webnovel

I Love You

Nhel's Point of View

PAGKAHATID sa amin nila Tita Paz sa bahay, nagpahinga lang ako ng konti then I took a quick shower.

Pupunta ako ngayon kila Laine para ayusin kung ano man yung gusot sa pagitan namin.

Kahit gabi na, kailangan kausapin ko sya kung hindi baka mabaliw na ako sa kakaisip ng paraan kung paano lalapit sa kanya.

Actually, this is tito Franz's idea.Huwag ko na raw ipagpabukas pa ang chance na mayroon ako ngayon habang maganda pa ang mood ni Laine dahil sa pagkapanalo sa pageant.

Nagsuot lang ako ng plain white t- shirt at beige shorts.Nagpaalam lang ako kay papa then umalis nako sakay ng bike ko.

Saktong nasa gate pa si Mang Gusting nung dumating ako kaya naman hindi na ako nag doorbell para pumasok.

Si tito Franz muna ang kakausapin ko para magpaalam kaya dumiretso na agad ako sa room nila.

Palabas naman ng room nila si tita Paz dahil kakausapin si Laine, nagulat nga sya nung makita ako.Sabi ko sa kanya huwag muna banggitin sa anak nya na nandito ako dahil kakausapin ko muna si tito.

Pagpasok ko ng room, nakahiga na si tito Franz at nanonood ng TV.

Nagpaalam lang ako na kakausapin na si Laine.Natutuwa syang pumayag at nag- usap lang kami saglit.

Nung lumabas na ako ng room nila, nasalubong ko ulit si tita Paz, nasabi na raw nya kay Laine na nandito ako.Kumatok na lang daw ako at gising pa naman ito.

Nung nasa harap na ako ng pinto, hindi ko alam kung kakatok ba ako o uuwi na lang.

Kinakabahan ako.

Paano kung hindi nya ako pagbuksan?

Paano kung ayaw nya pa akong kausapin?

Haisst! Bahala na nga! It's now or never.

Nanginginig akong kumatok.Hindi naman nagtagal bumukas yung pinto.Thank God!

Whoaa! Para akong sumali sa race sa bilis ng tibok ng puso ko pagkakita ko sa magandang nilalang na ito.Parang ang daming nagbago physically sa kanya sa loob ng six months na hindi kami nagkakasama.

Gusto ko syang yakapin dahil sobra ko syang na missed pero bawal yun.BAWAL.

Nakatingin lang sya sa akin.

Nung ma- compose ko na yung sarili ko, nagsalita na ako.

"Laine, can we talk?"

Hindi sya kumikibo, nakatingin pa rin sya sa akin.

" Laine, can we talk?" ulit ko.

She just nodded at niluwagan ang bukas ng pinto para makapasok ako.Nauuna sya at umupo sya sa side ng kama nya.

Umupo naman ako dun sa chair ng vanity table nya na katabi ng bed nya.

Magkaharap kami.

" Laine, I'm sorry!" bungad ko.

" S-sorry? Para saan? tanong nya.

"Hindi ba ako dapat ang mag sorry sayo dahil ako ang may gusto na mag-iwasan tayo.Ako yung umiiwas kapag tinatangka mong kausapin ako.Well, I'm so sorry Nhel and I mean it." madamdaming sabi nya.

" Okey, kaya lang alam kong may mga nagawa akong hindi mo nagustuhan na maaaring nakasira sa pagkaka-kilala mo sa tunay na ako." sabi ko.

" You already broke your principles.Wala ng natira di ba?"

" No, mali ang iniisip mo.Hindi yun ganun Laine."

" Ano ba ang alam mo sa iniisip ko Nhel?"

" Hindi ko alam, pero ang alam ko may mga nangyari na inakala mong labag sa prinsipyo ko dahil higit kanino man ikaw lang ang nakakaalam ng mga yun." paliwanag ko.

" Siguro nga mali yung mga inakala ko.Ewan ko ba, parang iba kasi yung ine-expect ko sayo tapos hindi naman ganon yung nangyari." sabi nya.

" Gusto kong i- explain ang sarili ko pero hindi kasi ako nabigyan ng chance. Yeah, dapat nung umalis si Lovie nilapitan na kita kaya lang baka hindi mo ako pansinin kasi nga dun sa nakita mo sa amin dati.Naduwag lang akong sumubok Laine.Sorry for that." sabi ko naman.

Hindi sya kumikibo pero alam ko nakikinig sya kaya nagpatuloy ako.

" Laine, mali lahat ng akala mo.Yung nakita mo sa amin ni Lovie nun, hindi yun totoo kasi I didn't responded to her kiss, it's more of a smack.Ginawa nya yun kasi nakita ka nya.Remember pinagseselosan ka nya.Then yung girl sa likod ng school.? Part lang yun nung command sa akin ng senior officer ng CAT.Hindi ko nga kilala yung girl.Sa mga nakita mong nangyari nun hindi ko naman maiaalis sayo na isipin mo na hindi ako naging honest sa mga prinsipyong pinaninindigan ko.Wala akong binali dun, buo pa rin yun."

Pagkatapos nung sinabi ko nagsalita na rin sya.

" Nhel, totoo na nag-isip ako ng negative sayo.Nung umalis si Lovie sabi ko pwede na akong hindi umiwas sayo pero dumaan ang ilang araw,linggo hanggang umabot na ng mga buwan na hindi ka pa rin lumalapit sa akin.You didn't make any move.So, inisip ko baka hindi na nga pwede.Kaya naman umiwas na lang ako ng tuluyan.Tutal threat lang ako sa mga babaeng nagkakagusto sayo.I'm your best friend pero hindi yun ang tingin ni Lovie at maaring mangyari ulit yun pag nagka- girlfriend ka ulit. But when I saw you with that girl in school, nung sandaling magtama yung tingin natin, I saw sadness and pain in your eyes.Sabi ko siguro we have to give it a try.

Sayang ang friendship na binuo natin.Let bygones be bygones.Start all over again." mahabang sabi nya.

Ako naman ang nagulat.Meaning pwede na kaming mag-umpisa uli.Start over again daw eh.Tama ba narinig ko.Ulit nga!

" You mean you want us to start again?" tanong ko.

She just nodded.

" Hindi mo alam kung gaano ako kasaya na marinig ko sayo yan." sabi ko sa kanya.

" Sana lang wala ng umaway uli sa akin ha?" sabi nya.

Ngumiti ako ng maluwang sa kanya.

Tumayo ako at nilapitan sya.

" Okey, I promise.Hindi kita hahayaang masaktan ng kahit sino at lalo na ayokong umiyak kana naman ng dahil sa akin." pangako ko.

Tumayo rin sya at nagulat na lang ako ng yumakap sya sa akin.

" Thank you Nhel!" sabi nya.

Niyakap ko na rin sya ng mahigpit.God! Sobrang missed ko sya.Ayoko ng lumayo pa to uli sa akin, hindi ko na yata kakayanin pa.Nagulat na lang ako sa sinagot ko sa kanya.

" I love you Laine."

Pareho kaming nagulat sa nasabi ko.

Nanlalaki ang mata nya na nakatingin sa akin.

Naku! patay tayo dyan! bakit ba nasabi ko na?.. Hindi pa dapat.

Naku naman!

Hala! patay ka Nhel nagulat tuloy si Laine.

Ako rin nagulat eh...hahaha..

Thanks for reading!

AIGENMARIEcreators' thoughts
Next chapter