1 I Love You, Goodbye

CHLOE

Pinapangarap ng milyon-milyong kababaihan ang maikasal, at isa na ako dun. Ilang oras nalang ay magiging Mrs. Hamidon na ako. Kasalukuyan akong naghahanda kasama ang mga Brides maid ko­ na kanina pa di makapag hintay. Sa aming magbabarkada kasi ako yung tinaguriang 'sawi' laging sawi sa pag-ibig, pero ngayon hinding hindi na. Chino Hamidon is the right man for me, the right groom and the right father for our children.

"Anak, Im so proud of you" bulong sakin ni mama na halos mangiyak ngiyak na. Since then si mama na ang number one comforter at supporter ko since then, siya ang kasama ko pag may gusto akong attendan na event- ganun siya ka supportive. Ako lang din ang nag iisang babae sa aming magka kapatid at isa din yun sa dahilan.

"Mama, thank you po. Alam ko pong masakit para sayo na ikakasal na ako" ani ko sabay hagod sa likod nito

"Ayus lang naman iyon anak eh, pangarap mong makasal sa harap ng altar kasama ang pinapangarap at tamang lalake at ito na ang tamang panahon." Aniya "Ang akin lang naman eh, wala na akong baby girl" dagdag pa niya at sabay kaming nagtawanan, tsaka niyakap ko siya.

Kalagitnaan ng aming pagyayakapan ni mama ay bigla namang bumukas ang pinto ng malakas dahilan ng pagka gulat ng mga taong nasa loob ng silid isa na kami ni mama dun. Awtomatiko akong tumayo at lumapit kay Biji.

"Bakla, anong nangyari sayo?" patawa kong tanong, mukha kasi siyang hinabol ng sangkatutak na kabayo. Siya din ang organizer ng kasal namin.

Inayos niya muna ang sarili bago nag salita, na nag pakaba sa'kin

"C-Chloe?" aniya at napansin kong may nagsasalita sa kabilang linya kaya dali dali kong hinablot sa kaniya ang telepono at kinausap ang nasa kabilang linya

"Hello?" tanong ko

"Hello is this Ms Chloe Villaflor?" tanong nito at may bigla naming sumulpot a boses "Doc ang pasyente" ani pa nito

"Yes, this is Chloe Villaflor. Why?" tanong ko at naramdaman ko namang lumapit sila mama at iba ko pang mga kaibigan

"Your fiancé is very conscious right now. You need to go here right away. Your fiancé really needs you at this moment, thank you." Anito at pinatay ang linya

Hindi na ako nag patumpik tumpik pa at dali dali akong pumasok sa Bridal car kasama si mama. Patakbo naman akong tawag Biji

"Chloe! Ang kasal?" tarantang tanong nito

"Ikaw na muna bahala, please. I owe you" huli kong sabi ko at pumasok na ng tuluyan sa kotse, tsaka pinaharurot ng driver ang kotse

CHINO

Ito na ang sandaling pinakahihintay ko sa lahat ang makasal kasama ang pinapangarap kong babae at si Chloe yun. Since High School siya na ang pinapantasya kong maging asawa, at ngayon ay magkaka totoo na.

"Dre! Congrats, magiging ganap na Mr. Hamidon kana." Sabay akbay ni Denver sakin, natawa naman ako kasi sobrang seryoso niya "At tsaka, huwag na huwag mo akong kakalimutan na ako ang magiging ninong ng magiging anak niyo ni mareng Chloe"

"Syempre oo, ikaw lang naman ang ka isa-isa kong pinsan. Tsaka malakas ka sa'kin" Sagot ko sabay tawa, medyo dinadalaw din ako ng kaba.

Dumiretso na ako sa kotse papuntang simbahan, nakakahiya naman kung mauuna pa ang bride ko dun

"Kuya, wala bang ibang daan papuntang simbahan? Baka kasi mas mauna pa ang soon-to-be-bride ko" ani ko at sabay silip sa relo ko, Its 9:30 at dapat nasa simbahan na ako.

Agad naman tumango ang driver ko at iniba niya na ang daan patungong simbahan

Dinukot ko naman ang Cellphone ko at bahagya akong napangiti dahil sa wallpaper ko- wallpaper ko lang naman ang Wife ko, yes wife kahit mamaya pa ang kasalan. Binuksan ko naman ang message at i-tetext ko na dapat siya pero nbaka isipin niyang atat na ako kaya agad ko namang binura.Peroro wala din namang mangyayari kung i-tetext ko siya.

TO: WIFEY<3

Hi Wifey! Gusto na kitang Makita, I love Yo--------------

CHLOE

Nang nasa hospital na ako ay panay tingin naman ang tingin ng mga taong nakaka salubong ko, pero imbes na pansinin pa sila ay dumiretso na ako patungong OR. May na receive akong text message kanina na nasa OR daw sila.

Pagdating naming ni mama sa labas ng OR ay Nakita ko agad ang isang lalakeng naka hoodie ng itim at naka sombrero, siya ata ang nag message sakin. Nakayuko lamang siya.

"Excuse me?" tinanong ko na siya namang taas ng tingin sakin

"Yes?" tanong nito at tiningnan ako mula ulo hanggang paa "So, you must be the fiancé"

"Yes I am, anong nangyari?" tanong ko

"Nabangga ang kotse na sinasakyan ng fiancé mo, kasama ang driver niya" sagot nito "Nasa recovery room na ang driver, hindi naman kasi siya ang lubhang napuruhan"

Bigla akong nanlumo sa narinig ko.

