webnovel

Chapter 26...

Nakahanda na ang lahat para sa pagpunta nila sa Holy Angels. Nasa harap na ng PGM sila Dani, Axel, Aubrey, at Cleo. Iniintay na lamang nila si Phoebe.

"Kahit kailan talaga Filipino time si Phoebe." Sabi ni Aubrey. "May dadaanan pa daw kasi siya." Sabi ni Cleo.

"Kailangan ba talagang kasama ang mga bodyguards na yan?" Tanong ni Dani. "Hayaan mo na. Buti nga at pumayag si Uncle na sila lang ang kasama natin." Sabi ni Axel na nakatingin sa anim na bodyguards na nakatayo sa gilid na akala mo may iniintay lamang. "Balak ni Uncle at dalawang batalion ang pasamahin sa atin, ang sabi ko lang ay kaya kita protektihan gamit nito." Sabi ni Axel sabay taas kamay para ipakita ang muscles sa braso. Umikot lang ang mata ni Dani.

Maya-maya ay dumating na any iniintay nila. Tumaas ang kilay ni Axel ng makita kung sino ang kasamang bumaba ng kotse ni Phoebe.

"Blaze?" Nakangiting bati ni Dani. "Hi! Ok lang ba sumama?" Tanong ni Blaze. "I invited him. Ok lang ba?" Tanong ni Phoebe. "No worries, the more the merrier. Matutuwa ang mga bata dahil madami na silang kabayo." Sabi ni Dani at tumawa ang apat na babae na ipinagtaka naman nila Axel at Blaze.

Pagkatapos ng isang oras ay narating na nila ang Holy Angels Orphanage. Pagkakita ng mga bata sa kanila at kanya kanyang takbuhan na ang mga ito. Niyakap at hinalikan sila Dani, Phoebe, Aubrey, at Cleo. Tiningnan naman nila mula ulo hanggang paa sila Axel at Blaze. Ang mga bodyguards naman ay naiwan na labas ng gate.

"Mga bata may kasama kami na mga bagong kalaro. Si Kuya Axel at Kuya Blaze." Sabi ni Dani. Ngumiti ang dalawang lalaki at kumaway sa mga bata. "Pero bago muna tayo maglaro ay kailangan may lakas muna kayo kaya kailangan muna nating kumain." Sabi ni Aubrey. Tuwang tuwa ang mga bata at sabay sabay nagsiupo at inintay ang pagkain dala ng grupo nila Dani.

"Maraming Salamat, iha. Napakalaking tulong para sa mga bata ang binibigay ninyo." Sabi ng caretaker ng orphanage. "Walang anuman po." Nakangiting sabi ni Dani. "Iha, huwag kang magagalit ha pero siya ba yung kasama mo sa tv. Napanood ko kasi nung minsan." Sabi ng caretaker. "Ah, opo." Sagot ni Dani. "Eh kagwapong bata. Bagay na bagay kayong dalawa." Sabi ng caretaker na nakatingin kay Axel habang pinapakain ang isang bata.

"Arga." Sabi ng isang bata kay Axel habang pinapakain niya ang isa pa. Ngumiti si Axel at binuhat ang bata. "Ato, ato." Sabi ng isa pang bata na nagpapabuhat din. Kimamot si Axel sa kanyang ulo pero binuhat din ang isa. Biglang umiyak ang bata na nakaupo dahil hindi na siya sinubuan ng pagkain ni Axel. Natawa naman si Dani ng makitang nataranta si Axel kaya nilapitan niya ito.

"Tara." Aya ni Dani sa isang bata sa kanang braso ni Axel pero umiling ito. Lumipat naman siya sa isang bata sa kaliwang braso ni Axel pero katulad ng isa ay umiling din ito. Natawa si Dani.

"Pati bata ay nahuhumaling sayo." Sabi ni Dani. "Parang ikaw, humaling na humaling sa akin." Sabi ni Axel. Umikot lang ang paningin ni Dani at siya na lamang ang nagpakain sa bata na sinusubuan ni Axel kanina.

"Baka naman matunaw si Dani sa kakatingin mo." Sabi ni Phoebe na ikinagulat ni Blaze. "You like her?" Tanong ni Phoebe. Ngumiti lang si Blaze. "Kaya lang mukhang nahuli ka na." Sabi ni Phoebe na nakatingin kay Dani at Axel. "I'll still try my luck. Di pa naman sila kasal di ba?" Sabi ni Blaze. "Well, goodluck for you." Sabi ni Phoebe.

"Ok mga bata, maglalaro na tayo!" Sabi ni Cleo at kinatuwa ng mga bata. "Ang laro natin ngayon ay "The boat is sinking!" Sabi ni Cleo at pinaliwanag kung paano laruin ito. "Ready na ba kayo?" Tanong ni Aubrey. "Opo!" Sabay sabay na sagot ng mga bata.

"Tali tali." Sabi ng bata na buhat ni Axel kaya walang nagawa si Axel kundi sumali sa bilog na ginawa ng mga bata. Si Dani naman na busy sa pagliligpit ng mga pinagkainan ng mga bata ay hinila din ng isa. "Sali tayo Ate Dani." Sabi ng bata. Ngumiti si Dani at binuhat ang bata.

Nagkatawanan ang lahat ng makita si Dani, Axel, Phoebe, at Blaze na nasa gitna at kasali sa laro. "Mga ate at kuya, baka naman umiyak pa kayo pag natalo kayo ha?" Nakatawang sabi ni Cleo. "Ok, simulan na natin!" Sabi ni Aubrey. "The boat is sinking, group yourselves into five!" Sigaw ni Aubrey at nagtakbuhan ang mga bata para humanap ng kagrupo. Natanggal ang dalawang bata pero hindi umiyak dahil kahit natalo sila ay may regalo pa din silang nakuha.

