webnovel

Her Story

Alam ko marami ang magre-react sa chapter na ito.Pinag-isipan ko talaga kung bibigyan ko ba sya ng space dahil kahit ako naiinis din sa kanya..haha.😂😂😂✌

Anyway,  pagbigyan na natin sya. Alamin natin ang saloobin  at pinaghuhugutan nya.

Marga's Point of View

GALIT na galit ako hanggang sa makauwi ako ng bahay. Gusto kong magwala dahil sa natuklasan ko. For five years naging kampante na ako na hindi ako iiwan ni Nhel, lalo na ng mabalitaan ko na nag-asawa na si Laine at naninirahan sa ibang bansa. Hindi ko akalain na babalik pa ang babaeng yun at aagawin muli ang lalaking minahal ko ng buong buhay ko. Sa pagbabalik nya, ginulo nya ang tahimik ko na sanang mundo kasama si Nhel.

Hindi ko akalain na matutuklasan nya ang lahat ng pinakatatago kong lihim at ang masaklap pa,sya pala ang legal na asawa at may anak sila.Buong akala ko,ako ang legal na Mrs.Mercado. Iyon pala hindi rin ako nagtagumpay talaga sa pang-aagaw ko kay Nhel sa kanya.

Bwisit na babae! Kailan ko ba sya maiingusan sa lahat ng bagay? Simula't sapul na makilala ko sya, inagaw na nya ang lahat ng para sa akin. At ang pinaka importante pa sa akin ang nakuha nya rin, si Nhel.

Si Nhel na naging obssession ko na mapasaakin simula pa sa pagkabata.

Nakilala ko si Nhel nung 7'th birthday nya at invited ang halos lahat ng bata dun sa lugar namin sa Sto.Cristo.Five years old ako nun at hindi ko maipaliwanag kung bakit sa murang edad ko ay nagkagusto ako sa kanya. Siguro dahil ang gwapo nya kahit bata pa lang.

Siya ang bunsong anak ng mga Mercado,kumpare ng daddy ko ang papa nya. Nirereto na ako ng daddy ko kay Nhel noon pero hindi ko alam kung bakit parang hindi ako gusto ng mga magulang ni Nhel para sa kanya. At maging si Nhel ay parang wala ring interes sa akin. Maganda naman ako at matalino rin.Ilan na ba ang naging nobya nya bago pa si Laine at sa malas hindi ako nakasali sa mga iyon. Madalas nyang sabihin na hindi kami pwede dahil kinakapatid nya ako. Hindi pwede. Hindi talaga.

Pero mas lalo lang akong nagpursige na mapansin nya. Dahil may katungkulan si dad sa munisipyo,kapag piyestang bayan,nagpipilit akong maging kandidata para kunin si Nhel na maging escort ko. But luck is not always on my side, hindi ako nananalo sa mga beauty pageant na yan pero ayos lang sa akin,ang importante lang kasi sa akin, sya yung escort ko.

Hanggang sa dumating na si Laine sa bayan namin, namatay ang mga magulang ng mommy nya at dito na sila nanirahan for good. Naging kaibigan nya ang mga kalaro ko noong bata ako na sina Rina at Candy pati na rin ang magkapatid na Wil at Pete. Naiinis ako nun sa kanya kasi hindi na ako pinapansin nung apat dahil sya na lang lagi ang pinupuntahan. At lalo pang nadagdagan ang inis ko ng pati si Nhel ay naging malapit na rin sa kanya, naging mag best friends pa nga sila. Kinimkim ko ang pagka-disgusto ko kay Laine hanggang pati nung high school, sya na ang naging sikat sa school namin. Kung dati ako ang nananalo sa laban sa Ms.High School pero nung dumating sya,hayun sya na naman ang bida at ewan kung anong mahika meron ang babaeng yun, laging sya ang nananalo ng title at runner up na lang ako. Pati ang Mutya ng Bayan na hindi ko kahit minsan man naipanalo, sya ang nanalo ng korona sa minsang pagsali lang nya.

