webnovel

Moon

Aliyah's Point of View

HINDI ko maintindihan kung bakit simula pa noong bata ako, nararamdaman ko na yung kakaibang fascination ko sa buwan. Kapag kasi tinitingala ko ito noon lalo na kapag kabilugan nya, sobrang naa-amazed ako sa kagandahan nito na nilikha ng Diyos. Kapag malungkot ako noon, tumitingala ako sa langit kapag gabi at himalang parang napapawi ang lungkot ko kapag nasilayan ko na ang liwanag at kagandahan nya.Tila mina-magnet nito ang kalungkutan ko.Gayun din naman kapag masaya ako, mas lalong nadaragdagan ang saya sa puso ko once na makita ko ang liwanag nya.

Tulad na lang ngayon, masaya akong nakatingala sa langit at pinagmamasdan ang buwan.Napangiti ako ng maalala na nandun siya nung gabing kunin ni Onemig ang first kiss ko.

And speaking of Onemig, bakit kaya hindi pa sya tumatawag ngayong gabi? Kaninang umaga, sasandali lang kaming nag-usap dahil nagmamadali rin sya katulad ko. Ngayon ang unang araw ng pagbubukas ng klase namin.

My first day of school in college turned out fine. Marami akong mga classmates na sa tingin ko ay madali namang pakisamahan. Halos anak mayaman ang mga students ng school na pinapasukan ko, pero sa tingin ko mababait naman sila.Kanina kasi hindi naman nag-klase pa, nag-orientation muna ang lahat ng freshman sa lahat ng degree program tapos nag tour kami sa buong campus. Nung nasa loob na kami ng room, nag-introduce lang kami isa-isa then bukas na raw yung pinaka regular class namin. Kaya maaga rin akong nakauwi.

Medyo nagulat ako ng maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko na nasa bulsa ng pajama top ko.Malawak ang ngiti ko ng makita ko ang picture ng boyfriend ko sa screen, indikasyon na sya ang tumatawag. Bumaha ang tuwa sa puso ko habang sinasagot ang tawag nya, napatingala ako sa langit at nakita ang buwan.

Nasaksihan na naman nya ang kasiyahan ko.

" Hello beb! Musta na?" malambing kong bungad.

" Hi sweetie ! Sorry medyo ginabi ako ng pagtawag, si daddy kasi dito tumawag sa akin dahil hindi nya ma-contact yung kay mommy, medyo natagalan din silang mag-usap kaya hayun.Anyway, hows your day baby?"

" Okay naman beb. Hindi pa kami nag-klase, nag-introduce lang kami then ni-tour lang kaming mga freshman sa buong school,orientation lang tapos pinauwi na kami. Bukas pa yung regular class namin. Ikaw, how's your first day?"

" Hayun sumabak na agad sa dami ng ginagawa, you know third year na kasi kaya wala ng orientation katulad ng sa inyo----"..he paused for a while then I heared him sigh."Miss na kita baby." naging malungkot yung boses nya.

" Ako rin naman beb, sobra. Kahit na madalas tayong magtawagan, iba pa rin yung nakikita kita. Nahahawakan, nayayakap---"

" at nahahalikan." singit nya sa sinasabi ko. Bigla akong pinamulahan ng mukha nung maalala ko yung huling gabi nya dito sa amin.Kaming dalawa na lang ang gising, maging ang mga kasambahay ay tulog na. Nag-uusap pa kami sa living room nung lahat sila ay umakyat na para matulog. Nagulat na lang ako ng ikandong nya ako sa mga binti nya at niyakap ng mahigpit.Then he kissed me on my lips. Sa una ay mabagal lang, parang tinuturuan nya ako kung paano humalik. Nang medyo nakakasabay na ako sa kanya ay nilaliman na nya yung halik hanggang sa hindi namin namamalayan na naging torrid na yung halikan namin. Siya pa yung kusang tumigil nun, nahiya pa nga ako nung makita ko ang parehong itsura namin, parang namamaga na yung mga labi namin at pulang-pula.Kapag sumasagi sa isip ko yun hindi ko mapigilan ang mag-blush. Ngayong nasabi na naman nya, para na akong sinisilaban.

