webnovel

kabanata 2

Nakapikit pa rin ako at tila naghihintay na masagasaan. Kaso kanina pa akong nakapikit ay hindi pa rin ako natutumba. Minulat ko naman ang aking kaliwang mata para silipin ang kotse.

Malakas na tawa ng isang babae habang nakahawak ito sa kaniyang tiyan ang nakita ng buksan ko ang mga mata ko.

Inayos ko na ang sarili ko at nilapitan ang kaibigan ko na ngayon ay utas sa kakatawa.

Imagine muntik na akong mamatay tinatawanan lang niya ako. At siya ang dahilan ng muntikang kamatayan ko. Napakabuti niya talagang  kaibigan.

"Hoy tapos ka nang tumawa?" Tanong ko habang pumapasok sa passenger seat ng kotse niya. Napalingon naman sa akin ito habang hawak niya ang panga niya at hinihilot-hilot ito.

Masyado siyang happy ngayong araw dahil lang sa ginawa niyang pananakot sa'kin.

" Sorry nakakatuwa kasi itsura mo---teka bakit ka sumakay?" 

"Wag ka nang magreklamo ihatid mo na lang ako sa Robinson---pwede" pagsusungit ko sa kaniya. Wala naman itong nagawa kundi ipagdrive niya ako at samahan papuntang Robinson.

Siya si Tamarra--Tammy for short. Parang mahaba pa rin ang palayaw niya para sa'kin.

Mabait yan parang si mother Theresa.

Wag mo nga lang ibaback stab.

Morena ang balat, medyo gray ang kulay ng mata, kulot-kulot ng kunti ang buhok niyang kulay brown na lagpas balikat. Mas matanda siya sa'kin ng isang taon. 18 siya ako naman 17.

Kaya siguro naging magkaibigan kami kasi magkaklase at parehas kaming may posisyon sa SSG--she's the president.

Maya-maya lang ay naipark na ni Tammy ang kotse niya at bumaba na kami.

" Dont tell me inutusan ka na naman ni Migs ngayon" saad niya ng makapasok kami sa loob ng NBS.

Walang gana akong tumango dito dahilan sa totoo naman talaga na nautusan na naman ako ng lalaking iyon.

"Ikaw naman bakit kasi nagpapaalila ka sa taong 'yon parang no'ng isang linggo lang ikaw ang p.a niya ngayon naman taga-gawa ng project--pwede mo naman siyang isumbong kay sir Protacio bakit hindi mo magawa?" Sambit niya na medyo nakatingala sa'kin. May kaliitan kasi ito kumpara sa'kin.

Napatigil naman ako sa pagkuha ng illustration board para harapin ito "Kung ako ngang SSG ay walang magawa si sir pa kaya"

Napaisip naman siya sa sinabi ko. Nakakatawa din kasi siya na mismo ang president ng ssg ay wala rin siyang magawa maipagtanggol lang ako sa lalaking kumag na 'yon.

Saka hindi ko talaga pwede itong isumbong hawak niya kasi ang leeg ko. Kaya kahit isang pag-angal ko lang dito ay tapos ang aking simple at maliligayang buhay. Masyado siyang makapangyarihan para iblackmail ako. Sa ngayon secret muna naming dalawa kung ano 'yon.

Pinagpatuloy ko na lang ang paghahanap ng gagamitin kong materials para sa diorama ni Migs para makabalik na sa school.

Nang makabalik kami sa school ay lunch na kaya dumiritso na kami ni Tammy sa cafeteria kung saan ay de aircon pa ito at sobrang mamahal ng mga bilihin dito. Sample mineral water halagang 50 pesos na. Eh ang liit liit lang n'on. Sa tindihan ni ate Beth 8 pesos lang 'yon tapos malamig pa. Mang gagansto talaga ang cafeteria.

"Wag na lang tayo dito" bulong ko kay Tammy. Tila walang narinig ang isang ito dahil nagdiri-dirtso sa pagpila. Wala akong nagawa kundi maupo sa pwesto naming dala kung saan ay sa dulong mesa.

Hindi pa nakakalapat ang pwet ko sa upuan biglang nagvibrate ang cellphone na tig-five thousands lang ang bili. Bagsak balikat naman ako ng makita ang pangalan ng nagmessage.

Kumag

Hoy betty Dalhan mo ako ng makakain ngayon nandito ako sa rooftop.

Bilisan mo nagugutom na ako.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago sumunod kay Tammy para pumila. Buti na lang wala nang masyadong nakapila kaya madali akong nakapili ng lagi n'yang pinapabili sa'kin.

"Kala ko ba ayaw mo dito?" Nakakunot-noong tanong ni Tammy sa'kin nang makita niya akong nakapila din. Nakapili pa rin kasi ito hanggang ngayon matagla kasi itong mamili ng kakainin niya.

