webnovel

Ang Muling Pagkikita Ferris Wheel Nhel's Point of View

STRIKE 3 na ako sa babaeng kaharap ko na spokening dollar pag naiinis sa akin.

Natulala ako hindi dahil tinarayan na naman nya ako kundi tumibok na naman ang puso ko ng triple yata kesa sa dati.Paano naman ang ganda nya sa simpleng white t-shirt at maong skirt na suot nya.Pansin ko terno pa kami ng suot.Destiny ah.

Inasar ko sya, nagtalo na naman kami pero naputol lang yon nung lumapit si Lovie kasunod si Candy.

Nung hihilahin ko na si Lovie para lumipat ng pwesto,tumanggi sya at gusto nya na sumama na lang kami sa grupo nila Laine.Nag puppy eyes pa sya para pumayag ako, pero naisip ko masaya nga kung marami kami,kaya kahit gusto kong iwasan si Laine, pumayag na rin ako.Hindi ko na lang aasarin at kikibuin para hindi naman masira ang gabi namin pareho.

Nung sulyapan ko sya parang naimbyerna sya na pumayag ako.

Sorry Laine, hindi na lang kita aasarin kahit ngayong gabi lang para mag-enjoy tayo pareho, sabi ko sa isip ko lang.

So far, naging maayos naman kami.Hindi kami nagkikibuan.Marahil nagtataka yung mga kasama namin pero hindi na lang nag usisa.

Nung magkayayaang sumakay ng ferris wheel, umayaw si Lovie,takot kasi sya sa mataas at si Rodel may phobia sa ferris wheel.Kaya naglaro na lang silang dalawa ng Bingo habang kami nakapila na sa ferris wheel.Narinig ko si Laine na nag request kay Candy na si Wil na lang ang partner nya.

Si Rina at si Pete kasi kanina pa nauna, nagliligawan kasi yung dalawang yun.Pumayag naman si Candy na kami na lang ang partner.

No choice kasi ayaw ng babaeng armalite.hehe.

Nung turn na nila, biglang sinumpong yung pantog ni Wil.

Anak ng teteng! kung kelan pa naman sila na.Tinulak nya ako sa pwesto nya sabay hila kay Candy paalis ng pila para samahan sya mag CR.

" Nhel, ikaw na muna kay Laine,naiihi na ako." sabi nya sa akin.

Oh no! Paano ba yan.No choice kana Nhel.

" Next, dali mahaba ang pila"...narinig kong sabi nung operator.

Wala kaming nagawa kundi sumakay na.Hindi kami kumikibo pareho.

Sobrang magkadikit nga yung mga braso namin dahil masikip yung lugar.Medyo kinikilig ako kasi nararamdaman ko yung braso nyang balbon eh weakness ko nga sa babae yon at naaamoy ko yung baby cologne na masarap singhutin.

Grabe baka hindi ako makapagpigil mahalikan ko to dito.

Nung medyo nasa taas na parang nararamdaman ko na nate- tense sya, kaya lakas loob akong nagtanong.

" Natatakot ka ano?"

" H-hindi ah!" sagot nya.

ninenerbyos nga sya halata sa boses nya eh ayaw lang aminin.

" Hindi raw eh halata dyan sa boses mo na ninenerbiyos ka." amused kong sabi.

Hindi na sya kumibo, tanda ng pag amin dahil halata ko naman na takot talaga sya.

Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa akin o talagang matindi lang ang tama ko sa babaeng ito.

Kinuha ko ang mga kamay nya at pinag-salikop ko ang mga kamay namin ng mahigpit.

" This will make you feel better". sabi ko sa kanya.Naks! English yun ha, matagal kong pinag-aralan yun pang special occasion lang.hehe.

Hinintay ko kung ano ang reaksyon nya.Baka magalit, itulak ako o magtaray na naman at maging armalite na naman.Pero lumipas ang mga sandali hindi sya kumikibo at hindi nya inaalis yung kamay nya sa akin.Wow! lambot ng kamay nya.

At ng umikot na ng mabilis yung ferris wheel, wala na, inalis na nya yung kamay nya sa akin.Gusto kong tumutol pero nagulat ako sa sumunod na sinabi nya.

" Nhel, I'm scared! Can you hug me, please?"

Ano daw?!!!

Haha. Simula na ng pag-aayos ng ating mga bida. No more bangayan on the next chapter.

Thank you for reading.

AIGENMARIEcreators' thoughts
Next chapter