webnovel

Waiting For Your Love

Laine's Point of View

HULING gabi na ng rehearsal namin then tomorrow pahinga na muna.Beauty rest daw, dahil kinabukasan uli fashion show na.Kinakabahan ako dahil yung swimsuit ang finale at ako ang magrarampa nun.Sana lang maganda ang kalabasan ng show at hindi ako pumalpak.

" Okay isang ikot na lang then uwian na tayo." sabi ng nagtuturo sa amin.

After na ma~perfect na namin yung isang round,pinauwi na rin kami.Nagkatuwaan naman kaming magkakasama na mag videoke muna tutal pahinga naman kami kinabukasan.Lahat naman sumama kaya lang itong mokong na kasama ko may problema nung makarating na kami sa isang ktv and videoke bar sa may Macapagal.

Mas malaki kaysa karaniwan ang mga ktv rooms nila at mas sosyal dahil halos artista ang nagpupunta dito.May mga autograph pa ng mga artistang nanggaling na dun yung wall nila.Nung malaman ng mga staff na mga models kami, pinapapirma rin kami dun sa wall, may nakakilala pa nga sa amin ni Nhel dahil dun sa billboards namin sa Edsa.May mga ilan na nagpa-picture pa sa amin.

" Baby paano yan hindi tayo pwedeng magtagal dito,pauwi na si Lianna mula sa duty nya,wala syang kotse kasi sabi ko susunduin ko sya.Ngayon ko na rin kasi siya dadalhin dun sa surprise kong bahay,yung pinuntahan natin the other day, binili ko na.Nakakahiya naman sa mga kasama natin kung aalis agad tayo. " hindi mapakaling bulong ni Anton.

" Really Ton nabili mo na yon? Sige na puntahan mo na si Lianna, iwan mo na lang ako, baka kanina pa naghihintay yun." kampanteng saad ko.

" Paano ka baby dadalhin ko ang kotse natin? " nag~aalalang tanong nya.

" Don't worry about me pwede naman akong mag~taxi or maki~hitch sa mga yan pauwi sa atin.Sige na,nakakahiya sa mga ito kung pati ako aalis din.Ako na bahalang mag~reason kung bakit bigla kang aalis."

" Are you sure okay lang sayo na hindi kita kasama? "

" Sabi ng okay lang.Besides ang pangit namang tignan na kasama mo ang asawa mo sa moment nyo ng secret wife mo.At syempre pag natuwa yun sa surprise mo,yayakapin ka nun tapos magki~kiss na kayo at yung kasunod non alam mo na, hindi naman pwedeng nandun ako at pinanunuod kayo di ba? " nakangiting litanya ko.

Hindi na nya napigilan ang mapahalakhak sa sinabi ko,na naging dahilan ng paglingon ng mga kasama namin sa amin.Nasa isang sulok kasi kami nakahiwalay sa kanila.

" Alam mo baby,kabisado mo na talaga ang likaw ng bituka ko.Sige na nga aalis na ako,tumabi ka na sa kanila dun at ibibilin na lang kita sa kanila." inalalayan nya akong tumayo at iginiya papunta sa pwesto ng mga kasama namin.

" Guys mauuna na ako may inuutos lang sa akin si lolo.Iwan ko muna sa inyo misis ko.Pia pakihatid na lang sya sa amin tutal magkatabi lang naman tayo ng village." paalam ni Anton sa kanila partikular kay Pia na katabi lang ng village namin.

" Sure Tony boy kami na bahala kay Laine,hatid ko na lang sya sa inyo.Ingat ka." nakangiting sabi ni Pia.

" Thanks Pia.Bye guys! " paalam ni Anton tapos lumapit sa akin at hinalikan ako sa noo." Bye baby, ingat ka at yung usapan natin ha? Don't go near him at baka makalimot kana naman." pabulong lang baka may makarinig.

" Sira nag-promise na ako sayo di ba? Sige na, ingat ka po mister." hinaplos ko pa sya sa mukha.

" Okay I'll call you when I get there." turan nya at tumuloy ng umalis.

Dumating na yung mga pagkain at drinks na inorder namin ng mga kasama ko. Kumuha lang ako ng juice at konting pagkain dahil ayokong uminom, baka tamaan ako wala pa naman si Anton.

Nagsimula ng kumain yung iba. Yung iba naman kumakanta na. Busy ako sa pakikipag~kwentuhan kila Pia ng mapansin kong wala sa umpukan ng mga boys si Nhel,kasama naman namin sya nung pumasok.

Iginala ko ang tingin ko,nakita ko naman sya dun sa pwesto nila Clark. Nakatalikod sya kay Clark,umiinom din sya ng beer pero parang may sariling mundo na nakikinig lang ng music at may nakalagay na earphones sa tenga nya.

Lihim ko syang pinagmasdan.Mabilis ang tibok ng puso ko habang pinapasadahan ko ng tingin ang gwapo nyang mukha.

Nang bigla syang tumingin sa gawi namin at nahuli nya akong nakatingin sa kanya.

Tumingin lang sya sa akin, walang reaksyon.Asa pa ako.Simula nung may mangyari sa amin nung gabing yun, hindi na kami nagkausap.Medyo umiiwas ako kasi ayaw muna ni Anton na maulit yung nangyari hanggat hindi pa kami divorce.Alam nya kasi ang kahinaan ko.Si Nhel.