Lumalim ng lumalim ang pagkainis ko kay Laine na nauwi  na sa pagkasuklam nung mabalitaan kong sila na ni Nhel at ito lang ang pinaglaanan nya ng lahat ng prinsipyo nya sa kabila ng marami na itong naging girlfriend.Hindi ko alam kung ilang balde ng luha ang iniyak ko ng malaman ko yun at pinangako ko sa sarili ko na gagawa ako ng paraan para makuha ko si Nhel mula sa kanya.Practically, ako ang naunang nakilala ni Nhel kaysa kay Laine, epal lang talaga ang babaeng yon,papansin lang.

Kinasusuklaman ko sya mula ulo hanggang paa.

Natuwa ako ng magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng dahil dun sa taga Maynilang si Peachy. Umalis si Laine at ilang buwan syang hindi nagpakita kay Nhel. Gumawa ako ng paraan, dun ako nag-enroll sa university na katabi ng school ni Nhel. Araw-araw ko syang tinityempuhan para masabayan sa pagpasok pero hindi nangyari dahil ang mga schedule na nakuha ko ay hindi tugma sa schedule nya.

Hanggang sa sumapit ang debut ni Nhel. Excited ako dahil may chance ako na makasayaw man lang sya. Nung debut ko kasi hindi sya nakapunta dahil nagbakasyon sila ng talipandas na si Laine sa Baguio. Masayang-masaya ako nung dumating ako sa party nya dahil walang Laine na asungot,tanging ang pamilya lang nya ang naroon ngunit nung mag-umpisa na ang party, naunsiyami ako dahil invited pala ang mga exes nya. Shit talaga. Pero hindi ako nagpatalo, pagkatapos nyang isayaw si Rowie ako na ang sumunod.

Hindi ko akalain na masisira ang gabi ko.Pagkatapos nya akong maisayaw, si Jessica naman ang sumunod. Naiinis nga ako dahil kung makapulupot kay Nhel akala mo eh sila. Mukha nya! Lalo akong nayamot ng mamataan ko na kasama ni Pete ang bagong dating na si Laine at ipinasa ito kay Nhel. Nagpupuyos ako sa galit nung nakikita ko silang nag-uusap habang sumasayaw at pagkatapos ng party na yon,sila na ulit.

Simula nung gabing yun, bumuo na ako ng plano kung paano mapapalapit kay Nhel. Pero hindi ako nagtatagumpay dahil hindi talaga nya ako pinapansin dahil kay Laine lang sya naka-focus.Sa sobrang sama ng loob ko, uminom ako ng sleeping pills na inakala naman nila mommy ay nag suicide ako. Hindi ko na pinabulaanan yung akala nila. Tila nakabuti pa nga dahil simula nun pinapansin na ako ni Nhel.

Kaya nung lumabas na ako ng ospital nagsimula na ako sa misyon ko. Ang maagaw si Nhel kay Laine.

Harap-harapan ko ng ipinapakita ang interes ko sa kanya.Lalo na nung sa kanila na nakatira si Laine, mas pinagbuti ko pa ang pang-aakit kay Nhel para mainis si Laine. Araw-araw akong pumupunta sa kanila at nagpapasama ako kay Nhel kung saan-saan.Kahit sa company kung saan sya nagta-trabaho ay madalas ko syang puntahan at tawagan. Nagpapakilala ako dun na ako ang girlfriend.Wala akong pakialam kay Laine, basta ang gusto ko maagaw ko si Nhel sa kanya.

Nang sa wakas ay magtagumpay ako. Birthday nun ng president ng youth club namin at lahat kami ay imbitado. Dumating sila Pete kasama si Nhel but minus Laine. May sakit ang bruha at ikinatuwa ko naman yun ng husto. Nagkayayaang uminom at nung umalis si Pete at Wil para ihatid sila Rina,nilagyan ko ng gamot yung beer na inabot ko kay Nhel. Ilang sandali lang nakaramdam na sya ng pagkahilo at nagpatulong ako sa pinsan kong lalaki para maiuwi ang wala ng malay na si Nhel sa bahay namin. Tulog na ang mga magulang ko pati na ang mga kasambahay namin kaya malaya ko syang nadala sa aking silid. Nung maipasok ko na sya at naihiga sa kama ko, nagtanggal ako ng lahat ng kasuotan ko at siya man ay hinubaran ko na rin. Dahil sa mabigat sya,yung pang itaas lang nya ang naalis ko. Humiga ako sa tabi nya at itinakip ko ang kumot sa aming dalawa at yun ang dinatnang tagpo ng mga magulang ko at magulang nya kasama si Laine. Kuntodo drama ako na pang- famas.Sinabi ko na may nangyari sa amin kaya pinilit sya ng daddy  ko na pakasalan ako.Tumatanggi si Nhel pati ang mga magulang nya na pakasalan ako pero nagbanta ang daddy ko na ipapakulong si Nhel at patatanggalan ng lisensya sa pagiging engineer.

