webnovel

Profile Picture

Aliyah's Point of View

" Wala lang. Para sa akin isa kang poon na gusto kong alayan ng hindi lang bulaklak kundi lahat ng meron ako. Kung hindi lang kasalanan sa Diyos, baka sinamba na rin kita Ali. "

NATIGAGAL ako ng husto sa narinig mula sa kanya. Hindi naman ito lasing, bakit kung ano-ano na naman ang sinasabi? Joke ba to or one of his pranks? Baka kasi umasa na naman ang puso ko at magpadala na naman sa mga salita nya.

" Huy Ali! Anyare sayo? " nagtanong pa. Patay malisya pa ang mokong.

" Lasing ka ba o addict? Kung ano-ano na naman sinasabi mo eh. " singhal ko.

" Grabe sya oh. Sige para matahimik ka, joke lang yon. Inaasar lang kita. " natahimik nga ako at napabuntung-hininga ng malalim. See? Nang-aasar lang talaga sya.

Eh bakit parang nanghihinayang ka?

" Nang-aasar ka lang pala bakit kailangang magsabi ka pa ng ganon? Lagi mo na lang akong pinagti-tripan." sabay ingos ko sa kanya.

Tinawanan lang nya ako.

" Pwede naman kasi yun kung wala lang mga asungot. " bulong nya pero bahagya ko na lang na narinig kaya hindi ako sigurado kung yun ba talaga sinabi nya. Isa pa ayoko ng mag-assume baka mamaya joke na naman. Muntik na ako dun kanina eh.

" Ano kamo? "

" Wala. Sabi ko pwede bang umungot ng kape? " yun parang katunog nga nung bulong nya kanina.

Tinawagan ko si Daphne at humingi ng kape.

" So kumusta naman dun sa Sto. Cristo? " tanong ko pagkaraan.

" They're fine. Dumating na sila daddy kahapon from Sydney, sinundo ko sila sa airport. " tugon nya.

" Really? Kahapon na pala yun. Bakit wala pa si tito Frank dito? " grabe sa sobrang dami kong ginagawa dahil wala si tito Frank hindi ko na alam nangyayari sa paligid ko.

" Masyado ka kasing busy kaya hindi ka na naman nakakauwi ng Sto. Cristo. Nandyan na si tito Frank, kasabay ko sa lift kanina. May meeting tayo kaya nandito ako. "

" Meeting? Tungkol saan? "

" Uumpisahan na today yung building ng showroom. And starting today dito na ulit ako mag-ooffice. " nagulat na naman ako.

" Dito? Ulit? "

" Hahaha. Ano ka ba Ali, saan ka ba galing at parang wala kang alam sa mga nangyayari? natatawa na talaga sya sa akin. Kanina pa kasi ako parang lutang. Dala marahil nung sinabi nya kanina. Umasa ako ng very, very light. Pero syempre hindi ko aaminin yon.

Matigbak na umamin.

Pumasok si Daphne dala ang kape kaya medyo naantala yung sagot ko sa tanong nya. Mabuti na rin yun para makapag-isip  ako ng tama kung ano sasabihin ko.

Lumabas naman kaagad si Daphne at siya naman ay agad na sumimsim ng kape.

" Sorry. Sa sobrang busy ko parang yung kaluluwa ko gusto ng gumala. Anyway, bakit nga dito ka ulit mag-ooffice? I mean, dito ka ba dati? " turan ko nung matapos sya sa kape.

" Yup! Nung ginawa namin yung warehouse nyo sa Pasig, dito kami nag-office para malapit kay tito Frank. Pumupunta lang kami sa site para mag-inspection."

" Hindi ko alam yun Uno, nag-aaral pa kasi ako nun. Tapos ngayon naman may meeting pala nawala sa loob ko na tingnan yung schedule ko. Pasensya na, ako kasi lahat ang sumalo ng trabaho ni tito Frank kaya medyo lutang ako. " sabay hilot ko sa sentido ko. Natawa naman sya sa akin.

" Just take it easy. Masyado kang seryoso. Kita mo nga pati pag-uwi nila tito Nhel nakalimutan mo. Just loosen up a bit baka isang araw makita na lang kita na mas matanda pa itsura mo kay lola Paz. " sabi nya na natatawa pa. Bakit ang saya yata nito ngayon?

