webnovel

Promise

Laine's Point of View

BIGLA akong kumalas sa paghalik ni Nhel sa akin dahil nakaramdam ako ng konting takot na baka maging mapusok na sya.

" Babe?!" gulat nyang sabi dahil medyo naitulak ko sya.

" Eh kasi beh, a-ano kasi,haay ano nga ba sasabihin ko!" hindi ko malaman ang sasabihin ko baka kasi ma -offend sya.

" Ano? Babe galit ka ba?

Hindi mo ba nagustuhan? Sorry ha? alam mo naman na first time ko rin." sabi nya na nakangiti pero pulang-pula na sya sa sobrang hiya nya.

" Ha!? Hindi yun beh.Kasi parang natutuhan mo na yung pag kiss, feeling ko nagiging intense na kaya natakot ako baka kung saan tayo——m-makarating." sabi ko ng nakayuko dahil nahihiya rin ako.

Inangat nya yung mukha ko at tinitigan nya ako.

" Babe, I know my limitations and I respect you so much.Sorry kung lumabag ako sa rule natin, I just want to mark my own.At gusto ko lang na maalala na kahit magkalayo tayo...

tumigil sya at bumulong sa akin

" ang sarap mo palang halikan."

Namilog ang mata ko sa sinabi nya.

Kaya pinagkukurot ko sya sa tiyan.

" Aray babe tama na, totoo naman sinasabi ko tsaka bakit ka ba kasi tumigil kanina, natututo na nga ako eh!"

" Aha! At pinagpa-praktisan mo pa pala ako ha?!"

" Eh kanino mo ako gustong mag practice? May iba ba akong girlfriend bukod sayo ha?" tanong nya na ngiting- ngiti pa.Gosh! bakit ba ang gwapo nitong kumag na to.

" Hay naku! Tuloy na nga natin tong ginagawa naten ng matapos na." sabi ko na ang tinutukoy ko ay yung pag-iimpake.

" Talaga babe?! Sige turuan kita kung paano mag response!" pilyong sabi nya.

" Sira, itong pag-iimpake sinasabi ko.Hoy! Nielsen tigilan mo ko dyan sa kalokohan mo." natatawa kong sabi.

" Sus! Sige na promise last na para pagbalik ko dito marunong kana, hindi na boring." sabi nya na may pataas-taas pa ng kilay.

" Anong boring? Eh malay ko ba kasi sa ganyang bagay, alam mong virgin pa ang mga lips ko, nilapastangan mo na nga.Kainis ka!"

Tumatawang niyakap nya ako..

" Hahaha..grabe ka naman babe sa word mo, nilapastangan pa talaga ha?"

" Eh kasi naman, nagrereklamo kang boring ako." sabi ko habang kinukurot ko sya sa likod nya.

" Aray ha! Hindi sa ganun, ang ibig kong sabihin mas exciting kung marunong kang mag-response.Gagayahin mo lang naman ako sa ginagawa ko." naka-ngisi pa ang mokong.

" Ewan sayo! Akala mo kung sinong eksperto to eh first time mo rin naman,ngayon lang din naman natuto, nanginginig ka pa nga kanina eh.." himutok ko at sya naman yung ngisi nya naging pilyo na.

Hinuli nya ang mga kamay ko at isinandal nya ako sa wall ng hindi inaalis ang titig nya sa akin.Naku po! eto na naman sya.Ang mga butterflies nagra-rally na naman sa stomach ko,parang people power sa Edsa, kapit bisig..,sa gwapo ba naman nitong nilalang sa harap ko sino ba naman ang hindi magsa-somersault.

Hinawakan nya ako sa magkabilang pisngi at inabot ang mga labi ko.Banayad lang at walang pagmamadali.

Hay naku! maloloka ata ako.

