webnovel

Nothing's Gonna Stop Us Now

Laine's Point of View

BIGLA akong parang naumid ng magtanong si Aliyah.Tila naguguluhan siya sa presensya ng mga hindi pamilyar na tao sa paligid nya. Lalo na ng makita nyang lumuluha si tita Bining na nakatingin sa kanya.

" Mommy who are they?" tanong nyang muli.

" Sweetie, they are your grand parents.Lolo Phil and lola Bining.Your daddy's parents." simpleng tugon ko.

" Really mom? Just like lolo Franz and lola Paz? Wow cool." tuwang-tuwa na tanong nya.Makikita ang pagkasabik sa kanyang cute na mukha.

" Yes sweetie." sagot ko at bigla na lang syang umalis sa kandungan ko at lumapit kay tito Phil at tita Bining.

" Hello po.I am Aliyah your apo.Bless po." pakilala nya sa sarili nya sabay nagmano kay tito Phil at tita Bining.

" Dyaskeng bata ire napaka-smart.Dudugo ang ilong ko sayo apo. Hindi ka ba nagtatagalog?" natatawang turan ni tita Bining.

" Nakakaintindi sya mare,hirap lang magsalita." singit ni mommy.

" Ay ganun ba.Alam mo apo kamukhang-kamukha mo ang daddy mo nung bata sya.You are his female version." natutuwang turan ni tita Bining kay Aliyah habang hinahagod ito sa ulo.

" Really po lola? I want to meet my daddy. Where is he?" tanong nya kaya napatingin si tita Bining sa akin,parang sa akin ibinibigay ang pagdedesisyon na ipakilala na si Nhel.

" Come here sweetie." tawag ko kay Aliyah at lumapit naman agad sa akin.

" You wanna meet your dad?" tanong ko sa kanya na sunod-sunod naman ang tango sa akin.

Tinignan ko ang mga nasa paligid ko at lahat sila ay nakatingin sa aming mag-ina na tila nananabik sa susunod na mangyayari.Tumango si dad at tito Phil sa akin bilang pag sang-ayon.

" Alright! Aliyah Neslein" sabi ko at iniharap sya kay Nhel na nasa katabing upuan ko lang." This is Nielsen Emmanuel, your dad."

" What? Tito Nhel is my dad?" gulat na tanong nya.Tumango lang ako.

Kinuha naman agad ni Nhel ang bata at mahigpit na niyakap.Umiiyak sya habang si Aliyah naman ay puno ng pagtataka.Maya-maya umangat ang maliit nyang kamay at hinagod-hagod ang likod ng kanyang ama na patuloy lang sa pagluha. Naluluha na rin ako at ang mga tao sa paligid namin sa nakikitang tagpo sa mag-ama.

Kumalas si Nhel sa pagkakayakap nya sa anak nya at hinalikan ito sa noo.

" I'm sorry baby.Hindi ko alam.Kaya pala iba ang pakiramdam ko nung first time natin na magkita. But I'll make it up to you.I promise. Will you forgive daddy?"

" Of course,you're my daddy.My mommy told me that our father in heaven will never forgive us if we don't forgive others.Right mom?" natawa naman ako sa tinuran nya.Kahit umiiyak ako hindi ko mapigilang maging proud sa katalinuhan ng anak ko.Sa edad nyang 4, ang dami na talaga nyang natatandaan sa mga itinuturo sa kanya.

" Daddy don't cry.I'm so happy now that you're here already." turan nya habang pinupunasan ang pisngi ng ama ng maliliit nyang palad. Natawa naman si Nhel sa ginagawa ng anak kaya binuhat nya ito at iniupo sa kanyang kandungan.

" I promise baby, babawi ako sa inyo ng mommy mo." habang sinasabi nya yon ay sa akin sya nakatingin.

" Bweno ngayong tapos na ang ating mini drama, kumain na muna tayo at kanina pa ako nagugutom." singit ni dad na nagpatawa na sa amin.

Masayang natapos ang agahan namin. Napag-usapan namin habang kumakain ang magiging set up namin ni Nhel. Sumang-ayon ang lahat sa gusto nya na umuwi na kami ni Aliyah dun sa bahay namin. Mauuna syang luluwas sa amin dahil kasabay nya si Marga at susunod na lang kami kinabukasan dahil kakausapin pa nya si ninong Cesar tungkol sa binabalak nyang paglipat pansamantala sa planta.

Naglaro muna sila saglit ni Aliyah bago sya nagpaalam na uuwi na. Nagpahatid sya kay Rogen sa kabayanan para kunwari ay doon sya galing at mamimili ng konting pagkain para daw yun ang gagawin nyang alibi kay Marga.Sasabihin nya na lang daw na maaga syang lumabas para mag jogging at tumuloy na rin sa pamimili.

Gusto kong matawa sa alibi nya pero sana gumana naman para wala ng gulo.

Mga ilang sandali pagkaalis ni Nhel ay nagpaalam na rin sila tito Phil at tita Bining. Panay ang hingi ng tawad ni tito Phil sa akin dahil wala daw syang nagawa nung sapilitang ipakasal si Nhel kay Marga. Sinabi ko na lang na huwag ng sisihin ang sarili nya dahil walang may kagustuhan nun.Ang importante ngayon ay kung paano aayusin ang gusot ng nakaraan.