" Huy grabe ka naman. Hindi naman siguro. Pero maiba tayo,  pansin ko lang, parang ang saya mo ngayon ah.  Kanina ka pa tawa ng tawa eh. "

Nagkibit-balikat lang sya saka ngumiti ng malapad.

" Ah bakit pa nga ba ako nagtataka eh galing ka nga pala ng Sto. Cristo. Nag date siguro kayo ni Monique noh? " lakas loob kong tanong kahit ang totoo eh umaantak sa kirot ang puso ko.

" Hindi naman. Dun lang ako nag-dinner sa kanila kagabi. Pinagluto nya ako. " kaswal na tugon nya.

" Ah. .I see. She can cook? "

" Yeah, pwede na. Hindi lang kasing-galing nung kakilala ko. " sabay tingin nya sa akin na ikinapula ko naman.

" Juan Miguel nga! "

" Uy walang halong biro yun ah. You're the best cook I've ever met. " turan nya sabay ngiti ng malapad sa akin.

" Ah yun ang bola. " sabay irap ko sa kanya.

" Hahaha. Ewan sayo! Kung ayaw mong maniwala bahala ka. " ang liga-ligaya talaga nya.

" Hehe. Ang saya mo talaga. Naka-score ka kay Monique kagabi noh? " wala sa loob na sambit ko. Nung tingnan ko sya, mataman lang syang nakatitig sa akin. Mukhang below the belt yata yung tanong ko.

" Uhm. Sorry. Masyado naman yatang personal yung tanong ko. "

" But you mean it, don't you? " tanong nya.

" No, it's just a slip of the tongue. You don't need to answer. Sorry, my bad. " nakayuko kong wika.

" Don't worry, it's fine with me. We're friends and friends share each other's secret, right? " inangat nya yung ulo ko mula sa pagkakayuko at mataman nya akong tiningnan sa mga mata. Tumango ako.

" Yeah right but you don't need to answer my question, it's kinda awkward. "

" Ali ayos lang sa akin na magtanong ka ng kahit ano. I won't mind. Kahit balahurain mo pa ang pagkatao ko, okay lang sa akin. Ikaw yan eh. Magkaibigan tayo at ayokong may itinatago ako sayo. Gaya ng dati Ali. Gaya ng dati. " seryosong turan nya.

"  Sige kung yan ang gusto mo. " sabi ko kahit na mahirap para sa akin yun lalo na kung magsasabi sya ng personal nyang buhay. Ganun kasi kami noon, sa akin nya lang sinasabi ang lahat.

Nakarinig ako ng marahang katok sa pinto. Sumungaw ang sekretarya kong si Daphne ng magbigay ako ng hudyat.

" Ma'am pinapatawag na po kayong dalawa ni boss Frank, start na daw po ng meeting nyo. "

" Sige susunod na kami. Si Tin ba nakabalik na? "

" Opo ma'am nasa conference room na po. "

" Okay . Thank you Ms. Segovia, sumunod ka na rin dun. " tumango lang sya at saka lumabas na.

" Tara na po Engr. Arceo baka mainip na ang boss at mapagalitan pa tayo. " untag ko sa kanya.

" Sure Ms. Mercado, you go first and I'll follow.  " inilahad pa nya yung daan palabas at sumunod na sa akin.

HINDI naman gaanong nagtagal yung meeting. Tama nga si Onemig, ngayon na uumpisahan yung building dahil na-deliver na lahat ng materials na gagamitin. Inokupahan na rin nila yung isang room para sa magiging office nila. Sa tabi nun yung office ng mga IT at Computer Engineers namin. Yung dati kasing office nila ay ginawang working place ng mga technicians.

Bago kami pumunta ng site ay binisita muna namin yung magiging office nila. May apat na table yun na may kanya-kanyang computer. Si Jake at Gilbert ang mga engineers na makakasama nya at si Caloy naman ang architect. Doon din sila tutuloy sa tinutuluyang condo ni Onemig sa Ortigas, yung kay kuya Mark.

Hindi naman kami nagtagal ni Tin sa site, tiningnan lang namin yung mga materials na ni-delivered pati yung mga trabahador na nanggaling din ng Sto. Cristo. May meeting kasi si tito Frank sa Tagaytay branch kaya kailangan din naming bumalik ni Tin sa office.