Tuwang-tuwa ako sa pait na dinaranas ni Laine dahil sa pang-iiwan ni Nhel sa kanya. Naisip ko na nakaganti na ako sa kanya. Nakuha ko pa syang saktan bago sya lumayas sa bansa ng tuluyan.

Akala ko sa pag-alis ni Laine, maangkin ko na si Nhel ng tuluyan. Lalo lang syang namuhi sa akin at ni hindi nya ako pinapansin man lang.

Naisip ko kung magkakaroon kami ng anak baka magbago ang pagtingin nya sa akin, kaya simula nung maisip ko yun,nagpapahiwatig na ako na gusto kong may mangyari sa amin.

Subalit kahit ano ang gawin ko ay hindi ko sya napapayag na may mangyari sa amin. Sa sobrang frustration ko,nakipag-balikan ako sa dati kong nobyo na si Wesley. Siya ang nagpupuno ng mga pangangailangan kong sexual na hindi maibigay ni Nhel sa akin.

Halos araw-araw nagniniig kami, wala na akong pakialam kung nagtataksil man ako kay Nhel,gusto ko ang ginagawa ko,nag-eenjoy ako sa ginagawa ni Wesley sa katawan ko.

Hanggang sa magbunga ang kataksilan ko. Noon ko niyaya si Nhel na mag-undergo kami ng artificial insemination, sinabi ko kunwari na may diprensya ako sa matres kaya bago tanggalin ang matres ko ay mag-undergo na kami ng A.I.at pumayag naman sya.Pero lahat ng iyon ay kasinungalingan lang syempre but Nhel knew that the child is his.Kinasabwat ko ang doktor na palabasin kay Nhel na tagumpay ang procedure.

Simula nung maisilang ko ang bata,medyo nagbago ang pakikitungo ni Nhel sa akin. Minahal nya ng husto ang bata at ginawa nya ang tungkulin nya bilang ama dito at kahit paano maayos na ang pakikitungo nya sa akin. Subalit patuloy pa rin ang lihim na relasyon namin ni Wesley at para hindi na kami mahirapan na patagong nagkikita, inudyukan ko syang ipasok ako sa kumpanyang pinapasukan nya.Doon nagagawa namin ang kapusukan namin lalo na kapag may business trip kami abroad.

Ngayon na muling nagbalik si Laine para bawiin si Nhel,hindi ako makakapayag na magtagumpay sya. Kahit alam na ni Nhel ang katotohanan na hindi nya anak si Mark at may karelasyon akong iba,hinding-hindi ako papayag na iwanan nya ako ng basta-basta. Mahihirapan sila sa akin dahil hindi ko isusuko si Nhel ng ganun na lang. Gagawa ako ng paraan. What Marga wants, Marga gets!

" Anak what happened?"

" Dad tulungan mo ako,gawan mo ito ng paraan. Iiwan na ako ni Nhel babalikan na nya si Laine."

" Anong ibig mong sabihin Marga?"

" Pinagtulungan nila ako kanina dad, silang lahat. Iganti mo ako daddy,sugurin mo sila!"

What can you say about Marga after reading her side story? Ako, gusto ko syang kurutin gamit ang nail cutter.. haha. ??joke!

Anyway, nag mass release ako guys, sana lang i-rate nyo itong story at mag vote din kayo. Thanks for reading! ❤️

AIGENMARIEcreators' thoughts
Next chapter