webnovel

Pagbalik Tanaw sa Nakaraan 13 Perya Nhel's Point of View

PINUNTAHAN ko si Lovie kila Tito Felix kung saan sya tumutuloy para magbakasyon.

" Lovie,bukas na yung perya sa bayan,gusto mo punta tayo mamaya?" aya ko sa kanya.

" Talaga? Sige paalam ako kay Tito, sunduin mo na lang ako mamaya."

sagot nya.

" Okey, sige uwi nako." paalam ko at tumalikod na.

" Nhel!" tawag nya.

Lumingon ako." Bakit?"

" I love you"...sabi nya.

I just nodded at tumalikod na.Hindi ko kayang sumagot pabalik sa kanya.

Madalas nyang sabihin yang mga salitang yan sa akin pero ako, hindi ko kayang sabihin pabalik sa kanya.

Paano nga ba parang naging kami ni Lovie?

Last year lang kami nagkakilala,summer vacation din nun.Pamangkin sya ng kalugar namin na si Tito Felix.

Kapatid ng nanay nya si Tito Felix.

Last summer lang sya nag umpisang magbakasyon dito sa lugar namin at pinakilala sya sa akin ng pinsan nyang si Lito.Friends lang kami last summer pero ngayong summer na to parang nag-iba na, parang nagpapahiwatig sya sa akin na gusto nya na maging kami na.Walang ligawan na nangyari basta ganun na.

Wala naman akong special na nararamdaman sa kanya bukod sa pagiging kaibigan pero sya very vocal sya sa pagsasabi na espesyal ako sa kanya.Sabi nya boyfriend nya ako.

Okey, sige na nga!

Sanay na ako sa ganyan.Ayoko naman na kontrahin sya kasi ayokong manakit ng feelings ng babae..Gentleman ako at nirerespeto ko ang feelings ng mga anak ni Eva.Marami na rin ang mga babaeng na-ugnay sa akin pero isa man sa kanila wala akong niligawan,wala akong nai- date at wala pa akong nahalikan.Para sa akin kasi yung babaeng magpapagulo ng isip ko at magpapatibok ng puso ko ang pagbibigyan ko ng lahat ng first ko.

Yung mga babaeng na- ugnay sa akin,sila yung nagsasabi na boyfriend nila ako,pinakikisamahan ko na lang,sabi ko nga gentleman ako at ayoko silang mapahiya.

Kaya tingin tuloy sa akin ng marami playboy ako, kung alam lang nila..Wala pa nga akong nasabihan ng I love you ..sagrado kasi sa akin ang mga salitang yon at pag may sinabihan na ako nun, yun na yun, pang forever na yun...

At sa totoo lang, si Laine pa lang ang nagpa- gulo sa isip ko at nagpa -tibok ng mabilis sa puso ko at aminado naman ako dun, feeling ko nga in-love na ako.Kaya lang hindi pa tamang panahon kaya ie-enjoy ko na lang muna ang sarili ko sa pagtanaw sa kanya sa malayo at asarin sya pag may pagkakataon..

Maghihintay ako sa kanya.Hihintayin ko sya.At pangako ko yan sa sarili ko...

KINAGABIHAN sinundo ko na si Lovie para magpunta na sa perya.Pagkatapos magpaalam kay Tito Felix ay sumakay na kami ng tricycle papuntang bayan.

Maraming tao dahil first night.Maraming bagong rides at mga booths para sa games.Hinila ako ni Lovie para maglaro ng darts.Gusto daw nyang kuhanin ko yung premyong stuff toy para sa kanya.Dahil sa pagmamadali ni Lovie at maraming tao, nabunggo ko yung likuran nung babae dahil may tumulak rin sa akin at aksidente ko itong nayakap.Wow! Ang bango nya, amoy baby...at medyo sininghot ko pa.

Dahil nga medyo napayakap ako sa kanya at naramdaman nya yung pagsinghot ko sa kanya.Bigla syang humarap at mataray na nagsalita.

" Hey! You bastard, you're taking advantage of me!"

Oh no! Heto na naman po kami.Strike 3 kana Nhel..At natulala na naman ako sa babaeng nasa harap ko na spokening dollar pag naiinis...

Ang ganda talaga nya.Lalo ng nagwala ang puso ko at bumilis ang tibok nito.Para akong nanghihina, lalo na kanina ng maamoy ko ang mala sanggol nyang bango.

Haay nako Laine hindi ka maganda sa kalusugan ko.Hindi na rin normal ang lahat ng sistema ko.

Pero teka siguradong mag-aarmalite na naman ito dahil strike 3 nako.

Patay ka Nielsen, ihanda mo na loob mo.

Next chapter