Sa buong maghapon, dalawang beses na nag-text si Onemig sa akin. Pinapaalalahanan lang na kumain ako sa oras. Ang sweet nya sa totoo lang, gusto ko ng kiligin sana kaya lang baka echos na naman yun. Ayokong mamihasa ang sarili ko sa mga bagay na hindi na akin.

Pagdating namin ni Tin sa bahay, nagpahinga muna ako bago naligo. Hinihintay ko lang na tawagin nila ako para sa hapunan.

Habang naghihintay ako, kinuha ko ang laptop na nasa ibabaw ng study table ko at sinubukan ko munang mag-log in sa Facebook account ko.

Bumungad agad sa akin ang status ni Onemig 5 hours ago.

Onemig Arceo is feeling happy. 😃

We're starting over again!

Sino kaya tinutukoy niya dito sa status nya?  Baka nagkaroon lang sila ng misunderstanding ni Monique tapos nagkaayos na sila kaya pinagluto sya nito kagabi kaya dun sya nag dinner.  Or maybe yung nag-umpisa nilang trabaho kanina.

Ang dami na agad reactions at comments na hindi naman nya sinagot. Famous din kasi ang isang to.

Dahil medyo may pagka -uzi ako, walang pag-aalinlangan kong dinalaw yung wall nya. Nagpalit rin pala sya ng dp kanina pati na yung cover photo nya.

Yung bagong dp nya ay black and white photo ng isang babaeng nakayuko na mahaba ang hair tapos dun sa cover photo nya ako natawa, yung sandamakmak na sampaguita garland ang naroon.

Pero ilang saglit akong napaisip matapos pasadahan muli ng tingin yung black and white photo nung babae, parang ako kasi yun, may ganon kasi akong kuha nung high school ako.

Kung biglang tingin hindi talaga malalaman kung sino yung nasa picture unless yung may-ari mismo ang titingin. Medyo malabo kasi at black and white pa.

Pero bakit ako? Ano na lang ang sasabihin ni Monique kapag nakita nya at makumpirma nya kung sino yun? At isa pa, saan nya nakuha yung picture ko na yun?

Naku naman! Talaga naman itong Juan Miguel na ito. Malalagay pa ako sa alanganin nito.Ano ba balak nya?

Saktong nakapag-log out ako sa facebook nung tawagin ako ni Tin. I made a mental note to myself na mamaya ite-text ko ang damuho at tatanungin ko.

" Besh, kakain na tayo. May mga bisita din tayo na dumating na makikikain daw. "

" Ha? Sino? " nagtatakang tanong ko. Sino naman ang makikikain sa ganitong oras?

" Basta bumaba ka na lang and see for yourself. " turan nya na may malapad na ngiti.

Sino kaya ang dumating kung makangiti itong babaeng ito, wagas?

Nasa pinaka-dulong baitang na ako nung hagdan nang sabay-sabay silang lumingon sa direksyon ko.

" What are you guys doing here? " tingnan mo nga naman, mas maaga kong matatanong yung isa sa kanila na gumawa ng kalokohan.

" Ngayon lang kami nakauwi galing sa site eh, gutom na kami. Baka pwedeng makikain? " si Jake ang tumugon.

" Oo naman. Yaya marami ba yung sinaing ninyo? " tanong ko kay yaya Melba.

" Nagpasalang na ulit ako kay Angie, saglit na lang yon. Yung ulam, marami yon, baka sobra pa nga sa atin. " sabi ni yaya Melba.

Tumango lang ako at hinarap na sila.

" Kumusta yung trabaho nyo? " tanong ko habang umuupo sa tabi ni Onemig. Yun na lang kasi ang bakante kaya no choice na ako.

" Okay naman. Bukas dire-diretso na ang paggawa, medyo naantala lang kanina dahil sa ilang deliveries. " si Onemig ang sumagot.

" Ah okay . Mamaya nga pala may itatanong ako sayo. " sabi ko kay Onemig.

" Sure! " ngiting-ngiti pa ang mokong. Yari ka sa akin mamaya.

An hour later....

" Ano nga pala yung itatanong mo? " tanong ni Onemig sa akin. Nasa garden na kaming dalawa. Niyaya ko sya dito matapos naming kumain. Iniwan namin yung tatlong kasama nya sa living room with Tin.

