webnovel

Cold

Prologue. Cold

"I'M GOING to quit!" bulalas ni Ice sa kaibigang si Jasel. Halos limang taon na ang nakalipas mula nang g-um-raduate siya ng kolehiyo. At imbis na mag-manage ng sariling coffee shops at milk tea shops ng kaniyang pamilya sa probinsya ay mas pinili niyang makipagsapalaran sa Maynila. Pumasok siya bilang isang sekretarya ng tagapagmana ng Sandoval Chain of Hotels and Restaurants. Higit tatlong taon na rin pala mula nang nagtrabaho siya roon.

"Pang-one thousand times ko na yatang narinig iyan sa iyo," umiiling-iling at eksaheradang komento nito. She's twenty-six, just a year older than her.

Coffee break atnagku-kuwentuhansila opisina nito. Her friend's one of the managers at the hotel, and she had her own small office.

Nakilala niya ito noong final interview niya. It was Jasel's day off and she roamed around the hotel as if she was a guest. Nagkwentuhan sila't nalaman niyang manager ito roon. Binigyan na siya nito ng heads up kung ano'ng klaseng boss ang kahaharapin niya, na ang mga naging sekretarya ay hindi umaabot ng isang taon, anim na buwan, o kung minsa'y ilang linggo man lang.

Medyo naiinis nga siya sa boss niya kung minsan. Gaya na lamang ngayon, paano kasi ay pinapunta siya sa isang sikat na restaurant kaninag tanghalian. Hinintay niya ito roon dahil may ka-meeting ng alas dose. Ala una y media na't wala pa rin ito. When she called him, he apologizedbecause it slipped in his mind to tell her that he already went backto the hotel. Ang kikitain daw kasi nito'y personal nang pumunta sa opisina, kayanagmadali itong tumungo roon.

"Palibahasa'y walang jowa." Naiinisman ay pabironiyang sinabi iyon.

Humagikgik si Jasel at tumagos ang tingin sa kaniya.

"Sino'ng wala jowa, Tiglao? Ikaw, 'no?" nakataas ang kilay na tanong ng kaniyang boss. Hindi siya bumaling sa pinto pero nakalapit na ito at pumunta sa harapan niya kaya kitang-kita niya ang ekspresyon nito.

"Kayo, Sir."

Inabutan lang siya ng paboritong kape. "Pambawi ko."

Naiiling na tinanggap niya ang brewed coffee. Pasalamat ito't kaibigan na rin ang turing niya kaya hindi niya maiwan-iwan.

Iiling-iling si Jasel na tiningnan silang dalawa. "Pwede namang girlfriend-boyfriend, bakit kailangang jowa pa?"

"Eh, kasi, wala siyang jowa," ang boss na niya ang sumagot.

"May jowa ako, 'no!" singhal niya.

"Sino?"

"Kuya niya," sabay nguso kay Jasel.

"Kuya? Kanina ka pa riyan?" baling ni Jasel sa likuran niya.

"'Sus, hindi mo ako maloloko rito. Ano namang gagawin ng jowa ko rit—"

"Magkasabay kami ni Kieffer," putol ng kung sino man ang nasa bandang likuran niya.

Napatuwid siya ng upo nang marining ang pamilyar na mababang tinig na iyon. Kung kasabay nitong dumating ang boss niyang si Kieffer Sandoval, panigurado'y narinig nito ang mga pinagsasabi niya.

Bumaling siya sa kaniyang likuran at halos malunod sa pwesto nang makita ang papalapit na bulto ng lalaki.

Confirmed. Nandoon nga ang kuya ni Jasel, na jowa niya sa kaniyang panaginip.

Mabilis pa sa alas quatrong tumayo siya at nagpaalam sa mga kausap, "T-tapos na pala ang break ko," nauutal na palusot niya.

Pero parang tila sinadya ng pagkakataon na magtagal siya roon dahil nang humakbang siya'y nakaharang ang katawan ng bagong dating sa dadaanan niya. Nakayuko ma'y alam niyang sa malapad na balikat siya nito bahagyang nabunggo. Medyo masakit pero tolerable naman.

She stepped sideward but he stepped in the direction where she stepped, too. Ang siste'y para silang nagpatinterong dalawa.

Wala sa sariling nag-angat siya ng tingin at napalunok dahil mataman pala itong nakatitig sa kaniya; bahagyang nakayuko. May pagkamangha sakulay-cocoa nitong mga mata, pero saglit lang iyon dahil bumalik ang pagiging malamig nito sa kaniya.

"H-hi, jowa!" Nagawa pa niyang magbiro.

Halos mag-isang linya ang makakapal nitong kilay dahil kumunot ito.

Gayunpama'y pinagsawa niya ang paninitig sa gwapo nitong mukha. At kahit ilang beses man niyang titigan ang huli ay 'di siya magsasawa. Ang ilong nito'y may katangusan, at kaunting galaw lang niya'y nasisigurado niyang tatama na iyon sa noo niya dahil gadangkal na lamang ang layo nila sa isa't isa.

Thanks, highheels, medyo tumangkad ako't halos abot ko na ang mukha niya.

Ang labi nitong medyo may kakapalan pero nakahahalinang pagmasdan sa tuwing nagsasalita ito. Kung minsa'y mas gusto niyang nakasarado ang bibig nito dahil mas nade-depinaang hugis niyon. Sa tingin niya'y napakalambot din.

Wala sa sariling bumaling siya sa malapad nitong balikat, sa matipuno nitong dibdib, at nagmamayabang nitong muscles sa braso. Wala na yata siyang maipipintas sa lalaki.Idagdag pa ang katangkaran nitong pumapalo sa halos anim na talampakan.Ilang beses na rin niyang nakita na naka-shorts lang ito habang nagwo-work out sa condo unit ng magkapatid, at sigurado siyang mahaba ang biyas nito.At, nasisiguro niyang ang kayumangging balat nito ay pantay-pantay.

Wala sa sariling napayuko siya sa paanan nito. She's about to compliment his lower extremities, his large feet, when their arms brushed a bit. She immediately felt the heat rushed through her system even though she could feel his stares were still piercing. She looked back into his eyes and grimaced a bit because he's still cold. That's why she focused on his lower part again.

Isang tikhim mula sa boss niya ang nagpabalik sa kaniyang diwa.

"Mukhang nakapasa ka na sa sekretarya ko," biro ni Kieffer.

Napakurap-kurap siya saka nagkumahog na lumabas ng opisina. Bago pa tuluyang makalabas ng pinto ay malutong na halakhak ng kaniyang boss ang namayani roon.

Patakbong pumunta siya sa restroom at naghilamos ng mukha.

"Ano ba kasi'ng ginagawa niya rito?" wala sa sariling bulong niya at napasabunot sa sarili. Dati nama'y kinakaya niyang huwag ipahalata ang pamumuri o simpleng pagnanasa rito, at hindi niya alam kung ano'ng pumasok sa kukote niya ngayon.

Nakakahiya ang ginawa niyang harap-harapang pagnanasa sa lalaki!

Next chapter