webnovel

Best Birthday Ever

             

Laine's Point of View

DAHIL sa sobrang pagod sa party agad akong nakatulog paghiga ko.

Hindi ko alam kung nananaginip ba ako pero may naulinigan akong nagsalita.

" Happy Birthday!"  and kissed my cheeks.

Nagulat ako kaya napabangon akong bigla na naging dahilan para magka-untugan kami ng taong malapit na nakatunghay sa akin.

" Ouch!" talagang nagising ako dahil naalog yata utak ako.

Napanganga ako ng maaninagan ko ang taong nasa harap ko na agad ko namang nakilala kahit dim light lang ang tumatanglaw.

" Beh! O my God, you're here." at bigla ko syang dinamba ng yakap.

" Hahaha babe wait lang nasasakal mo na ako, hindi ako makahinga.Ang sakit pa ng noo ko sa pagkakauntugan natin."  natatawang sabi nya.

Kumalas ako at tinitigan ko sya na sinuklian din nya ng kaparehong titig, puno ng pananabik at pagmamahal.

" I missed you so much babe.I can't wait to see you..Happy birthday sayang hindi ako nakaabot sa party mo."  sabi nya at inabot ang isang maliit na kahon na nakabalot ng pink wrapper at may ribbon na kulay silver.

" I missed you too, so much.Okey lang na hindi ka umabot sa party atleast nandito ka kahit bago matapos yung araw ko nakasama pa rin kita.Paano ka nakauwi? Hindi ka ba pumasok? tanong ko.

" Pumasok, may exam kasi kami pero buti na lang nakaabot ako sa last trip and here I am.I don't want to miss your special day." sagot nya.

Nilapag ko yung gift nya sa bedside table ko pagkatapos ay niyakap nya ako ng mahigpit.Naramdaman ko ang pagkasabik nya sa akin kaya yumakap na rin ako ng mahigpit sa kanya.God! I missed him so much.Gusto kong sulitin ang two months na hindi kami magkasama sa pamamagitan ng intense na yakap.

Matagal kami sa ganung posisyon ng magsalita ako.

" Oh my G ang saya-saya ko.Beh halika kumain ka muna.I'm sure kanina ka pa nagugutom, tara kain tayo gutom na rin ako hindi ako masyadong nakakain kanina eh." puno ng energy na aya ko sa kanya.

" Sige kanina pa ngang lunch yung huling kain ko." sabi nya.

Pumunta na kami sa kusina at nandun pa rin si mommy at tita Baby.

" O buti naman gising ka pa, pinapunta ko na si Nhel sa room mo baka sakaling gising ka pa nga.Nhel halika kumain kana." bungad ni mommy sa amin.

" Nakaidlip pa lang ng konti mom..kakain din po ako.Sige po matulog na kayo ni tita kami na lang bahala dito." sabi ko kay mommy.

Kumain na kami ng magsipasok na sila mom sa mga room nila.Masaya kaming nag-uusap habang kumakain.Pagkatapos naming magligpit sa kusina ay lumipat na kami sa sala para magkwentuhan.Napakarami naming napag-usapan ni Nhel tulad ng mga experiences namin sa school, mga taong nakakasama at syempre pa yung tungkol sa relasyon naming dalawa, at hindi namin namamalayan ang oras.

" Uy beh it's getting late malapit ng mag midnight.Dito kana lang matulog maaga na lang kita gigisingin." sabi ko.

" You sure? Saan mo ako patutulugin dito ha?" tanong nya na may pilyong ngiti at pataas-taas pa ng kilay.

Eh sinumpong naman ako ng pagka pilya ko.Akala mo ha? Hinahamon mo pa ako ng pataas-taas mo ng kilay.

Hinila ko sya sa room ko at itinulak paupo sa kama ko.Kumandong ako sa kanya at iniyakap ko pa ang mga braso ko sa leeg nya.

Para syang nanigas sa kinauupuan nya dahil sa pagkabigla sa ginawa ko.Pinipigil kong mapahagalpak ng tawa sa sarili kong kalokohan ng makita ko ang reaksyon nya.Nerbyos na nerbyos ang itsura na namumutla pa yata.

Haha..ang cute!

" Here, you can sleep with me here beh.What do you think?" sabi ko with a husky voice.

