webnovel

Six Pack Abs

Laine's Point of View

" Hahaha!" halos panawan na yata ng ulirat si Nhel sa katatawa.

Ako naman, sobrang naguguluhan kung bakit sya tumatawa ng ganon,  umaalog-alog pa ang balikat nya.

Putek! Pinagtatawanan ba ako ng gwapong kumag na to.Teka nga!

" Hey, what's funny? Pinagtritripan mo na naman ba ako ha Nielsen Emmanuel?" mataray kong tanong na nagpahinto sa kanya sa pagtawa.Alam nyang bad trip na ako pag binanggit ko na ng buo ang pangalan nya.

" Ano? Bakit tumigil ka?"  ulit kong tanong na taas kilay pa.

" Ok sorry babe hindi ko lang napigilan.. kasi naman ang cute ng reaksyon mo kanina, first time kitang nakitang mag react ng ganon.Tapos parang takot na takot ka ng ——aray babe!" hindi na nya natapos yung sinasabi nya dahil kinurot ko na sya sa tagiliran.

" Heh, magbihis ka na baka lamigin ka pa.Kung makapag- balandra naman kasi ng abs ganun-ganun na lang! Dyan ka na nga, buset!" inis kong sabi sabay martsa palabas ng guest room.

Iniwan ko syang tulala dahil siguro sa mga sinabi ko.

Hindi na sya nakapag-protesta dahil alam nyang galit na ako.

Nung nasa room na ako inis akong umupo sa bed ko.Grabe naman kasi, anong nangyari sa akin dun.Matagal na kami ni Nhel pero bakit nakaramdam ako ng kakaiba kanina pagkakita ko sa mga pandesal nya.

Yeah,sometimes we kissed torridly, we hug tightly pero hindi ako umaabot sa punto na naiinitan ako, pero kanina hindi ko alam kung bakit para akong sinisilaban lalo na nung nilagay nya yung mga kamay ko sa dibdib nya.

Shet na malagket, nawindang ako dun ah.

Tama sya first time nya ako nakitang mag react ng ganun. Haissst..nakakahiya yata ako kanina baka kung ano na isipin nya sa akin.

Lord patawad po.

Dapat siguro yayain ko syang magsimba sa Baclaran at lumakad ng paluhod o kaya magpapa-pray over ako  kay Pastor.

