webnovel

Chapter 1

Habang papunta na ako sa school ngayon, napapalingon ako sa paligid at nakita 'kong busy ang mga estudyante. Napabuntong hininga ako, malapit na akong mag-cocollege pero madami pa akong problema sa buhay at wala pa 'rin akong pinagbago.

Nakikita ko sa paligid na kahit busy sila sa kanilang mga gawain pero masaya ito kasama ang mga kaibigan nila. Gusto ko magkaroon ng kaibigan pero nasobrahan lang ako sa takot. Nahihiya ako pero natatakot din, baka ayaw nila sa'kin.

Nakarating na ako sa main building. Walking distance lang ang school sa bahay namin. If sasakay pa 'ko, sobrang gastos na.

'Star Academey' Iyon ang logo sa itaas nang school. Isa itong private school. Aaminin ko na ang mahal pero nagpapasalamat parin ako kahit paano dahil nakakaaral pa ako dito, dahil sa Tita ko. Dito din nag-aaral ang anak niya kaya napilitan itong ipasok din ako kahit masama ang loob nito saakin, pero wala siyang magagawa.

I'm all alone, ulila na ako. Hindi pa patay ang mga magulang ko pero iniwan na nila ako. Iniwan nila akong dalawa.

I thought love is endless, but I guess not. Nag hiwalay silang dalawa. May ibang pamilya na ang Papa ko, habang si Mama ay nawala na parang bula. I feel so hopeless that time. Bata pa ako nung huling nawala sila.

They both taught me that 'Love and Fairytale both exist' pero hindi iyon ang nakikita ko. It is limited, not forever.

Habang lumalaki ako, hindi 'ko na nararamdaman na may nagmamahal saakin. My only family left now is my Tita and Couzin.

Napahawak ako sa aking buhok at simpleng kumapkap saaking mukha dahil napansin 'kong ang gaganda at popogi nila. Napanguso ako, lagi nalang akong naiinggit.

Napatingin na 'ko sa harapan na may humarang saakin. Itinaas nito ang kaniyang kamay at pagkalingon ko ay inilagay na niya ang kamay sa beywang. Napahinto ako dahil sa ginawa niya.

"Oh?" Mababa ang boses ko at hinigpitan ang pagkakahawak ng strap sa aking bag.

I felt goosebumps when she smiled playfully. May masama na naman itong gagawin saakin, I can sense it.

"How are you 'couz? Having fun wandering around?" her laughed roared at the corridor dahil sa tinis ng tawa niya. Humalakhak din ang kaniyang kasama.

Ngumiti ako ng hilaw bilang sagot. She's always getting on my nerves kahit pinsan ko siya. Pero minsan sumusobra na ang pang-aapi niya sa'kin.

Para akong si Cinderella, inaapi lagi. Ako ang modern princess, I may look like a damsel in distress but I never wish for a prince to save me.

"I'm having fun." sagot ko sa kaniyang tanong at umalis sa harapan niya.

Bago ako makaalis ay hinawakan na niya ang aking balikat at pinaharap uli sakaniya.

Tinignan niya 'ko ng masama, her face is red like a ripped tomato. She's really mad right now.

"You bitch!" she gritted her teeth at akmang hihilain buhok ko pero pinigilan na siya ng mga kaibigan niya.

"Stop it, Bianca." Monice said in a low voice dahil nahihiya na yata ito dahil may iilan nang nakapansin sa tensyon namin.

I'm not scared of her.

I faked a yawn at tinignan siya. "Look who's talking."

"Ugh!" daing nito and she looks frustrated. "Babalikan kita mamaya." she glared at me at linagpasan ako. Bago ito umalis sa harapan ay binangga niya 'yung balikat ko at muntik na akong mabuwal sa aking kinatatayuan.

Sumunod na ang kaniyang mga kaibigan at nakita ko sa mata na ang pag-alala saakin. I just smiled to them to assured na okay ako.

They are not that bad. Kahit kailan wala pa naman nagtangkang umaway sa'kin. Except for my Couzin. Ginagamit lang niya ang kaniyang popularity sa school. She's known for her beauty and brain kaya natanggap ito bilang 'campus princess' at dahil sa popularity, she's taking her advantage in a spoiled brat way.

