webnovel

Together Again

Laine's Point of View

AYOS na nga kaming dalawa ni Nhel kaya lang may konting pagbabago sa pagitan naming dalawa.Siyempre sinabi na nya yung feelings nya sa akin kaya lahat na lang ng ginagawa nya may halo ng panliligaw.Hindi tulad noon na pure friendship lang at  walang malisya.

Tulad na lang ngayon na kami lang dalawa dito sa dining room.Dumadamoves.Parang kaluluwa, panay ang paramdam.haha.

" Laine, upo kana dyan, ako na bahala sa pagkain mo." sabi nya.

" Kailan ka pa nag- asikaso ng kakainin ko ha? Ako ang madalas gumagawa sayo nyan ah." tanong ko.

" Basta from now on, ako na mag- aasikaso sayo, relax ka lang prinsesa ko." bola nya.

" Hay naku! Ganyan ba talaga pag ano, pag nanliligaw?" tanong ko.

" Siguro.Pasensya kana kung medyo trying hard ha? First time ko manligaw di ba?" sabi nya.

" Hahaha.Parang ako alam ko ah.Eh pareho lang naman tayong first time sa ganyan.Atleast ikaw nagka girlfriends na, instant nga lang." sabi ko.

" Pero sana, lahat ng first time natin pareho, sa ating dalawa lang." sabi nya.

" Let's see.Matagal pa naman yun.Hindi ka kaya mainip sa akin?" tanong ko.

" Okey lang yun Laine.Kaya kong maghintay.Maghihintay ako pag sinabi mong maghintay ako at  basta ikaw yung hihintayin ko."

Grabe! Mga banat ah.Ihhh.Kakilig ka kuya!

Natapos akong mag breakfast.Nagpaalam sya na uuwi muna saglit para magpaalam sa mama nya na sasamahan nya kami ni tita Baby dito sa bahay.

Habang hinihintay ko na bumalik si Nhel, inayos ko na yung mga gagamitin na Christmas decor para pagdating nya gagawin na lang namin.

Hindi nagtagal dumating din sya.Naka black v-neck shirt sya at kulay fatigue na cargo shorts.

Wow! Incredibly handsome.

May dala syang back pack na may lamang damit nya at gamit dahil nga dito sya mag stay hanggang bukas.

May dala rin syang tatlong malalaking manggang hinog at binigay nya sa akin.

" O bakit tatlo lang? Dati kung magdala ka nyan isang plastic bag." tanong ko.

" Syempre para sayo lang kaya tatlo lang.Para I love you." sagot nya.

" Kailangan ba laging sinasabi yan?" tanong ko.

" Oo naman.Sinasabi at pinaparamdam.Kaya masanay kana dahil hanggang sa pagtanda natin sasabihin at ipapadama ko sayo yan." nakangiting sabi nya sabay wink ng mata nya.

Ang hudas na to, nag blushed tuloy ako.Ang sweet naman kase, saan kaya pinagkukuha mga sinasabi nya?

" Uy, nag blushed sya!"asar nya.

" Tse! Makapambola ka naman kase, first time mo ba talaga? Parang hustler ka na eh." inis kong sabi.

" Alam mo Laine kapag mahal mo ang isang tao, masasabi mo talaga ang nararamdaman mo kahit parang corny na.Kaya hindi kita binobola.It's real.Everything's real." madamdaming sabi nya.

" Hahaha!" tawa ko.cute nya kasi.

" Ano nakakatawa ha?" tanong nyang naguguluhan.

" Ikaw! turo ko pa."Naalala mo ba nung unang magbangayan tayo?Sabi mo kahit gwapo ka hindi ka mahilig magsalita ng English.Ano nangyari sayo?"natatawang tanong ko.

" Ah, sinabi ko hindi ako mahilig magsalita pero hindi ko sinabing hindi ako marunong.Nasanay lang ako sayo.Palibhasa ikaw sanay na sanay ka.Inglisera!"  nakasimangot na sya.

" Oy,sorry naman.Bata pa lang kasi kami ganun na kami kausapin nila dad,inglisero kasi yun.Ganun din kami mag- usap sa bahay, sa school, at syempre sa States pag pumupunta kami dun.Ang tagal mo na akong kasama parang hindi ka aware." sabi ko.

