10 Kabanata 9

"Mom, I'm home! "Grabe yung pagka excite ko na makita si mommy. Todo smile pa ako tapos bubungad pala sa akin ang gwapong mukha ng lihim kong minamahal. Lihim kong gusto pero di naman ako gusto.

Hmf! Di ko alam ang gagawin ko lalo na at papalapit s'ya sa akin.Naaamoy ko na naman s'ya, amoy baby. Natulala na naman ako sa kagwapuhan n'ya. Nababaliw na naman yata ako?

"Hi, Scent. Welcome back! "Bigla n'ya akong niyakap. Oh my gosh parang hinahabol ako ng pitong kabayo, sobra sobra ung kabog nang dibdib ko. Gusto ko s'yang hilahin, yakapin at halikan sa lips. Kaso hindi ko ginawa dahil gusto kong ipakita sa kanya na hindi na ako ang Scent na nakilala n'ya. Ang Scent na sunod-sunuran, ang Scent na chaperone!

"Wait, Zion, "itinulak ko s'ya ng mahina nang marinig kong umubo-ubo si Brenda. Nagpapahiwatig ito na kasama ko ito na kahit di man n'ya sabihin ramdam ko naman ang nais n'yang ipahiwatig.

"Si Brenda nga pala kasama ko, kaibigan ko. "Hindi ko na narinig pa ang pag-uusap ng dalawa dahil pagkatapos kong ipakilala s'ya kay Zion ay agad -agad kong nilapitan si mommy na nanonood lang sa amin. "I miss you so much, mom. "Niyakap ko s'ya ng sobrang higpit.

"Anak, sobra kitang namiss. Hindi ka man lang nagpasabi na uuwi ka na. Mabuti naman at may kasama ka,buti naman pinayagan si Brenda. "

"Surprise, mom. "Pero parang ako yata ang nasurprised nang makita ko si Zion na andito sa bahay. Pag minalas nga naman!

"Hi,madam. "Biglang sumingit si Brenda.

"Just call me, tita. Lahat ng friends ni Scent Tita ang tawag sa akin. "

"Ay ,tita. Ang ganda mo pa rin. "

"Aba kaya nga maganda din ako diba",proud kong sabi pero true. Natigil ang usapan namin ng sumingit bigla si Zion.

"Tita,Scent, aalis na po ako. "

"Hijo, mag-iingat ka. Salamat ulit sa paghatid ng mga gifts. "

"Walang anuman, Tita. So paano Scent next time na lang tayo magkwentuhan."

Aba may ganun pa s'yang nalalaman. Never na noh! Nagmomove on na nga ako! Hindi ko s'ya sinagot at tinalikuran ko s'ya.

"Ang sungit naman nito. May period ka noh? "Nagawa n'ya pa akong biruin sabay ngiti. Ngiting GGSS!

"Ah naku pogi may jetlag pa kasi si Scent. "Sumingit si Brenda. Salamat naman at nandyan siya para sa akin. The best talagang kaibigan!

"Naku Zion tama si Brenda may jetlag pa nga ang baby girl ko. "

Baby girl? Si mommy talaga nang aasar na naman. Ganyan n'ya ako asarin. Tinatawag n'ya ako na baby girl in front of Zion and friends.

Tumawa lamang si Zion at tinungo n'ya na ang pinto at ako naman ay niyaya na si Brenda papunta sa guest room.

"Sis, ang pogi naman ng Zion na yon! Muntikan malaglag T-back ko! "

"Lol!Huwag kang ganyan nakakahiya. "

"Kaya naman pala siguro type mo s'ya noh?! Diba s'ya yung nabanggit mong pangalan nun?Tama s'ya nga iyon."

Ang tindi talaga ng memorya ni Brenda. Ang galing manghuli. Bumuntong hininga na lamang ako at inamin kay Brenda ang totoo.

"Oo gusto ko talaga s'ya pero hindi n'ya ako gusto. Ikakasal na s'ya sa kaibigan namin na si Candy saka preggy na din si Candy. Kaya nga ako pumunta ng Palawan para makalimutan ko s'ya kaso hindi pala madaling gawin yun. "Nangingilid na ang luha sa aking mga mata.

"I'm sorry to heard that sis. Tissue oh. Find someone who is single and willing to love you, only you. "

"Ah ang drama. I don't want to cry again but I'm only human.I'm totally hurt. Tara na nga sa baba, let's eat then mamamasyal tayo. "

"Tama mamasyal na lamang tayo."

avataravatar
Next chapter