webnovel

Big Surprise

Laine's Point of View

It's Friday again but unlike any other fridays, special ngayon coz it's my eighteen'th birthday today.

Tumawag si Nhel kagabi at susunduin nya daw ako after ng class ko.Uuwi kami ng Sto.Cristo dahil may hinandang dinner para sa akin ang parents ko.Family and friends lang ang kasama dahil yun lang ang hiningi ko sa kanila. Ayoko ng magarbong selebrasyon.

Maaga akong ginising ni Candy at Rina para bumati dahil maaga ang pasok nila sa school at sinabing magkita na lang kami mamaya sa Sto.Cristo.

Ilang minuto pa ang lumipas ng may mag-doorbell kaya dali-dali kong binuksan ang gate para sinuhin kung sino ang istorbo ng ganito kaaga.

Napangiti ako ng bumungad sa akin ang isang bouquet ng pink tulips na dala ng gwapong nilalang na nakasuot ng white Lacoste polo shirt at maong pants.

Shocks! Ang gwapo naman.

Ang aga-aga pinagpapawisan yata ako.

Ngiti pa lang nya solve na ang problema ng kahirapan ng bansa.

" Hi babe! Happy birthday!" nakangiting bati nya sa akin.

" Thank you beh!Akala ko ba mamaya ka pa pupunta dito?" tanong ko habang inaamoy ang mga tulips na kinuha ko mula sa kanya.

" Mamaya pa naman ang klase natin pareho kaya magsimba muna tayo." aya nya sa akin.

" Yeah, magsisimba nga muna ako bago pumasok sa school. Mabuti na lang nandito ka, wala nga akong kasama.Halika pasok ka, magbibihis lang ako." tugon ko at hinila ko na sya papasok ng bahay.

Pagkatapos naming magsimba ay hinatid nya na ako sa school.

_________

Nung uwian na namin ay niyaya ko ang mga kaibigan ko na sina Sheena at ang bading na si Carly na kumain muna. Parang blow out ko sa kanila pero tumanggi sila pareho dahil may importante daw silang pupuntahan at nagmamadali sila.

Medyo sumama ng konti ang loob ko pero nilambing-lambing lang nila ako at nangako na sa ibang araw na lang.At syempre dahil marupok ako, pumayag na lang ako sa gusto nila.

" Promise besty sa Monday na lang. May inuutos lang kasi si Dad at yung gift namin nitong badingerzi na to eh nakalimutan rin naming dalhin but it's in our house na. I'll bring it on Monday na lang." sabi ni Sheena habang nakakawit sa bewang ko ang mga kamay nya.

I just nodded at lumakad na kami papuntang gate.

Nasa gate na si Nhel nung makarating kami.

Agad namang bumitaw si Carly sa amin ni Sheena nang makita si Nhel at nagmamadaling ikinawit ang mga braso nya kay Nhel na asiwang -asiwa naman sa kanya.

" Hi! Fafa Nielsen.Ang gwapo mo talaga! Minsan tuloy gusto ko ng ihulog sa ilog Pasig itong hitad na kaibigan ko para masolo na kita." maarteng sabi ni Carly habang hinahaplos pa ang mukha ni Nhel.

Natatawa na lang kami ni Sheena sa itsura ni Nhel na parang batang hindi komportable sa taong kasama.

" Hoy Carlito! Huwag ka nga umechos dyan sa bebeh ko baka hindi kita dyan matantya.Shoopi na nga baka gabihin pa kayo ni Sheens." pagtataboy ko sa kanya sabay baklas sa mga braso nya na nakakawit kay Nhel.

" Sungit netong babaitang to! Pasalamat ka birthday mo ngayon kundi kanina ko pa dinala tong si fafa Nhel dyan sa may talahiban.I'm sure mahuhumaling sya sa alindog ko na wala sayo." maarteng sabi nya na may papila-pilantik pa ng mga daliri nya.

Tuluyan na kaming natawa sa kaartehan ni Carly.

" Oo nga frenny, iba ang alindog mo sa akin kasi wala akong nakatagong lawit.Hahaha." pang-aasar ko sa kanya.

Nauwi na lang sa tawanan ang pagkaasar ni Carlito sa akin.Nagmamadali ng hinila si Sheena na halos hindi na nakapag-paalam ng maayos sa amin.

Kami naman ni Nhel ay sumakay na ng kotse namin para umuwi na ng Sto.Cristo.

