webnovel

I Hate to Admit "But I Love You"

"Pag ba pag nagmahal ka handa ka rin masaktan?" Yan ang tanong ni Arianne sa kanyang sarili ng hindi sinasadyang ma inlove siya sa lalaking hindi naman siya mahal. Hanggang saan ang kaya niyang gawin para makamtan ang kaligayahang hinahangad niya? Arianne Bakos/Rexon Xander Madrigal

xihuan · Fantasy
Not enough ratings
10 Chs

Chapter 5

          Samantala....habang papasok si Rex sa entrance ng resort pagkatapos ihatid si Monica dahil may Photoshoot pa daw itong dadaluhan ay agad nakarinig siya ng mga singhap at kaguluhan sa may bandang pool. Dali dali siyang nagpunta doon at nakita nilang nagsisisgawan at nagbubulungan na ang mga tao doon. Lahat sila ay nagulat sa nangyari kaya hindi tuloy nakakilos.

          Agad naman na tumakbo si Rex papunta sa pool na makita niyang nagkakawag kawag ang taong unti unti ng lumulubog. Inisang hakbang lang niya at mabilis na lumusong at agad na dinaluhan ang taong nalulunod. At dahil sa lalim ng tubig ay hindi niya agad nakita ang pakay ng tuluyan na itong lumubog. Sinisid niya ang kailaliman nito at laking pasalamat niya ng may makita siyang pigura ng tao na nakapikit na at wala ng malay. Pilit niyang iniahon ang katawan ng babae at agad na binigyan ng CPR. 

          Ilang minutes pa ang lumipas ng umubo si Arianne ng napakaraming tubig. Nakahinga naman ng maluwag ang binata ng makitang nagkamalay na ang dalaga. Hinang hina si Arianne pagkatapos at lupaypay. Sinubukan niyang tumayo para ipakita sa lahat na okay lang siya. Tatayo palang sana siya ng biglang napaupo ulit sa semento. Nanginginig pa ang mga  paa niya. Agad namang nag sorry ang nakabangga sa kanya at natakot sa kanilang amo.

          Nang makita ni Rex na nagpupumilit na makatayo si Arianne ay agad niya itong binuhat at walang pakialam na umalis kasama ang karga kargang si Arianne. Sa gulat ay bigla nalang napakapit ang mga kamay ni Arianne sa leeg ng binata para hindi mahulog. 

"S..i..r! Ibaba niyo na po ako!" Nahihiyang sabi niya sa boss kasi maraming nakatingin sa kanilang dalawa.

"Stay still!" Maawtoridad na tono nito.

"Nakakahiya po kasi pinagtitinginan po tayo. Kaya ko naman na po ang maglakad!". Pagpupumilit parin niya dito pero hindi talaga siya nito ibinaba.

"Which room are you staying at?". Maya maya at tanong nito sa kanya habang buhat buhat parin siya.

" Ah eh Room 253 po Sir!". Yun lang at mabilis na tinungo ang room na sinasabi niya.

          Pagkabukas sa room na occupied nila ni Anne ay mabilis siya nitong pinaupo sa couch doon. ilang sandali lang ay dumating naman ang mga kaibigan niya na hinihingal pa. Lahat sila nag aalala. Hindi na nga nila alintana ang kanilang amo.

"Since you are all here, I will leave her to you all.! Take care of your friend!". Yun lang at agad na itong lumabas ng kwarto. Naiwang nakatanga ang tatlo kapagkuwan ay lumapit sa kanya sa may couch.

" Kumusta na ang pakiramdam mo girl?" Si John.

"Okay lang naman!". Sagot ni Arianne sa nanghihinang tinig. Nandoon parin kasi ang kaba at ang panghihina niya sa nangyari kanina.

"Sorry Rian, huh! Pati kami hindi nakagalaw para tulungan ka dahil sa gulat namin.!" Hinging paumanhin ni Olive sa dalaga.

"Pero alam mo ba kanina? Salamat talaga ng marami kay Sir kasi kung hindi dahil sa kanya ay baka wala kana talagang buhay kanina. Alam mo bang si Sir ang nag CPR sayo?Layo kaya ng tinakbo ni Sir kanina para lusungin ka!". Paliwanag ni John sa kanya. Binigyan agad siya ni Anne ng tubig na maiinom.

"Oo nga!Kaya salamat talaga kay Sir savior mo talaga siya Rian!". Ungot pa ni Anne.

"Oh siya siya! Okay ka naba talga Rian? Nakukunsensiya talaga kami sayo kanina. Kami yung mga kaibigan mo pero di kami nakatulong sayo!". Nakokonsensiyang pahayag ni Olive.

"Hayaan niyo na iyon! Wala naman nangyari sakin eh! Andito pa naman ako oh!" Pagpapakalma niya sa mga kaibigan kasi talaga naman  nakokonsensiya din sila.

