webnovel

Blamed

Laine's Point of View

LIFE is perfect when you're with someone you love the most.

Oo,totoo naman yan sa amin ni Nhel.Kahit na nakaupo lang kami at magkayakap lang, sobrang kuntento na kami at perfect na yun para sa amin.

Hindi ko ine~ expect na makakaya naming mamuhay ng kami lang dalawa.Kahit busy ako sa school at sya naman sa trabaho nya,nakukuha pa rin namin na bigyan ng oras ang isat~isa.

Sobrang kuntento ako sa ganito ka- simpleng buhay namin.At sino ba naman ang hindi makukuntento kung katulad nya ang mapapangasawa mo? He is kind, loving, sweet and a good provider.Bonus na yung good looks, hot na at super yummy pa.

Tinitilian nga ng mga babae yan pag rumarampa kami sa mga fashion shows at nagpo~pose sa mga photo shoots namin.Naiinis nga ako minsan but at the same time proud din naman dahil akin yung tinitilian at pinagnanasaan nila.Madalas rin naman na rumarampa sa harap ko yan only in his birth suit.Oha,syempre sa bahay lang namin and for my eyes only.😳

Speaking of Nhel,nasaan na kaya yun? late na sya ng 30 minutes sa oras ng pag~uwi nya dito sa bahay.

Napagpasyahan kong lumabas at dun na lang sya hintayin sa upuan sa garden.

Paglabas ko ay medyo papadilim na,maagang dumilim ngayon dahil magpapasko na.Christmas vacation na namin sa school at kahapon nga ay nag Christmas party na kami.

Bukas ang Christmas party sa office nila Nhel. Isasama daw nya ako at gusto rin ni ninong na pumunta ako dahil isasama rin nya si tita Elsie, yung wife nya, matagal na rin nung huli kaming magkita.

After a while ay narinig ko na yung busina nya.Nagmamadali kong binuksan ang gate namin.

Saktong naisara ko na uli ang gate ng makababa sya ng kotse.

" Babe sorry na late ako ng uwi,bumili kasi ako ng gift para bukas,traffic pa." sabay abot nya sa akin nung pasalubong nyang ice cream habang hawak naman nya sa kanang kamay yung malaking box ng gift.

Nauna akong pumasok dahil inilagay ko sa ref yung ice cream. Umupo sya sa sofa at nagtanggal ng sapatos. Inabot ko naman sa kanya ang slippers nya tapos kinuha ko ang sapatos nya at nilagay sa shoe rack.Pagbalik ko ay hinila nya ako at inupo sa kandungan nya.

Ikinawit ko ang dalawang kamay ko sa leeg nya at hinalikan sya ng banayad sa labi.

" You should have called para naman hindi ako nag~aalala." turan ko habang hinahaplos ko ang pisngi nya.

Hinuli nya ang kamay ko at hinalikan.

" Nagmamadali kasi ako kanina,nawala na sa isip ko.Sorry babe.. .. hmm.. " hinapit nya ako sa bewang at isinubsob ang mukha nya sa leeg ko at hinalik~halikan..Hala,buti na lang naligo na ako.

" Ahhh .... Ok ,.. hmmm.. teka lang beh." natataranta na ako kasi naman ginigising na naman nya ang katawang lupa ko.

" You're turning me on again babe.Pwede ba mag PPL tayo,tagal na nung huli di ba? " turan nya na namumungay pa ang mata.Mukha syang lasing.hehe.

Natawa ako.Pleasure pleasure lang ang ibig nyang sabihin sa PPL.We just pleasure each other,wala yung main event, walang all the way.Yung nangyari two months ago ang huli namin,after that parang iniwasan na namin ng kusa baka kasi hindi kami makapag~pigil bumigay kami.

Nagkatitigan kami,shocks bakit parang nae~excite ako,feeling ko may mga paru~paru sa tiyan ko na gustong mag~rally at hindi ako na~inform.

Ano ba yan Laine,teen ager lang ang peg? mag~asawa na kayo nyan,shunga!

Nagsimulang maglakbay ang mga kamay nya habang nakatingin lang kami sa isat~isa.Natawa pa sya ng mapalitan ng shock na expression ang mukha ko.

Paano ba naman panay ang himas nya sa mga twin towers ko.Namula ako ng husto dahil kinikilabutan ako sa bawat banayad na paghagod nya.

" My blushing virgin wife." bulong nya sa akin.

Kinurot ko sya ng bahagya sa tiyan.

" Uumpisahan mo na naman hindi pa nga tayo naghahapunan."

Tumawa sya ng malakas at inalalayan nya na ako para tumayo.

" Mamaya ha babe? " nakangiti sya at pataas~taas pa ng kilay.

" Owkay! " yun lang sinabi ko.

" Yes! Nae~excite ako! Kinikilig ako." tuwang~tuwa na akala mo bata na pupunta ng Disneyland.

________________

GANOON tumakbo ang buhay namin ni Nhel but not all times ay may PPL kami, ika nga occasionally lang para iwas tukso.Katulad na lang nung Christmas at New Year,tapos nung birthday nya. Yun ang matindi dahil halos hindi nya ako pinatulog, grabe sya nun.Paano na kaya pag pwede na yung main event, eh di hindi na ako makakabangon.Haha,kaloka pala pag ganun.

Two months to go graduation ko na,sobrang busy na ako para sa thesis ko,minsan nga hindi ko na nagagawa ang mga obligasyon ko sa bahay pero naiintindihan naman ni Nhel yun, sya na ang kumikilos kapag wala ako at matiyagang naghihintay kapag ginagabi ako sa pag~uwi.

