webnovel

I Hate to Admit "But I Love You"

"Pag ba pag nagmahal ka handa ka rin masaktan?" Yan ang tanong ni Arianne sa kanyang sarili ng hindi sinasadyang ma inlove siya sa lalaking hindi naman siya mahal. Hanggang saan ang kaya niyang gawin para makamtan ang kaligayahang hinahangad niya? Arianne Bakos/Rexon Xander Madrigal

xihuan · Fantasy
Not enough ratings
10 Chs

Chapter 7

          Nagising si Arianne na mag isa nalang sa kwarto. Nang kapain niya ang kanyang sarili ay nakadamit siya ngmalaking polo. Alam niyang sa binata iyo. Hindi niya alam kung aning oras nakaalis ang binata. Maaga pa naman. Akmang tatayo na sana siya ng mapangiwi siya sa sakit na naramdaman sa bandang ibaba niya. Umupo muna siya ng ilang sandali bago pilit na tumayo. Nakita agad niya ang pulang mantsa na nasa puting sheet sa kama. Agad niyang tinanggal ito at pinalitan ng bago na nasa drawer. Mabilis niyang kinuskos muna ang mantsa ng dugo bago niya inilagay sa laundry basket. ayaw niyang makita ito nino man.

          Agad na naligo si Arianne kahit paika ika pa. Pinilit niyang gawing normal ang kanyang paglakad baka mahalata siya ng mga kasamahan. Nagpasalamat naman siya at hindi pa dumating si Arianne. Pagkatapos makalaigo ay nagpasya na pumunta si Arianne sa cafe para magbreakfast. Nagtext nalang siya sa mga ito na pupunta na siya sa cafe.

"Hello Rian!" Tawag ng tatlo sa kanya habang nagkakape.

"Oh hi! Kumusta ang party?" Ganting tanong niya sa mga ito.

"Eto nga friend, may hang over pa dahil sa dami ng nainum namin kagabi. Hindi ka naman na namin inaya kasi nagbilin si Boss sa amin na hayaan ka nalang makapagpahinga.!" Paaliwanag ni John sa kanya.

"Sinabi niya yon?" Hindi makapaniwalang saad ni Arianne.

"Aha!!!" sabay  sabay na sagot ng mga ito.

Natapos silang kumain at dumeretso sa isang cottage kung saan magkakaroon daw ng mga palaro doon. Kailangan nilang sulitin ang pag stay sa resort na ito dahil maaga pa sila babalik bukas. Nabalitaan ni Arianne na nauna ng bumalik sa Maynila ang kanilang boss dahil may emergency daw sa isa sa mga investors niya.

**********

          Nakapag empake na si Arianne at ready na sa pag alis. Sabay na silang lumabas ni Anne, at pagdating sa labas ay nakaready ang bus na sasakyan nila pabalik.

"Back to reality na naman tayo!" Kausap ng dalaga sa sarili habang lulan sila ng bus. 

Tinawagan agad niya si Nicole para magkita sila mamaya. Namiss na niya ito. Alam niyang sobrang busy din ito sa trabaho pero gayunpaman ay hindi nito nakakalimutan bigyan din ng time o space ang sarili.

"Hello!" Sagot ng sa kabilang linya.

"Asan ka?" Tanong ni Arianne sa kaibigan.

"Pauwi na kami ngayon. Magkita tayo mamaya pagdating ko!" Turan niya sa kaibigan.

"Sure! Ingat ka sa byahe!". Yun lang at agad na ibinaba na nito ang cellphone.

          Bigla niyang naalala ang nangyari noong nakaraang gabi. Ang pag angkin ng binata sa kanya. Pagkatapos noonhindi na niya nakita ito. Hindi niya alam ang gagawin kung sakali magkita sila muli at malaki ang posibilidad na magkikita sila dahil isa lang kompanya ang pinagtatrabahuan nila.

          Medyo pagod na inilapag muna ni Arianne ang kanyang mga bagahe at nagtungo sa sala para maupo. Maya maya ay hindi niya namalayan na nakaidlip siya. Tuluyan ng nilamon ng kadiliman ang kanyang sarili. Dahil narin sa pagod siguro sa byahe. 

*******

Sa kabilang banda, Abala si Rex sa expansion ng business na itinayo niya sa France at Europe. Hindi na niya nakita pa ang dalaga bago siya umalis. At ngayon ay lilipad siya patungong Europe para asikasuhin ng personal ang mga iyon. Hindi niya alam kung hanggang kelan siya mananatili doon. Tanging ang personal assistant niyang si Brian Espinosa ang nakakaalam sa pag alis niya.

Isipin pang nakatakda na siyang ikasal kay Monica. Anak ng business partner ng kanyang ama. Hindi niya dapat maramdaman ang ganito sa dalaga pero bakit parang iba ang sinisigaw ng puso niya? 

"Brian!". Tawag ni Rex sa kanyang personal assistant na ngayon ay nagmomonitor sa kompanya niya sa Pilipinas habang wala siya.

"Yes Mr. Madrigal."

"Look after Arianne for me." Yun lang ang tanging sinabi ng binata.

"Yes Sir!".