Nasa hallway na ako malapit sa classroom nang may naramdaman akong sumabay saakin. I glanced at the person at napalayo nang makilala ito. He looked at me first then tumingin na ito sa unahan at naglakad in his cool way.

The ultimate campus hearthrob, he's Renz Perez. Hindi ko naman siya masyadong kilala. I've known his face and name dahil nakikita ko siya minsan sa bulletin board with his awards at talk of the campus din 'to.

Habang lumalayo ako sakaniya at maramdaman kong dumikit ang kaniyang braso sakin. Napasinghap ako sa ginawa niya. Ang laki ng daan!

Tinignan ko siya ng masama at sana maramdaman niya ito. Napatingin din ako sa paligid at napatingin na ang iilan. Shit, I don't like this feeling.

Para kaming sabay naglalakad dahil nakadikit na ito saakin at ako, kulang nalang dumikit sa pader para lang maiwasan ang pagdampi ng aming balat.

Dumistansya uli ako ng kaonti saka'nya. Titignan ko sana siya uli ng masama pero nakatingin na ito sakin. Nanlaki ang mata ko at dali-daling umiwas at binilisan ang aking paglakad.

Napabuga ako ng hangin nang nawala na ito sa tabi. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa kaba.

What's his problem? Ang pagkaka-alam ko playboy din s'ya dahil sa mga nalilink na babae dito sa campus.

"Yuri-san! Malapit na 'yong teacher natin" tumatakbong sigaw ni Felicity, kaklase ko siya. We are not close actually.

Lagi niya akong tinatawag na 'Yuri-san' because I'm a Japanese. Half ako, dahil kay Mama. Sanay na akong tawagin niya akong 'ganon. I find it cute. Some people call me with my fullname 'Yuri Katahawo Gonzales'. Also, makikita 'din saakin na I have some foreign blood because of my looks.

My Father side is a Filipino, Tita at pinsan ko lang ang kilala kong pamilya kaya sakanila ako napunta.

I just smiled to Felicity at tumango bilang sagot. Sabay kaming pumasok nito. Naramdaman ko kaagad ang masamang tingin ni Bianca saakin. Kaklase ko pala s'ya.

Bianca Gonzales again on higher section. Nagpapasalamat nalang ako, kahit hindi ako biniyaan nang kagandahan, matalino naman ako.

Napadaan ako saka'nya at naramdaman 'kong papatirin niya ako kaya umiwas na ako sa paa 'nya na nasa dadaanan ko. Nakita 'kong nagulat ito sa ginawa ko kaya ningitian ko siya.

"Bitch" I heard her cursed.

Napangiwi ako sa lutong ng pagkamura niya at napailing. Dumeritso ako sa likuran at umupo sa last row. Halos puno na ang nasa unahan kaya napilitan nalang akong umupo sa pinakahuli.

Kahit naka-upo na ako ay naramdaman 'ko pa ang titig niya. Magsawa siya, sasakit lang leeg niya.

Hindi ko talaga alam bakit galit na galit 'to saakin. Wala naman akong natatandaan na may ginawang mali sakaniya. I used to be friends with her, pero simula nang dito na ako pumasok inaaway na niya ako.

Napatingin ako sa harapan at pumasok na ang isang teacher namin. Unang subject pa lang ay Chemistry na kaagad ang bumungad saamin.

Habang nakikinig, hinawakan ko ang dulo ng buhok ko at sinighot 'yon. Ito ang nakasanayan ko noon pa. Parang hobby ko na, yung sisinghutin 'ko 'yong amoy ng buhok ko. Mabango din naman kasi dahil sa gamit 'kong shampoo.

Medyo curly ang buhok ko at brown na namana kay Mama. Parang beach wave curl, dahil nasa dulo ang curl nito at ang lalaki. My Mom is really pretty.

Ilang oras ay break time na. Pinapalabas ko muna ang lahat ng kaklase ko. Ayaw na ayaw 'kong sumabay pagkalabas. Una dahil masikip at pangalawa, nahihiya ako. Out of place, baka ayaw nila saakin.

