webnovel

Jealous

Laine's Point of View

SOBRANG saya namin ni Rina kahit na saglit lang kaming nag-usap at nagkumustahan pagkatapos ng picture taking sa kasal nila ni Pete.Matapos kong ipakilala si Anton sa kanya ay nagkanya-kanya na kaming sakay ng aming mga dalang sasakyan at tumungo na sa reception ng kasal na medyo may kalayuan sa simbahan.

Sa isang resort na pag-aari ng ate nina Pete at Wil ang reception .Doon napili ng mga bagong kasal dahil may reunion naman sila kasama ang mga kaibigan nila sa gabi,night swimming daw.Kaya lahat kami ay may dalang swimsuit at extra clothes.Matagal kasi nawala sa bansa si Pete kaya ito ang napagkasunduan nila ni Rina, church wedding and reunion with friends.

NUNG nasa reception na,pinili kong tumabi kay Anton at pinagsilbihan ko sya sa pagkain nya.Sa malaking bahay na nasa resort nakahanda ang mga pagkain.Ang ganda ng pagkakaayos ng malaking bahay.Talagang pinaghandaan nila ng husto at hindi ko napigilang matakam sa mga putaheng nakahain, walang ganito sa Switzerland.

Pero maya~maya lang ay tinawag ako ni Pete dahil dun daw ako dapat sa presidential table at ng tignan ko ay may pangalan nga ako dun.

Nakangisi na naman akong tinaboy ni Anton papunta dun ng mapansin nyang katabi ng pangalan ko sa mesa si Nhel.Mapang~asar talaga.

Hindi ako makakain ng maayos dahil katabi ko sya.Pero sya naman ay parang maganang~magana sa pagkain nya.

Nagtayuan ang mga balahibo ko ng ilapit nya ang bibig nya sa tenga ko at bumulong.

" Kumain ka ng maayos baka magutom ka.Sinabi ko naman sayo na ako lang to,hindi mo kailangang ma~tense." I noticed sarcasm in his voice.

" I am not tensed.Who told you that? "

" Oh come on Mrs.Mercado,I've known you since we were kids." may konting diin pa sa pagbigkas nya ng salitang Mrs.Mercado.

" Will you please stop addressing me that.I am no longer Mrs.Mercado since you married that bitch." inis kong bulong.

" Oh,really? We both know the truth Alyanna Maine, and it's not even legal to address you as Mrs.del Rio." mariin nyang sambit na tila galit ang tono at binuo pa ang pangalan ko.

Hindi na lang ako kumibo.Ayokong makipagtalo sa kanya.Tinuon ko na lang ang pansin ko sa pagkain na mabilis ko namang natapos.

Maya~maya pa ay narinig kong may tumawag sa kanya.

" Papa! " nakita ko ang batang lalaki na tumatakbo papunta sa pwesto nya,kasunod nito si Marga na bahagya pa akong inismiran ng makita nya ako.

" Naku papa,kanina ka pa hinahanap nyan,umiiyak nga ng magising." may tila pagmamayabang sa bawat salita nya.Hinagod pa nya ang braso ni Nhel na nasa may gilid ko.Ang bata naman ay nakakandong na kay Nhel.

So this is the kid.Malaki na pala sya.Biglang bumuhos sa alaala ko ang isang imahe 3 years ago pero naputol yon nung yayain na ako ni Anton.Sinasalo nya ako sa sitwasyon,baka nga naman awayin uli ako ni Marga tulad nuon.

" Baby are you done? Mom called, mag return call ka daw, something important I guess.Halika dun tayo sa labas." untag ni Anton sa akin.Hinawakan nya ako sa kamay para alalayang tumayo.Pansin ko na tumingin si Nhel sa mga kamay namin ni Anton na magkahawak.

Tumayo na ako at hindi nakatakas sa paningin ko ang muling pag~ismid ni Marga at ang galit na mukha ni Nhel ng akbayan ako ni Anton.

Hmp.paki ko sa nararamdaman mo! Kasama mo naman ang pamilya mo.

Bumangon naman ang kapilyahang matagal ng nananalaytay sa akin.Kaya yung pagtayo kong yon,sinadya kong idausdos ang palad ko sa likod ni Nhel na tila naman nakuryente sa marahang paghaplos ko.

Dumukwang ako ng konti para bumulong at medyo nilambingan ko ng bahagya ang boses ko.

" I'll go ahead my ex lover boy.It was nice eating with you.See you later." sambit ko sabay mabilis na hinila si Anton palayo.

Napansin kong parehong natulala si Marga at Nhel sa ginawa ko.

Akala nyo ha! One point for me.

Pagdating namin sa labas ay agad kong hinagilap ang cellphone ko sa hawak kong pouch pero pinigilan ako ni Anton.

" What?" nakangisi lang sya sa akin at nakuha ko na agad ang ibig nyang sabihin.

" Sorry baby! Hahayaan ko na lang sana kaya lang dumating yung mag-ina nya."

" Kailangan ko nga magpasalamat sayo, kinuha mo ako sa sitwasyong iyon.

" Alam ko naman na hindi ka kumportable kaya to the rescue na ako."

" Ok rin naman. Si mommy pa talaga ang naisip mong idahilan."

" No, she really called,nagpapasundo sa atin pag-uwi,nasa mall daw sya.Sabi ko magpasundo na lang sa driver dahil bukas pa tayo uuwi, night swimming di ba?"

" I see, akala ko alibi mo lang.Si mommy talaga malilimutin,nagpaalam kaya ako kagabi sa kanya."  natawa kami pareho sa sinabi ko then napalingon kami ng marinig namin na magsalita ang emcee sa mike tinatawag ang lahat para sa pag-uumpisa ng seremonyas kaya hinila na uli ako ni Anton pabalik sa loob ng bahay.

