webnovel

Separate Lives

Nhel's Point of View

DIRETSO na akong umuwi ng bahay pagka galing ko kila Laine.Buo na yung desisyon nya na mag- iwasan kami sa kabila ng pagtutol ko.

Nasasaktan ako pero sa isang banda tama rin naman sya.Kung ayaw ko syang makitang umiiyak at nasasaktan kailangang umayon ako sa gusto nya.At tama sya, unfair naman sa kanya kung ituturing syang threat ng kung sino man ang mapa-ugnay sa akin.

Wala akong magawa.Siya na ang nagdesisyon,nirerespeto ko yun kahit na sobrang sakit para sa akin.Hindi ko alam kung paano tatakbo ang araw ko ng wala sya.Kung kailan nasanay na ako na nandyan lang sya.Siguro magpapalipas muna ako ng ilang araw hanggang sa humupa na lang ng kusa ang sitwasyon sa pagitan naming tatlo nila Lovie.

Makaya ko kaya? Bahala na.

LUMIPAS pa ang mga araw, at hindi ko na nga nakikita si Laine.Sinasadya ko na nga na magpatanghali sa pagdadala ng gatas kay tito Franz para makita ko sya pero parang sinasadya rin nyang huwag magpakita sa akin.

Naisip ko, na siguro seryoso talaga sya sa desisyon nya.Knowing Laine, may isang salita talaga sya.Kaya naman, pinilit ko na lang gawin kung ano ang gusto nya.Kung talagang magkikita kami kahit anong iwas pa ang gawin nya, magkikita talaga kami.

Marahil alam na rin ng barkada ang totoong nangyari kaya hindi na rin sila nagtatanong at kapag pumupunta sila kila Laine hindi na rin nila ako inaaya.

Nagkikita at nagkakausap na rin kami ni Lovie.Ayaw ko naman syang bastusin, nag sorry naman sya sa akin at kay mama kaya okey naman na kami at para huwag na lang nyang awayin uli si Laine.

MINSAN magkausap kami ni Lovie sa terrace nila Tito Felix.May narinig kaming maingay na nagtatawanan papasok kila Rina.Magkatabi lang ang bahay nila at kay tito Felix kaya naririnig namin sila.

May nagsalita na kilalang kilala ko ang boses.Kinabahan ako kaya ayaw kong lumingon.Nakilala siguro ni Lovie yung mga boses na nag- uusap sa kabila kaya kinuha nya ang atensyon nila.

" Hi,Rina!" malakas nyang tawag.

Dahilan para tumingin silang lahat sa direksyon namin.At nagulat na lang ako nung biglang ilapat ni Lovie ang labi nya sa labi ko.

Hindi ako nakagalaw dahil sa pagkabigla. Hindi ko naman tinugon yung halik nya,sya lang ang humahalik sa akin.Parang smack nga lang. At ng matapos sya sa ginawa nya, napalingon ako kila Rina at lahat sila ay natulala kasama si Laine.

Anak ng teteng! Halos dalawang linggo kaming hindi nagkita tapos ngayon sa ganong sitwasyon pa nya ako makikita.Ang lupit naman oh.Alam nya ang mga prinsipyo ko, ano na lang ang iisipin nya sa akin nyan.

Haisst! Talaga naman!

Nakita kong tumalikod agad sya ng lumingon ako sa kanila.Sobra ko na syang missed.Parang gusto kong tumalon sa bakod at yakapin sya ng mahigpit pero hindi ko magawa.

At narinig ko na lang na nagyaya sya kila Pete na pumunta na ng bayan.Nakakalungkot, dati ako ang kasama nyang nagpupunta dun.

Haay! Laine ikaw ang nagpapasaya ng mundo ko at the same time ikaw din ang nagpapalungkot.Kailan kaya darating ang tamang panahon sa ating dalawa?

Laine's Point of View

ALMOST two weeks na kaming hindi nagkikita ni Nhel.Pinilit kong iwasan sya kahit nahihirapan ako.Kapag pumupunta sya sa bahay para sa mga milk ni daddy, nagkukulong lang ako sa room ko at pag alam kong nakaalis na sya saka lang ako lalabas.

Alam na nila sa bahay ang sitwasyon naming dalawa.Nirespeto naman nila mom at dad ang desisyon ko kahit nung una tutol sila dahil ayaw nilang masira ang friendship namin ni Nhel.Pero nung ipinaliwanag ko ng maayos yung side ko, okey na sila at hindi na sila kumibo.At alam ko maging sila Tita Bining at Tito Phil alam na yung sitwasyon.

Alam ko madalas pa rin silang magkasama ni Lovie.Nasasaktan ako dun pero nung sabihin ni Tita Bining na kaya ginagawa lang yun ni Nhel ay para hindi na lang daw ako awayin uli ni Lovie, naintindihan ko na.Nag sorry na rin daw si Lovie sa kanila.

Sobrang missed ko na sya.Wala na akong nakaka kwentuhan palagi.Pag hindi ako makatulog, wala ng nagkakamot ng likod ko.Nakakapanibago.Kapag nasanay ka na talaga sa presence ng isang tao, ang hirap mag adjust.

Buti na lang may apat pa akong barkada na hindi nang- iiwan sa akin lalo na ngayon.Alam nila yung nangyari kaya hindi na sila kumibo at hindi na rin sila nagbabanggit ng kahit ano tungkol sa kanya.

Minsan bago kami pumunta ng bayan dahil may inuutos na naman si mommy, naisipan muna naming tumambay muna kila Rina.Masaya kaming nag-uusap, ng may biglang nagsalita ng malakas.

" Hi Rina! "

Napalingon kaming lima sa tumawag at laking gulat namin ng makita namin si Lovie at Nhel, naghahalikan!

Nasaktan ako sa nakita ko pero hindi ako nagpahalata.Alam ko ang prinsipyo nya pero bakit parang binali nya na.

O baka naman totohanang sila na.

Kaya naman ng makabawi na kami sa pagkabigla sa nakita, nagyaya na ako sa bayan.

Nung nasa bayan na kami, hindi na nakatiis siguro kaya nagsalita na si Candy.

" Grabe naman insan yung bestfriend mo hindi na itinago yung ganung tagpo."

" Simula nung hindi na kayo nagkakasama parang bumalik na yun sa dati ah". sabi naman ni Wil.

" Baka bad influence si Lovie." si Pete naman.

" Oo nga, kung ano-ano pa ang mga pinagsasabi nyang hindi maganda kay Laine nun tapos sya pala yung ganon." si Rina.

" Kung ako sayo Laine, kausapin mo na si Nhel, huwag mo ng iwasan, sige ka baka mapariwara pa yun." si Pete uli.

" Haay naku! Kung ano- ano sinasabi nyo.Hayaan nyo nga sya, malaki na sya.Alam nya na ginagawa nya.Tsaka malay nyo baka sila na nga talaga kaya ganun." sabi ko na nagpatahimik na sa kanilang apat.

Masama ang loob ko dahil sinira nya na yung prinsipyo nya.Ano pa ang susunod sa mga first nya ang ibibigay nya kay Lovie.Ayoko ng mag- isip, nasasaktan lang ako.