webnovel

Chapter 21

Dahil sa nangyari ay nanatili lamang sila Axel at Dani sa loob ng opisina nila kasama sila Aubrey at Cleo. Nagpakabusy si Dani sa pagsign ng mga documents na nakatambak sa table niya. Si Axel naman ay busy sa pagcontact sa mga suppliers niya para sa pagpapatayo ng Karooza. Minsan ay halos sabay na nagkakatinginan si Axel at Dani. Ngingiti si Axel samantalang irap naman any igaganti ni Dani. Natatawa na lamang sila Aubrey at Cleo sa dalawa.

Oras na ng pananghalian at kumakalam na ang mga sikmura nila.

"Dan, tara na, lunch time na oh." Yaya ni Aubrey. "Sige, kayo na lang muna. Ayoko munang lumabas dahil tiyak na mainit pa ang mga mata ng tao sa amin." Sabi ni Dani. "Saan kayo kakain?" Tanong ni Cleo. "Ako na ang bahala sa boss ninyo." Sabi ni Axel na nagpakilig sa dalawa. Lumabas na ang dalawang babae at dumiretso sa canteen ng mall.

"Saan mo gustong kumain?" Tanong ni Axel pero wala siyang nakuhang sagot mula kay Dani. Ngumisi si Axel at lumapit kay Dani. Niyakap niya ito patalikod.

"Ano ba, bitiwan mo nga ako!" Inis na sabi ni Dani pero hindi sumunod si Axel. "Bakit ba ang init ng ulo ng girlfriend ko?" Nakatawang tanong ni Axel. "Girlfriend mo mukha mo." Sabi ni Dani na pilit pa din kumakawala sa yakap ni Axel.

Nagulat si Dani ng bigla siyang binuhat ni Axel. "Aaaxxxeeellll, ano ba!?" Sigaw ni Dani pero walang nadinig si Axel at naglakad patungo sa mini room ni Dani. "Ayaw mong kumain ha, eh di tayo ang magkainan." Nakatawang sabi ni Axel at binaba siya sa kama at dumagan sa kanya.

"Manyak, manyak ka talaga!?" Pagwawala ni Dani. Nahuli naman ni Axel ang mga kamay niya at inilagay sa taas ng ulo niya. "As I remembered last night, you're the one who kissed me first." Sabi ni Axel na nagpatigil sa pagwawala ni Dani.

"Hinalikan kita kagabi?" Tanong ni Dani at tumango si Axel. Namula si Dani na ikinangiti ni Axel. "Inalagaan na nga kita, ginamot at binihisan. You took advantage of my weakness." Pagkukunwaring arte ni Axel. "May...may...nangyari ba sa atin?" Namumulang tanong ni Dani. "Ano sa palagay mo?" Seryosong tanong ni Axel. "Pero sabi nila pagkatapos noon dapat masakit ang katawan ko pero hindi naman." Inosenteng sabi ni Dani. "It depends. You are the one who took the initiative first, ano ang magagawa ko, isa lamang akong mahinang lalake." Sabi ni Axel na patuloy sa pag-arte.

Natahimik si Dani at kung anu-ano na ang inisip. "May nangyari sa amin? Paano kung mabuntis ako? Magpapakasal kami? Anong mangyayari sa amin? Walang love, paano ang bata?" Kausap ni Dani sa sarili.

Nakita ni Axel ang iba't ibang emosyon sa mukha ni Dani kaya di niya napigilang tumawa at binitiwan na si Dani at humiga sa tabi nito.

"Relax, walang nangyari because you fell asleep. I don't want to make love to a woman who snore like an elephant. I want her to be fully awake when I'm sending her to heaven." Tukso ni Axel na ikinapulang lalo ni Dani.

Kinuha ni Dani ang unan at ipinalo kay Axel na tumawa naman ng malakas. "You scared me to death!" Inis na sabi ni Dani. "Bakit?" Nakatawang tanong ni Axel. "Pag may nangyari, siyempre mabununtis ako, magpapakasal tayo, anong mangyayari sa atin? Kasal na walang love? Yung baby kawawa kasi nabuo siya just because of lust and not love." Sabi ni Dani.

Biglang seryoso ang mukha ni Axel na ikinakunot ng noo ni Dani. Humarap si Axel kay Dani. "What if I tell you that I have fallen for you?" Seryosong sabi ni Axel. Natawa si Dani at unang pagkakataon ni Axel na madinig ang tawa ng babae at hindi niya alam kung bakit ang sarap pakinggan ng tunog ng tawa nito. Nahawa na din siya at nangiti na din si Axel.

"Si Mr. Axel Monteclaro is in love with me? Sinong niloloko mo?" Nakabungisngis na sabi ni Dani. "I'm serious." Sabi ni Axel. "Huwag ako, iba na lang." sagot ni Dani. "Why not? You're beautiful, sexy and super rich. Mabubuhay ako kahit hindi ako magtrabaho." Nakangiting sabi ni Axel. "If you compare me with your ex-girlfriends, wala pa ako sa kalingkingan nila. Look at Britney. Ang ganda, pangmodelo ang katawan and malaki ang..." yumuko si Dani at namula.

"You're blessed too." Sabi ni Axel. Muling pinalo ni Dani ng unan si Axel. "Don't compare yourself to them. Napakalayo mo sa kanila. Sila ang wala sa kalingkingan mo. They have the beauty but they don't have the brain and the heart you have." Seryosong sabi ni Axel na nakatingin kay Dani. Kinilig naman si Dani.

