5 t h r e e ?

"Bakit mo sya susunduin?"-seryosong tanong ni Shou kay Azrael,inilibot nito ang tingin sa buong sala ng bahay

"Dahil nasa listahan sya.Matagal ko na syang dapat na nasundo pero laging napipigil"-sagot nito saka lumapit sa isang pigurin na nakapatong sa ibabaw ng lamesa at pinaglaruan ito

"Ibig sabihin hindi yung bata ang susunduin mo kundi si Miracle?"-tanong ulit ni Shou kaya bumaling sakanya ang kapatid at ngumiti

"Miracle ang pangalan nya?kaya pala"-naka-ngiting saad nito kaya napailing sya

"Tumigil ka,Azrael"-banta nya pero ngumiti lang ito

"Narito na ang susunduin ko.Magpapakita na ba 'ko sakanya?"-tanong nito habang may nakakalokong ngiti sa mukha,lumingon si Shou at napansin ang anino ni Miracle na nakikinig sakanila

"Azrael"-tawag nya sa kapatid pero hindi sya nito pinansin at nanatili ang atensyon sa dalagang nagtatago

"Nasa listahan sya at hindi na mababago 'yon.Matagal nya ng oras"-sagot nito pero hindi man lang sya tinapunan ng tingin

"Pero ikaw na mismo ang nagsabi na laging napipigil.Hindi nya pa oras kaya hindi mo pa sya kailangang sunduin"-sagot nya naman saka sinubukang kontakin si Fall.Buti na lamang at dala nya ang cellphone nya

"Pero nasa listahan sya at oras nya na.Alam mong hindi ka pwedeng makialam Zaphkiel,gusto mo bang mapahaba pa ang pa--ah.Gusto mo sya kaya nakikialam ka at wala kang pakialam kahit na humaba pa ang parusa mo,mas pabor pa 'yon para sa'yo.Tama ako,diba?"-tanong nito saka sya nilingon,hindi naman sya nakapagsalita kaagad kaya lalong lumaki ang ngiti nito

"Alam mong hindi ka pwedeng magkagusto sa mortal,Zaphkiel.Aalis na muna 'ko pero babalikan ko din sya"-huling sinabi nito saka naglaho.Inis syang napasabunot sa buhok saka nagteleport pabalik sa kwarto nila

-----

"Sino ba kasi si Azrael?bakit ayaw sabihin sakin kung sino sya?"-tanong ko ulit.Ilang beses ko ng itinanong pero hindi nila ako sinasagot ng maayos,mga pashnea!

"Hindi mo na sya kailangang makilala,Miracle"-sagot ni Fall pagkatapos maisintas ng sapatos nya kaya inirapan ko sya

"At hindi mo din sya pwedeng makita Miracle.Wag ka ng makulit"-dagdag pa ni Yui kaya inirapan ko din sya,mga punyetang 'to ayaw pa sabihin!

"Shou?ikaw ang kausap nya diba?sino ang susunduin nya?"-baling ko naman kay shou na kanina pang tahimik.Bumuga sya ng hangin saka inis na tumingin sakin

"Anghel sya ng kamatayan at nandito sya para sunduin ka.Ikaw ang susunduin nya dah--"

"Zaphkiel!"

"Bakit mo sinabi sakanya,Zaphkiel?!"-malakas na tanong ni Fall at Yui pero hindi sila pinansin ni Shou.Naguguluhan na 'ko.Anong pinagsasabi nya?

"Alam mo Shou kung ayaw mong sagutin ang tanong ko wag mo ng sagutin,hindi yung gumagawa--"

"Hindi ako nagsisinungaling!gusto mo ng pruweba?eto pruweba!"-inis na sagot nya saka hinubad ang soot na damit saka tumalikod at tumambad sakin ang dalawang mahabang sugat sa likod nya

"Nakita mo?nanjan dapat ang pakpak namin pero hanggat hindi kami nakakabalik ay mananatili sa likod namin ang mga sugat na 'yan!"-singhal nya sakin kaya tumingin ako kay Yui at Fall pero nagiwas pang sila ng tingin

