1 Prologue

SOMEONE'S POV:

Bumukas ang malaking pinto at pumasok ang isang lalaki na nakasuot ng pulang cloak. Lumuhod ito ng makalapit sa baba ng hagdan kung nasaan ang trono ng hari.

"Dark Lord..." tawag nito sa taong nakaupo sa trono.

"Anong balita? Nahanap nyo na ba?"tanong naman ng hari na prenteng nakaupo. Iling lang ang naisagot ng taga sunod. "Stupido!"

"Patawad panginoon." yukong yukong hinging paumanhin ng nito.

"Mga wala kayong silbi!!!" nangangalaiti sa galit na sabi ng hari.

"Halos nalibot na namin ang buong mundo sa paghahanap, Panginoon. Sa nagdaang mahigit labing limang taon, kung nagpapanggap lamang syang normal ay mabilis namin syang matutukoy kahit na hindi pa tuluyang nagigising ang kanyang MA." mahabang paliwanag ng lalaki. "May hinuha si Corter na may ginawa si Daruis para masigurong hindi natin mahahanap ang apo nya."

"Maaring tama si Corter. May palagay din akong sumasailalim ang apo ng huklubang iyong sa isang ritwal ng pagtatago. Maaring matagumpay na naiselyo nila ang kakaibang MA ng bata sa nakalipas na mga taon." pagsang ayon ng hari.

"Posible panginoon lalong hindi pa naman tuluyang nagigising ang MA ng mga exarchs hanggat hindi tumutungtung ng ikalabing anim na taon. Hindi mahihirapan si daruis na gawin yon sa tulong ng ibang matataas na tao sa Neburia kahit pa hindi ordinaryong MA ang taglay ng kanyang apo. Lalo at limitado lang din ng ating kapangyarihan sa mundo ng mga normal." sigunda ng taga sunod.

"Yon lang din ang nakikita kung dahilan kung bakit inabot kayo ng ganito katagal kakahanap." nagngingit-ngit na sabi ng hari. "Mukhang napagisipan ng mabuti ang bawat hakbang ng matandang yon."

"Sinigurado po ni Darius na hinding hindi natin mahahanap sa mundo ng mga normal ang kanyang apo." sabat ng alipin.

"Hindi mo na kailangan sabihin ang masyado ng halata! bulyaw dito ng hari. "Nasaan si Corter?"

"Humihingi ng paumanhin si Corter panginoon dahil abala na po sya sa nalalapit na pagbubukas ng Agartha kaya bibihira syang pumarito." sagot ng taga paglingkod.

"Walang problema kung ganoon." natutuwang turang ng pinuno. "Mukhang wala rin naman tayo magagawa kundi hintayin mismong si Daruis ang maglabas ng kanyang apo."

"Pero panginoon, hindi ba mas mahihirapan tayong makuha sya kung nasa loob na sya ng Agartha?" nagaalinlangang turan ng tagapaglingkod.

"Mas madali nga sanang isakatuparan ang plano na nasa mundo ito mga normal at wala sa pangangalaga ni Daruis at ng mga Halerio kung..." tiningnan muna ng masama ng hari ang kanyang alipin bago itinuloy ang sasabihin. "nahanap nyo sya! Ngayon, sabihin mo? May magagawa pa ba tayo maliban sa maghintay."

"Patawad panginoon." mas lalong napayuko ang alipin dahil sa hiya.

Gustuhin mang tapusin ng Hari ang taga sunod pero pinigilan nya ang sarili dahil mas kakailanganin nya ang mga ito sa hinaharap. "Ilang buwan na lamang at tutungtung na sya sa edad na tuluyang magigising ang kanyang MA. Hindi na magagawa ng silyong itago pa ito at hindi hahayaan ni Daruis na manatili pa ito sa mundo ng mga normal bago pa ito magising."

"Mahihirapan ho tayo makalapit sa kanya kung nasa loob na sya ng Agartha panginoon." sabat ng alipin.

Tiningnan ito ng hari ng masama. "Hindi ba at yon ang dahilan kung bakit nasa loob ng Agartha si Corter? Sakaling mabigo kayo hanapin sya sa mundo ng mga normal." paalala ng hari.

"Tama po kayo panginoon. Paumanhin." mas layong yumuko ang tagapaglingkod sa hiya.

"Nagtitiwala akong magagawa ni Cortes ang misyon nya." tiwalang sabi ng hari.

"Naniniwala akong hindi kyo bibiguin ni Corter, Panginoon." sangayon ng alipin. "Ano na po ang susunod na hakabang? Ipagutos nyo lang ho."

"Kailangan nating magplano. Hindi magiging madali ang pagkuha natin sa kanya." sagot ng hari.

"Kung ganoon panginoon, gusto nyo bang ipatawag ko ang konseho?" suhesyon ng tagapaglingkod

"Isang buwan bago magbukas ang Agartha gusto kung tipunin mo ang hukbo." utos ng Hari.

"Masusunod po Panginoon." tugon ng alipin.

"Matagal ng naantala ang mga plano ko pero sa oras ng tumungtong ng Agartha and apo mo Darius. Wala ng dahilan para hindi matuloy ito." at dinig ang nakakatakot na tawa nya sa buong palasyon dahilan para magliparan ang mga ibon sa paligid.

avataravatar