Napapikit na lang ako and savour the romantic moment.Then naramdaman ko na lang na pinapasok na nya yung dila nya sa bibig ko kaya napanganga ako sa gulat at sinamantala nya yon upang sakupin ang bibig ko ng buong-buo.Gosh! I can't explain the sudden burst of sensation that I felt in between his kisses.Para na akong dahon na tinatangay lang ng agos.At di nagtagal, parang may sariling isip na ang mga labi ko ng maramdaman kong tumutugon na pala ako sa mga halik nya.Na-feel kong nagulat sya pero pinagpatuloy lang nya ang paghalik sa akin na tinutugunan ko naman sa abot ng aking makakaya.

Hindi ko alam kung ilang minuto kaming tumagal ng ganun, huminto lang kami nung halos pangapusan na kami ng hininga.

Pinagdikit nya yung noo namin habang nakatitig lang kami sa isat-isa.

"God babe, that was so intense.Hindi ko alam kung paano ako hihinto, parang ayaw kong huminto.Ang sarap sa pakiramdam lalo na pag mahal na mahal mo yung kasalo mo.I feel like kissing you forever. Parang ayoko na tuloy umalis."

I heaved a deep sigh.." Beh kailangan nating magtiis at sumunod sa gusto nila, it's for the better, don't worry about me.I will wait.And that's a promise." pangako ko at kinintalan sya ng mabilis na halik sa labi.

" Hmm.sarap naman non.Halika na nga baka hindi ako makapag-pigil! tapusin na nga natin tong pag-iimpake para makapag-bonding pa tayo ng matagal mamaya sa inyo." sabi nya ng nakangiti.

Natapos na kami sa pag-.iimpake at dun na rin ako sa kanila nag- lunch. Pagkatapos ay dun lang kami sa terrace nila nagkwentuhan.Nakahawak lang sya sa mga kamay ko habang nag-uusap, ayaw nya akong bitawan dahil mami-miss daw nya ang ganong magka holding hands kami.

" Babe don't go near any man ha? Pag may nangungulit sabihin mo agad may boyfriend kana." bilin nya.

" Sus! Akala mo naman papansinin ko pa yung iba eh alam ko namang nuknukan ka ng seloso.Don't worry hindi na ako lalabas ng bahay at kukulitin ko si daddy na magpalagay na ng phone para lagi mo akong namo- monitor." sabi ko.

" Okey yun, may phone naman dun kila ate.Sama ka kaya pagluwas ko para alam mo yung bahay ni ate, para pag hindi ako makauwi ikaw na lang yung lumuwas, pahatid ka na lang kay Mang Gusting." suhestyon nya.

" That's a good idea.Sige paalam tayo kay daddy mamaya." sagot ko.

Nung medyo malamig na ang araw hinatid na nya ako sa amin.Kinausap nya si daddy na isasama nya ako sa pagluwas para alam ko na raw yung tutuluyan nya.

Pumayag naman ang gwapo kong tatay at sinabing magpahatid na lang kay Mang Gusting para hindi na kami mag-commute, mahirap nga naman pag maraming bagaheng bitbit.O di ba ganun sya kalakas sa parents ko.He is like a son to them.Para sa kanila wala na silang nakikitang iba na makakasama ko sa future ko kundi si Nhel lang..We're so lucky that both our parents agreed on our relationship basta huwag lang naming sisirain ang tiwala nila.And we make sure naman na hindi kami lalampas sa bounderies at nakikita naman nila na talagang nirerespeto ako ni Nhel.

We decided to stay together until midnight, hinayaan lang nila kami dahil two days na lang aalis na si Nhel and after that start na ng school.

Nakakalungkot pero nangako kami sa isat-isa na ang batang pagmamahalan namin ay dadalhin namin hanggang sa aming pagtanda, na kahit ano man ang mangyari, dumaan man ang maraming taon, mananatili ang buong bahagi ng mga puso namin na pag-aari lang ng isat-isa, walang iba, tanging kami lang dalawa.

Wala pa pong cellphone sa timeline nitong story kaya kung mapapansin nyo phone ang sinabi nila,landline lang po ang meron.Yun.lng nasabi ko lang.

Thanks for reading..

AIGENMARIEcreators' thoughts
Next chapter