webnovel

Reasons

Laine's Point of View

NAGMAMADALI akong lumabas ng room ko para puntahan si Nhel sa labas. Bubuksan ko na sana ang front door ng bigla akong matigilan at bumalik muli sa room ko. Nakalimutan ko na naka-nighties lang ako at kailangan kong magsuot ng roba. Kahit naman asawa ko yung nasa labas, mahalay pa ring tignan na naka ganito lang ako na haharap sa kanya.

Hinagilap ko ang roba na nakasabit sa likod ng pinto at isinuot.

Medyo malalim na ang gabi, ano kaya ang problema ng taong ito at hindi maipag-pabukas na lang? Halos dalawang buwan din kaming hindi nagkita, baka na-miss lang ako ng mokong. Haha..Asa!

" Bakit ba gabing-gabi na ngayon mo pa naisipang pumunta dito? Hindi ba pwedeng ipagpabukas yan Nielsen?" tanong ko habang pinagbubuksan sya ng gate.

" This can't wait. You have a lot of explaining to do my dear wife." sinarado nya ang gate tapos hinila nya ako papunta sa swing namin na malapit sa swimming pool. Medyo madilim ang bahaging yon.Walang makakapansin sa amin kung may lumabas man.Inalalayan nya akong umupo tapos tumabi sya sa akin.

Kinakabahan ako sa kanya. Mukhang seryosong usapan ito dahil hindi naman sya karaka-rakang pupunta ng ganitong dis oras ng gabi kung wala lang.

" Wait lang Nhel. Ano ba talaga ang ipinunta mo dito? Gaano ba ka-importante yan at hindi mo pwedeng hintayin ang bukas?"

" Alam mo bang tumakas pa ako kay Marga para lang dito? so ibig sabihin importante talaga ang sadya ko.And I need you to explain everything, as in everything. I want to know the truth Laine. The.truth." seryoso syang nakatitig sa mga mata ko habang nagsasalita sya.Mukhang seryoso nga dahil paulit-ulit na mga words nya eh.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari nitong mga nakaraan para mag-demand sya sa akin ngayon ng ganito.Biglaan naman yata, hindi ako prepared.Saan ba ako mag-uumpisa? Ito na ba ang tamang panahon para sabihin sa kanya ang lahat?

Nakatitig lang ako sa mga mata nya.Hindi ko pa maapuhap kung ano ang salitang una kong bibigkasin. Nang akmang ibubuka ko na ang bibig ko para magsalita, nagulat na lang ako ng biglang lumanding ang labi nya sa labi ko.

Ang damuhong ito, biglaan kung umatake.Paano pa ako makakapag-isip nyan ng sasabihin ko?

Banayad pero puno ng pagkasabik ang mga halik nya sa umpisa pero nung lumaon medyo naging torrid na kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko, gumanti na rin ako with the same intensity. Naramdaman kong medyo napangiti sya sa ginawa ko kaya mas pinagbuti pa nya ang paghalik na alam nyang makakapagpa-baliw sa akin ng husto.

Huminto lang kami ng halos pangapusan na kami ng hininga.He cupped my face then give me a small kisses all over my face and ended it with a peck on my lips.

Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib nya, niyakap naman nya ako ng mahigpit at hinahalikan nya ako sa ulo. Ilang minuto kaming nanatiling ganoon habang pinakikinggan ko ang tibok ng kanyang puso.

Nagulat ako ng bigla syang magsalita.

" Babe, what's the real score between you and Anton?"

" Huh!"

" You heard me,right?"

Tiningala ko sya at sinalubong ang tingin nya.

" So, that is what you came here for?" tanong ko. Medyo kinakabahan na.

" Yeah, I saw him this afternoon at the mall with Lianna. I punched him on the face dahil sa galit ko.He is cheating on you but he said he's not.Then, may sinasabi si Lianna na hindi ko maintindihan dahil pinipigilan sya ni Anton, wala daw sila sa posisyon para magsalita.Sinabi nya na nandito ka nga raw at ikaw na lang ang tanungin ko. Now, please explain to me kung ano yung nakita ko sa mall at yung sinabi ni Anton na alam mo daw kung nasaan sya at sino ang kasama nya? Hindi ako makakatulog ng hindi ko nalalaman ang totoo dahil naguguluhan ako." mahabang litanya nya.