"Chloe, hija" Isang boses ang narinig ko mula sa likuan, then I saw Chino's Mom

"Tita" ani ko sabay lapit sa kaniya

"Where's Chino?" nag-aalalang tanong ni tita

"Nasa loob pa tita" sabay turo sa pinto ng OR at biglang bumukas ang pinto at iniluwa naman nito ang isang Doktor

"Doc, kamusta ang anak ko?" tita asked the doctor, pero bat ganun nag-iba ang reaction niya

"Were very sorry but we do everything we can do, pero bumitaw na siya" ani pa ng doktor

Napaupo ako sa sahig at humagulhol, gayundin si tita. Hindi man lang kami nagkita, hindi man lang namin nasabi ang mga wedding vows namin.

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

"It's my 29th birthday. Nung Nawala si Chino 3 years ago akala ko dun din magtatapos ang buhay ko dahil sa sakit, Pero sa awa ng Diyos I survived from my Depression about what happened.Thanks to my family, Chino's Family and friends for helping me to recover. And to you guys na pumunta ngayong birthday ko thank you so much. Hindi ko na pahahabain pa baka mag ka iyakan pa."ani ko at nag tawanan sila "Enjoy the party everyone" sabay taas ng baso kong may wine sa hangin at gayun din sila

Pagbaba ko ng stage ay sinalubong ako ng Mommy ni Chino- kahit wala na si Chino patuloy parin ang communication namin sa family niya.

"Happy Birthday Chloe, alam kong nag ce-celebrate din si Chino sa Langit" aniya

"Thank you tita!" pasalamat sa ko sa kaniya "kain po kayo" anyaya ko

"No need na hija, actually dumaan lang talaga ako para ibigay ito sayo" aniya sabay abot ng isang tape

"Ano po 'to tita?" tanong ko habang hawak ang tape

"Iyan ang dapat ang regalo ni Chino noong ikakasal kayo. Pasensya na't ngayon ko lang naibigay hija" pag pasensya ni tita sakin, tsaka umiling ako

"It's okay tita, I know na mahirap mag let go sa mga bagay na ayaw mo pang kalimutan" sagot ko

"Hinding hindi ko din naman siya kakalimutan eh, sana ikaw din Chloe. Nga pala sa US na kami for good,Siguro ito yung tamang gawin para maibsan man lang ang hinanakit namin dito sa Pilipinas, pero bibisita parin naman kami dito kapag death anniversary ni Chino" aniya sabay tapik sa kaliwang balikat ko "hindi na ako mag tatagal hija, aalis na ako."

Kinabukasan ng birthday party ko ay nagising ako sa kwarto ko at medyo naalimpungatan pa ako pero pinilit kong bumangon dahil para bang may lalakeng nag lakad papuntang terrace ng kwarto ko

Isang lalakeng naka talikod pero kitang kita ang matikas niyang katawan. "Chino?" dali dali akong pumuntang terrace pero bigo akong Makita siya bagkus isang paru-paro ang Nakita ko at dumapo sa balikat ko

"Chino, kung naririnig mo'ko. Gusto ko lang sabihin na miss na miss na kita" ani ko sabang naka tingala sa kalangitan

Sa kalagitnaan ng aking pag tingala ay naalala ko ang binigay sa'kin ni tita kagabi kaya dali dali akong pumasok sa kwarto ko at kinuha ang tape at pinanood ito sa portable ko

"For my beloved ex-girlfriend or should I say my Wifey" iyan ang nakalagay sa unang limang Segundo sa video

Nandito sa video ang mga memories naming dalawa. Una, noong pumunta kami ng Disney Land na halos malligaw ligaw kami. Pangalawa, noong nag Korea kami na halos di kami makapag tanong ng direksyon kasi hindi kami marunong mag Korean. Pangatlo, pang-apat, pang-lima. Basta marami kaming memories na nasa tape na ito.

At sa huling parte ng video ay may message siya....

"Denver ayusin mo pag video ha, kukutusan talaga kita"

"ay, okay naba? Start na ako?"

Napa tawa naman ako sa tanong niya sa pinsan niyang si Denver

"Hi Chloe sipunin! AHAHAAHAHAH biro lang babe. Napanood mo na yung ginawa kong video clips? Syempre oo, kasi andito kana nga sa part ng speech ko diba?Ipusta mo sa bato na kinain ni Darna na habang nanonood kanito ay katabi mo'ko at naka talukbong ng kumot dahil sa hiya"

Napatingin naman ako sa tabi ko, pero wala ka Chino....

"Gusto ko lang sabihin na mahal na mahal kita. Hindi ko ma explain gaano ka laki yung pagmamahal ko sayo basta yun nayun. Teka Dre cut mo muna, naiihi ako"

Tumawa naman ako ng tumawa dahil sa sabi niya

"Ayan Im back sa panibagong bidjo ko, biro lang. Langyang speech diba? AHAAHAH basta alam mo na kung gano kita ka mahal. At tsaka last na'to. Pagkatapos ng videong to' ikaw naman mag speech sa harapan ko, okay? Sige na. I Love You, Goodbye!" sabay kaway sa camera

At natapos na ang video...

Dali dali akong nag handa dahil may mahalaga akong pupuntahan.

"Huy Chino iyakin! Tatlong taon ng nakakaraan pero andito ka parin sa puso't isip ko. Andito ako para tupadin yung sinabi mo sa video. Gusto kong sabihin na mahal na mahal na mahal kita. Ang daya mo naman kasi eh, kasi umuna ka. Nakakainis. Alam kong andito kalang sa tabi ko para bantayan ako" ani to "hanggang ngayon hindi ako naghahanap ng bago,baka diyan sa heaven may iba ka. Biro lang"

Napatingin naman ako sa kalangitan at medyo umaambon na. "oo na Chino, wala kanang iba diyan"

Muli akong napahawak sa lapidang may pangalan na....

In the loving memory of

Chino Hamidon

November 18,1991- August 31,2017

"I Love You too Chino, Goodbye"

avataravatar