Bago umalis ay panay ang halik at yakap nila kay Aliyah at sinabihan kami na doon naman sa kanila mag breakfast kinabukasan.

Masayang-masaya si Aliyah ngayong nakilala na nya ang daddy nya. Hindi na raw sya makapaghintay na makasama ito. Tinanong nya ako kung bakit hindi pa kami sumama kanina kay Nhel, sinabi ko na lang na may aasikasuhin pa ito kaya susunod na lang kami sa isang araw.

______________

KINABUKASAN maaga kong pinagayak si Aliyah na maaga rin naman na nagising dahil excited na pumunta sa bahay ng mga Mercado.Pinaunlakan namin ang imbitasyon nila tita Bining na doon mag-breakfast sa kanila.Hindi na sumama sa amin sila dad dahil bonding daw naming mag-ina ito sa mga magulang ni Nhel.

" Mommy, is daddy here?" tanong ni Aliyah nung nasa harap na kami ng bahay nila tita Bining.

" He's not here sweetie, he lives in another house." kaswal na sagot ko.

" Oh I thought I'd be seeing him again here."

" We'll going to see him on the next day.Okay sweetie?"

" Yes mom."

" Oh nandyan na pala kayo.Hello apo." bati ni tita Bining sa amin nung nasa terrace na nila kami.

" Hi po lola Bining." bati naman pabalik ni Aliyah at nagmano sa lola nya.

Nagmano na rin ako." Si papa po?" tanong ko kay tita.

" Nandyan sa loob, kanina pa nga nasasabik sa pagdating nyo."

Pagpasok namin sa dining room nila,nandoon na nga si tito Phil at naghihintay.Nagmano kami ni Aliyah sa kanya at agad namang kumandong si Aliyah sa lolo nya.

Nang matapos na kaming mag-almusal niyaya na ni tito Phil si Aliyah sa kabilang bahay para ipakilala sa mga pinsan nya, mga anak ng kuya ni Nhel.

Naiwan kami ni tita Bining sa dining room para magligpit ng kinainan namin.Pagkatapos lumipat kami ng sala at doon nagkwentuhan.

" Anak mamayang hapon na kayo umuwi ni Aliyah,hayaan mo munang makasama namin sya habang hindi pa kayo umuuwi sa bahay ninyo ni Nhel." request ni tita Bining.

" O sige po mama kaya lang po inaatake na naman ako ng morning sickness ko,parang gusto ko po na matulog ulit."

" Ganyan talaga ang buntis anak.Kung gusto mo doon ka muna sa dati mong kwarto,nandoon pa rin naman ang mga damit at gamit mo.Wala kaming inalis o binago dun.Pinalilinis ko yun palagi sakaling maisipan mo na bumalik dito."

" Salamat po mama.Sige po doon muna ako,pasensya na po hindi ko lang mapigilan ang antok ko."

" Sige lang anak at kami na ang bahala ng papa mo kay Aliyah."

" Salamat po ma." at lumakad na ako papunta sa dati kong silid na kalapit lang ng kay Nhel.

Natuwa ako pagpasok ko sa dati kong silid.Ganoon pa rin ang ayos, malinis at mabango rin ang buong paligid.Tama si mama kumpleto pa ang gamit ko at pati mga damit ko maayos pa rin na nakatupi sa cabinet.Bumuhos sa akin ang maraming alaala namin ni Nhel sa silid na ito. Natatandaan ko pa nun kapag naglalambing sya sa akin.Nagpapa- massage.Tapos dito na sya inaabot ng antok at tatabi na sa akin sa pagtulog. Para-paraan din ang mokong na yun kung minsan.Kahit na engaged na kami nun hindi nila kasi pinapayagan na magtabi kami sa pagtulog pwera na lang nung binili na ni Nhel yung bahay namin,sa isang silid na kami natutulog.Secretly married naman na kami nun.

Humiga na ako sa aking kama para matulog habang yakap si Lainel,ang stuff toy na bigay sa akin ni Nhel fourteen years ago.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog, nagising na lang ako sa ingay sa labas na parang may nagtatalo.Tinignan ko ang orasan sa dingding at nakita kong 10 am na,napahaba pala ang tulog ko.

Bumangon na ako.Nagulat ako ng makapa ko si Aliyah na natutulog sa kabilang side ng kama.Hinagod ko ang kanyang ulo at marahang hinalikan sa pisngi.Napagod siguro sa paglalaro kaya nakatulog, idagdag pa na maaga syang nagising kanina dahil excited sa pagpunta dito.

Mabilis akong naghilamos at nagsuklay pagkatapos ay lumabas na ako ng silid ko.Titignan ko ang pinagmumulan ng ingay sa labas.

Pagdating ko sa sala ay namangha ako sa inabutan kong mga bisita.

" O sabi na nga ba hayan ang haliparot na yan,ikinakaila nyo pa.Imposible naman na nandyan ang kotse nya sa harap nyo ng wala ang may ari! "

Oh the evil witch Marga strikes back! Medyo intense ang next chapter natin.

Thank you for reading.

AIGENMARIEcreators' thoughts
Next chapter