webnovel

I Won't Hold You Back

Nhel's Point of View

PAREHO kaming nakatingin ni Laine sa ceiling matapos ang dalawang ulit na maiinit na tagpo pagkagising. We are both exhausted but cannot deny that we enjoyed it. I am happy.So happy that we're together.

Nang makapag-pahinga ay hinila ko na sya papuntang bathroom para maligo.We shower together and of course medyo tumagal kami dahil inulit na naman namin yon. Hindi yata ako magsasawa na gawin yon, with her, of course .

Balak ko nga ngayong maghapon ay dito lang kami sa bahay at ipapadama ko sa kanya kung gaano ako nangulila sa kanya.At isa pa espesyal ang araw na ito sa amin, sana lang maalala nya. Hindi ko babanggitin sa kanya hahayaan ko na sya mismo ang makaalala, at may surprise ako sa kanya para sa araw na ito.

Nakapagbihis na kami ng maalala nya ang cellphone nya.

" Beh yung cellphone ko nasaan?"

" Nandyan sa drawer." tipid kong sagot.Parang hindi kasi maganda sa pakiramdam ko kung bakit nya hinahanap ang cellphone nya, alam ko na kasi ang dahilan o sa madaling salita eh sino.

" Shocks! 10 missed calls!" gulat na turan nya nung buksan nya ang phone nya.

" Sino naman yan?" tanong ko kahit may ideya naman na ako kung sino.Epal talaga.

" Beh I have to go!" hindi nya sinagot ang tanong ko.

" Si Anton yan noh?" kumpirma ko.

Tumango lang sya at iniiwas ang tingin sa akin.

" Puro na lang si Anton! Kapag sya na hindi kana mapakali dyan. At ngayon iiwanan mo ako dahil tinatawag ka na nya.Babe hindi ba pwedeng ako na lang muna dahil ako naman ang talagang asawa mo.Kahit minsan lang, kahit ngayon lang!" hindi ko na napigilan ang inis na lumukob sa akin.Ako ang asawa pero bakit ako ang umaamot ng oras nya.Sinasamantala ko lang naman habang wala si Marga.

" Beh hindi mo kasi naiintindihan.Anton is my husband and he is a good man.He doesn't deserve to be cheated.How can I explain to him that we had a blissful night together kaya hindi ako nakauwi? OK lang naman sa kanya na magkausap tayo pero wag lang hahantong sa alam mo na, malaking insulto sa kanya yon!"

" Who is cheating anyway? We are not cheating Laine, I am your husband.Your legal husband.Kung ginagawa man natin yon, hindi yon kasalanan at hindi tayo nanloloko ng kahit sino.Ikaw lang naman ang nag-aalala dahil mas pinapahalagahan mo sya kaysa sa akin.Mas importante sayo ang nararamdaman nya kaysa sa nararamdaman ko." mapait kong turan.Hindi ko na naitago sa kanya ang pagdaramdam sa boses at itsura ko.

" Nhel hindi ganon yon!" sambit nya.

" Eh ano kung ganon? Bakit hindi mo ipaliwanag para maintindihan ko?"

" No, I can't..I'm sorry. I have to go." yun lang at tuloy-tuloy na syang umalis.

Hindi ko na sya pinigilan.Para ano pa? Ipipilit rin naman nya yung gusto nya na puntahan na ang pinakamamahal nyang asawa. Mapigilan ko man sya at manatili sa akin, siguradong mag-aaway lang kami dahil iisipin nya ito tiyak at yun ang ayaw kong makita.

Nasasaktan ako. Kahit sabihin nya pa na ako ang mahal nya, hindi yon ang nakikita ko kapag si Anton na ang concern.Dahil ba may anak sila? Pero bakit handa na raw syang lumaban para mabawi na nya ako kay Marga?

Hindi nya kayang balewalain si Anton.Kung alam lang nya na Anton is cheating behind her back. Hindi ko naman masabi sa kanya yon dahil hindi ko pa nakumpirma mismo ng sarili kong mga mata.

Hindi rin naman nya maipaliwanag kanina kung bakit tinanggi nya yung sinabi ko na mas importante si Anton sa kanya.Ang gulo nya sa totoo lang. Pero naiinis pa rin ako sa kanya.Puro na lang sya Anton! Nakalimutan na talaga nya ang espesyal na araw ngayon dahil sa mokong na yun.Kaasar! sayang ang surprise ko.

Happy 13'th year anniversary to you Nhel.Mag- isa kana naman magse-celebrate dahil iniwan kana naman ng taong dapat kasama mo na mag-celebrate.

_________

Laine's Point of View

UMALIS ako ng bahay na nagtatalo kami ni Nhel.Hindi nya kasi naintindihan ang punto ko.Iniisip pa nya na mas mahalaga si Anton kaysa sa kanya.Itinanggi ko. Pero hindi ko rin naman maipaliwanag sa kanya kung bakit dahil hindi pa tamang panahon para malaman nya ang lahat.

Kapag nalaman na kasi nya ang totoo sa amin ni Anton, siguradong magpupursige na syang gumawa ng paraan para mabawi ako dito. Hindi dapat yun mangyari, magiging magulo lalo.

Hindi yon magiging madali sa part namin ni Anton, marami kaming mga bagay at taong kinokonsidera. Si Aliyah, ang parents nya, at yung divorce namin. Kailangan yun muna ang unahin namin bago namin harapin ang relasyon namin sa iba. Siya kay Lianna at ako kay Nhel.

