang nadinig ni Axel ang pinag-usapan nilang magkakaibigan kanina.

"Kung wala ako sa buhay mo ngayon ay baka hindi ka nasaktan, hindi ka natatakot. Pero, Dan, mas natatakot, mas nag-aalala kung mawawala ka sa buhay ko. Ikaw lang ang nagparamadan sa akin kung paano mainis, matawa, ma-excite, matakot. Lahat ng emosyon na hindi ko naramdaman noon ay pinaparamdam mo sa akin." Patuloy ni Axel. Ramdam ni Dani, totoo ang lahat ng sinasabi ni Axel at naging dahilan ang mga iyon para mangilid ang mga luha niya.

"Noon una, siguro ay paghanga lamang ang nararamdaman ko sa iyo. Pero ngayon, Dan, hindi ko maipaliwanag ang dahilan pero mahal na kita." Pag-amin ni Axel.

Hindi alam ni Dani kung ano ang mararamdaman. Halo halong emosyon ang nararamdaman ng dalaga. Nagulat dahil sa biglang pag-amin ni Axel sa kanyang nararamdaman. Natakot dahil parang hindi pa siya handa na tugunin ang pagmamahal na inilahad ng binata. Masaya siya kapag kasama si Axel. Nasasabik siya sa bawat halik at yakap ng binata. Natakot lalo ng masaktan ito. "Mahal ko na ba siya?" Tanong ni Dani sa sarili.

Nakita ni Axel ang pag-aalinlangan ni Dani. Ngumiti ang binata. "Hindi kita mamadaliin na tugunin mo din ang pagmamahal ko. Sinabi ko lang sa iyo kung ano ang nasa puso ko. Maghihintay ako, Dan." Sabi ni Axel at hinalikan ang noo ng dalaga. "Salamat." Maikling tugon ni Dani. Natawa si Axel.

"Sa haba ng sinabi ko, yun lang ang sagot mo?" Nakangiting sabi ni Axel. Namula naman si Dani hindi dahil sa sinabi ng binata, kundi dahil hindi niya napigilan ang paglabas ng masamang hangin sa kanyang likod. Biglang tinakpan ni Axel ang ilong at tumingin ng seryoso kay Dani. Lalong namula si Dani.

"Sorry." Sabi ni Dani at natawa si Axel. Pagkatapos noon ay tumayo si Dani at sinagot na ang tawag ni Mang Doro. Pagkapasok ni Dani sa CR ay binuksan ni Axel ang mga bintana. "Grabe, pamatay!" Natatawang sabi niya.

Pumasok si Dalton at natawa si Axel ng takpan ng bodyguard ang ilong. "Don't you dare to comment anything." Sabi ni Axel na nakatawa. Lumabas na si Dani mula sa CR at nakita niya si Dalton na namumula sa pagpipigil huminga para hindi maamoy ang masamang hangin.

"Sobrang baho ba?" Namumulang tanong ni Dani. Tumango si Dalton at isang malakas na tawa ang nadinig mula kay Axel. "Sorry, pwede bang magpabili ng air freshner?" Tanong ni Dani sa bodyguard. "Huwag na, masasanay na din kami sa amoy. Besides, mawawala na yang pasabog mo kasi binuksan ko na ang bintana." Nakatawang sabi ni Axel. Inirapan naman siya ni Dani.

Nilapitan siya ng binata at niyakap mula sa likod. "Kahit ikaw pa ang may pinakamabahong utot sa mundo, mahal pa din kita." Sabi ni Axel. Kinilig naman si Dani pero hindi niya pinahalata. Si Dalton naman ay ngumiti ng marinig ang sinabi ni Axel. "Sa wakas, umamin din." Bulong ni Dalton sa sarili.

Napapansin na kasi ni Dalton na magmula ng maging bodyguard siya ng dalawa ay may umuusbong ng pagtingin ang binata sa dalaga. Sa una ay hindi pa lang siguro sigurado ito kaya hindi pa umaamin. Pero habang tumatagal ay nararamdaman niya na iba na ang pagtingin ni Axel kay Dani. At ngayon nga ay masaya siya dahil nadinig na niya mula sa binata ang mahiwagang salita.