Kainis tong gwapong to!

" Beb ha!" banta ko. I heared him chuckled.

" What? Totoo naman ah! Na-miss kong halikan ka.Kung pwede lang na puntahan kita dyan tapos hahalikan kita talaga ng bongga hanggang sa pareho na tayong hindi makahinga."

" Tss! Kainis ka!" maktol ko.

" Hahaha..o sige titigil na po. I'm sure mukha ka ng kamatis dyan." turan nya.Alam nya talaga kapag nahihiya na ako.

Marami pa kaming napag-usapan.Half an hour yata kaming nag-uusap dahil sobrang miss namin ang isat-isa.Feeling ko umuusok na yung cellphone ko sa tenga ko.Nagpaalam lang ako ng makaramdam na ako ng antok. Siya naman ay may assignment pang gagawin dun sa isang minor subject nya. Kakaumpisa lang ng klase may assignment na agad.

KINABUKASAN maaga akong nagising. Sasabay kasi ako kila daddy, 7 am ang start ng class ko pag Tuesday and Thursday then the rest ay puro 9am na.Nagta-taxi ako kapag tanghali ang pasok ko.Gusto nga ni dad na mag-aral akong mag-drive para hindi na raw ako nagko-commute kaya lang parang ayaw ko pa kasi wala akong tiyaga, mainipin pati ako, baka madisgrasya lang ako pag ganon. Pero pag-iisipan ko pa rin,mahirap din yung nagko-commute. Baka one of this days mag-enroll din ako sa driving school.

Hinatid na ako nila dad hanggang sa school tutal maaga pa daw sila kaya 35 minutes before 7am, nasa loob na ako ng campus.

Habang naglalakad ako sa corridor,narinig ko ang message alert tone ko. Kinuha ko sa bulsa ng uniform ko ang cp ko at napangiti ako ng malapad sa simpleng text lang ni Onemig.

Beb❤ : good morning sweetie! I'm off to school. Don't skip lunch. Call you tonight.I love you so,so,much.😘

Haay ang aga pinapakilig ako ng damuhong to. Tumigil ako saglit sa harap ng room namin at nagtipa muna ng reply sa kanya.

Ako : good morning too beb! Nasa school na ako.Okay po hindi ako magpapagutom.Ikaw din kumain ka on time.I love you too.💋

" Excuse me miss, dito ba yung room ng freshman Business Ad, Marketing Management?" isang cute na babae ang nalingunan ko habang ibinabalik sa bulsa ko ang cellphone ko.

" Yeah.anong subject mo ba?" tanong ko.

" English 101.Wala kasi ako kahapon sa orientation." nahihiyang sambit nya.

" Ah dito yon...patingin ng sched mo?" I asked her then she immediately handed me her schedule. 

" Oh, blockmate tayo dahil lahat ng subject magka-klase tayo at pareho ang sched natin. Halika tabi na lang tayo sa upuan." untag ko sa kanya at pumasok na kami ng room namin.Ilan pa lang ang dinatnan namin sa loob ng room, may 30 minutes pa kasi bago ang time.

" By the way, I'm Aliyah Neslain Mercado." pakilala ko sabay lahad ng palad ko sa kanya. Kinuha naman nya agad.

" Geneva Madela.Uhm...Are you related to the famous couple in the modelling industry, Nhel and Laine Mercado?" biglang tanong nya.

" They are my parents." proud kong sagot.

" Oh! Kaya pala ganyan ka kaganda,nasa dugo mo pala."  ngumiti sya ng malapad.

" Huy hindi naman masyado. Pero I like you na talaga." natawa na lang kami pareho. Pansin ko na magaan ang loob namin sa isat-isa. Ang dami na naming napag-kwentuhan agad sa maikling oras pa lang. Napag-alaman ko na pamangkin sya ng isang sikat na singer and her family is into catering business.

