webnovel

Pagbalik Tanaw sa Nakaraan 12 Nhel's Point of View

ILANG araw na rin ang lumipas simula nung tumanggi akong sumama sa barkada papunta dun kila Tita Paz para makipagkilala dun sa anak nya.

Sa tuwing pupunta sila dun ay niyayaya nila ako pero kung ano-ano na lang dinadahilan ko para hindi ako makasama.Nagtataka na siguro sila sa akin kaya sinabihan ko na rin si Lovie na huwag ng sumasama sa kanila at ako na lang ang samahan para hindi nila mahalata na umiiwas ako.Para isipin na lang nila na may sarili kaming lakad.

Ayoko pa lang talaga na magkita pa ulit kami ni Laine, hindi naging maganda yung unang meeting namin tsaka isa pa, matindi na yung attraction na nararamdaman ko sa kanya.At ayoko rin na maging close sila ni Lovie dahil nga may feelings ako sa kanya.Unfair naman kay Lovie yun.

Kahit naman hindi ako sigurado kung ano ba talaga kami ni Lovie basta bigla na lang parang naging kami, nirerespeto ko pa rin yun.

Kaya todo iwas ako na makita ulit si Laine.Isa pa napaka bata pa nya, mukha lang syang dalaga dahil malaking bulas sya.But still bata pa rin sya.Pero simula nung makita ko sya hindi na naalis sa isip ko yung maganda nyang mukha.

Pero talagang kailangan kong isantabi muna itong feelings na to dahil hindi pa pwede,at isa pa nakakahiya rin kila Tito Franz at Tita Paz.

Kaya todo iwas ako na makita sya.

Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana.Isang hapon, galing kami sa pamamasyal namin ni Lovie,umuwi na ako sa amin para maligo at saktong katatapos ko lang magbihis ng may kumatok sa pinto namin.

Nang buksan ko yung pinto,laking gulat ko ng makita ko kung sino ang napagbuksan ko.Ang babae lang naman, na naging laman ng isip ko simula nung makita ko.

Pero kailangan hindi ako magpahalata,I should use my Nhel Mercado's style..hehe.

" W-what are you doing here?" tanong nya na medyo nag stutter pa sya.

Nagulat siguro sya or maybe something deeper than that.

Ang ganda talaga nitong babaeng to kahit nakanganga na.Kita ang mga mapuputi at pantay- pantay na ngipin.At ang lips, sarap sigurong halikan.

Ay ang perv mo na naman Nielsen.

Hindi yun dapat.Erase.erase!

" Ako?" turo ko pa kunwari sa sarili ko, maang-maangan para maasar sya.

" Hindi ba dapat miss ako ang magtanong sayo nyan? Dito ako nakatira, hindi ba obvious? dahil ako ang nagbukas ng pinto." sabi ko ng may ngiting parang nang-aasar.

Natulala na naman sya sa akin, ang gwapo ko kaya pag bagong ligo ako at syempre ang bango ko pa.Naaaliw ako sa itsura nya na parang ini-inspeksyon nya ako.Kaya inasar ko na naman, ang cute nya eh.

" Hoy! Miss natulala kana naman.Are you done checking me out?" naks napa english pa ako ah.

At ayun BINGO, napikon ko na nga, kaya parang armalite na naman sya.Hahaha..naaaliw talaga ako sa kanya at nag martsa na sya papunta sa kusina para puntahan si mama.

Nung nasa kusina na sya at kausap si mama, palihim akong sumunod at nagtago sa may gilid pero sinigurado kong maririnig ko kung ano man ang pinag- uusapan nilang dalawa..tsismoso ba ang dating ko? hindi noh! gusto ko lang talagang marinig boses nya, lakas talaga ng tama ko sa kanya, marinig ko lng boses nya heaven na sa akin yon.Patawarin nawa ako ni Lovie!hahaha.

" Bakit ba parang high blood ka pagpasok mo kanina dito?" dinig kong tanong ni mama.Hayan na,ano kaya ang isasagot nya?

" Ah eh, kasi po tita may palaka po akong nakita dyan sa labas ,eh naaalibadbaran po ako,ang yabang po eh!" dinig kong sagot nya.Sabi ko na nga ba na bad trip ko na naman sya,kinumpara na naman ako sa palaka.

Pero teka palakang mayabang? May ganun ba? Ibang klase talaga tong babaeng to.

" Palaka?Mayabang? May ganon ba?Palakang mayabang? tanong ni mama na natatawa na yata.O di ba pati nanay ko nagtataka rin.

Hindi na ako nakatiis kaya lumabas na ako at sumingit sa usapan nila.

" Meron ma at napaka gwapo pa!"

Nagulat sila pareho paglabas ko at nagtataka naman si mama sa reaksyon naming dalawa ni Laine.

" Anong meron? Magkakilala na ba kayong dalawa?" tanong sa amin ni mama.

Sabay pa kaming sumagot ng " hindi" habang todo iling pa.Talaga namang hindi pa kami magkakilala ng pormal pero dalawang beses na kaming nagbangayan.Tindi noh!

" Eh bakit ganyan ang asta nyo?" tanong uli ni mama na ngiting- ngiti na.

Walang sumagot sa tanong ni mama,kaya pina-kilala nya na kami sa isat-isa.Sinabi nya, na kung maaari ay maging mabuti kaming magkaibigan kasi matagal na silang magkakaibigan ng mga magulang ni Laine.

Eh umandar na naman ang pagiging dakilang mapang-asar ko.

" Naku! Sana nga po ma,eh ang taray nyan at parang armalite pa ang bibig"

sabi ko na todo ngiti pa,gusto ko lang syang asarin, cute nga kasi pag naaasar.

At hayun nga, dahil nakalabit ko na yung gatilyo ng armalite,tuloy-tuloy na at spokening dollar na naman sya.

Nagpaalam na kay mama at nag martsa na palabas ng bahay na asar na asar sa akin.At naiwan kaming mag-ina na naka nga- nga...

KINAGABIHAN hindi na naman ako makatulog.Sabi ko na nga ba kaya ayokong makita si Laine,puyat na naman ako kaka- imagine sa kanya.Patay ako bukas nito siguradong malaki na naman eye bags ko.Hindi na naman ako tatantanan ni Lovie katatanong kung bakit mukhang bangag na naman ako dahil sa puyat.Hindi ko syempre pwedeng sabihin sa kanya na dahil sa kakaisip ko kay Laine.Minsan ina-assume nya na sya ang iniisip ko, hinahayaan ko na lang sya,hindi na ako nagko-comment o nagde-deny man para wala ng usapan.

Haaay! buhay nga naman ng mga gwapo masyadong komplikado....

Their feelings is mutual..

AIGENMARIEcreators' thoughts
Next chapter