"Wag mo na lang itanong kasi hindi ito para sa'kin" saka ko inabot ang bayad sa cashier, pinambayad ko 'yong labis sa pera na padala ni Migs sa'kin. " Una na ako" paalam ko sa kaniya. Iimik pa sana siya kaso nakatalikod na ako at dali-daling lumabas ng cafeteria.

Kung kaya ko lang talagang bigwasan ang lalaking 'yon nagawa ko na. Kapal kasi ng mukha. Akala mo naman kung sinong nilalang ng Diyos.

Hingal akong naka-akyat sa rooftop ng may taas na fifth floor. Nakakahingal kasi hagdan lang ang gamit dito para makarating sa rooftop.

"Heto na po 'yong order n'yo" sabay lapag ng french fries at coke. Laging iyan ang kaniyang pinapabili. Taka nga ako kung bakit hindi napupurga ang tiyan niya. Halos araw-araw kasi itong kinakain niya. Buti hindi ito kinakabag, puro patatas lang ang kinakain nito kapag nagpapabili ito sa'kin.

"Bakit parang galit ka?"

Oo galit na galit at inis na ako sayo kaya kung pwede hayaan mo na lang ako sa buhay ko. Gusto ko sanang sabihin ang mga katagang 'yan pero mas makakabuti pa na sarilihin ko na lang ang mga ito.

"Ako galit? Hindi no natutuwa nga ako kasi nakita na naman kitang kumakain" nakangiti kong sagot sa kaniya kahit ang totoo ay gusto ko na itong pektusan.

Kinuha naman niya ang pagkain at saka nilantakan. Naupo naman ako sa may harap niya para kumain din. At kinuha ang pabaon ni mama Bodet sa'kin. Nagpaluto kasi ako sa kaniya para makatipid ng malaki.

Dito kasi ito kumakain kapag trip niya sa rooftop kumain tapos minsan sinasabayan ko siya lalo 'pag hindi pa ako nakakain gaya ngayon. Sabay kami sa pagkain. Wala namang kaso ang pagsabay ko sa kaniya. Sanay naman kasi kami sa isa't-isa.

"Ano yan?" Takang tanong niya habang nakatingin sa'king lunch box na ang laman ay tortang talong at pritong saging na walang asukal.

Inilayo ko naman ang lunch box ko kasi masama ang tingin niya sa pagkain ko at sabay usog ng kunti sa kaniya. " Hindi ba obvious eh di tortang talong at pritong saging"

Parang ang sarap pagtripan ng isang ito ah.

Sumubo ako ng sarap na sarap at may pagpahid pa ko ng dila sa aking labi.

Nakita ko naman siyang parang natatakam na.

"Yuck umayos ka nga kakadiri ka eh" reklamo niya. Masyadong suplado ang lalaking ito eh may kinakatakutan naman ito. Saka parang hindi natatakam ang isang ito eh lunok laway na nga ito ngayon.

Hindi ko na pinansin ang kaniyang sinabi lalo ko pa ngang inasar ito. Iniwas naman niya ang tingin sa'kin na para bang sobrang dungis kong tao para iwasan at pandirihan.

Pero sa loob-loob niyan natatakam na 'yan sa kinakain ko.

Pustahan tayo pagkabilang ko ng tatlo hihingi na sa'kin ang lalaking ito.

1, 2, 3

"Patikim nga" sabi na eh. Hindi rin makakatiis ang lalaking ito.

Inabot ko naman ang lunch box ko at saka siya sumubo sa kutsarang gamit ko. Hindi na ako nagulat kasi gaya ng nasabi ko sanay na ako sa kaniya.

"Ano masarap?" Tanong ko pero hindi niya ako pinansin. Bagkus ay sumubo pa ito. Isa lang ibig sabihin nito nasarapan nga siya.

Ako naman ang walang makakain ngayon kasi sa tuwing naagaw nito ang pagkain ko ay inuubos na niya.

Hindi siya nagtitira para sa'kin:-|.

Nang marinig naman niya na nagbuntong-hininga ako ay saka niya inabot ang french fries sa'kin. Kahit ayaw ko ng patatas ay kinain ko na ito aba eh nag-aalburoto na tiyan ko.

Nang malawalhati na nakakain kami ay naghiwalay na kami ng daan siya sa kaliwa dumaan at ako naman ay sa kanan. Iwas issue lang kaya sinabihan ko sa kabilang hagdan dumaan.

"Sis hatid na kita" alok sa'kin ni Tammy ng makapasok ako sa room namin na nasa fourth floor. Tinaasan ko naman ito ng isang kilay at inayos ang aking salamin. Aga-aga pa kasi nag-aaya na siyang umuwi.

