37 Chapter 37

"Kamusta ang patient ko?" Nakangiting bungad ni Dani at umupo sa tabi ni Dani. Tumingin naman si Gerald kay Blaze. Kumunot naman ang noo ng binata na parang gustong sabihin ng doctor na, "Who are you? You're not needed here."

"Angas naman nitong mokong na to." Sabi ni Blaze sa sarili na kung madidinig ni Axel ay magkakaroon silang ng isang bagay na magkakasundo sila.

"Mabuti na ang pakiramdam ko Dr. Cruz." Sagot ni Dani. "I told you, you can call me Gerald. Masyadong magalang ang Dr. Cruz. Palagay ko naman ay hindi tayo nagkakalayo ng idad." Sabi ni Gerald na ikinataas ng kilay ni Blaze. "Anyway, I'll be discharging you the day after tomorrow just to be sure na na-flushed na natin ang poison sa body mo. Still, you're on a soft diet. If ever na tawagin ka na ni Mang Doro, I'll allow you to eat anything basta less salt and less oil." Sabi ni Gerald. "Ok Doc. Thank you." Sabi ni Dani. Tumingin ng seryoso sa kanya si Gerald. Nakuha naman agad ni Dani ang ibig sabihin ng doctor. "Ok, Gerard. Thank you." Sabi ni Dani. "I'll go ahead. Madami pa akong i-rounds na patients." Sabi ni Gerald at lumabas na.

"Ang yabang naman ng doctor na yun." Sabi ni Blaze. Natawa bigla si Dani. Tumingin naman sa kanya si Blaze na nakakunot ang noo. "Parehas kasi kayo ni Axel nayayabangan sa kanya." Sabi ni Dani. Katahimikan ulit ang namagitan sa kanila.

"Dani?" Muling banggit ni Blaze sa kanyang pangalan na may seryosong mukha.

"I..." Hindi natapos ni Blaze ang sasabihin dahil bigla na naman bumukas ang pinto at pumasok sila Aubrey at Cleo. Napabuntong hininga na lang ang binata.

"Pasensya na po kayo. Hindi ko po gustong saktan si Ms. Monteverde pero dahil sa kailangan ko po talaga ng pera para sa aking ina ay nagawa ko po iyon. Pero nautusan lang po ako talaga." Paliwanag ni Mateo kila Arthur, Esther, at Axel. "Kilala mo ba ang nag-utos sa iyo?" Tanong ni Esther. "Noon ko lang po siya nakita pero kung makikita ko po ulit siya ay matatandaan ko ang mukha niya." Sagot ni Mateo. "Lalaki ba?" Tanong ni Arthur." "Magandang babae po. Sa tingin ko po ay mayaman din siya." Sagot ni Mateo. "Kung sakali ba at kailanganin namin ang tulong mo ay maasahan ka namin?" Tanong ni Esther. "Opo, napakalaking tulong na po ang nabigay ninyo para sa pagpapa-opera ng aking ina. Lahat po ay gagawin ko para mahuli ang gustong saktan si Ms. Monteverde." Sagot ni Mateo.

Napag-alaman ng mag-asawang Arthur at Esther na nasa ospital ang ina ni Mateo at kailangan maoperahan dahil sa bukol nito sa ovary. Pero dahil kulang pa sa pera ay hindi magawa ang operasyon kaya agad agad tumawag si Arthur sa ospital kung saan naka-admit ang ina ni Mateo at sinagot lahat ng gastos.

Habang kausap ni Arthur at Esther si Mateo ay malalim namang nag-iisip si Axel. "Nagkataon ba na nasa restaurant din si Britney? Pero mabait si Britney. Magagawa niya kayang sakyan si Dani?" Tanong ni Axel sa sarili. Bumalik lang si Axel sa sarili ng madinig ang pagtawag ni Arthur.

"Iho, wala ka bang itatanong kay Mateo?" Tanong ni Arthur. Tiningnan ni Axel ang lalaki at saka umiling. "Mabuti pa ay bumalik ka na sa ospital at kahit nandito ka ay nandoon naman sa anak ko ang isip mo." Nakangiting sabi ni Arthur. Napakamot naman sa ulo si Axel dahil sa pagkapahiya.

Bago sumakay si Axel sa kanyang kotse ay kinuha niya ang phone at nagdial ng number.

"Pareng Detective, pwede ba tayong magkita?" Bungad ni Axel sa kausap. "Pare, kakatapos lang namin mag-usap nila Jax at Roco. Tama ang hula nung dalawang kumag. Tiyak daw na tatawag ka sa akin." Sabi ni Zack.