Tunog ng mga kinakalansing na baso ang inabutan namin, isa sa mga kaugalian na ginagawa sa kasalan.Tapos may sumisigaw ng kiss,kiss.Natutuwa akong panoorin si Pete na parang nahihiya pa na halikan muli si Rina.

Nung hinihiwa nila Pete yung cake, nakatabi kaming dalawa ni Candy kay Rina at nasa likod naman namin si Wil, napansin ko na nakatingin sa amin si Nhel.Siguro iniisip nya na sya na lang ang kulang at buo na ang barkada.May humaplos na konting awa sa puso ko ng maisip ko yon.

Natapos ang mga seremonyas.Ihahagis na ng mag-asawa ang bouquet at garter.Parang sinadya naman na kaming dalawa ni Nhel ang nakasalo.Umugong ang kantyawan lalo na dun sa mga nakakaalam ng nakaraan namin.Hindi sinasadyang napatingin ako kay Marga.Matalim ang tingin na ipinukol nya sa akin.

Bahala kang manigas sa selos dyan!

Panay naman ang asar ni Anton sa akin,tumigil lang sya ng samaan ko ng tingin.

Tinawag na kami sa harap.Pinaupo ako para isuot ni Nhel sa binti ko yung garter.Gusto kong manginig nung hawakan nya ang paa ko at alisin ang sapatos ko.Yung pamilyar na hawak nya at dampi sa balat ko ang nagpaguho sa sistema ko.Parang bumalik yung pagkasabik ko sa mga hawak at haplos nya.Gusto kong batukan ang sarili ko ng simulan na nyang ilagay paakyat sa legs ko yung garter, hindi ko kasi napigilan ang mapasinghap.Ang perv naman kasi parang hinaplos pa nya ng banayad yung legs ko,wala pa naman akong suot na stockings.Buti na lang walang nakakita sa ginawa nya dahil natatakpan yung kamay nya ng gown na suot ko.

Malakas na sigawan ang nakapag-pamulat sa mga mata ko, at agad na hinanap ng paningin ko si Anton.Nang magtagpo ang mata namin ay agad nya akong nilapitan at inalalayang tumayo.

" Excuse me, can I take my wife out of here?" saad nya na kay Nhel nakatingin.

" Oh your wife." tugon naman ni Nhel na may diin ang huling salitang binanggit." By all means." saka umalis sa harap namin at dinala naman ako ni Anton sa mesa nila Candy.

" What was that baby?" nangingiti nyang tanong ng makaupo na kami.

" What?" pagmamaang-maangan kong tanong din na parang walang ginawang kakaiba kanina.

" I saw your reaction earlier." pabulong nyang turan.

" Tigilan mo ko hubby,wala lang yon!" pabulong ko rin na sambit.

" Hoy ano yan! Bat nagbubulungan kayo dyan?" sita ni Candy.

" Ah wala insan,itong hubby ko kasi nagseselos dun sa kanina."

" Kahit ako rin naman siguro ang nasa lugar nya,magseselos din ako,ang lagkit ng tingin ng ex mo sayo kanina eh.Buti na lang lumabas si Marga dahil hinatid yung anak." sabi naman ni Wil.Ah kaya pala may pasimpleng himas pa ang damuho sa legs ko kanina,wala palang guardia civil.

" Huy, wag nga kayo! Parang wala si Anton sa harap natin ah."

" Sorry pare no offense meant." hinging paumanhin naman ni Wil kay Anton.

" Ok lang pare,hindi naman ako mababaw na tao."

NANG matapos ang kasiyahan, umuwi na yung iba at ang naiwan na lang ay kaming mga kaibigan nila para sa reunion mamayang gabi.

May kwartong nakalaan sa amin sa loob ng malaking bahay, yung iba ay nasa mga cottages tumuloy.Pinagpahinga muna kami para mamaya ay relax na kami.

Naligo muna kami ni Anton pagkatapos ay sabay din kaming nakatulog.

Hapon na nung magising kami.Niyayaya ko syang lumabas pero tinatamad pa daw sya.He wants to cuddle kaya pinagbigyan ko na.

Maya-maya narinig ko ang pagtawag ni Candy.

" Laine tinatawag tayo sa labas,mag-iihaw daw tayo." nagkatinginan kami ni Anton pareho kaming tinatamad ng bumangon.Isa pa nakayakap ng husto sa akin ang damulag at nakadantay pa ang mga paa nya sa akin kaya hindi ako makakilos.

" Insan sige susunod na kami."

" May ginagawa ba kayong di kanais-nais?" sigaw nya sa labas ng pinto.

" Wala naman insan." pagkasabi ko nun ay biglang bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang kaibigan ko.Candy at Rina.

" Ayy, ang sweet nyo namang dalawa dyan!" tili ni Candy pagkakita nya sa ayos namin ni Anton.Naasiwa ako pero ang katabi ko ay hindi man lang umiba ng posisyon.Nakakahiya dahil hindi pa sinara ni Candy ang pinto at malaki pa ang pagkakaawang.

Siya namang pagdating ni Wil dahil sa gulat marahil sa pagtili ni Candy.

Pero hindi sya nag-iisa, kasama nya si Pete at Nhel.

OMG! Sana kainin na lang ako ng kama.

Dahil yung tingin ni Nhel sa aming dalawa ni Anton ay para kaming handang bugahan ng apoy.

Nagseselos pa rin ba sya?

Next chapter