Alanganin akong ngumiti sa kanya.

Shemay naman kasi. Nakakahiya. Nahuli nya akong nakatingin sa kanya.

Maya~maya pa,naramdaman ko na lang na may tumabi sa akin,halos magtayuan ang mga balahibo ko sa katawan sa sobrang pagkakadikit nya sa akin.Tila hindi naman pansin ng mga kasama namin dahil busy sila sa pagkwekwentuhan.

" Bakit naman pinabayaan ka ng asawa mo na maiwan dito,pwede ka naman nyang isama kung tutuusin." bulong nya sa akin with sarcasm in his voice.Hayan,balik na naman yata kami sa hindi bati mode.

" Alam mo Mr.Mercado,hindi naman lahat ng oras kailangan nakadikit ako sa kanya. May mga pagkakataon din naman na hindi kailangan ang presensya ko.I am not like those random wives na halos ikulong na ang asawa nila at inaalisan ng kalayaan makihalubilo sa iba." may pasaring na bulong ko sa kanya.

" Yeah,I know you're not that kind at napaka~swerte ni Anton dahil hindi sya katulad ko na walang kalayaan sa buhay hanggang ngayon.Kung sana babalikan na ako nung taong minahal ko ng sobra, para hindi na miserable ang buhay ko ngayon. Naiinggit ako kay Anton.Sobra.Dahil yung taong gusto kong makasama sa buhay ko, nasa kanya." basag ang boses na bulong nyang muli pero mahihimigan din ang panghihinayang na nakapaloob sa bawat bigkas nya ng salita.

Nakaramdam naman ako ng awa sa kanya dahil sa tinuran nya.Na- guilty rin ako dahil naging rude ako kanina.Pero hindi ako pwedeng magsalita baka kasi may masabi ako na hindi pa napapanahon para malaman nya.Makakagulo lang sa sitwasyon namin ngayon.Kailangan muna na maayos ang lahat.

Tumingin ako sa kanya.I saw pain and sadness in his eyes.

Natutukso na akong haplusin ang mukha nya pero buti na lang tinawag ako ni Pia.

" Uy Laine, ikaw nga ang kumanta ng makarinig naman kami ng totoong kanta.Parang nilalagaring yero tong boses ni Steve eh, ayaw pa paawat." asar ni Pia sa kasama namin na modelo.

Nagtawanan ang lahat sa sinabi ni Pia.Pati si Steve na inaasar ay nakitawa na rin na kakamot-kamot pa sa ulo.Tila na-realized na tama ang sinabi ni Pia.

Lumapit naman ako at tumingin sa songbook.Itinuro ko ang kakantahin ko at sila na ang nagpindot.Bumalik ako sa upuan namin at sumunod si Pia na inabot ang mike sa akin.

Si Nhel naman ay bumalik na sa tabi ni Clark pero hindi inaalis ang tingin sa akin lalo na nung kumanta na ako.

Saying goodbye is never an easy thing

But you never said that you'll stay forever

But if you must go, darling I'll set you free

But I know in time we'll be together 🎶🎶

Tumingin akong muli sa gawi ni Nhel at napansin kong nakatitig sya sa akin.

Nahalata kaya nya yung lyrics nung kanta ay sya ang pinatutungkulan ko?

But I won't try to stop you now from leaving

Coz in my heart I know....

Love will lead you back

Someday I just know that

Love will lead you back to my arms

Where you belong, I'm sure, sure as stars are shining

One day you will find me again, and it won't be long

One of these days our love will lead you back.🎶🎶🎶

Oo Nhel, alam ko isa sa mga araw na darating ay babalik ka rin sa akin.Dahil walang tamang lugar para sayo kundi dito lamang sa piling ko.

Panay ang palakpak ng mga kasama namin ng matapos akong kumanta at 100 ang score.Hinihilingan pa nila ako ng isa pero tumanggi na ako.Naasiwa na kasi ako. Kung makatitig naman kasi si Nhel sa akin.

Maya-maya lang napansin kong umalis sya sa tabi nila Clark at tumabi uli sa akin.

Kinilabutan akong muli ng lumapit pa syang lalo at bumulong.

Ano ba naman itong katawan ko, konting lapit lang nya nagre-react agad?

" Nice song Laine, bagay sa ating dalawa.Alam ko isang araw, ibabalik ka ng pag-ibig natin kung saan ka nararapat.Tara, ako na maghahatid sayo pauwi." untag nya sabay hila sa akin at hinarap si Pia.

" Pia, inaantok na si Laine, ako na maghahatid sa kanya dun din naman ang way ko, itatawag ko na lang kay Anton." nagulat ako sa sinabi nya.Hala ano na naman kayang pakulo ng damuhong ito.

" Oh sure Nhel, baka nga hanggang mamaya pa kami dito para makapag-pahinga na rin yang si Laine.Itawag mo kay Tony boy ha?" pagpayag agad ni Pia.

" Sige ako na ang bahala." sagot nya at kumaway na rin kila Clark.

Naku po! Paano ba ito? Lagot ako kay hubby nito.

Baka kung saan pa nya ako dalhin.Naku napa-paranoid na ako, assumera pa.

OMG! I'm so dead.I kennat.

Patay ka Laine kay Anton!

Thank you for reading!

AIGENMARIEcreators' thoughts
Next chapter