2 More Beautiful than the Beach

Dream come true para kay Clyde ang makauwi at makapag bakasyon muli sa Romblon. More than 10yrs na nung siya ay huling nagbakasyon rito kaya naman miss na miss niya ang kanilang probinsiya. Kung pwedi nga lang dito nalang siya manirahan. Hindi niya rin ksi pweding iwanan at pabayaan nalang ang negosyo nila sa Manila. Kaya hanggang bakasyon nalang siya kapag may time.😇

Pinakauna niyang papasyalan ang mga beach dito. Lalo't naging travel destination na ito ng karamihan dahil sa mga mala Palawan na mga beaches dito. Excited na siya 😍

Mahigit isang oras bago niya narating ang lugar. Speechless. Napakaganda ng resort. Malinis,hindi crowded,at dito mo talaga mararamdaman ang sinasabi nilang Peace of Mind.

Plano niya mag overnight dito kaya naman pumasok na siya sa loob para makapag check-in. Mura lang ang bawat room but not bad. Makakapag relax ka parin ng maayos. Magpapahinga muna siya bago niya ikutin ang resort at enjoyin ang tubig ng dagat.

(3 HOURS LATER)

Naalimpungatan si Clyde at tuluyang nagising dahil sa amuy ng inihaw na isda.Bigla siyang nagutom,hindi nga pala siya nakapag lunch kanina dahil nakatulog pala siya habang nagpapahinga. Nakaramdam siya ng gutom kaya naman lumabas muna siya para i check kung saan nanggagaling yung amuy ng inihaw na isda.

"Ay gising kana pala sir, pasensiya na binilin lang sa akin ni tatay na mag ihaw ng isda para sana sa lunch nyo, nagising po yata kayo sa usok."

Pinagmasdan niya lang ang babaeng nagsasalita. Kung hindi nito sinabi na anak siya ng caretaker ng resort mas iisipin niya pang ito ang anak ng mismong may ari ng resort.Matangkad ang babae,makinis ang balat,hanggang balikat ang buhok na medyo blonde na lalong nagpaputi sa balat nito. Napakasimple pero napakaganda😍Naka shorts lang ito kaya naman kitang kita ang magagandang hubog ng legs nito. Napapatitig si Clyde ng husto ng maramdaman niyang naiilang na sakanya ang dalaga.😓

"Ahm, sir okay na po. Luto na siya."

Inilagay ng dalaga ang inihaw na isda sa plato at inihanda ang kakainin ng kanilang guest. Sa maliit na lamesa, bukod sa kanin at inihaw na isda, may inihaw din na pork,at inihaw na mais. Tumaas kilay niya, nagtaka siya bat puro inihaw.😅 Inisip nalang niya na baka yun lang ang alam lutuin ng magandang dalaga. Nag umpisa siyang kumain at lantakan ang mga inihain na inihaw,pagkatapos ay ang mga fruit desserts. Nabusog siya ng husto.

Hindi na masyadong maainit kaya naman maglalakad lakad muna siya sa dalampasigan para matunaw ang kinain niya.

Naka white T-shirt, tsinelas at shorts lang si Clyde habang naglalakad lakad sa buhangin.Sobrang ganda.Sobrang payapa.Sobrang fresh ng hangin.Ang sarap sa feeling! Parang ayaw na niya bumalik ng Maynila.

Umupo siya sa medyu mataas at ma batong bahagi ng resort nang makaramdam ng pagod.Tanaw na tanaw nia ang kagandahan nito. Kitang-kita rin ang maliliit na bangka ng mga nangisngisda. Napakalinaw ng tubig asul na may pagka berde.

(Speaking of berde)- naala niya si ate girl na nag iihaw. Sobrang na appreciate nia ang ganda nito at kasexyhan.

(Speaking of kasexyhan)- bigla niyang naalala ang bestfriend niyang si camille. Ni minsan hindi niya ito nakita na nakadamit ng sexy. Alam niyang maganda ito, kulang ang salitang maganda kung ididiscribe niya si camille. Kung hindi niya nga lang ito bestfriend baka isipin niyang tomboy ito. Saksi rin siya sa mga kalalakihan na nagtangka na ligawan ito, pati na rin siya. Napailing nalang siya.

Hindi siya naging torpe, ayaw niya lang masira ang pagiging mag bestfriend nila natatakot siya baka iwasan siya ni camille, hindi niya kakayanin un.

Kaya naman after college graduation lumuwas siya ng maynila at dun na nanirahan ng mamatay ang kanyang mga magulang dahil sa car accident. Since,siya ang panganay kaya no choice sya para ipagpatuloy niya ang naiwang business ng kanilang magulang. Duon niya naibaling ang atensyon sa iba. Dun narin siya nagka girlfriend. Nawalan sila ng communication ni Camille dahil na rin sa GF niya na selosa. Nag focus siya sa babae at plano na rin niya sanang mag propose dito. Pero hindi lahat ng lovestory ay may magandang ending. Sabi nga sa lyrics ng kanta, "Pinagtagpo pero Di Tinadhana.💔

Napapailing nalang siya sa mga alaalang yon.

Tatayo na sana siya ng mapansin niya ang dalawang babae na nag-uusap sa di kalayuan. Kahit sa malayo kilalang kilala niya ang bestfriend niya. Familiar din sa kanya ang kausap nito, hindi niya alam ang pangalan pero ito yung nag iihaw sa kanya knina ng tatlong putahe.

"Ah,so magkakilala sila? Ang liit nga tlga ng mundo oh."

Pinagmamasdan niya lang ang dalawa na masayang nagkukwentuhan. Walang kupas ,napakaganda parin talaga ni camille kahit anu pa isuot nito. Kaya mas ok na siya na ganyan ang pananamit ni camille kasi baka mapa away rin siya kapag may tumingin dito. Napailing na naman siya.

"Oh shit, nandito ako para enjoyin ang lugar, hindi para mag enjoy sa babaeng nakikita ko"

Twice ko palang siya nakita mula ng pagdating ko,pero bat ganito na uli ang nararamdaman ko? Ambilis ng tibok ng puso niya.

Sa di kalayuan naman patuloy parin ang kwentuhan ng dalawa.Hindi nila alam na may mga matang knina pa nakatitig sa kanila lalo kay Camille.

"Grabe bes,may guest kmi dito ngayon napaka pogi! Na love at first sight yata ako sakanya. Sana magtagal pa siya dito sa resort para lagi ko siya makita at ipaghain ng makakain niya."😇

"Naku Mica ha! Tumigil tigil ka diyan! Baka masabunutan kita! Nakakita ka lang ng gwapo kung anu ano na pumapasok jan sa isip mo! Kunyat ka sa akin! " natatawang sabi ni Camille.

"Totoo to bes. Ngayon ko lang naramdaman to"

"Wushu!! Dami mong alam, tama na nga yang pag eemote mo! Di bagay sayo!

Hinila ni Camille ang kaibigan at mabilis na umalis sa kinauupuan nila.

Nakita ni Clyde ang dalawa na paalis sa kinauupuan nila. Napansin niya pa ang paghila ni Camille sa katabi nito.Natawa nalang siya at napabuntong hininga at nasambit ang pangalan ng Bestfriend niya.

"Haaaayyy.. Camille".❤️

avataravatar