Almost 6pm na ng makarating kami sa amin.

Nagulat ako pagpasok namin ng gate.

Wow! as in wow...wala akong masabi dahil ang ganda ng pagkakaayos ng garden.May mga lobo na kulay pink at white at ibat-ibang klase ng bulaklak na pink at white din.

Sa may tabi ng pool ay ang buffet table na puno ng masasarap na pagkain.May mini stage na ginawa sa likod bahay na may mga pink at white na lobo at mga palawit-lawit na designs na crepe paper.At ang harap ng mini stage ang ginawang dance floor na kung saan may sound system sa gilid at nakapalibot ang maraming upuan.

Hindi ako makakibo sa nakita ko.Ang hiniling ko ay simpleng dinner lang pero hindi sila talaga pumayag na hindi ako bigyan ng magandang debut party.

Naiyak ako sa sobrang ganda ng nakikita ko. Talagang effort kung effort ang hinanda nilang surprise para sa akin.

Tinignan ko si Nhel na mataman pala na nakatingin sa akin.

" Are you a part of this? "tanong ko sa kanya.

He just nodded at pinunasan ang mga luha ko ng panyo nyang hawak.

Niyakap ko sya at gumanti naman sya ng mahigpit na yakap at ipinatong nya pa yung baba nya sa ulunan ko.

" Beh, thank you.Gumaganti ka ha? Kaya pala sobrang busy ka lately at ayaw mong umuwi tayo dito.Dinadahilan mo pa yung thesis mo."  sabi ko habang nakasubsob sa dibdib nya.Hmm.halos gabi na mabango pa rin sya.

" Tumulong ako sa mommy at daddy mo kasi busy din sila sa business nyo.Ito yung pinag-uusapan namin ni tito Franz nun." paliwanag nya habang hinahalik-halikan pa ako sa ulo.

" This is really good.May cotillion din ba? At 18 roses?" tanong ko.

" Yeah.Basta surprise yung iba.May malaki pa akong surprise sayo." sagot nya.

Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya at tinignan sya ng tinging nagtatanong.

" Oh hindi na yun surprise pag sinabi ko ngayon.Come, kanina pa nila tayo hinihintay." sabi nya sabay higit sa akin papasok ng bahay.

Pagpasok namin sa bahay ay nagulat ako sa dinatnan namin.

Kumpleto ang pamilya ko pati ang mga kuya ko at pamilya nila ay nandito.Ang pamilya ni Nhel, ang barkada namin,at mga pinsan ko.

Lahat sila ay nakasuot ng kulay pink at white.Pati si dad na hate ang pink ay nakasuot din ng polo na pink.

Kumakanta sila ng Happy Birthday.At ang mga pamangkin kong maliliit ay sumasayaw pa sa gitna ng sala.

Haha.ang cute nilang lahat tignan.

And I'm so lucky to have this people around me.

Nang matapos ang kanta ay nagsalita ang the great Franz Guererro.

" Happy birthday baby.Hayan dahil mahal ka namin nagsuot kami ng kulay pink kahit na nakakabakla."

Nagtawanan silang lahat sa sinabi ni dad at lumapit naman ako para yakapin sya.

" I love you dad, thanks to you and mom for this.I'm only asking for sun but you gave me the universe." nakangiting sabi ko.

" We can't make this happen without Nhel.You have to give him all the credits." turan nya.

" Oh dad, I already did thank him.Sobra pa nga yata sa thank you ang naibigay ko sa kanya kanina."pilya kong sabi na ngising-ngisi pa.

" Alyanna Maine!" nanlalaki ang mata na bulyaw sa akin ni dad.

" Haha.just kidding." sabi ko na naka peace sign pa.

" Tama na nga yan.Kayo talagang mag-ama.Happy birthday anak.Halika na para maayusan ka na at mag-uumpisa na ang party in an hour." pagyaya sa akin ni mommy.

Nagpaalam na si Nhel sa akin para umuwi na at magbihis.Pagkaalis nya ay sumunod na ako kay mommy sa room ko para mag-ayos na.

Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang napaka-gandang tube gown na light pink.May mga parang crystals na naka-disenyo sa gown.

Alam nila na hindi ako mahilig sa sobrang bongga kaya simple lang ang pinagawa nila pero elegante.

Pagkaligo ko ay inumpisahan na akong ayusan at nang matapos ay may inabot na regalo sa akin si mommy.