          Ilang saglit din nag stay pa doon sila Olive at John sa kanilang kwarto ni Rian ng mapagpasyahan nilang bumalik muna sa party. Si Anne naman ay ayaw muna sanang umalis pero sinabihan na niya na wag siya intindihin dahil okay naman na daw siya, kaya sa huli ay sumunod din ulit sa dalawa. Naiwan siyang nakaupo doon at maya maya pa ay naligo na lang siya ng medyo pakiramdam niya na kaya na niyang tumayo.

          Pagkalabas niya ng banyo ay agad na may narinig siyang katok sa pinto. Akala niya ay isa sa mga kaibigan niyang sila Olive at John. Baka lang may nakalimutan, pero ng mapagbuksan niya ng pinto ay bumungad sa kanya ang kanilang Boss. Si Rexon.

"John and Olive told me you didn't eat something!". Bungad na tanong nito. Kapagkuwan ay napadako ang mga mata niya sa Likod ng binata. May kasama pala siyang staff ng resort na may tulak tulak sa mesa na mga pagkain.

          Agad nitong seninyasan ang staff na siya nalang magpapasok ng ppagkain sa loob. Nang makaalis ang staff ng resort ay hindi parin niluluwagan ni Arianne ang pinto.

"Aren't you going to let me in?". Maawtoridad na tanong nito. Nang mahimasmasan si Arianne ay saka palang nag sink sa kanya ang sinabi ng amo.

          Niluwagan niya ang bukas ng pinto at hinayaang papasukin ang binatang amo kahit nasa ganon siyang ayos. Hawak hawak niya ng mahigpit ang pagkakabuhol ng tuwalya sa kanya baka mamaya eh malaglag ito.

"Now, eat!". utos ulit nito sa kanya. Hindi muna siya natinag sa sinabi nito. Nang makita niya kung gaano katalim ang mga ngiting ipinukol nito sa kanya ay dali dali siyang umupo at nagsubo.

          Hindi niya alintana ang mga matang nakatutok sa kanyang harapan. Kahit na ilang sa pagkain ay naubos parin niya ang mga pagkain na ipinahatid nito. Medyo nainis na siya dito. Hindi porke amo siya ay siya ang masusunod huh! Naiinis na turan niya sa isip bago inirapan ng palihim ang binatang amo.

"And what's with that face?" Hindi niya namalayan na sa palihim na pagirap niya ay sakto namang napadako ang mga mata nito sa kanya kaya huling huli siya.

"Ahhh...nothing Si.r!" Yun nalang ang tanging nasambit niya sabay yuko dito. Ayaw niyang salubungin ang mga tinig nitong parang nang aarok.

"Am done na Sir!" Sabi ng dalaga. Inakala niyang aalis na ito kapag natapos siyang kumain. Pero ilang minuto pa ang dumaan ay hindi ito ttuminag sa kinatatayuan.

"Sir! tapos na po akong kumain!". Ulit niya sa binata.

"And so?" Ganting tanong naman nito sa kanya.

Biglang napataas ang kilay niya sa sinabi nito. Eh arogante pala din itong mokong na ito eh.

"Pwede ka na po umalis Sir!". Medyo naiinis na turan niya sa binata.

"No!' Mabilis na sabi nito sa kanya at dahan dahang humakbang sa kinaroroonan niya.

"At bakit naman ho hindi? May kailangan pa ho ba kayo Sir?" Paupladang tanong niya sa binatang amo. Nawawala narin ang pagtitimpi niyang sagutin ito ng pabalang ah.

"Not until I claim my reward!" At bago pa nag sink in sa utak ng dalaga kung ano ang tinutukoy nitong reward ay inisang hakbang nalang nito ang pagitan sa kanilang dalawa at mabilis na siniil siya ng mapusok at madiin na halik na animoy mapagparusa.

"Uhhhmmmm!!!!" Hindi magawang makapalag ni Arianne sa nangyari. Halos mapugto ang mga hininga nila ng maghiwalay ang kanilang mga labi.

"That's for saving you earlier!". Sabi nito at agad ulit siyang dinaluhong ng halik ng mokong. Madiin parin ito at mapusok. Hindi pa nga nakakahuma si Arianne sa uanng halik ay andito na naman sinmundan na naman ng isa pa.

"And that's for being so stubborn!" Bulong nito kapagkuwan habang hinahalikan parin siya.

          Maya maya pa ay pinakawalan narin siya nito. Tulala si Arianne sa nangyari. Hindi niya namalayan na nakaalis na pala ang binata sa harapan niya. Napasandal siya sa upuan dahil sa nangyari. Hindi niya lubos maisip na hinalikan siya ng binatang amo. Sapo sapo niya ang mga labing inangkin lang nito kani-kanina lang. 

          Dahil sa nangyari ay hindi na niya nagawa pang makabalik sa party. Nagkasya nalang siya sa mga naririnig na kasiyahan sa labas ng resort. Hindi nagtagal ay nakaidlip siya. 

_______________________________________