webnovel

Valentine's Surprise

Aliyah Neslein Mercado Point of View

HINDI makatingin ng diretso sa akin si Onemig nang sagutin ang tanong ko. Ayaw kong maghinala pero sa nakikita kong reaksyon nya, parang gustong gumuho ng paninindigan ko na kailangan sa lahat ng pagkakataon ay nagtitiwala ako sa kanya. Trust is really a big word lalo na sa isang relasyon, kung wala ito, guguho ang anumang pundasyon na itinayo ninyo.

Kailangan mo lang namang magtanong Aliyah para mapanatag ka!

Tama, lahat ng bagay kailangan pinag-uusapan. Miscommunication can ruin a relationship. You should tap into the trust and care that you believe exists in your relationship, stay away from the judgment and blame game.No one is perfect and relationships have their challenging moments. At sa mga sandaling ito, ay isang challenge para sa akin. Ayoko syang i-judge kaagad hanggat hindi ko napapakinggan ang side nya. That's how relationship works. You have to listen first, don't let it linger without resolution.

" Wala nga ba akong dapat ikagalit beb? Hindi ka makatingin ng diretso sa akin eh. " muli kong tanong sa kanya. Mahinahon pero mababakas pa rin sa akin na medyo upset ako ng konti. Tiningnan nya ako.

" Sweetie I'm sorry. "

Napatda ako sa narinig ko mula sa kanya. Nanghina akong bigla. Kumabog ng mabilis ang puso ko. Jusko, may nangyari na naman ba sa kanila? Kung meron man, kakayanin ko ba this time?

Kung ano-anong imahe na naman ang nagsasalimbayan sa isip ko. Patuloy ang pagkalabog ng puso ko. Naa-upset na ako. Hindi ko maiiwasan ang hindi kabahan kasi naman kahit paano may past sila. She was his first in everything. Kahit hindi nya ito minahal, may nangyaring pinagsaluhan silang dalawa.

Relax Aliyah. Just listen first and trust him. Trust him!

" I can see that you are getting upset and that wasn't my intention. Let me better explain what I mean. " muli nyang turan nang hindi ako sumasagot. Halata nya kung ano ang nararamdaman ko. Napaka transparent ko naman kasi.

" Okay, I will listen. Pinapakaba mo kasi ako, baka ano na naman kasi---"

" Hep!" pigil nya sa sinasabi ko. " I know what you're thinking. It's not what you think it is. " tumingin siya ng diretso sa akin bago sya nagsalita. This time mata sa mata.

" Walang nangyaring kahit ano. Nag-usap lang kami. Nag-sorry sya sa lahat ng mga nagawa nyang panggugulo sa mga babaeng na-link sa akin noon. Pati yung letter na binigay nya nung birthday ko, wala lang daw yon. Mag-eexplain daw sana sya nung birthday ko but I didn't gave her the chance. Gusto nyang maging magkaibigan lang daw ulit kami. Pumayag na rin ako para wala na lang gulo. Para hindi ka rin nya idamay pa. Kaya naman hindi ako makatingin sayo ng diretso kanina kasi nahihiya ako sayo, remember ako yung nagpapaiwas sayo sa kanya tapos ako pa yung nakipagkasundo sa kanya ngayon. Parang wala akong isang salita pag ganon di ba sweetie ? "

I heaved a sigh of relief. Akala ko may nangyari na naman kaya sya nagso-sorry. Mabuti na lang. Mabuti na lang talaga kundi baka nag-walk out na ako ng umiiyak.

" Hay beb akala ko kung ano na. Pinakaba mo naman ako ng husto. Muntik na akong mag I therefore conclude kanina pero buti na lang pinairal ko pa rin yung trust ko sayo, hindi kita ni-judge base lang dun sa reaksyon mo. Although muntik na akong ma-shook kanina pero nakabawi naman. Kinabahan lang ako ng konti, alam mo na, nakainom ka pa naman. Pero sa isang banda, tama lang din yung ginawa mong pakikipag-kasundo sa kanya, hindi rin maganda sa pakiramdam yung may kinikimkim kang galit sa kapwa. "

" So, are you still upset? " tanong nya.

" Nope. Not anymore. Masyado kitang mahal para hindi kita unawain. Naintindihan ko na dahil nag-usap na tayo. "

" Maganda talaga yung napag-uusapan agad natin. Mabuti rin yung nagtanong ka kaagad. " turan nya tapos bigla kong naalala yung pagkikita namin ni Greta kaninang umaga sa office ng Chairman. Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanya.

" Alam mo bang nag sorry din si Greta sa akin kaninang umaga? "

" Really? How? "

" She personally approached me after the meeting with the Chairman, yung lolo ni Sav. " nakakaunawang tumango sya ng marinig ang sagot ko.

" Para saan naman yung meeting na yon sweetie? " muli nyang tanong.

" Hindi ko pa nga pala naibabalita sayo beb na ako ang representative ng department namin para sa Ms. Campus Sweetheart, si Derrick ang partner ko. Then si Greta ang representative ng Engineering, kaya hayun nagkita kami sa meeting. Siya ang kusang lumapit at nag sorry dun sa mga inasal nya sa akin lately . Sino naman ako para hindi magpatawad? Pero payo ni Gen at Sav, huwag daw akong masyadong magtiwala. Hindi daw lahat ng nakangiti mabait. "

" I'm so happy for you sweetie. Papanoorin kita sa pageant mo. Susuportahan kita dyan. Buti na lang si Derrick ang partner mo, hindi ako mapapakali kapag iba."

" Sus ayan ka na naman sa pagiging seloso mo beb. "

" I am not jealous. I am territorial. " may diin pa yung huling salitang binanggit nya.

