1 My Teenage Enemy

Maaliwalas na kalangitan ang bumungad kay Clyde pagising niya . Ninanamnam niya ang bawat minuto ng mga sandaling iyon. Muntik na niyang makalimutan na ito pala ang unang araw ng pagbabakasyon niya sa Romblon, The Capital City of Marbles,kaya wala dapat siyang inaaksayang oras para pasyalan at makita ang mga magagandang lugar dito. Nagmamadali siyang kumilos para bumangon at mag ready para sa 1st day ng bakasyon niya nang bigla nalang may tumama sa ulo niya.

Shit! Aray! Anu yon? Tsskk! Nakakainis! Ang sakit

Dali dali niyang tiningnan ang bagay na tumama sa kanyang ulo.

Indian Mango? WT!!

Tiningnan niya ang bubong ng kwarto niya, bagamat may kalumaan pero wala namang sira o butas doon. Matibay ang pagkakagawa ng bahay bakasyunan nila , pamana pa ito ng parents nila kaya naman inaalagaan nila itong mabuti at pinapalinisan sa caretaker. Dalawa lang silang magkapatid siya ang panganay at ang kapatid niyang lalake ay may sarili nang pamilya. Bihira lang sila magkita. Swerte na ang dalawang beses sa isang bwan dhil busy rin ito sa business nilang travel agency.

2 years na din siyang Single, kasi pinagpalit siya ng ex-gf nia sa ibang lalake. Ngayong taon 30 na siya. Minsan napapaisip niya na mag asawa na,kaso mula ng pinagpalit siya ng ex niya nawala taste niya sa mga babae. Hindi siya bitter, wala lang talagang nakakakuha ng kanyang atensyon, dahil naniniwala siya na ang "true love comes in the right time and in the right place."❤️

Pinulot niya ang Indian Mango na tumama sa kanyang ulo para ihagis sa labas ng bintana, nang mapansin niya ang hindi niya malaman kung babae ba o lalake. Pinagmasdan niyang mabuti ang tao sa labas na binabato ang mga bunga ng mangga sa puno nila. Sa madaling salita nangungupit ito ng mangga at tinamaan pa siya sa ulo dahil binabato niya ang mga bunga nito. Patuloy niyang pinagmasdan ang tao and suddenly realized na babae pala ito. Natawa siya ng bahagya. Sinu ba naman ang hindi mag aakala na lalake ang nasa harap niya.Naka cap, naka shorts, tapos Tshirt na pang rockstar. Kung hindi niya pa napansin ang mga dibdib nito na matagal niyang tinitigan , hindi niya pa malalaman na babae nga ito.

Nagmamadali siyang bumaba ng hagdan para puntahan ang babae na nakapang rockstar ang outfit.

" ahm excuse me? Pasensiya na sa abala pero baka maubos na po ang mga bunga ng mangga NAMIN.? Mahal po ang kilo nyan sa Manila. Baka naman?

Tiningnan siya ng babae.

Maka "NAMIN" ka naman , kala mo naman nakalagay sa punong yan ang pangalan mo. Para sa sampung piraso ng mangga magdadamot ka pa? Magkanu ba isang kilo nito ha? Dodoblehin ko ang bayad, nakakahiya naman sayo eh "

Lumapit siya sa babae, at tiningnan ang mukha nitong kala mo may regla. G na G

Nagulat pa siya ng makita niya ito. Familiar sa kanya ang babae at hindi siya maaring magkamali.

" Ca-camille?? My God! Ikaw na ba yan? Anyare sayo? Bakit ganyan na ichura mo? Pinangarap mo ba yang ichurang yan ha? Ampanget ng pormahan mo! Haha!

Nagulat ang babae at lumingon sa kanya. Tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Nang makilala siya nito nabitawan pa ang hawak na mangga.

" Clyde??? Luh? Ikaw yan? Kelan kapa dumating? Hindi kita nakilala ah? Anlaki ng improvement sa mukha mo,akala ko artista Haha! Umamin ka, nagpa belo ka noh? Anu nakita mo na ba sa personal si vicky belo? Pati si hyden? Tsaka ung anak nilang si scarlet? Laki ng pinagbago mo hype ka, pwedi ka na maging bida sa pelikula! Haha

"Nu ka ba? Ako lang to noh! Maliit na bagay! Haha

Anyare ba sayo at nagkaganyan na ichura mo ngaun? Muka kang lalake sa suot mo! Malayong malayo sa dating ikaw."

"Chill ka lang! Ngayon lang naman to, nagkataon lang din ksi na trip ko magsuot ng ganito,tsaka mangunguha lang naman ako ng mangga! Kelangan naka dress? Naka lipstick? Duh?? Mangga lang yan! Mangga!

Natawa si Clyde 😂 Hindi pa rin pala nagbabago ugali ni Camille, maldita padin.😁

"Anu? Ganyan ka nalang? Titingnan mo nalang ako? Galing ka ng maynila wala ka man lang iaabot sakin kahit panty? Naku ! Naku! Sinasabi ko sayo! Huwag ka magpapakita sakin uli kung wala kang pasalubong! So panu? I'll get going na, baka hinahanap na ako ni Mother. Pasyal ka nalang sa bahay if gusto mo. Bye! 🤚🏻

Naiwan si Clyde na nakangisi.

Naalala niya pa nung kabataan nila. Classmate sila ni Camille nung high school,same section.Consistent with Honors, pero sadyang competitive itong si Camille kaya naman hindi ito naaalis sa pagiging Top 1.

Kagaya ng iba hindi rin sila magkasundo. Away bati sila nuon parang aso at pusa. Grumadweyt sila sa High school na magkagalit sa isat-isa.

(COLLEGE TIME)🤗

College na sila bago maging close sa isat-isa. Siguro dala na rin ng maturity. Kung gaano sila ka-galit sa isat isa nuong high school, kabaliktaran naman nung humantong sila sa college. Super close na sila,minsan napagkakamalan pa silang mag jowa. Bagamat magkaiba sila ng course na kinuha hindi parin naman iyon naging hadlang para maging malapit sila sa isat isa. Hanggang hindi na nila namamalayan ang mga panahong lumipas , grumadweyt sila na hindi lang Degree at Diploma ang pinanghahawakan at pinagmamalaki, dahil sa huli naging mag "BESTFRIEND"pa sila.😇❤️

avataravatar
Next chapter