I heaved a deep sigh. Heto na.Hindi ko na pala kailangang isipin kung saan ako mag-uumpisa sa sasabihin ko sa kanya. Siya na mismo ang naghain ng mga tanong.

" Alright! Since naunahan na ako ng mga pangyayaring nakita mo kanina, might as well sabihin na sayo ang totoo. Anton is not cheating on me. I knew where he is and whom he is with dahil tinawagan nya ako kanina.

Beh, the truth is,nag divorced na kami ni Anton.Yun ang dahilan kung bakit kami bumalik ng Switzerland.He wanted me to be free from our marriage to get back to you." biglang nanlaki ang mga mata nya ng marinig ang sinabi ko.

" What?! My goodness! Nasuntok ko pa sya kanina at kung ano-ano pa ang mga hindi magandang nasabi ko gayong ang dapat pala eh magpasalamat pa ako sa kanya.Babe, nakakahiya naman sa kanila ni Lianna yung ginawa ko. Umiyak pa nga si Lianna kanina dahil nasaktan ko si Anton at pinagtitinginan na kami ng mga tao sa mall. God! What have I done? Hindi ko kasi alam.Wala akong alam." sising-sisi ang itsura nya. Nakayuko sya.Nakatukod ang mga braso nya sa mga binti nya habang nakasabunot ang mga kamay nya sa buhok nya. Naaawa ako sa kanya kaya hinimas-himas ko yung likod nya para kumalma sya kahit paano.

" Beh, I'm sorry hindi namin nasabi agad sayo.Gusto kasi namin ni Anton na maayos munang maipaliwanag ang lahat sa pamilya nya and to our daughter. Plano ko na talagang makipagkita sayo kaya lang naka-encounter ko si Marga last week sa kabayanan nung kasama ko si Anton at Lianna. Kaya alam ko hindi magiging madaling makipagkita sayo. Sorry kung nalagay ka sa hindi magandang sitwasyon kanina. Maiintindihan ka naman nila Anton dun,wala ka namang alam."

" Kasama ba kayo nila tito Franz na dumating last week?" out of nowhere na tanong nya,tumuwid sya ng upo at hinarap akong muli.

" Yeah, why?"

" Kasama namin sila na nag-breakfast kila mama pero wala silang binabanggit tungkol sayo."

" Kasi sinabihan ko sila na wag munang magbanggit ng tungkol sa akin dahil pinaplano ko pa lang na makipagkita sayo, hinihintay ko lang yung divorced papers namin na nung isang araw lang dumating from Switzerland."

" Nagkita pala kayo ni Marga nung araw na yun, wala syang binabanggit sa akin.Hindi ko alam na lumabas din pala sya nun habang nakila mama kami ni Mark.Wala ba syang ginawa sayo?"

" Si Marga pa ba ang walang gawin? Eh sa tuwing makikita ako nun parang galit sa kapayapaan.Hindi naman ako Ms.Universe na naghahangad ng world peace pag inumpisahan na nya ako, natural dedepensahan ko yung sarili ko sa kanya. Parang hindi mo naman ako kilala, hindi tipong pang Judy Ann Santos ang peg ko noh!"

" Silly..amazona ka nga pala."biro nya.

" Grabe ka sa akin. Pero seryoso, okay na ba sayo ngayong alam mo na divorced na kami ni Anton?"

" Oo naman masaya ako kahit napahiya ako dahil sa nagawa ko sa kanya. But I'm going to apologize to them one of this days.Pero ikaw, marami ka pang dapat na ipaliwanag sa akin ngayon, kulang pa yung nalaman ko, hindi pa malinaw lahat."

