webnovel

Chapter 33

Napapayag naman ni Dion si Axel na maging cover page silang dalawa ni Dani ng kanyang magazine. Kaya ngayon ay nasa isang racing track sila para mag photo shoot. Naka full racing gear ang dalawa. Gagamitin din nila bilang props ang Chevrolet Corvette ni Axel at ang Porsche Carrera S ni Dani. Gusto ni Dion na astig pero sweet ang theme ng kanilang pictorial.

Kasama nila Dani at Axel sila Dalton at ang iba pang bodyguards na halos sa bawat gilid ng track ay may nakapwesto. Kilig na kilig naman ang mga babaeng staffs ni Dion kay Axel. Samantalang ang photographer naman ay halos hindi maalis ang tingin kay Dani.

"Ok, guys, let's start. Axel alam kong hindi ito ang first time mo na mag-appear sa magazine pero hindi para sa girlfriend mo so please guide her, ok?" Sabi ni Dion at tumango si Axel. "Ok, be ready, yung lights." Sigaw ni Dion sa mga staffs.

"Just relax and be yourself." Sabi ni Axel at tumango si Dani. At nag-umpisa na ang pagkuha ng pictures nilang dalawa. Magkayakap, magka-akbay, hawak-kamay, buhat ni Axel si Dani, nakasakay sa likod ni Axel si Dani, nakaupo sa driver seat ng kani-kanilang kotse, kunwaring nagkakarera at iba pa. Natural na natural ang dalawa. Walang halong arte na kala mo mga professional na models.

Pagkatapos ng halos fifty shots ay natapos na ang photoshoot. "Ok, let's end this with something special." Sabi ni Dion na kinidatan si Dani. Kumunot naman ang noo ng dalaga. "Axel can you give your girlfriend a sweet kiss?" Sabi ni Dion. "Sure, that's not a big deal." Sabi ni Axel na nag-OK sign pa kay Dion. Pinanlakihan ni Dani ng mata si Dion pero tumawa lamang ito.

Hinila ni Axel si Dani palapit sa kanya at pagkatapos ay hinalikan ito sa labi. Hindi lang nakuntento si Axel sa simpleng halik. Lumalim ito hanggang sa hindi namalayan ni Dani na tumutugon na din siya. Palakpakan at tuksuhan ang madidinig sa buong track.

"My gosh, Daniella, hindi ko alam na pwede ka pa lang model. Look at all those pictures, wala akong mapili, lahat ay magaganda ang lumabas. At maganda talaga ang chemistry ninyong dalawa." Sabi ni Dion habang kumakain sila ng merienda. Nakangiti lang si Dani at hindi din siya makapaniwala na magaganda nga ang lumabas na pictures nila ni Axel. Lalo na ang kissing scene nila, natural na natural. Namula siya ng titigan mabuti ang picture.

"Refer kita sa isang modelling agency, malay mo may makadiscover pa sa iyo at gawin kang artista." Sabi ni Dion. "Yaan ang di na pwede." Sabi ni Axel. "At bakit naman? Sayang ang talent ng girlfriend mo." Sabi ni Dion. "She's only mine. Others can only look at her but I will not let them touch her." Sabi ni Axel na inakbayan si Dani. "Grabe, ang possessiveness nitong jowa mo lagpas PGM ha?" Sabi ni Dion na kinatawa ni Axel.

"Ma'am Dani, si Sir Blaze po." Sabi ni Dalton na iniabot ang phone na kanina niya pa hawak. Tiningnan ni Dani si Axel at ininguso ang phone. Umiling si Axel na ikinatawa ni Dani. Si Dion naman ay naguluhan sa kilos ng dalawa.

"Yes, Blaze?" Sabi ni Dani. "Free ka ba tonight? Nagpaalam na din ako kay Tito and he said yes." Sabi ni Blaze. "Tonight?" Sabi ni Dani na nakatingin kay Axel. Nagkibit balikat lang si Axel pero ang totoo ay excited siya sa mangyayari mamayang gabi. "Ok." Sagot ni Dani. Napa YES naman si Blaze sa kabilang linya. "Ok, I'll pick you up around six pm kila Tito." Sabi ni Blaze. "No need, magkita na lang tayo sa harap ng PGM." Sabi ni Dani. "Ok, see you then, bye." Sabi ni Blaze at tinapos na ang tawag.

Walang ibang nakakaalam na lumipat na silang dalawa sa bahay ni Axel. Ang tanging nakakaalam lamang ay ang kanilang mga magulang, si Sydney, Aubrey, at Cleo. Kahit si Dion ay wala ding alam.