" Pinag-half day na nila tayo kasi nagkalat lang naman ang mga estudyante" paliwanag niya. Napatango naman ako. Sabagay wala rin naman kasing gagawin na dito. Kaya tama ang desisyon nilang ipaghalf-day kami. Tulong din ito sa'kin para matapos ko na ang project ni kumag.

Sabay kaming naglakad ni Tammy papuntang parking lot. May lisensya na yan 18 na naman siya eh. Alam nyo na money is the only way to get what you want. At ito ang gusto ni Tammy ang kotse at makapagdrive. Medyo spoiled brat lang kasi ito ng kunting kunti lang laman. Siguro mga 1% hehehe.

" May luto kaya si mama Bodet ng small circle color white, ube and banana with milk?" Napatingin naman ako sa kaniya ng may pagkunot na noo.

Arte naman din kasi nito para pinindot lang ang tawag eh kung ano-ano pa sinabi.

"Pinindot 'yon"

"Yes your right, so ano may luto ba si mama Bodet ng pinindot?"

"Parang wala--mahal kasi ang kilo ng gata ngayon kaya hindi siya makakapagluto"

Nalungkot naman ang mukha niya dahil sa sinabi ko. Mula ng matikman niya kasi nito no'ng grade 11 kami ay nasarapan siya sa pinindot no'ng nagbaon ako sa school. Kaya mula noon ay binabalik-balikan nito ang bahay namin para makakain lang siya ng pinindot.

"Yaan mo next time dadalhan kita ng pinindot" sumigla naman ang kaniyang mukha. Pasalamat siya naawa ako sa kaniya. "Salamat Tin your so the best talaga" tss malamang ako lang naman kasi nakakasama nito eh. Kaya sino pa bang pwedeng maging the best para sa kaniya syempre ako lang.

Naihatid na ako ni Tammy sa munting bahay namin. Inaaya ko pa nga itong pumasok kaso tinext na siya ng kaniyang ama na umuwe na at may pupuntahan silang meeting. At mukhang alam ko na ang meeting na tinutukoy ng daddy ni Tammy. Ganyan naman kasi ang mayayaman nakikipag negotiate gamit ang anak.

"O nak maaga ka ngayon"

Nag-bless naman ako kay mama Bodet saka ito sinagot. Nasa edad 50's na ito at laging nakadaster na bulaklakin.

" Wala po kasing ginagawa sa school kaya pinauwi na nila kami." Saka naman ako dumapot ng banana cue na nakalagay sa bilao. Hindi talaga nakakasawa ang kumain ng saging.

"Nga pala may pinadalang kahon si sir at mam para sayo kanina. Nasa kwarto mo na tingnan mo na lang kung ano 'yon?" Napatigil naman ako sa sinabi ni mama Bodet. At agad napasibangot nakita naman iyon ni mama.

"Nak tanggapin mo na ang mga padala nila magtatampo ang mga m---"

"Opo hindi na po ako aangal--magpapasalamat na rin po ako sa kanila" sagot ko at hindi na hinayaan matapos ang kaniyang sasabihin. Alam ko na kasi ang kaniyang sasabihin. Nagtungo na lang  ako sa kwarto ko para tingnan ang kahon na sinasabi niya.

Bagong kahon na naman ito. No'ng isang buwan maliit na kahon ngayon naman malaki na. Akala mo naman nasa ibang bansa sila eh nasa maynila lang naman sila. Ibinaba ko ang gamit ko at pati gamit na binili ko kanina at saka binuksan ang kahon na nakatape.

Mga branded na gamit ang nandito. Damit, sapatos at sandals, jewelries, bag at kung ano-ano pa.

I sighed.

Kung hindi lang talaga kay mama Bodet hindi ko ito tatanggapin. Napansin ko naman na may card at Kinuha ko naman ito para basahin.

I hope you like it.

And sana makita namin yan na suot mo.

Hay naku nangungulila na talaga sila sa anak nila.

Ibinalik ko naman ang card sa kahon at saka nahiga sa kama.

Iniisip na kung susuotin ko ba ang mga ito o hindi. Pag hindi ko ito sinuot ay madidissapoint sila. Kapag naman sinuot ko ang mga 'yan ay tiyak maiisssue ako sa school. At parang hindi na rin normal ang buhay ko no'n.

Bahala na bukas. Kung ano gagawin ko.

Ang mahalaga kong gagawin ngayon ay tapusin ang project ni Migs.

Sa mga kapwa Pinoy readers ko diyan. Magpapasalamat na po ako advance dahil sa pagbabasa n'yo. Sana kahit ganito ang aking story ay magustuhan nyo pa rin po lalo na hindi po siya ganito kaganda, pero malaking Salamat po sa inyong lahat. Ngayon pa lang kasi nagbibigay oras po kayo kay Martina para basahin ang kwento niya.

Comment nyo lang po kung anong masasay nyo sa story ko. Thank you.

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

Like it ? Add to library!

introseyasticcreators' thoughts
Next chapter