" Seryoso ka? It's almost midnight, aabutin tayo dito ng umaga pag sinabi ko sayo lahat.Baka hanapin ka pa ni Marga pag nagkataon."

" Na-plano ko na ang gagawin ko kung sakali.Dito nakasalalay ang buhay at kaligayahan nating dalawa kaya sabihin mo ng lahat sa akin ngayon kahit pa abutin tayo ng umaga dito.Kapag alam ko na ang lahat, aayusin na natin ang sa ating dalawa. Tayong dalawa babe, walang Anton o kahit na sino kundi tayong dalawa lang. Hindi rin ikaw lang kundi ikaw at ako." habang nagsasalita sya panay ang haplos nya sa pisngi ko.Naaamoy ko pa ang mabangong hininga nya dahil ang lapit-lapit ng mukha nya sa akin.

" Sige, saan ko uumpisahan? "

" From the time na umalis ka ng bansa five years ago."

" Ok pero lipat na tayo sa loob,malamok dito. We can talk over a cup of coffee.What do you think?"

" Alright.Let's go." nauna syang tumayo at inalalayan ako. Sa front door na kami dumaan. Nang makapasok kami ay nag-lock na sya ng pinto at dumiretso na kami ng kitchen. Tahimik na ang buong bahay dahil malalim na ang gabi.Si Aliyah ay sa room nila mommy natulog.

" Upo ka na dyan, magtitimpla lang ako ng coffee natin." umupo na sya sa coffee table at nagtimpla naman ako ng kape.

" After nung kasal mo kay Marga,umuwi ako ng Dasma at nagpatulong kay kuya Fred para makaalis agad ng bansa. Nagkita kami ni Candy nun at nagpaalam ako na aalis pero hindi ko sinabi kung saan ako pupunta." bungad na salita ko habang nagtitimpla ng kape.

" Ah kaya pala nung magkita kami hindi ko sya napilit na sabihin kung nasaan ka kasi hindi pala talaga nya alam." turan nya habang nakatingin sa akin.

" Yeah, ayoko kasing mas lalong gumulo ang sitwasyon kapag nalaman mo kung nasaan ako. Alam ko naman na kayang-kaya kang sundan ni Marga kahit saan ka pa magpunta." tugon ko habang inilalapag sa harap nya ang tinimpla kong kape.

" Hmm..na-miss ko tong timpla mo,the best talaga." nakangiti nyang turan habang sumisimsim ng kape.

" Bakit? hindi ba masarap magtimpla ng kape si Marga?

" Masarap? Oo masarap magtimpla si manang. Never naman akong pinagsilbihan nun. Lagi lang inuutos sa kasambahay ang pag-aasikaso sa aming dalawa ni Mark."....muli syang uminom ng kape." So, pagkatapos nyong magkita ni Candy, umalis ka na ba kaagad ng bansa nun?" pagbabalik nya sa pinag-uusapan namin.

" After a week nung maayos ni kuya Fred sa Montreal ang lahat ng kailangan ko sa pag-alis. Siya nga kasi ang pina-asikaso ko sa lahat para mapabilis, wala rin ako sa tamang huwisyo ng mga panahong yon kaya siya ang pinakiusapan ko. Pero bago ako pumunta ng Switzerland, nag-stay muna ako kila Dad sa US,yun kasi ang ni request ko kay lolo bigboss bago ako sumabak sa trabahong binigay nya sa akin."

" Alam mo ba na pumunta ako sa Montreal nun at nagtanong-tanong sa kanila kung may alam sila sayo. Pero lahat sila walang sinabi sa akin. Ilang taon na ang lumipas ng may magsabi sa akin na nagpakasal ka raw kay Anton.Sobra akong nasaktan nun.Hindi ko lubos maisip kung bakit nagawa mo yun sa akin.Naghihintay ako sayo pero naghihintay pala ako sa wala." biglang nabago ang ekspresyon ng mukha nya ng banggitin nya ang nakaraan.

" Beh?"

" Tell me now babe, ano ba talaga ang dahilan kung bakit ka nagpakasal kay Anton?

Next chapter