" Aware na aware nga kaya nagsasalita na rin ako,tinatawanan mo pa!"

" Hindi naman ah, naa-amused lang.Galing mo kaya." sabi ko.

" Hahaha.yan ang bola." sabi nya.

" Oy, di naman.Tara na nga, mag start na tayo mag decorate." pagyaya ko sa kanya.

Inuna naming itayo ang napaka laking Christmas tree.Habang nilalagay namin yung mga palawit, masaya kaming kumakanta ng mga Christmas songs.

Napangiti ako habang pinagmamasdan ko yung natapos naming design ng Christmas tree, pati na rin yung nasa kabuuan ng sala..Ang ganda!Naisip ko sana yearly na naming gawin ni Nhel ang ganito hanggang sa aming pagtanda.

Heh! Parang sigurado ka, na kayo na ngang dalawa ha? sabi ng maharot kong isip.Oo nga, pero hindi naman masamang mangarap di ba? Para sa akin kasi wala na akong nakikitang iba na makakasama ko sa future ko.Si Nhel lang.Hindi pa nga lang pwede ngayon pero we will definitely get there, soon.

" Oy, lalim ng iniisip natin ah! Care to share? banat nya.

" Wala naman, nagagandahan lang ako sa Christmas tree.Gifts na lang ang kulang." sagot ko.

"Oo nga, ngayon lang ako nakapag- ayos nyan, sa amin si mama at si ate gumagawa nyan.Masaya pala mag- ayos pag inspired." sabi nya.

" Hay naku! Nielsen Emmanuel, ayan kana naman sa mga banat mo." natatawa kong sabi.

" Hay naku! Alyanna Maine, masanay kana sa kakornihan ko dahil araw- araw kitang bubusugin ng mais." panggagaya nya pa sa akin.

" Mais?" nagtatakang tanong ko.

" Oo mais, korni nga di ba? Hehe."

" Huh! Tara na nga.Yung mga Christmas lights naman sa garden ayusin natin." pagyaya ko sa kanya.

Maghapon kaming nag decorate ng buong bahay, loob at labas.Hindi namin napapansin ang oras kasi nag-eenjoy kami ng husto.Tanging pahinga lang namin ay nung tawagin kami ni tita Baby maglunch at sumunod nung meryenda na.Malapit ng dumilim ng matapos kami.Tuwang- tuwa naming pinagmasdan yung ginawa namin habang nagpapahinga sa garden.

" Laine, ang ganda! Matutuwa sila tita nyan pagdating nila." sabi ni Nhel.

" Oo nga! Kahit napagod ako, it's worth it." sabi ko.

" Yeah, it's worth it.Sana lang pag kinausap ko na si tito maging ayos lang din." biglang sabi nya na nagpalito sa akin.

" Ano yung sabi mo Nhel?" tanong kong naguguluhan.

" Ah, wala yun Laine." bawi nya.

Hindi ko na lang pinansin yung sinabi nya.Pumasok na kami sa loob dahil tinawag na kami ni tita Baby para maghapunan.

PAGKATAPOS naming maghapunan kanya- kanya na kaming punta sa mga room namin.Si Nhel, dun sya sa guest room.

Nag shower ako at nagsuot ng favorite kong pink pajamas.Lumabas ako ng room dahil hindi pa naman ako inaantok, 8pm pa lang naman kase.

Inabutan ko si Nhel sa sala na pinagmamasdan yung ginawa naming Christmas decorations.

Ang gwapo nya sa suot nyang plain white Hanes t- shirt at cotton light blue shorts.Ganito pala ang sinusuot nyang pantulog..cute!

" Akala ko matutulog kana?" tanong nya.

" Maaga pa , 8pm lang."  sagot ko habang paupo sa sofa katabi nya..wow bango ni kuya.

" May ibibigay nga pala ako sayo.Wait lang kukunin ko sa bag ko." sabi nya sabay tayo para pumunta sa guest room.

" Sige.Kanina pa nga yan di ba?" sabi ko.

Ngumiti lang sya at tumalikod na.

Haaay cute talagang ngumiti ng mokong na to.Yan yung na missed ko nung hindi kami nagkikita.

Hindi naman nagtagal bumalik na sya.May inabot sya sa akin na papel na nakabilot na parang diploma.Stationery pala sya na nakatali ng ribbon na kulay red.