" Ewan! Ganun na rin yon. " naiiling kong turan. Nginisihan lang nya ako saka kinurot sa pisngi. Aw. Nanggigil na naman ang damuho. Naiinis na hinaplos ko ang pisngi kong kinurot nya. Kainis. Namumula na naman ito panigurado. Pinandilatan ko sya. Tinawanan lang nya ako sa reaksyon ko.

" About your encounter with Greta kanina, tama ka baby kailangan magpatawad pero tama rin naman sila Sav. Hindi naman sa hinuhusgahan ko si Greta, mas mabuti na rin yung huwag tayong masyadong maging malapit sa kanya. Yung tama lang.Parang casual friends lang. Huwag tayong maging kampante. " tumango na lang ako bilang pag-sang-ayon sa kanya.

Tapos bigla na lang kaming natahimik pareho. Nagkatitigan kami pagkatapos bigla na lang nya akong hinalikan sa labi. Nabigla ako kaya hindi agad ako nakatugon. Pero nung medyo naging maalab at mapusok na yung halik nya, nadala na rin ako. Ikinawit ko pa yung mga kamay ko sa batok nya. Naramdaman kong napangiti sya sa ginawa ko. Ngiting tagumpay. Marupok nga kasi ako.

" Beb kaya mo na bang ihatid ako? Baka hinihintay na kasi ako sa amin. " tanong ko matapos ang makapugtong hiningang paghahalikan namin. Nakatitig pa rin siya sa akin while his thumb traced the side of my lips.

" Yeah, kaya ko naman. Gusto ko rin kasing kausapin si tito Nhel. "

" Ha? Para saan? "

" Magpapaalam ako kasi balak kitang i-date bukas. " lihim akong kinilig sa narinig ko. Kasi naman kapag narinig ko yung salitang date eh medyo humaharot ang takbo ng utak ko.

" Bakit mo naman po ako ide-date mister? " pabebe ko pang tanong. Natawa sya sa itinawag ko sa kanya.

" Nakalimutan mo ba na Valentine's day na sa Tuesday? Since pareho tayong may pasok nun kaya ia-advance na natin bukas misis. " may diin yung huling word,  napangiti ako, gumaganti eh.

" Mukhang na-plano mo na yang date na yan ah. "

" Syempre ito ang first Valentine's day natin together. Kailangan planado ang lahat. " lihim akong natuwa. Napaka sweet talaga nya. Every monthsary nga namin hindi sya pumalya sa pagsu-surprise sa akin. I'm so lucky to have him. I couldn't thank God enough that He gave him to me. He must be really thinking about me when He made this gorgeous man beside me.

" Thank you so much beb. I love you for everything that you are. "

" Anything for you baby. I can do everything for you. I love you so much and I could never see myself being with another person that isn't you. My heart is yours and it had always been yours. And when the right time comes, I will marry you. "

My mouth parted a bit upon hearing the last words he stated. His eyes were full of severity. I could see all the love he has for me. I felt my heart beats faster than its normal rate.

" Really beb? You will marry me someday? "

" Yes sweetie, whatever happens I will make sure that you will end up with me. And that's a promise. "

I smiled. Wala na akong masabi.

Shet! Kinikilig ako.

KINABUKASAN, maaga pa lang nasa aming bahay na si Onemig. Grabe, parang hindi kami magkasama kagabi. Nung makapagpaalam sya kay daddy na ide-date ako, na sure naman na papayagan sya, tumambay pa sya ng hanggang 11 pm sa amin. Dun lang naman kami sa swing nag-uusap. Kung hindi ko pa sinabi na inaantok na ako, hindi pa sya uuwi sa kanila. Gusto nga dun na lang daw kami matulog sa swing. Pasaway talaga.

" Beb naman inaantok pa ako eh. Natulog ka ba? Bakit ang aga-aga mo naman? Mamaya pa yung date natin di ba? " nagmamaktol kong wika. Paano ba naman, pikit pa yung mga mata ko hinihila na ako patayo mula sa kama ko. Hindi talaga maganda yung kapitbahay mo lang halos ang boyfriend mo.

" Sweetie anong maaga sinasabi mo? 10:30 na kaya." napadilat na ako ng tuluyan ng marinig ko yung oras na sinabi nya. Takte! Ngayon lang yata ako nagising ng ganito ka-tanghali. 

" Sorry beb, napasarap tulog ko. "

" Mukha nga. More than 10 hours ka ng tulog. Sige na mag bathroom ka na.Ako na mag-aayos nitong bed mo. Tapos hihintayin na lang kita sa labas. "

" Okay po. I so love you talaga beb. " lambing ko. Niyakap ko sya at hinalik-halikan ko ang dibdib nya.

Hmm. Bango ng bebeh ko talaga. Ang sarap gumising kapag ganito ang magigisnan mo.

Naramdaman kong niyakap nya ako pabalik at hinalikan ako sa ulo.

" Sige na sweetie dalian mo at ng makita mo na yung Valentine surprise ko sayo."

" Really? Meron na agad? " natutuwa kong tanong.

" Yup! My surprise number 1. "

" Ohh, so meaning mayroon pang surprise number 2? " muli kong tanong. I felt giddy and excited. Nakakatuwa naman.

" Yes! For my one and only baby. " sagot nya at mabilis akong hinalikan sa ulo.

Nagpaalam na akong maliligo tapos inayos naman nya yung bed ko.

Nang matapos ako ay wala na sya sa silid ko. Siguro nandun na sya sa labas para sa surprise number 1 nya.

Excited akong lumabas ng bahay upang magulat lamang sa nasaksihan ko sa garden.

OMG!