Nakita 'kong walang tao sa loob ay tumayo na ako para lumabas. Nasa pintuan pa ako nang biglang may ulo na lumabas at muntik ko pang masapak sa gulat.

"Shit! Ano ba ginagawa mo dito?" Tinignn ko siya ng masama at hinihimas ang dibdib.

Yumuko ito at sinisipa ang pader. "I'm sorry. I thought-"

I cut him off. "Wala siya dito." Mahinahong sabi ko sakanya.

Biglang siyang tumingin sakin at nagtatanong ang mata niya. "Who?" Tanong nito.

Napabuga ako ng hangin. "Duh. Sino pa? 'Edi si Bianca" pinaikot ko yung mata ko.

"Hindi siya" sabi niya sakin at tumingin sa malayo nakita 'kong namumula ang tenga niya pero hindi ko na pinansin.

"Kung may hinahanap ka. 'Nandon lahat canteen." Seryosong sabi ko sakanya at lumabas sa pintuan.

"Ikaw ang hinahanap ko" mahinang sabi niya at sapat na yun para marinig ko.

'Di ko nalang siya pinansin at pumunta sa garden para doon kumain. I have my own snack.

Napailing ulit ako ng nagreplay yung boses ni Renz sa utak ko. Nababaliw na yata ako. Bakit ko dinibdib ang sinabi niya. He's a playboy!

Napatawa nalang ako sa iniisip ko. Impossible. Isa lang akong dukha para maging isang laruan niya. I know his type. He likes attractive girls and hot.

Kumain nalang ako ng tahimik. Maganda kasi dito tambayan, dahil konti lang ang tao at ang presko ng hangin.

Maya maya pagkatapos 'kong kumain na inihanda 'kong sandwich. Tumayo na ako at babalik sa classroom.

Hindi ko maiwasan kilabutan dahil parang may nagmamasid sakin. Napabuga ako ng hangin at umiling. Baka wala lang 'yon.

Pagkapasok ko sa classroom ay wala pa ang mga kaklase ko kaya naghintay nalang ako at nagbabasa ng libro.

Maya maya ay dumadami na at pumasok na rin ang next subject teacher kaya inilagay ko na sa bag ang libro.

Just like a ordinary day. Maagang umalis ang teacher namin kaya napaaga ang uwi. Nagpasalamat ako para maaga din makakauwi dahil lalakarin ko lang.

Habang naglalakad, biglang may dumaan na kotse sa tabi ko at hinagisan ako ng tubig. At may narinig akong halakhak.

Napahinto ako at tumingin ng masama 'kong sino ang nag hagis sakin. Napakawalang hiya naman.

Nakita 'kong nakasakay si Bianca at may hawak na ice water na nakangisi sa'kin. "Maligo ka nga diyan! Napagkamalan kang taong grasa eh." Halakhak nito at agad pinaharurot ang sasakyan ng bagong boyfriend niya.

Naramdaman 'kong may mainit na tumulo sa aking mata at napapikit ako ng mariin. Hanggang dito pa naman. Sumusobra na talaga.

Napadilat ako nang may naramdaman akong pinupunasan ang mukha ko. Nanlaki ang mata ko at napaatras sa gulay.

"R-renz?" Nagkakautal na ko sa gulat dahil 'di ko inasahan na nandito siya at pinupunasan mukha ko.

"Hindi bagay sa isang prinsesa ang ginaganito" sabi niya ng mahina at tinitigan akong mabuti. Nalulunod ako sa lalim ng tingin niya.

Naramdaman ko ang mainit na likido sa pisngi ko at yinakap ko siya ng mahigpit.

Yung sinasabi niya naalala ko sakaniya si Papa!

Hinigpitan ko yung yakap ko sakanya at binaon ang mukha ko sa dibdib niya at umiyak. I felt he stiffened pero naramdaman ko ang kamay niya saaking likod at buhok na hinahaplos ito.

"Hush, my princess. I'm here" malambot na sabi niya kaya napapikit ako ng mariin.

Dahil sa yakap na 'to. I feel really secured. All my worries fade. I wish I could stop the time.

***

Next chapter