" Ahm. . Ano kasi kanina, nag-open ako ng Facebook tapos biglang lumabas sa newsfeed yung post mo, medyo na curious lang ako dun sa dp mo kaya binisita ko yung wall mo. Bakit yun ang profile pic mo ha? "

Hindi sya kumikibo. Nakatingin lang sya sa akin. Parang may multo ng ngiti na naglalaro sa labi nya. Mukhang aasarin na naman ako nito ah.

" Ano ba Uno, sagutin mo naman yung tanong ko. Aasarin mo na naman ako nyan eh! " medyo nagmamaktol kong turan

Nakangiti nya akong hinarap. Yung ngiti nya na parang gusto ng maghurumentado ng puso ko. Yung makalaglag salawal ba.

" Ang cute mo talaga! So, nakita mo na pala. " cool na cool lang sya habang ako yamot na yamot na.

" Oo nga. Ano yun pinagti-tripan mo na naman ako? "

" Bakit ikaw ba yon? "

" Hoy mister, maaaring hindi malalaman ng mga makakakita kung sino yon dahil malabo,  pero ako, alam ko. Dahil ako yun. "

Nagkibit balikat lang sya tapos nginisihan nya ako.

" Juan Miguel naiinis na ako. Panay pa ngisi mo dyan. Kapag hindi ka umayos dyan, hindi na kita kakausapin ulit. " pagbabanta ko.

" Oo na, ikaw nga yun! " mabilis nyang sagot. Takot pala sa banta ko eh.

" Bakit mo ginawa yun? May girlfriend ka. Ano na lang sasabihin nya? Nilalagay mo naman ako sa alanganin nyan eh. At bakit ka nga pala meron nung picture ko na yon ha? "

" Seriously, ikaw lang naman nakakaalam kung sino yun . Ano naman sasabihin ni Monique? Malay ba nya kung artista pala yun, sya nga si Cris Evans ang dp nya eh. At nakuha ko yung picture na yun dun sa album mo na nasa akin, naka-ilalim dun sa mga latest pictures mo. May tanong pa po ba? " parang balewala lang nyang turan.

" Eh bakit nga ako? Bakit hindi yung girlfriend mo? Nakakainis ka talaga! "

" Bakit hindi ikaw? Magkaibigan naman tayo. "

" Onemig hindi mo ba talaga nage-gets yung point ko? Ayoko ng gulo. Ayokong makarinig ng mga negative words na ibabato nila sa akin. Ayoko ng issue. "

" Liyah mangyayari lang yan kung malalaman nila na ikaw nga yon. Nabasa mo ba yung mga comments? Lahat nagtatanong kung sino yon. Ikaw lang talaga nakapansin dahil ikaw yon. " paliwanag nya.

" Sige sabibin na nating walang mangyayari isa man sa mga arguments ko. Ang tanong bakit mo nga naisipang gawing profile pic mo yung picture ko? "

Lumapit sya sa akin. Sobrang lapit na kulang na lang ay pati hangin hindi na makakaraan. Char!

Kinuha nya ang dalawang kamay ko and intertwined with his. Tumingin sya ng diretso sa mga mata ko. Napatingin na rin ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang saktong nararamdaman ko, para akong nanlalamig tapos yung sikmura ko parang may butterflies na naghaharutan.

Jusme nakakawala ng ulirat,  titig pa lang nya. Ganda ng mata kasi.

Anebenemen.

" Ang kulit mo pa rin talaga sweetie. Do you really want an honest answer to that? " pabulong na tanong nya without breaking the eye contact. Naamoy ko na naman yung pamilyar na bango ng hininga nya.

" O-Oo n-naman, yung walang halong joke, pangti-trip o pang-aasar. " pabulong ko rin na sagot, medyo nag-stuttered pa ako sa sobrang lapit ng mukha namin tapos nadi-distract pa ako nung labi nya.

" I did that because----" he heaved a very deep sigh before he continues. Ako naman walang tigil sa pagkalabog ang puso ko.

" I can't let go of our past. I'm still not over you baby! "

Hala ano daw?

Naku mukhang magkakabalikan na yata sila. Ayieeee! ! !

Ang tanong, paano si Monique?

Papayag din kaya si Jam na muling dumikit sa apoy si Aliyah?

AIGENMARIEcreators' thoughts