" Buksan mo.Ginawa ko yan 3 months ago.Hope you'll like it." sabi nya.

Binuksan ko.Poetry.Binasa ko.

Without You.

WOW! Kaka-touched naman.Ginawa nya talaga to para sa akin?

" Ang ganda naman ng tula na ito.Sigurado ka ba na para sa akin to?" tanong ko.

Ngumiti lang sya sa akin.

Gosh! Eto na naman yung ngiti na hindi nagpapatulog sa akin every night.

" Oo naman." sagot nya at lumapit sa akin ng sobrang lapit na halos maduling na ako sa pagkakatitig sa gwapo nyang mukha.

" Ikaw lang at wala ng iba!Sayo lang ang batang puso ko hanggang sa aking pagtanda.

" I love you Laine and I'm so damn serious about it!"

" Really? We're so young, you're only 16 and I'm only 13, you really think it's love Nhel?"

" Yeah, I'm very sure about my feelings for you, kahit bata pa tayo and I'm gonna tell your dad about us.."

OMG!

Paano pag sinabi nya kay dad, baka magalit sa amin yun at hindi na kami hayaang mag-usap man lang.Ngayon nga lang kami naging okey ulit.

Sabagay kapag nagsabi sya kay dad parang katuparan na rin yun ng sign no.1 ko.Ang bilis naman yatang ibigay ni Lord.Pero susubukan ko syang pigilan pero pag nag-insist sya na gawin yon, well maybe yun na yung sign number 1.

" Uy Nhel, wala pang us kaya anong sinasabi mo dyan na sasabihin mo kay dad." sabi ko.

"Us! Sino ba nililigawan ko, di ba ikaw? So, dalawa tayo dito." natatawa pa nyang sabi.

" Hay naku! Kapag nalaman ni dad, sa tingin mo ba hindi sya magagalit? Baka hindi na nga tayo hahayaan nun na mag-usap man lang." sabi ko.

Sandali syang natigilan dahil sa sinabi ko.

" Siguro nga, maybe sa tamang panahon na lang." ayon nya.

Gabi na nung maisipan naming matulog na.Ang dami na naman naming napag-usapan, sinulit namin yung ilang buwan na hindi kami nag-uusap.

" Sige na Nhel, inaantok na ako.Goodnight.Say your prayers ha?" paalam ko.

" Okey ikaw din mag pray.Goodnight and sweet dreams Laine." sabi nya.

Then tumalikod na kami para pumasok sa aming room ng bigla syang magsalita.

" I love you Laine and you're the only one that I wanna grow old with."

seryosong sabi nya.

Natulala ako dun ah.Seryoso nga talaga ang keroppi na to.

KINABUKASAN umuwi na sila mommy from Baguio nung bandang hapon na.Tuwang- tuwa sila sa ginawa namin ni Nhel na pag decorate sa bahay.Pagkakain ng hapunan ay umuwi na sya dala yung mga pasalubong nila mom para sa kanila.

Days passed at Christmas vacation na.

" Laine, are you ready to go?" si mommy yun.

Pupunta kaming mag-anak sa Baguio dahil dun kami lahat ngayong Christmas.Family reunion.After New Year na daw ang balik namin.

" Wait lang po mom, may iiwan lang po ako kay tita Baby para ibigay kay Nhel." sabi ko.

I'm just wondering kasi simula nung mag decorate kami ni Nhel ng bahay hindi pa sya uli nagpupunta.Hindi naman kami nag-away nung umalis sya that night pero pansin ko lang na very silent sya.I don't know what happened to him, baka busy lang.But knowing him, hindi yun napapakali ng hindi ako nakikita because according to him I'm the air that he's breathing..Kakilig! Pero ano kaya problema? I'm gonna find out na lang when we came back from Baguio.

This is supposed to be our first Christmas since we became friends.Kaya lang naudlot pa, sana naman nothing's serious kung bakit missing in action sya.

Kainis!

Kaya naman pagdaan nung car namin sa may harapan ng bahay nila kandahaba ang leeg ko hoping na makita ko sya,  nakalayo na't lahat nakalingon pa rin ako pero wala sya talaga.

Haay! Nielsen humanda ka sa akin pagbalik ko.

Nakakakilig naman sila.

Thank you for reading. ❤️

AIGENMARIEcreators' thoughts
Next chapter