7 Kabanata 6

Scent POV

Nakahiga na ako ng maalala ko ang cellphone ko kaya napilitan akong bumangon at kinuha sa shoulder bag ko. I switched on my phone. Sobrang dami ng notification ang nag appear. Marami din text messages and found out na galing lahat iyon kay Zion.

Napahawak na lamang ako sa noo ko. "Ikaw ang dahilan kung bakit ako nandito. Huwag ka namang ganyan please lang."

Binuksan ko Facebook account ko at bigla na lamang akong humagulhol ng iyak ng makita ko ang inupload ni Resh na video.Gusto kong sumigaw, gusto kong magwala.Yung puso ko parang sisig,durog na durog.Bakit pa kasi ako nag facebook.Dapat hindi na lang dahil may malalaman lamang ako na bad news.

Ang inupload na video ni Resh ay ang marriage proposal ni Zion kay Candy. Sa isang sikat na hotel ito ginanap.May firework at may nakasulat na 'Will you marry me,my Very Sweet...Candy?'

Dumapa ako sa kama.Iyak pa rin ako ng iyak,sobrang sakit talaga!Pero wala naman akong magagawa kundi ang manahimik na lamang at hintayin na maghilom ang sugatan kong puso.

Kailangan ko na lang tanggapin na si Zion ay taken na.Forget-katagang kailangan kong magawa within 1 months.

"Mahahanap ko rin ung para sa akin.

Magiging masaya din ako...magiging okay din ang puso ko. Hindi lang ikaw Zion ang lalaki sa mundong ito. I hate you so much!"

Kinaumagahan ay nagkulong na lamang muna ako sa kwarto dahil namamaga ang mata ko.Ayaw kong mapansin nila ang mata ko. Basta ayaw ko munang umalis ng bahay. Nag ring ang cp ko at...

Zion calling...

Sinagot ko tawag n'ya. "Hello. "This time ko lang napagtanto na paos ang boses ko.Malamang napaos ako kakaiyak kagabi.

"Hi, Scent. Napanood mo ba yung video namin sa Facebook? Thanks sa idea. Sobrang natuwa si Candy. Well anyway bakit iba ang boses mo? Paos boses mo ah. "

"Nasobrahan lang ako sa lamig.Anyway congratulations.Tawag ka na lang next time busy kasi ako." Binaba ko kaagad ang cellphone ko at gusto na namang tumulo ang luha ko. Pero pinigil ko lang talaga dahil umaga na. Napagtanto ko kasi na sayang ng luha ko. Baka sakaling may panggamitan pa akong iba.

Bumangon ako at inayos ang sarili ko. Maaga akong naligo. Lumabas ako ng kwarto na naka shade.

Si Brendalyn agad ang sumalubong sa akin.

"Sama ka, Scent? Ipapasyal kita sa underground river. Para naman maging okay ang bakasyon mo dito. Pero teka lang. Bakit ka naka shade? "

"Syempre mainit sa labas. I need to protect my eyes. "Pagsisinungaling ko.

"Ay oo nga noh. Ako nga rin may shade din, hehe. Ano sama ka na? "

"Sige, sure. Pero mag almusal muna tayo ah. "

"Yehey! "Parang bata na pumalakpak pa si Brenda.

ZION POV

Binabaan n'ya ako ng phone for what reason? Ang hirap n'ya talagang intindihin.

"Babe, parang ang layo ng iniisip mo? "Dumating na pala si Candy. Hindi ko s'ya napansin na nakapasok na sa office.S'ya ang kusang humalik sa lips ko na agad ko namang tinugon.

"Bigla ko lang naisip si Scent. Di ko alam kong galit ba s'ya sa akin. "

"Hay naku babe.Hindi marunong magalit yun si Scent. Ang bait n'ya kaya."

Alam na rin kasi ni Candy na naka leave si Scent ng 1 month. Naikwento ko na rin ang tungkol sa pag Frank joke ko sa dalaga. Wala lang naman yun kay Candy dahil alam n'ya naman na magkakaibigan kami and mahal ko si Candy.

avataravatar
Next chapter