webnovel

Love Will Lead You Back

Sabi nila time heals all wounds.

Ang sabi ko naman, maari nga pero mag-iiwan pa rin ito ng marka, ng peklat na makapagpapaalala sayo ng nakaraan.Maaring may natutunan ka at naging matatag ka dahil dun pero handa na ba ang puso mo kapag nakita mo na uli ang taong naging dahilan ng iyong kasawian?

Nangako sya na maghihintay sya pero bakit sa pagbabalik ko wala na pala akong babalikan.Lalaban pa ba ako dahil sa karapatan o susuko na lang ako kahit ang puso ko ay patuloy pa ring nagmamahal at umaasam?

Laine Guererro-Mercado

Gaano katagal ba akong maghihintay?

Gaano katatag pa ba ako para tiisin ang paghihirap at lumbay.

At kapag napagod na, titigil na ba ako?

At kapag tumigil na ako, tapos na ba?

At kung sa huli wala na pala akong hihintayin, makakaya ko ba?

Kahit pagod na ang puso ko wala itong balak na magpahinga na maghintay at umasa.

Ipaglalaban ko ang karapatan ko sayo kahit ano pa ang kahihinatnan nito.

Dahil alam ko, sigurado ako na pag-ibig ang magiging gabay mo para magbalik ka,dito sa piling ko kung saan ka nararapat...

Nhel Mercado

This is the start of volume 2.I hope guys you enjoy and support this.

Thank you so much.

AIGENMARIEcreators' thoughts
Next chapter