"The boat is sinking, group yourselves into four!" Sigaw ni Cleo. Si Phoebe ay natanggal na kunwaring umiiyak kaya ang ibang bata ay niyakap siya. "The boat is sinking, group yourselves into six." Sigaw ni Aubrey. Ang naalis naman ay si Blaze. Nagpatuloy ang laro hanggang ang matira na lamang ay si Axel at ang buhat niyang bata at si Dani kasama ng bata na umaya sa kanya kanina.

"Uy, si Ate Dani at Kuya Axel na lang ang natira. Sino kaya ang mananalo?" Sabi ni Aubrey at kanya kanyang sigaw na ng pangalan ang mga bata. Ang iba ay kay Dani , ang iba naman ay kay Axel.

The boat is sinking, group yourselves into four!" Sigaw ni Cleo. Nagmamadali ang dalawa pero natapilok si Dani at para maiwasan na madaganan niya ang bata at patalikod siyang bumagsak. Ramdam ni Dani ang sakit ng paa at balakang niya pero tiningnan niya pa din ang bata.

"Ok ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Dani. Nagtumango ang bata ay saka lang siya nakahinga ng maluwag. Nagmamadaling lumapit si Axel at ang iba kay Dani. Ang caretaker naman kasama ang ilang volunteers ay iniayos ang mga bata para hindi makaabala sa grupo nila Dani.

"Dani, ok ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Axel. Tumango si Dani. Inalalayan siya ni Axel para tumayo pero nangiwi siya ng itapak ang paa. "Ang sakit ng paa ko." Sabi ni Dani na mangiyak ngiyak sa sakit na naramdaman. "Dadalin kita sa ospital." Sabi ni Axel sabay buhat kay Dani. "Aubrey, kayo muna ang bahala dito". Sabi ni Axel at nagmamadaling umalis.

"According sa X-ray, wala naman major problem ang katawan ni Miss Dani. Sprain lang ang nangyari sa paa niya. Lalagyan lang natin ng benda para maiwasan mamaga pa." Sabi ng doctor. "Ok doc, thank you." Sabi ni Axel at umalis na ang doctor para kumuha ng gamit.

"Sila yung couple of the year di ba? Si Axel Monteclaro at Daniella Monteverde! Grabe ang gwapo talaga niya!" Kilig na kilig na sabi ng isang nurse sa Emergency Room. "At ang ganda niya! Kakakilig silang dalawa." Sabi pa ng isang nurse. "Daig pa nila ang mga artista. Tingnan mo yung mga bodyguards, todo bantay sa kanila." Sabi ng isa. "Di man lang tayo pwedeng magpapicture." Sabi naman ng isa pa. Nakasya na lamang sila sa pagtingin sa malayo kay Axel at kay Dani.

Nang bumalik ang doctor ay dala na nito ang bandage na ilalagay sa paa ni Dani. "For three days ang bandage na ito. Huwag mo munang pwersahin para hindi mamaga." Sabi ng doctor at tumango lamang si Dani.

Nang matapos bayaran ang bill ni Dani sa cashier ay umalis na sila sa ospital at deretso ng umuwi. Habang nasa kotse ay tumawag si Dani kay Aubrey.

"Anong nangyari? Ok ka lang?" Nag-aalalanh tanong ni Aubrey. "Oo, wala naman nakita sa X-ray. Sprain lang." Sagot ni Dani. Nakahinga ng maliwag si Aubrey. "Kamusta ang mga bata?" Tanong ni Dani. "Mga nag-iyakan sila nung nakita ka nilang nasaktan. Napatigil lang namin sila nung sabihin ni Blaze na ok ka lang at babalik ka dito pagkatapos tingnan ng doctor." Sabi ni Aubrey.

Dahil nakaloud speaker ang phone ni Dani ay nadinig din niya ang sinabi ni Aubrey. "Kayo muna ang magpaliwanag sa mga bata. Sabi ng doctor ay kailangan huwag masyado galawin ang paa ni Dani." Sabi ni Axel. "Ah, oh, sige, kami ng bahala. Dani magpahinga ka ha?" Sabi ni Aubrey at tinapos na ang tawag.

"Hindi ba tayo pwedeng bumalik doon. Magpapakita lang ako sa mga bata tapos ay uuwi na." Sabi ni Dani. "Pag ok na yang paa mo saka tayo bumalik. Baka mamaga pa iyan pagnapwersa mo." Sabi ni Axel. "Sige na, please." Sabi ni Dani. "Magpapakita lang ako sa kanila. Kahit hindi na ako bumaba ng sasakyan. Please..." Sabi ni Dani na parang batang nagmamakaawa. Nataw si Axel. "Kiss muna." Sabi ni Axel. "Wala kang alam kungdi puro kiss muna, kiss muna. Kiskis mo sa pader." Sabi ni Dani na nagmamaktol. "Oo na, oo na. Babalik na po prinsesa." Natatawang sabi. Tuwang tuwa naman si Dani kaya wala sa loob na lumapit kay Axel at hinalikan ito. "Aray!" Sabi niya na tumama ang paa sa pinto ng kotse.

"Yaan na nga ba sinasabi ko eh. Makahalik ka lang, di baleng masaktan." Sabi ni Axel. Kinurot naman siya ni Dani sa tagiliran. Isang malakas na tawa naman ang ginawa ni Axel.

Bumalik nga sila sa Holy Angels Orphanage at tuwang tuwa ang mga bata ng makita si Dani.

Next chapter