" Beh I'm home! " tawag ko habang binubuksan ko ang main door ng susi kong hawak.Nagtataka ako kung bakit madilim.Tulog na siguro sya.

Kaya kinapa ko ang switch ng ilaw sa sala.

Nang lumiwanag na, sobrang laki ng ngiti ko ng may makita akong isang basket ng pink tulips sa center table katabi ng tatlong malalaking Cadburry chocolates.

Sa sofa ay may isang malaking teddy bear na kamukha ni Lainel,yung unang stuff toy na bigay nya sa akin.

Nang mapadako ang tingin ko sa dining table namin ay may nakahandang pagkain na tila binili nya sa isang sikat na restaurant at may candles pa sa gitna.

Gusto kong maluha sa effort ni Nhel. Alam nyang pagod ako kaya dito na lang sa bahay nya piniling i~celebrate ang okasyon ngayon.

Nagmamadali akong pumasok sa room namin.Bukas ang tv pero tulog naman ang nanonood.Nakakatuwa ang itsura nya. Naka~upo sya at nakasandal sa headboard ng kama na hawak pa ang remote.Dahan~dahan kong inalis sa kamay nya ang hawak nya ng hindi man lang nagising.

Tsk.pagod siguro kaya maagang nakatulog.

Umandar ang kapilyahan ko kaya ginawa ko rin sa kanya yung ginawa nya sa akin nung minsang umuwi sya na tulog ako.Hinalikan ko sya ng madiin sa labi sabay dakma sa natutulog din nyang noynoy.Hayun,nanlalaki ang mata sa gulat ng magising.

" Pilya ka talaga,humanda ka sa akin mamaya." banta pa nya habang niyayakap ako at hinahalik~halikan sa pisngi.

" Quits na tayo.How's your day? mukhang pagod ka at maaga kang nakatulog dyan." inilapat  ko ang ulo ko sa dibdib nya and intertwined our fingers.

" Medyo... bumili pa kasi ako nung mga nandyan sa labas,have you seen it? Alam ko kasing pagod ka na kaya hindi na tayo makakalabas tonight."

" Yeah,thank you beh.Happy Valentine's.Para tuloy gusto muna kitang i~PPL  ngayon."

" Hmm.gusto ko yan kaya lang kanina pa ako gutom.That can wait.Happy valentine's din babe.I love you." sabay halik sa ulunan ko.

" I love you too."

Magana kaming kumain habang nag~uusap tungkol sa mga nangyari sa amin sa maghapon.Ganun naman kami palagi.. Then after that tutulog na kami.

Oops.. May gagawin pa nga pala kami mag~P~pray muna syempre.Haha,akala nyo yun agad ha.

Pero ayoko na masyadong idetalye basta bago ang ginawa nya sa akin ngayon. Mas nakakabaliw, yun bang makatirik mata level 50. Hindi ko alam kung ilang beses akong dumating dun.Ganon din sya nung gayahin ko yung ginawa nya sa akin.Hayun,ang resulta puyat at pagod pero masaya.

Masharap kaya! Char!

Lumipas pa ang mga araw at masasabi kong mas lalo kaming nagkakasundo ni Nhel.Hindi kami nag~aaway, meron man tampuhan lang na nadadaan sa isang kiss lang, ayos na. Ang sikreto ng masayang relasyon? Huwag hayaang lubugan ng araw pag may tampuhan. Kailangan bago kayo matulog naayos nyo na ang gusot sa pagitan nyo.

Pero sabi nga, hindi lahat ng pangyayari sa buhay nyo puro saya na lang. Pagdadaanan nyo talaga ang mga pagsubok sa buhay.Nakatadhana talaga yun pero minsan parang sinasadya na, tulad na lang nito.

" Hi beh!  How's your day? Mukha kang nalugi ah." bati ko sa asawa ko pagpasok pa lang nya ng pinto.Sinalubong ko sya ng yakap at halik na ginantihan naman nya.

Hinila nya ako pagkatapos at naupo kami sa sofa.Kumandong ako sa kanya at hinilot~hilot ko ang ulo nya para ma~relax sya.

He heaved a deep sigh.

" O what's  with that sad look on your handsome face? May problema ba tayo? "

" It's  Marga again..Di ba I told you the other day na pumunta na naman sya sa office at hindi ko sya uli hinarap.Then she went home,to Sto.Cristo,at nagwala sya ng husto.Lahat ng mahawakan ibinabato.Hindi rin kumakain ng buong araw at iyak lang ng iyak."

" Gosh!  How'd you know that? "

" Her parents, pinuntahan ako sa office kanina.Nakiusap na pakiharapan ko naman daw ng maayos yung anak nila para hindi na gawin yung ganon.Sobrang iyak nga nung mommy nya habang nakikiusap sa akin."

I heaved a sigh.Ano na naman ba itong pakulo ni Marga pati parents nya dinadamay pa?Na~obsessed na ba talaga sya sa asawa ko? Kinakabahan yata ako.Parang may gagawin sya ngayon na kakaiba.

" Bakit pinuntahan ka pa sa office eh uuwi naman tayo bukas ng Sto.Cristo? " kinakabahang tanong ko.

" Sinugod daw nila si Marga sa hospital. Uminom ng sandamakmak na sleeping pills. She committed suicide babe buti na lang daw nakaligtas.And her dad almost blamed me for that."

" Oh my God! "

Hala! Ano na naman kaya ito? Umpisa na ba ng mga problema sa buhay nilang dalawa? Ihanda ang tissue nung mga mababaw ang luha, medyo nakakaiyak sa galit yung mga susunod na kabanata.

Thank you for reading. ♥️

AIGENMARIEcreators' thoughts
Next chapter