webnovel

Ang Muling Pagkikita Perya 2 Laine's Point of View

MAAGA akong gumayak that night kasi pupunta kami ng mga friends ko sa perya.

After ng dinner, naligo na ako at nagsuot lng ako ng white t - shirt na may print na malaking heart tapos skirt na maong and red sneakers.Naglagay lang ako ng pulbos at lip gloss at nag spray ng favorite kong baby cologne.Saktong naglalagay ako ng head band sa ulo ko ng tawagin ako ni mommy.

" Baby, nandito na ang mga friends mo,hurry up." tawag ng nanay ko.

" Yes mom, I'm coming!" sagot ko naman at dali daling lumabas na ng room ko.

" Tara na?" sabi ko sa kanila.

Tumayo na sila at nagpaalam sa dad at mom ko.

Paglabas namin ng gate napansin ko si Wil na may kasamang guy na kasing age ko na nakatayo sa tabi ng dala nilang tricycle.

" Laine, si Rodel, kapitbahay namin.Lima kasi tayo, alanganin pag sumakay tayo sa mga rides kaya sinama ko na sya para partner- partner tayo.Ayos lang ba? sabi ni Wil.

" Yeah! Ayos lang.Mukha naman syang mabait.Tama ba ko Rodel?"

nakangiting sabi ko.

" Ah oo naman, magpapari nga ako eh.hehe.Nice to meet you Laine." sabi ni Rodel.

" Same here." sabi ko naman.

Then umalis na kami sakay ng tricycle nila Pete at sya rin ang nagmamaneho.

Pagdating namin sa perya,sobrang daming tao,first night kasi.Iginala ko ang tingin ko,so this is what it looks like pala.Same as those carnivals in the US, the difference is may mga added attractions lang.Mom was right.It looks nice naman but it's super crowded lang.

Pumunta kami sa mga booths doon at nakita ko yung mga naglalaro ng darts.One of my favorites, ang darts.Hinila ko si Candy at naglaro kami.Habang yung apat dun sa kabilang booth naman.

Nung naka- pwesto na kami para tumira, may bumunggo sa likuran ko, naitulak siguro sya kasi maraming tao but the worst part is, nayakap nya ako sa likod at yung kamay nya napadiin sa shoulder ko at ang masama pa naramdaman ko na sininghot nya ako.Well,I can't blame whoever he is ,tempting naman kasi yung amoy ng baby cologne ko.Pero kahit na,it's over the borderline.Kaya humarap ako at tinarayan ko sya,kung sino man sya.

" Hey! You bastard! You're taking advantage of me!" sigaw ko pero laking gulat ko kung sino yung nasa harap ko.The famous Nhel Mercado.

Sobrang gwapo sa suot nyang white shirt at denim pants.Hindi ako nagpahalata na kinilig ako sa presence nya.

Mamatay na umamin.

" You again?" inis kong sabi.

" Hey! Hindi ko alam na ikaw yang nabunggo ko, may tumulak kasi sa akin.Kung alam kong ikaw yan eh di sana umiwas ako." sagot nya.

" And why you sniffed at me? You perv!" sigaw ko ulit.

" Hindi ah, kung makapag bintang ka dyan!" nangingiting sabi nya.

" Eh bat ngumingiti ka dyan? Sinadya mo .....naputol ang sasabihin ko ng lumapit si Lovie kasunod si Candy.

" Anong meron dito,ha Nhel?" tanong nya sa mokong.

" Ah wala, tara na dun sa kabila." sabay hila nya kay Lovie.

" Teka, andito rin pala sila Candy oh,sama na lang tayo sa kanila, please?"

nag puppy eyes pa si Lovie.

Naku wag kang pumayag mokong, masisira mo na naman ang gabi ko.Please,please wag kang pumayag,naka cross fingers pa ako.

But knowing Nhel na famous sa pang- aasar, hayun naimbyerna na ako sa sagot nya.

" Okey fine! Masaya nga pag marami tayo." pagpayag nya at saka ngumisi ng nakakaloko sa akin.

Haaay naku! Ma-enjoy ko sana ang gabing ito.Kaasar naman!grrrr...

Nilibot namin yung mga booths at naglaro sa mga arcades.So far, nag enjoy naman ako kahit may kasama kaming hudyo.Deadma na lang.Nagtataka siguro yung mga kasama namin kung bakit hindi kami nag-uusap, alam naman nilang magkakilala kami dahil sa mga parents namin pero ang hindi nila alam ay yung mga bangayan namin.

Nagkayayaang sumakay ng ferris wheel.Ayaw ni Lovie kasi takot sya sa heights at ayaw din ni Rodel dahil may phobia raw sya sa ferris wheel.Kaya pumunta na lang sila dun sa Bingo booth at naglaro habang nakapila kaming anim dun sa ferris wheel.Sabi ko kay Candy si Wil ang partner ko,pumayag naman sila at si mokong ang partner nya.Nung turn na namin ni Wil bigla syang nag back out dahil naiihi daw sya, at hinila nya si Nhel na nakapila sa likuran namin para mapunta sa pwesto nya at pagkatapos hinigit nya sa braso si Candy paalis ng pila para samahan muna syang mag CR.

" Nhel ikaw muna dyan kay Laine, naiihi na ako." sabi ni Wil.

" Next, dali mahaba ang pila!" sabi nung mamang operator ng ferris wheel.

Kaya wala kaming nagawa ni mokong kundi ang sumakay na.

Hindi kami nagkikibuan habang dahan- dahang tumataas yung ferris wheel kasi nga nagsasakay pa.Magkadikit na halos yung braso namin kasi masikip yung lugar.Nararamdaman ko nga na nagtatayuan yung balbon ko sa braso kasi nadidikit ako sa balat nya.Huh! Torture! kasi naaamoy ko yung mabangong cologne nya.Shet na malagket!kasalanan ito ng pantog ni Wil.

Nung nasa pinaka taas na kami.Naku po! Panic attack!Natatakot ako Lord,ang taas po baka masira,mahulog po kami.

" Natatakot ka ano?!" biglang tanong nya.

" H-hindi ah!" ninenerbiyos kong sagot,sana lang wag nya mahalata.

" Hindi raw eh nanginginig yang boses mo!" amused na sabi nya.

Hindi na ako kumibo,buking na eh,sa totoo lang natatakot na nga ako.

Nagulat na lang ako sa sumunod nyang ginawa.Kinuha nya ang mga kamay ko and intertwined our fingers.

" This will make you feel better."

Aw! Naging sweet ang mga aso't pusa.

Ano kaya ang susunod na mangyayari sa ferris wheel ride nila.Abangan.

Comment naman po kayo para masaya.God bless...:-)

AIGENMARIEcreators' thoughts
Next chapter