Sa ngayon hayaan ko na lang muna na isipin ni Nhel ang gusto nyang isipin sa amin ni Anton. Malalaman din naman nya kung ano ang totoo pag ayos na ang lahat.Mahal na mahal ko sya at kung nagdududa sya don dahil kay Anton, hayaan ko na lang muna na ganon.Kahit naman ipagpilitan ko na sya talaga ang mahal ko hindi rin naman sya maniniwala dahil hanggat nagsasama kami ni Anton, mararamdaman at makikita nya yung pagpapahalaga ko rito. Hindi nya magugustuhan yon lalo pa't nagseselos sya kay Anton. At palagi lang kaming mag-aaway dahil dito. Mas maganda siguro kung hindi muna kami magkakasama at ayusin muna ang dapat ayusin.

" Hey, kanina ka pa ba dyan?" nagulat ako na nandito na pala si Anton sa harap ko.Pag-alis ko sa bahay namin ni Nhel, tinawagan ko kaagad sya pagsakay ko ng taxi at sinabihang magkita na lang sa may SM North para sabay na kami umuwi ng hindi na kami tanungin ng parents nya.

" Medyo, mga 15 minutes lang naman." sagot ko habang pinagbubuksan nya ako ng pinto para sumakay na sa passenger's seat.

Nang masigurong ayos na ang upo ko, he revved the engine to life and drove fast.

" Are you okay baby?" pansin nya dahil hindi ako kumikibo,hindi kasi yun normal kapag magkasama kami.

I drew a deep breath. Hindi ko sya matignan ng diretso dahil guilty na naman ako. May nagawa na naman kasi kami ni Nhel, hindi lang isang beses kundi marami, hindi ko na binilang. Better not to tell him, I decide.

" Yeah, I'm good." pinilit kong tumingin sa kanya para hindi sya makahalata." Medyo nagtalo lang kami bago ako umalis."

" Ano na naman ang pinagtalunan nyo? Akala ko mag-uusap kayo para kahit paano magkasundo kayo habang inaayos naman natin yung problema natin."

" Ton hindi nya naintindihan yung pagpapahalaga ko sayo. Feeling nya mas importante ka sa akin kaysa sa kanya. He is always jealous of you. Hindi ko naman pwedeng ipaliwanag sa kanya dahil hindi pa nya pwedeng malaman ang totoo sa atin ngayon kaya hayun nagagalit sya at iniisip nya na mas mahalaga ka sa akin kaysa sa kanya."

He sighed..." Siguro baby hayaan mo na muna si Nhel, he will know the truth soon. Hindi mo rin naman sya makukumbinse na siya talaga ang mahal mo hanggat magkasama tayo."

" Iyan nga rin ang sinasabi ko sa sarili ko hubby. Siguro mas magandang dumistansya muna kami sa isat-isa hanggat hindi pa tayo naaayos. Lagi lang kaming magtatalo at ikaw lagi ang dahilan. Ayoko naman yung ganon, unfair naman sayo yun."

" Kung yun ang magandang gawin sa ngayon, okay na rin ako dun. I'll support you in any way I can."

" Thanks hubby. Kayo naman ni Lianna, kumusta?"

" Hayun, tuwang-tuwa dun sa bahay na binigay ko sa kanya, nagandahan. Hindi na nga makapaghintay sa day-off nya dahil gusto na raw nyang bumili kami ng gamit at ayusan yung bahay."

" Oh I'm happy to hear that.Sabi sayo magugustuhan nya yun tapos nagrereklamo ka pa na mahal yung bahay."

" Hindi naman. Sa totoo lang nung pinili mo yun at sinabi mo na yun ang magugustuhan ni Lianna, nagustuhan ko naman na agad pagkakita pa lang."

" Hayun at inaasar mo lang pala ako. Pinalalabas mo lang na napilitan kang bilhin kasi sinabi ko."

" Syempre ayoko namang isipin mo na mas mahal yung bahay nya kaysa dun sa binili kong bahay natin sa Switzerland. Ayokong magselos ka noh!"

" Hubby wala naman sa akin yon. Alam naman natin pareho kung ano lang tayo sa isat-isa."

" Baby you're still my wife. You and Aliyah are my family. Ano man ang totoo sa pagitan nating dalawa hindi pa rin maaalis ang katotohanan na tayong tatlo ay pamilya. Dahil sa puso ko nandoon kayong mag-ina.You and Aliyah is my home.Home is when I'm with the two of you."

" Magbabago yun Ton kapag divorce na tayo at kayo na ni Lianna ang bubuo ng pamilya."

" Didn't I promise you na hindi ko kayo iiwan ni Aliyah? Unless naayos mo na yung sa inyo ni Nhel at ikaw ang magdedesisyon."

" That's remains to be seen hubby. But whatever happens, you can't change the fact that you are a part of us. And we have this special bond that will tie us forever. Our friendship."

" Yeah, right. You and I are bestfriends as long as we live.And our friendship is understanding, not an agreement."

" Thank you Ton for understanding me and for being there for me and Aliyah." turan ko at yumakap sa kanya ng mahigpit. Ito ang hindi naiintindihan ni Nhel kung bakit ayaw kong saktan si Anton.He is really a good man with unconditional love.Lianna is indeed lucky for having him.

" I love you and Aliyah, at yung panahon na kasama ko kayong dalawa ang isa sa pinaka masayang moment sa buhay ko. Always remember that." and he kissed me on the side of my head.

NANG gabing yon hindi ako dalawin ng antok.Naiisip ko si Nhel.Then a message pop-up from my cellphone.

From: Nhel Mercado

Sorry to disturb you. I just wanna greet you a Happy 13'th year anniversary. It's hard for me celebrating it all alone but don't worry sanay na ako.Sanay na sanay.

OMG! Bakit ko nga ba nakalimutan yon? Kaya naman pala ganoon na lang ang inis nya kanina dahil imbes na maalala ko, nagtalo pa kami dahil kay Anton.

I'm sorry Nhel, I didn't mean to forget our anniversary.Babawi ako, next time.I promise.

Next chapter