Hala! Lalo yata syang ninerbyos.Gusto ko ng tumawa talaga pero ine-enjoy ko pa ang pagti-trip sa kanya.Patay ako sigurado dito mamaya pag nakabawi to.

" Babe?!"  nagulat sya lalo ng haplusin ko ang mukha nya.

" Umpp..hahaha..hahaha.!!!" umalpas na ang pinipigilan kong tawa.

" Hayun! Sinumpong kana naman pala ng pagka- naughty mo.Pinag tripan mo na naman ako.Sige lang tignan natin kung hanggang saan ka ngayon.I'll punish you Alyanna Maine." seryosong banta nya.

Tumigil ako bigla sa pagtawa ng marinig ko ang sinabi nya.

Naku po! Na bad trip ko yata dahil binuo na pangalan ko, hindi ito nagbibiro.

Patay tayo dyan!

Pumikit ako, hinintay ko na lang yung punishment nya.Baka kurutin ako sa pisngi, alam nyang naiinis ako pag ganun o kaya kagatin ang tenga ko.

Shemay, ang tagal naman oh.

Nagulat na lang ako ng lumanding ang mainit nyang mga labi sa mga labi ko...ito na ba ang punishment nya? goodness gracious! ang sarap na punishment nito!...haha..ang landi lang Laine ha?

When his lips met mine, it sent shivers down to my spine.He kiss me passionately.. with so much longing..with so much love.I just close my eyes wanting this moment not to end.

I'm home again.

I responded to his kisses with the same intensity, it lasted for I don't know how long basta naramdaman ko na lang na hinahaplos na nya yung likod ko at nakahawak naman ako sa mga batok nya.We both stop to catch our breath.

Whew! That was so intense, another record breaking.

" That was so hot babe! " sabi nya na nakangiti pa.

" Yeah, punishment na ba yun eh mukhang nag-enjoy ka naman."  biro ko.

" Paano naman kasi puro ka kalokohan, kaya pinarusahan lang kita na kailangan pareho naman  tayong mag-enjoy.Lagay ikaw lang."

pilyong sabi nya.

" Hay nako, tara na nga maghilamos kana at ng matulog na tayo, antok na ako, dun ka na lang sa couch." sabi ko sa kanya.Tumayo ako para iayos ang hihigaan nya.

" Okey gisingin mo ako ng maaga ha? para makapagpalit ako ng damit sa amin then sabay na lang ako sayo pagpasok mo, baba na lang ako sa terminal." sabi nya.

" Okey!"  sabi ko at pagkatapos kinuha ko yung gift nya sa akin para buksan.

" Wow! Thank you beh!" medyo mahina ang pagkasabi ko sa huling salita dahil medyo naging emotional ako nung makita ko yung laman ng box.

Isa syang gold necklace na may pendant na letter A..talagang pinasadya nya para sa akin at napakaganda.Pinag-ipunan na naman nya tiyak ito.Nakaka-touch naman.

" Anything for you babe.Kung alam ko lang na magiging ganyan ang reaction mo sana noon ko pa binigay yan.Come here,isusuot ko sayo." nakangiti nyang sabi.

Tumalikod ako at inilagay nya sa akin ang necklace.Nung makita ko sa salamin ay napaluha ako dahil ang ganda talaga nya.

" Akala ko ba gusto mo yan eh bakit umiiyak ka naman?" tanong nyang nagtataka.

" No beh, I like it, really..tears of joy lang." sagot ko habang nagpapahid ng luha.

" Sus babe, sino ba si joy? eh ikaw yang umiiyak dyan." biro nya habang nakikipunas sa luha ko.

" Huh, ikaw talaga beh puro ka kalokohan.Thank you ha? I love you." sabi ko na tumatawa na.

" I love you more and I missed you so much." sagot nya.

" Sige na tara na matulog na tayo sobrang late na." aya ko sa kanya.

He then nodded.And after we said our prayers we both fell asleep.

That's was my happiest birthday ever.

Ang saya naman ng birthday ni Laine dumating ang kanyang prince charming. That's the best birthday ever.

Thanks again for reading guys. Please vote for this chapter. Also, your comments are highly appreciated, that will inspire me to write more chapters. Thank you.

AIGENMARIEcreators' thoughts
Next chapter