Isa itong jewelry set at ipinasuot na nya agad sa akin.

Napakaganda!

Niyakap ko si mommy bilang pasasalamat.

Iginiya na nya ako palabas ng room ko at namangha ako sa dami ng bisita na nabungaran ko paglabas.

Nandito ang mga classmates ko nung elementary at high school pati si Sheena at Carly ay nandito din.

Aha! Kaya pala nagmamadali kanina at ini-snob ang blow out ko dito pala ang punta nila.

Binati nila ako at nakipag-beso-beso ako sa kanila.Paano kaya sila nakarating dito lahat?

Hinanap ng mata ko si Nhel.Hindi naman nagtagal ay nakita ko sya kausap nila kuya Frank.

Napaka-gwapo nya sa suot na pink long sleeves na nakatupi hanggang siko nya ang manggas at naka gray siya na slacks.

Nagtama ang tingin namin at nakita ko sa mga mata nya ang labis na paghanga sa nakikita nyang kabuuan ko.

Nakita kong nagpaalam sya sa mga kuya ko at pumunta sa direksyon ko ng hindi inaalis ang tingin sa akin.

" Wow! You look gorgeous and hot." pabulong nyang sabi sa akin ng makalapit sya.

" Thanks beh.Ikaw rin, you're  so handsome tonight.Ang hawt-hawt mo rin.Napapaso nga ako oh." biro ko sa kanya.

" Silly.By the way, nakita  mo ba ang mga former classmates mo?" tanong nya.

" Yeah! Ang galing mo talaga.Talagang nahanap mo pa sila noh.Sobrang thank you beh, napasaya mo ako." sabi ko na yumakap pa sa kanya.

" Anything for you babe." niyakap din nya ako ng mahigpit.Naghiwalay lang kami ng magsalita na ang emcee hudyat na mag-uumpisa na ang party.

Nakatapos ng kumain ang halos lahat sa kanya-kanyang table.

Tinawag na ako pagkatapos ng sangkatutak na intros, may mga pinapakita pang pictures ko simula sanggol ako hanggang sa kasalukuyan dun sa projector na naka-pwesto sa kabilang side ng stage.

Siempre si Nhel ang escort ko, siya ang nagdala sa akin sa magandang upuan na nakapwesto sa gitna ng stage.

Nagpapalakpakan ang mga guest.Hindi ko na napapansin kung sino-sino lahat sila dahil para akong lutang na nasa alapaap.

Nagsimula na ang program na hinanda nila.

Kumanta yung mga classmates ko nung elementary.Then may dance number yung mga high school classmates ko.

Nag cotillion dance yung barkada namin at mga pinsan ko.

Nung 18 candles na, nagbigay ng mensahe ang mga importanteng kababaihan sa buhay ko.Inumpisahan ni mommy, mga tita ko, pinsan, si Candy at Rina at panghuli si tita Bining na nagpahayag pa ng matinding pag-asam na sana kasal na namin ni Nhel ang susunod.Dahilan tuloy kung bakit nagsigawan ang mga tao sa sobrang kilig.

18 roses na, pero imbes na roses ang dala nila tulad ng nakagawian, tulips ang ibibigay sa akin dahil ito ang favorite ko.Sosyal ang nakaisip nito.

Si daddy syempre ang first dance ko, sumunod ang mga kuya ko at baby brothers ko.Mga tito at pinsan.Then sunod-sunod na yung mga barkada namin.At sino pa nga ba ang last dance ko kundi ang gwapong bebeh ko.

Hindi na nya ako ibinalik sa upuan dahil umpisa na ng sayawan.

Nagkagulo na ang mga kabataan sa dance floor at ang mga matatanda naman ay pinagpatuloy ang kainan at inuman.

Ang huling bahagi ng program ay nagpasalamat ang mga parents ko sa mga dumalo at nagbigay na ng souvenirs.

Natapos ang party ng halos 11pm na.Nagliligpit na ang mga hired helpers ng hilahin ako ni Nhel at nagmamadaling isakay sa kotse.

" Where are we going beh?" naguguluhang tanong ko.Ninerbyos kaya ako dahil bigla na lang nya akong hinatak.

"Just wait and see babe." seryosong sabi nya.

Hala saan kaya sila pupunta? Just wait and see..

Thank you for reading.

AIGENMARIEcreators' thoughts
Next chapter