Si Zack ay kaibigan nila Axel, Jax, at Roco. Isa itong detective na wala pang sablay na kaso.

"Ganoon ba? Naunahan pa ko. Magkakadugtong talaga ang bituka natin." Sabi ni Axel at tumawa naman si Zack. "Kailan ka pwede, pare?" Tanong ni Axel. "Para sa iyo, pare, free ako kahit anong oras basta tama ang presyo." Sabi ni Zack sabay tawa. "Daanin na lang natin sa maboteng usapan, pare." Sabi ni Axel. "Oo ba, basta may kasamang sexy." Sabi ni Zack. "Nako, pare, di na ako pwede diyan. Nagbago na ko. Stick to one na to, pare." Sabi ni Axel. Natawa ng malakas si Zack. "Tama pala ang info na binigay sa akin nung dalawa. Nakahanap ka na daw ng katapat mo." Sabi ni Zack. "Mukhang siya na ang karma ko, pare." Sabi ni Axel. Natawa na naman si Zack. "Naiintriga ako sa Daniella Monteverde na iyan ha?" Sabi ni Zack. "Kung gusto mo, pare, sa ospital ka na lang pumunta ng makilala ko siya." Sabi ni Axel. "Sige, pare, tapusin ko lang ang trabaho ko ngayon at deretso na ko doon." Sabi ni Zack. "Sige, pare, iintayin kita." Sabi ni Axel at tinapos na ang tawag.

Gaya ng sabi ni Blaze, aalis siya pagdating nila Aubrey at Cleo kaya pagkatapos makapagkwento sandali sa dalawa at nagpaalam na ang binata.

"Kamusta na any pakiramdam mo?" Tanong ni Aubrey. "Ok na ko. Medyo nanghihina pa pero kaya ko naman na." Sagot ni Aubrey. "Grabe ka, madam, halos hindi pa kayo nagtatagal ni Axel eh ang dami ng nangyari." Sabi ni Cleo. "Ang drama ng lovelife mo ha?" Patuloy ni Cleo. Bumuntong hininga naman si Dani. "Para saan naman iyan?" Tanong ni Aubrey. "Naisip ko lang, kung hindi kami nagkakilala ni Axel, nandito kaya ako? I mean, dating tahimik ang buhay ko pero ngayon, parang ang gulo na." Sabi ni Dani.

Gustong batukan ni Aubrey si Cleo dahil siya ang nag-umpisa na topic. Nag peace sign naman si Cleo.

"Nagsisisi ka ba at si Axel ang naging boyfriend mo?" Tanong ni Aubrey. Natahimik si Dani. Nagkatinginan naman sila Aubrey at Cleo. "Maaring tadhana ninyong dalawa ang magkakilala. Ikaw ay nakilala ni Axel at maging dahilan ng pagbabago niya. Ganoon din siya sa iyo." Sabi ni Aubrey. "Dating playboy na Axel Monteclaro pero ngayon ay one-woman-man na. Dating Unknown Princess na Daniella Monteverde pero ngayon ay kilala na ng buong bansa." Patuloy ni Aubrey. "Alam mo, pwedeng pwede ka pumalit kay Ma'am Charo Santos." Sabi ni Cleo. Natawa si Dani. Kukurutin sana ni Aubrey si Cleo kaya lang ay nakatakbo na ito.

Nagtatawanan ang tatlo ng bumukas ang pinto at pumasok si Axel. "Mukhang ok na ok na ang misis ko ah." Nakangiting sabi ni Axel. "Misis ka diyan!" Sabi ni Dani pero hindi iniwasan ng halikan siya ni Axel sa noo.

"Anong nangyari?" Tanong ni Dani. "Nautusan lang si Mateo, nangagailangan kasi siya ng malaking pere para sa operasyon ng kanyang ina." Sagot ni Axel at tumabi kay Dani. "Eh sino daw nag-utos s kanya." Tanong ni Aubrey. "Hindi niya kilala pero matatandaan niya kapag makita niya ulit." Sagot ni Axel.

"Dahil nandito ka na, babalik na kami sa PGM. Dami ng nakatambak na mga papeles madam kaya magpagaling ka na ha?" Sabi ni Cleo. "Opo." Nakangiting sagot ni Dani. "Mauna na kami." Paalam ni Aubrey sa dalawa.

"I'm sorry..." Sabi ni Axel bago mahigpit na niyakap si Dani. Ngumiti naman si Dani at mahigpit din niyakap ang binata.

avataravatar
Next chapter