Naku naman!

~~~~~*

Nhel's Point of

PAGKATAPOS naming mag-dinner ni Laine, umakyat na kami sa mga room namin para magpahinga.

Nahiga muna ako at inisip yung mga nangyari kanina.

Masaya ako para kay Laine sa bagong career nya sa modeling.Susuportahan ko sya dahil alam kong masaya sya at pangarap ito ng mga magulang nya.

Iginala ko ang tingin ko sa paligid, hindi ko akalain na ganito ang buhay na iniwan dito nila tito Franz.Pero mas pinili nila ang buhay dun sa Sto. Cristo dahil dun sila masaya.Kinilig nga ako dun sa sinabi ni Laine kanina,na masaya sya kung saan ako naroon.Kailangan ko talagang magsikap sa pag-aaral para naman pag nakatapos ako magwo-work ako ng mabuti para hindi ako maging alangan sa kanya at maibigay ko ang buhay na kinagisnan niya pagdating ng tamang panahon.

Tumayo na ako at nagtungo sa banyo para maligo.Parang may narinig akong kumakatok pero agad din namang nawala.Nagulat na lang ako ng paglabas ko ay naroon na si Laine.

Gusto kong bumalik sa loob ng CR kasi naka tapis lang ako ng towel sa bewang.Kahit matagal na kami ni Laine hindi pa nya ako nakikitang ganito na halos hubad na.Pero bago ko pa nagawang tumalikod pabalik ng CR, hindi ko na maihakbang ang nga paa ko dahil sa nakita kong reaksyon ni Laine.Titig na titig sya sa akin at parang natulos na sa kinatatayuan nya.Hindi ko alam kung bakit parang nainitan ako sa paraan ng pagkakatitig nya sa akin.

Sorry naman tao lang.

Para naman hindi kami ma-awkward, nagsalita na ako.

" May kailangan ka ba?" Sorry hindi ko narinig yung katok mo nasa loob kasi ako ng cr." sabi ko sa kanya na nakatulala pa rin.

Hindi sya tumitinag kaya nagtanong na uli ako. Kunwari hindi ko pansin yung reaksyon nya.

" Babe ,ano nangyari, may kailangan ka ba sa akin?" gusto ko ng matawa pero pinigilan ko.

" Beh magbihis kana nga naiinitan ako...ah eh I mean baka lamigin yang likod mo..." yun na lang ang naintindihan ko sa sinabi nya dahil ang tumatak agad sa isip ko yung naiinitan daw sya.

Napangiti ako, sabi ko na nga ba eh,  naapektuhan sya sa akin kaya natulala sya at pulang pula na ang mukha nya na parang kamatis.Hindi ba nya alam na matindi rin ang epekto sa akin yung paraan ng pagtingin nya sa halos hubad kong katawan.Naiinitan ako at alam kong ganun din sya pero hindi ko pwedeng ipahalata sa kanya na alam ko ang nararamdaman nya, ayoko syang mapahiya.Si Laine yan eh, mahal ko yan at nirerespeto.

Kaya naman para hindi sya mapahiya, idadaan ko na lang sa pang-aasar sa kanya.

Lumapit ako at tinitigan ko sya.Hinaplos ko ang pisngi nya.Kinuha ko ang mga kamay nya at nilagay sa dibdib ko.Ramdam ko ang lalong panginginig at pag iinit ng mga kamay nya.

" Do you like the view babe?"  tanong ko na halos nakadikit na ang mukha ko sa kanya.

Nung parang magpapanic na ang  itsura nya, hindi ko na napigilan ang tumawa ng tumawa na halos mawalan na ako ng ulirat.

Natigil lang ako nung tanungin nya ako kung ano ang nakakatawa.Alam ko bad trip na sya kasi binuo na nya yung pangalan ko.Sa isang banda eto talaga yung gusto kong mangyari kesa naman yung mapahiya sya para lang makaalis dun sa nakakapaso na sitwasyon kanina.Buti na yung maasar na lang sya.

At yun na nga, naasar na talaga sya at bago sya mag walk-out, sinabihan pa ako na kung makapag-balandra ako ng abs eh ganun-ganun na lang.

Haay ang babe ko, ngayon ko lang sya  nakitang nagkaganon sa akin, at yung titig nya sa akin kanina ay may kakaiba.

Hindi ko sya masisisi, nagbago naman talaga ang pangangatawan ko simula nung yayain ako nila Paul na mag workout sa gym.Para sa kanya yun kaya ako nag workout, ayokong maging alangan sa sexy nyang katawan.

Hindi nya alam na minsan gusto ko ng manggigil sa kanya.Ikaw ba naman ang magkaroon ng super ganda at sexy na girlfriend, hindi mo ba pagnanasaan? Pero syempre, nirerespeto ko sya kaya hindi ako nagpapahalata na nate-turned on ako paminsan-minsan..It's a man's natural reaction.

I sighed..puntahan ko na nga muna si Laine sa room nya, kailangan kong mag sorry dahil naasar ko sya kanina.

I heaved a sigh before I knock on her  door.Hindi naman nagtagal ay pinagbuksan nya ako ng pinto.

Gusto kong mangiti sa itsura nya na naka simangot at taas ang kilay.Ang cute ng babe ko pag naaasar pero sinupil ko ang ngiti ko baka kasi lalong maasar.

" What do you want Nielsen?" naku po bad trip pa rin yata, walang lambing sa dulo.

Tinalikuran ako at sumunod naman ako papasok ng room.

" Babe sorry na." sabi ko sabay yakap sa kanya mula sa likuran.

She heaved a deep sigh.Inalis nya ang mga kamay ko na nakayakap sa kanya at humarap sa akin.Hinawakan nya ako sa magkabilang pisngi ko.

" Alright beh, next time don't you dare show me again those abs, you're torturing me, hindi maganda sa pakiramdam." she said looking straight into my eyes.

Napangiti ako. Napaka straightforward nya.

" Hahaha.Naughty girl.Sabi ko na affected ka eh.Okey lang babe gusto ko nga yon, yung pagnasaan mo naman ako paminsan-minsan." I said smiling and wink at her.

" Sira ka talaga, aminado naman ako dun, natural lang yun kasi girlfriend mo ko.But don't show it often ha, naiinitan ako." sabi nya na itinago pa ang mukha nya sa dibdib ko na tila nahihiya sa sinabi nya.

I hugged her tightly and caressed her back.

" Hahaha.Ang cute mo talaga babe, napaka honest mo kaya naman mahal na mahal kita." sabi ko habang hinahalik-halikan ko ang ulo nya..hmm.bango!

" Hmm..sige na babe i-kiss mo na ko dali baka magbago pa isip ko." asar ko sa kanya.

" Sus, para-paraan ka beh, obvious ka masyado." sabi nya.

" Ha! Obvious ba? Hindi naman ah!" pa- cute kong sabi.

" Ok let's get this over and done.Inaantok na ako." sabi nya.

Umayos naman ako para halikan sya.

I was surprised when she grabbed my nape and started kissing me gently.Medyo alanganin pa sya kasi first time nyang nag-initiate ng kiss.

There's something in her kisses that tells me how much she loves me.Then finally, I caught her lips.This lips that always drives me crazy.I deepened our kiss and it lasted for I don't know how long.And when I felt that it's getting hotter, I automatically break the kiss, mahirap na baka kung saan kami makarating.

Next chapter