Naging maayos naman ang flow ng classes namin sa maghapon. Nung magkaroon ng groupings, magkasama kami ni Gen sa group.Anim lahat kami sa group namin.Yung tatlong guy ay sina Derrick, Prince at Yuan then kami ni Gen at yung isang girl ay si Savannah na apo naman ng Chairman ng University.

Ito na rin talaga yung group namin hanggang sa matapos ang semester.

So far mababait naman ang mga groupmates ko kahit na mga anak mayaman. Feeling ko sila na yung magiging kabarkada ko dito sa campus.At dahil matagal kaming magkakasama, napag-usapan namin na magkaroon ng rules sa group. Isa na rito yung kapatid ang turingan at walang talo-talo.We are all agreed to the rules we set, at ang lumabag kusang aalis sa grupo.

Dumaan ang mga araw ng hindi ko namamalayan. Halos mag-iisang buwan na pala simula nung pasukan.Sobrang nag-eenjoy kasi ako sa pag-aaral ko dahil sa mga bago kong kaibigan at inspired din ako dahil kay Onemig na kahit minsan man ay hindi pumalya sa pagtawag. Pero gayun pa man, hindi ko maikakailang sobrang nami-miss ko pa rin sya.

Few days later, nag-announce ang prof namin sa isang major subject na magkakaroon kami ng group project. After ng class ay nag-meeting na ang bawat group tungkol dito.

" Crowded ang lib ngayon dahil marami ang nagre-research para sa project, what are we gonna do?" si Derrick na kagagaling lang sa library.

" Dude sa amin na lang, may sariling library si papa sa house." suggest ni Yuan.

" Thanks but no thanks dude, your mansion is way far from here. Do you think papayag itong mga girls na sa inyo gumawa?" kontra ni Prince. He's right, malayo ang Antipolo kung doon kami sa mansion nila Yuan. Siya nga weekends lang kung umuwi dun at sa condo nya na malapit sa school sya umuuwi.

" Liyah sa inyo kaya?" tanong ni Gen.

" Oo nga para ma-meet naman namin yung mga parents mong parehong may naglalakihang billboards sa Edsa." excited na turan ni Derrick.

" Guys hindi sa ayaw ko, hindi ganoon kalaki sa iniisip nyo ang library sa bahay, dun sana kila lolo sa Dasma kaya lang medyo malayo from here then super traffic pa." sagot ko.

" Alright, sa bahay na lang tayo." singit ni Savannah.

" Oh akala ko ba Sav nandoon ang group ng ate mo, yung mga taga Engineering?" Yuan asked.

" Siguro naman by this time tapos na sila.Come on guys, para makapag-start na tayo, next week na ang deadline." untag ni Sav.

Magandang idea nga na kila Savannah na lang kami bukod sa walking distance lang ang bahay nila from school, at home na kami sa kanila dahil madalas nya kaming inaaya na doon kumain during our lunch break. Sobrang bait ng family nya sa amin. Natutuwa sila na may mga kaibigan na ang bunso nilang si Sav, sa kanilang tatlong magkakapatid, sya lang ang walang hilig makipag-socialize. Bahay at school lang talaga sya.

Pagdating namin sa kanila, saktong paalis na ang grupo ng ate nya. Tinanguan lang kami ni ate Sabina nang masalubong nila kami sa may garden. Kilala na kami ni ate Sabina sa dalas ba naman namin dito sa kanila.

Huli akong pumasok ng bahay nila dahil sinagot ko muna yung text ni mommy sa akin. Nang akmang papasok na ako, may biglang nagsalita sa likod ko.

" Hey you! I think we've met before." nalingunan ko ang isang classmate ni ate Sabina na mataman na nakatingin sa akin. Kunot ang noo ko na pilit inaalala kung saan nga ba kami nagkita.Maganda sya in fairness.

" I'm Greta Villamayor from Sto.Cristo." nagmamadaling pakilala nya sa sarili.

Oh I see...