Lumapit ako kay Fall at itinaas ang polo nya at nakita ang parehong sugat sa likod nya,ganun din ang ginawa ko kay Yui at ganun din kaya napailing ako.Baliw na nga ako

"Gusto mong makilala si Azrael?tawagin mo ng tatlong beses ang pangalan nya para magpakita sya sa'yo at kunin ka nya tutal oras mo na din naman na"-dagdag nya pa kaya napatulala ako

"Zaphkiel!Hindi ka ba nagiisip?!"-malakas na tanong ni Fall kay Shou saka ito kinwelyuhan,napailing na lang ako saka napangiti at isa isa ng bumagsak ang luha ko.Shit

-----

*nomnomnomnomnom*

Pinatay ko ulit ang tawag saka bumalik sa paghiga.Nandito ako burol kung saan inilibing ang mga magulang ko

Oras ko na pala eh,tawagin ko na lang kaya ang sundo ko?

"Miracle!Miracle!Ano ka ba! naiwan mo ang shocker mo!"-napasimangot ako ng marinig ang sigaw ni Yui.Bwisit talaga!paano kaya nila nalaman na nadito ako?napakachismoso talaga ni Tay Jared!kainis!

"Punyeta ka talaga Yui o kung sino ka man.Sasakalin kita ng choker ko tangina mo hanggang sa mamatay kang kingina ka kung namamatay ka man"-bulong ko,ang bobo talaga ng kingina!sinabing choker!alam kong nakaka-shock ang mukha ko tangina nyo

"Miracle!Miracle umuwi na tayo!"-punyeta kayo!umuwi kayo mga letche!bumalik na kayo sa pinanggalingan nyo mga puta kayo

"Miracle!Miracle!Nandito ka ba?!"-lalo ka na Shou!kingina mo!

"Kingina mo!wala 'ko dito kaya lumayas kayong tatlo o babatuhin ko kayo ng taeng ibinalot sa dahon!Magsipag balik na kayo sa pinanggalingan nyo mga hinayupak kayo!Lalo ka na Shou kurimaw ka!tatawagin ko na lang si Azrael para matapos na 'to!"-sigaw ko saka ibinato ang mga tae ng hayop na ibinalot ko kanina sa mga lumang dahon

"Napakababoy mo talaga,Miracle!para kang hindi babae!"-sigaw ni Shou kasunod ng malakas na tawa ni Yui at Fall

"HAHAHAHAHA!Kadiri!Sapul si Shou sa mukha!"

"HAHAHAHAAH!sharp shooter ka pala,Miracle!"

"Kingina nyo hindi ako nakikipagtawan sa inyo!at wala kang pake hayop ka!Azrael!Azrael!Azra--mmpp!"

"Manahimik ka"-napatulala ako dahil nasa harap ko na si Shou at nakatakip ang palad nya sa bibig ko.Kingina!

"mmpp!mmmppp!"

"Ano?!"

"Kingina mo!ang baho ng kamay mong punyeta ka!"-sigaw ko pagkaalis ko ng kamay nya sa bibig ko

"Kasalanan mo 'yan,ikaw ang nagbato nung mga dumi ng hayop"-sagot nya saka naupo sa tabi ko.Ilang sandali lang ay nasa tabi ko na din si Fall at Yui

"Mga tangina nyo anong ginagawa nyo dito?"-tanong ko saka sila inirapan

"Dala ko ang shocker mo"-pagmamalaki ni Yui saka ipinakita saakin ang choker ko.Inagaw ko yun kaagad saka sya tiningnan ng masama

"Kung sinakal ko kaya sa'yo 'to?king ina mo sinabing choker hindi shocker!"-singhal ko kay Yui saka isinuot ang chocker ko.Kaya pala iba ang tingin sakin ng mga tao kanina,bukod sa mga mata ko ay hindi ko pala soot ang choker ko

"Miracle"-tawag ni Shou pero hindi ko sya pinansin.Manigas ka jan tangina ka

"Umuwi na kayo mga bugok.Mamaya na 'ko uuwi"-baling ko kay Fall saka humiga pero napasimangot ako nung humiga din silang tatlo.Mga inggitero talaga ang mga kupal na 'to