Hindi inalis ni Axel ang mga mata kay Dani at unti unti naglalapit ang mga mukha nila ng biglang tumunog any kanilang mga tiyan at sabay silang humagalpak ng tawa.

"Kain na tayo!" Yaya ni Axel at hinila patayo si Dani. "Pero ayoko lumabas." Sabi ni Dani. "Let's go somewhere else na walang makakakita sa atin." Sabi ni Axel. "At saan naman yun?" Tanong ni Dani. "Just trust me,ok?" Sabi ni Axel at hinalikan ang noo ni Dani at hawak kamay silang lumabas ng mini room.

Sabay bumukas ang pinto ng mini room at pinto ng opisina. Nang makita ni Aubrey at Cleo na galing ang dalawa sa mini room at nagkatinginan silang dalawa ng makahulugan. Lalo silang ngumiti ng makitang magkahawak ang kamay ng dalawa.

"Labas lang kami." Sabi ni Axel at tumango ang dalawa. Nang makalabas na si Axel at Dani ay dali dali silang pumunta sa mini room.

"Sorry to disappoint you girls, but, nothing happened." Sabi ni Dani na ikinagulat ng dalawa. "Ah, hehehe, di naman sa ganoon madam." Sagot ni Cleo. "Bye!" Sabi ni Dani matapos kuhanin ang nakalimutang bag.

Nagkatawanan na lang si Aubrey at Cleo dahil nahuli sila ni Dani.

Habang papunta sila sa sinasabing lugar ni Axel ay tumunog ang phone ni Dani. "Yes, Phoebe?" Tanong ni Dani. "Free ka tomorrow night? May invites para sayo." Sabi ni Phoebe. "Ah, ok. Just text me the details." Sabi ni Dani. "By the way, my invites din para kay Axel." Sabi ni Phoebe. "Ok, I'll tell him." Sabi ni Dani. "Wow, pinanindigan nyo na talaga ang pagiging couple of the year ha?" Tuksong sabi ni Phoebe. "Loka! Pati ikaw updated ha?" Sabi ni Dani. "Of course, ako yata ang naging dahilan para mabuo ang relationship ninyo." Sabi ni Phoebe. "Oh, really? Then, I should thank you." Nakatawang sabi ni Dani. "Yeah, treat me one of this day." Sabi ni Phoebe. "No problem, see you tomorrow ." Sabi ni Drew at tinapos na ang tawag.

"Who's that?" Tanong ni Axel. "Si Phoebe. May invites daw tayo sa car racing tomorrow. She'll send me the details." Sabi ni Dani. "Malayo pa tayo?" Tanong ni Dani. "About 30 minutes more." Sagot ni Axel. "Ang layo pa pala. Saan ba yun?" Tanong ni Dani. "It's a surprise." Sabi ni Axel.

Pagkatapos ng 30 minutes ay pumasok sa isang exclusive subdivision ang sasakyan ni Axel. Pagtapat nila sa guard house ay ibinababa ni Axel ang bintana ng kotse at binati ang mga guards doon.

"Boss, ang tagal mong hindi nagpunta dito ah." Sabi ng isang guard. "Oo nga manong, naging busy kasi eh." Sagot ni Axel. Nakita si Dani ng isang guard at nagbow ito sa kanya. "Ang ganda ni misis, boss." Sabi ng guard. Namula si Dani. Ngumiti si Axel at nagpaalam na sa dalawang guard.

Huminto ang sasakyan ni Axel sa isang malaking bahay na up and down. Kumunot ang noo ni Dani. "Kanino ang bahay na 'to?" Tanong niya. "Bahay ko." Sagot ni Axel. "Wow, ikaw na mayaman." Sabi ni Dani na ikinatawa ni Axel. Pumasok sila at namangha si Dani sa interior design ng bahay.

"May bahay ka pala, bakit kailangan mo pang magstay sa hotel?" Tanong ni Dani. "Para makasama ka." Sagot ni Axel. "Axel naman eh." Sabi ni Dani. "Bakit?" Nakatawang tanong ni Axel. "Papayag ka ba na dito tayo tumira?" Tanong ni Axel. "Pede naman kasi malayo kila Daddy at Mommy, kila Uncle at Auntie. Pede na tayong magkaroon ng sariling kwarto dito." Masayang sabi ni Dani. "Sa hotel na lang." Sabi ni Axel na kinasimangot ni Dani.

"Sige na, dito na lang tayo, malayo sa mga bantay." Sabi ni Dani na ikinawit ang mga kamay sa braso ni Axel na kala mo batang naglalambing. Natawa si Axel. "On one condition?" Sabi ni Axel. "Ano?" Tanong ni Dani. "Tabi pa din tayo matulog." Sabi ni Axel na lalong kinatulis ng nguso ni Dani. "Sige, sa hotel na lang nga maubos na ang pera natin sa pagbabayad doon." Pagmamaktol ni Dani.

"Ok, ok, talo na ko. I'll talk to our parents." Sabi ni Axel at lumiwanag na ang mukha ni Dani. "Come, let's cook. Nag-aalburoto na ang mga bulate ko sa tiyan." Sabi ni Axel. "Yung mga alaga ko din." Sabi ni Dani. At sabay silang pumunta sa kusina para ipagluto ang isa't-isa.

Next chapter