"Sabi ng nurse na once you pooped, you can eat whatever you want. So, dahil nailabas mo na ang sama ng loob mo, what do you want to eat?" Sabi ni Axel na may halong tukso pa din ang mga salita. Nag-isip si Dani. "Fishball, kikiam, squid balls, chicken balls, ahm, pwede din samahan mo na ng gulaman." Nakangiting sabi ni Dani. Kumunot naman ang noo ng binata.

"Saan naman ako bibili noon? And those are street foods. Do you think pwede ka ng kumain noon?" Sabi ni Axel. Sumimangot si Dani. "Eh sa iyon ang gusto kong kainin ngayon eh. Kung ayaw mo, huwag!" Pagmamaktol ni Dani. "Ok, ok. Bibili na. Dalton, find those street foods then bring it to her. Be sure, it's clean." Sabi ni Axel. Lalabas na si Dalton ng magsalita si Dani.

"Hep, ikaw ang bibili." Sabi ni Dani na nakangiti kay Axel. "What!? Bakit ako?" Gulat na tanong ni Axel. "Di ba sabi mo mahal mo ko? And you'll wait for me? Then, paghirapan mo ang sagot ko." Nakatawang sabi ni Dani. "Ok, ok, ako ang bibili." Sabi ni Axel na lumabas na pero bago tuluyang umalis ay may sinabi muna kay Dalton.

"Don't leave her. Babalik agad ako." Sabi ni Axel at tumango si Dalton.

"Meron kaming suki nila Aubrey at Cleo sa harap ng PGM. Sa kanya ka bumili, ok?" Sabi ni Dani na nag OK sign pa sa kamay. "Opo, mahal." Sagot ni Axel bago isinara ang pinto.

Habang sakay si Axel ng kanyang kotse papuntang PGM ay tinawagan niya si Aubrey. "Nagpapabili si Dani ng street foods, saan ko ba makikita yung sinasabi niyang suki ninyo?" Sabi ni Axel. Kumunot naman ang noo ni Aubrey at tumingin kay Cleo. Nagtatanong naman ang mukha ng huli. "Sino po ito?" Tanong ni Aubrey na sinisigurado kung si Axel nga ang kausap.

"Aubrey, si Axel to." Sabi ng binata. "Ikaw talaga? Bakit ikaw?" Tanong ni Aubrey na nagtataka kung bakit si Axel ang bibili eh samantalang pwede naman siyang mag-utos. "Pinapahirapan akong mabuti ng boss ninyo." Sabi ni Axel. "Ha?" Takang tanong ni Aubrey. "Magkita na lang tayo sa labas ng PGM saka ko sasabihin ang dahilan." Sabi ni Axel at binaba na ang telepono.

"Tara." Aya ni Aubrey kay Cleo. "Saan?" Takang tanong ni Cleo. "Magpapalibre tayo ng merienda kay Axel at may libre pang tsismis." Sabi ni Aubrey. Nagtataka man si Cleo ay sumunod din siya kay Aubrey palabas ng opisina.

Nagbabasa si Dani ng magazine ng may kumatok sa pinto at pumasok si Dalton. "Ma'am Dani." Sabi ni Dalton na parang nagdadalawang isip kung sasabihin ba ang sadya. "Bakit?" Tanong ni Dani. "Nasa entrance po ng ospital si Ma'am Britney at gusto kayong makausap. Nagbanta po siya na gagawa ng eskandalo pag hindi siya pinayagang makapasok." Sabi ni Dalton. "It's ok, let her in." Sabi ni Dani. "Pero Ma'am Dani." Sabi ni Dalton na ayaw sanang gawin ang utos ng dalaga. "Ok lang, you're here, so I'll be alright. Besides, dadalaw lang naman siguro siya." Sabi ni Dani. Bumuntong hininga si Dalton pero bago tuluyang bumaba ay nagpadala ng text message kay Axel.

Next chapter