"Miracle"-tawag ulit ni Shou kaya pinadaan ko ang palad ko sa mukha nya

"Shatap.Dont talk to me.We dont talk anymore"-sabi ko lang kaya napabuntong hininga sya at nanahimik na

Nanatili kaming tahimik at sabay sabay na pinanood ang paglubog ng araw

"Kailan kayo babalik sa pinanggalingan nyo?"-pambabasag ko sa katahimikan,sabay-sabay silang nagbuntong hininga

"Dalawang linggo mula ngayon"-sagot ni Fall kaya nawala ang ngiti ko

"Dalawang linggo?sandali na lang pala.Mabilis lang na lilipas 'yon"-sabi ko saka napangiti ng mapait.Tsk!

"Kakalimutan mo ba kami,Miracle?"-tanong ni Yui

"Sila oo.Ikaw hindi kasi di ko makakalimutan kabobohan mo.Char!Syempre hindi 'no!hinding hindi ko makakalimutan na nagkaroon ako ng mga kaibigan na kagaya n'yo saka sanay naman na 'kong iniiwan eh"-sagot ko saka lumunok.Tangina naiiyak ako

"Miracle"

"Shatap.Manahimik kayong tatlo,wag n'yo akong dramahan.Malapit na din naman akong kunin kaya okay na din"-dagdag ko pa at tuluyan ng nabasag ang boses ko.Wala talagang permanente sa mundo

"Miracle"-parang naiiyak na din yung boses nila kaya lalo akong naiyak.Mga punyeta talaga

Nanahimik ulit sila habang umiiyak naman ako.Tangina lalabas na ata eyeballs ko kakaiyak eh

"Tara uwi na tayo,nangangati na 'ko.King inang mga langgam 'to hindi ako tinigilan"-yaya ko saka tumayo at nagpagpag,tumayo din sila saka nagpagpag at sabay-sabay kaming umuwi

---

"Anong gusto nyong luto ng--shit"-napailing ako saka nanahimik at napangiti

Masyado akong nasanay sa tatlong kupal na 'yon kaya kahit na ilang linggo na mula ng umalis sila ay naninibago pa din ako

Ilang beses na 'kong nagkakamali,hindi pa din ako sanay na wala sila.Hayy

Kumain ako magisa saka nilinis ang pinagkainan ko at naghanda na para pumasok

"Papasok na po ako,Tay"-paalam ko pagkatapos kong magsapatos

"Magiingat ka,Miracle"-sagot lang ni Tay Jared kaya tumango ako at lumabas na

---

"Hoy weirdo!ipina-patawag ka ni Yumi,pumunta ka daw sa likod ng Building One"-tsk!tatawagin na lang ako sisipain pa ang upuan ko.Mga letche talaga sa buhay ang mga kaklase ko na 'to,oo

Tumayo ako saka pupungas pungas na nag-lakad,nakitang natutulog ang tao eh sisipain ang upuan.Kung mukha kaya nila ang pinagsisipa ko?

Nakasimangot akong nakarating ng likod ng Building One pero wala namang tao

Pinagti-tripan ako ng mga gago,ang sarap sakalin isa-isa!

"Tangina nyo talagang lahat!makaapak sana kayo ng tae!"-inis na sigaw ko saka tumalikod na at nagumpisang maglakad pero napahinto ng marinig ang pamilyar na boses

"Napakahilig mo talaga sa tae"

"Himala bago na ang shocker mo,Miracle"

"Long time no see"

"Hallo"

Agad akong lumingon at nakita ang tatlong bugok na itlog na kumakaway,may kasama pa silang isa pang lalaki na mukhang mas bata sa kanila

"Mga tangina nyo bakit ngayon lang kayo?!"-malakas na tanong ko saka tumakbo pabalik sakanila,agad nila akong niyakap pagkalapit ko

****

The End.Thank you for reading!

TAE WALANG KWENTANG ENDING!HUHUHU!KBYE!HAHAHA!ANG KUPAL KO TALAGA GUMAWA

avataravatar