"Si Blaze Florentino ba ang kausap mo?" Tanong ni Dion. "Yeah." Sagot ni Dani. Tumaas ang kilay ni Dion at tumingin kay Axel. "Ok lang sa iyo na makikipagkita ang jowa mo sa ibang guy?" Tanong ni Dion at ngumisi lang si Axel. Umikot naman ang mata ni Dani. Kung alam lang ni Dion ang deal ng dalawa ay tiyak na ipagtutulakan niya pa si Dani na makipagkita kay Blaze.

"I'll give you only one hour to talk. Pag hindi ka lumabas in one hour, ako mismo ang susundo sa iyo sa loob ng restaurant." Sabi ni Axel habang nakasakay sila sa kotse papuntang PGM. "Grabe, daig mo pa si Daddy sa pagbibigay ng curfew ha?" Sabi ni Dani na ikinangisi ni Axel. "Remember, after this, we will be together." Sabi ni Axel na may makahulugang ngiti. "Yun eh kung magtatapat nga si Blaze ng feelings niya for me." Nakatawang sabi ni Dani. "Wanna make it two nights?" Paghahamon ni Axel. "Heh! Ewan ko sa iyo!" Inis na sabi ni Dani at tumawa si Axel.

Pagdating nila sa PGM ay nakita agad ni Dani ang Apollo Gumpert ni Blaze. Bababa na sana si Dani pero bigla siyang hinili ni Axel para biglang na isang halik sa labi. Namula naman si Dani. "Go, remember, only 1 hour." Sabi ni Axel na nakangiti.

"Hi! Thank you at pumayag ka." Sabi ni Blaze at hinalikan si Dani sa pisngi. Gustong bumaba ng kotse ni Axel at bigyan ng isang malakas na suntok ang lalaki pero pinigil niya ang sarili. "Kaya lang ay, kailangan ba talagang kasama sila?" Sabi ni Blaze na nakatingin sa mga bodyguards niya. "Pasensya ka na, hindi papayag si Daddy at Axel na hindi sila kasama." Hinging paumanhin ni Dani. "Anyway, hanggang labas lang naman sila ng restaurant." Patuloy ni Dani. Ngumiti si Blaze. "Let's go." Sabi ni Blaze at inalalayan si Dani papasok ng kanyang kotse.

Nakita ni Axel na hinawakan ni Blaze ang siko ni Dani. "Last mo na yan, pare, pumangatlo ka pa at uupakan na talaga kita." Sabi ni Axel. Ang dalawang bodyguards na kasama niya ay hindi mapigilan mangiti sa inaasal ng kanilang kasama.

Dinala ni Blaze si Dani sa isang kilalang restaurant sa Makati. Dahil alam ni Blaze na hindi na karaniwang na tao ang kasama niya ay nagpareserve siya ng VIP room para sa kanilang dalawa. Dahil maaga pa, kakaunti pa lamang ang customers ng restaurant kaya nakapasok sila sa room ng walang naging problema. Pagkatapos ihatid ni Dalton ang dalawa sa loob ng room at lumabas na siya.

Sa isang table ng restaurant ay may isang babaeng nakaupo at ng makita si Dani ay ngumisi siya na parang may naisip na masama. Tumayo ito at lumapit sa isang waiter.

"Sir, kakaunti pa lamang ang tao sa loob." Sabi ni Dalton sa loob ng kotse kung saan nakaupo si Axel. "Ok, bumalik ka na doon. Mahirap kung hahayaan lang natin sila." Sabi ni Axel at sumunod naman si Dalton.

"Ma'am, hindi ko po magagawa ang inuutos ninyo. Maari po akong mawalan ng trabaho at baka makulong pa ako." Sabi ng waiter sa babaeng kausap sa isang sulok. May kinuha ang babae sa kanyang bag. "50 thousand. Pagkatapos mong ilagay ito ay umalis ka na at lumayo na dito. Siguro naman ay makakapagsimula ka na ng bagong business diyan." Tukoy ng babae sa perang kanyang ibinigay. Tiningnan ng waiter ang pera. "Huwag kang mag-alala, pampatulog lang yan." Sabi ng babae. Kahit labag sa loob ay kumilos ang waiter na inutusan ng babae dahil kailangan niya din ng pera.

"This will be the end of you, Daniella Monteverde. Then, Axel will come back to me." Sabi ng babae at ngumisi na kala mo sinapian ng evil spirit.

Next chapter