1 Day One

Kakatapos ko lang magstreching pero humikab parin ako.

"Tara na Gwera!" sabi ni ate at nag jog na.

I sighed before following her.

Alam niyo iyong pakiramdam na napilitan ka lang? At wala kang magawa kundi sumunod? Eto iyon. Ginising ako ng napakaaga at naputol ang maganda kong tulog.

"Gising na Gwera! Bangon na diyan! Day 1 to ng pagpapafit natin!"

Hindi niya alam na ang ganda ng panaginip ko eh! Kahit sa panaginip na nga lang magkakalove life na ako nawala pa!

Pinunasan ko ang tumulong pawis sa noo gamit ang towel na dala at nagpatuloy sa pagjog. Sige na seseryosohin ko na eto atleast ako rin naman ang makakabenefit nito. Mababawasan ang taba ko sa katawan. Hindi naman ako ganoon kataba, pero may taba talaga.

Pauwi na kami ay lakad at jog na ang ginagawa namin.

"Ate, bili muna ako ng kape." sabi ko pagkakita sa coffee shop.

Gusto ko ang coffee shop na ito dahil ang aga talaga nila nagbubukas. Usually eight nagbubukas ang iba pero sila, six palang bukas na. Akala ko nga noon 24/7 sila. Pero matagal lang sila nagcoclose at maaga magbukas.

"O sige, bilhan mo rin ako!" umalis na siya sa harap ko. Mabilis iyon at alam ko kung bakit.

"Hindi libre to! Magbayad ka sa akin sa bahay ah!"

Hindi siya sumagot at tumakbo na paalis, palayo.

Umirap ako at tinulak ang pinto ng coffe shop. Iba't ibang klase agad ng amoy ang nasinghot ko. Nakakatakam naman! Naghalong amoy ng kape at tinapay. Sinong hindi matatakam non?

Hindi ako magheheavy breakfast ngayon, susulitin ko na para naman hindi masayang ang pagjojog ko no.

"Ate, isa nga pong caffe latte at cappucino." sabay kapkap ng pitaka ko sa bulsa ng jacket ko.

Kumunot ang noo ko ng makaamoy ng mabango. Hindi naman ito amoy ng kape at tinapay pero shit! Ang bango talaga!

Lumingon ako sa likod ko at nakita kung saan nanggaling iyon. Kailangan ko pang tumingala para makita ang mukha niya. Yumuko dahil kitang kita niya rin ang paglingon ko sa kaniya. Wala siyang imik na tinignan din ako pabalik.

Ang...ang gwapo! Ba't ang gwapo? Shit! Ang gwapo! Ang bango!

"Ma'am here's your order po." lumingon ako at nakitang handa na ang order ko. Ang bilis ah?

"Thank you." inabot ko na ito ng may ngitingnhiya dahil mukhang kita pa niya amg pagtanga ko kanina.

Atsaka pala, nakabayad na ako.

Sa huling beses nilingon ko ulit si kuya na sumulyap rin sa akin habang sinasabi amg order niya. Ngumisi siya at umiling na parang nakakatawa ako. Napaawang ang bibig ko sandali at mabilis na umalis sa coffe shop. Nakakahiya!

avataravatar