Si Brian ay alam kung ano ang tunay na estado ng binata sa dalagang tinutukoy nito. Mahirap man ipaliwanag pero darating ang panahon na aayusin niya ang bagay na iyon at sinisiguro niyang kasama niya ang babaeng mahala niya.

*******

Mahigit isang buwan ng hindi niya nakikita ang binatang amo. Hindi niya maintindihan pero parang meron sa kanya na namimiss niya ito. Para maibsan ang kalungkutan niya ay inabala nalang ang kanyang sarili sa mga trabaho ng araw na iyon.

Sa gitna ng kanyang pag eencode ay nakaramdan si Arianne ng pagka antok. Sinubukan niyang ipilig ang kanyang mga mata para mawala ito. Ngunit maya maya na naman ay naantok na naman siya. Hindi na niya nakayanan ang antok at napatigil siya sa kanyang ginagawa.

"Rian!!" naramdaman niyang may yumugyog sa kanya.

"hmmmm". Ungol ng dalaga.

"Gising Rian!Darating na daw si Boss !"Sabi ni John

Dahil sa gulat na narinig ni Arianne sa binanggit ng mga kasamahan ay napatayo siya agad. Nang bigla siyang mahilo at napatayo ulit. Maya maya ay nawala naman ang pagkahilo niya.

"At kasama yata niya ang kanyang fiancee! Siguro kaya tumagal ng mahigit isang buwan si Boss na wala ay dahil inaasikaso siguro nila ang kanilang nalalapit na kasal!" Komento ni Anne.

"Ang mga magulang na nila ang gustong makasal yata sila sa lalong madaling panahon kasi tumatanda na daw sila! At gusto na ng mga ito ng amo!" Si Olive na tumayo sa kanyang inuupuan.

Sa isiping ikakasal ang binata sa iba ay parang tinarakan ng isang napakatulis na kutsilyo ang kanyang puso. Bigla na naman siyang nahilo at napasapo siya sa kanyang ulo. Maya maya ay biglang tumindi ang kanyang pagkahilo. Kaya napaupo siya ulit.

"Rian! Okay ka lang ba?" Tanong sa kanya ni Olive. Tumango lang siya.

"Mukhang hindi eh! You look pale girl! May masakit ba sayo?" Si John na nag aalala narin.

"Ang mabuti pa eh magpatingin ka muna sa doctor, baka kung ano na yan!". May pag aalala sa mga boses nito.

"Hindi kaba buntis Rian?" Sa narinig na sinabing iyon ni Olive ay biglang nagflasback ang nangyari sa kanila ng binata sa resort.

"Bakit mo naman naitanong?" kinakabahang tanong niya kay Olive.

"Pansin ko kasi, nitong mga nakaraang araw lagi kang antukin. Tapos mahilig ka kumain ng mangga na sobrang asim na hindi mo naman dati ginagawa.!" ani Olive.

"Oo nga, pati nga din ako. Tsaka hindi kana rin masyado nagkakape kada umaga!" Dagdag ni Anne pa.

"Kung hindi nga lang namin alam na wala ka namang boyfriend eversicne ay aakalain talaga namaing buntis ka sa mga unusual na ginagawa mo recently!" Singit ulit ni John.

"Oh baka naman may something na hindi mo sinasabi sa amin?" Si Olive maya maya.

"Alam mo Rian, kung anuman iyo mga kaibigan mo kami. At andito kami para sayo kung kenakailangan ano!" Si John.

"Meron ba Rian?".. Sabi ni Anne na titig na titig sa mukha ng dalaga.

"A..h ehh..h..indi kasi ako sigurado sa kutob ko!". Medyo naguguluhang turan ng dalaga sa mga kaibigan.

"Kutob na ano?" sabay sabay na tanong ng tatlo.

Hanggang sa ikinuwento na ng dalaga ang minsang namagitan sa kanila ng binata sa resort. Gusto narin niyang ilabas ang bumabagabag sa kanya para maibsan naman ito. Inamin narin niya na may namumuong puwang sa puso niya ang binata pero kailangan niyang tikisin dahil pagmamay ari ito ng iba at hindi siya mahal ng binata.

"Ano! Merong nangyari sa inyo?" Hindi makapaniwalang bulalas ng tatlo.

"Dahan dahan naman sa pagsasalita baka may makarinig sa atin". Saway niya sa mgaibigan.

"Paano yan? Hindi nga malabo na may laman na iyang tiyan mo" Sambit ni Olive.

"Anong plano mo? Sasabihin mo ba kay boss iyan?" maya maya ay tanong ni John sa kanya.

"Kung totoo man na may laman na itong tiyan ko. Hindi naman kailangan na malaman niya eh! Ayoko makasira sa nalalapit niyang kasal.!" Yun lang nag nasabi ng dalaga kasabay ng lungkot na maaninag mo sa mukha.

"Kaya ko namang palakihin ang magiging baby ko kung sakali!". Si Arianne ulit.

"Mamaya ay sasamahan ka naming magpa check up sa doctor at ng malaman na natin kung talgang may laman yan o wala. At kung may laman nga iyan...lahat kami magiging ninang dyan!" Si John na ikinatawa nilang lahat.