6 Kabanata 5

Sinundo ako sa airport ng driver ni Uncle Ram at pagkatapos ay inihatid sa rest house n'ya sa El Nido. Tanging ang caretaker lamang ng resthouse ang nandoon.Ang mag asawang sila Ate Bebang at Kuya Bong.

Matagal ko na silang kilala dahil minsan na akong nakapag bakasyon dito sa El Nido. May anak sila, si Brendalyn. Magkasing edad kami at minsan na din kaming naging play mate noon. Sakto at nandoon din s'ya kaya naman may makakausap ako at makakajamming sa pamamasyal.

"Hi Bren, "masayang bati ko. Napalingon s'ya sa akin at bakas sa mukha ang labis na pagkatuwa.

"Oy, Scent nandyan ka na pala. Welcome back! "Tinanggal nito ang suot na apron. Naabutan ko siya sa may garden. Nagdidilig ito ng mga halaman. "Mabuti naman at nakapasyal ka ulit dito. Halika kain ka muna,alam kong gutom ka. Nagluto sila Mama ng sinigang na sugpo. Alam ko paborito mo iyon. "Hindi na ako na bigyan ng pagkakataong sumingit magsalita dahil sa sunod-sunod na chika nito. "Scent, mamaya o bukas ipapasyal kita sa underground river. "

"Hay naku Brenda ang daldal mo talaga. Hindi pa nga nakakapagpahinga si Maam Scent yayain mo na naman. Saka dapat may Mam o Senorita ang tawag mo sa kanya"Salubong sa amin sa kusina ni Ate Bebang.

"Naku ikaw talaga ate Bebang.Diba sabi ko sainyo huwag n'yo akong tatawaging Mam o Senorita. Mas okay ako sa pangalan ko. "Niyakap ko si Ate Bebang. "Tara na nga at kumain na tayo. "

***

Zion POV

Kanina pa ako nabubuwisit dahil hindi sinasagot ni Scent ang mga tawag ko tapos pinatayan pa ako ng telepono. Nagpaalam ngang mag leleave pero hindi sinabi kung saan pupunta.Marami pa naman akong itatanong. Hindi ko alam kung nagalit ba s'ya sa akin dahil sa sinabi ko sa kanya noong nakaraang araw. Biro ko lang naman yun. Sana naman hindi n'ya dinamdam iyon. Ewan ko ba kasi sa babaeng iyon.

Sumandal ako sa upuan at nag isip.

Inisip ko kung anong rason n'ya kung bakit s'ya nag leave.Nagtataka lang din talaga ako sa kanya kung bakit hanggang ngayon wala pa s'yang love life. Marami naman s'yang manliligaw at para sa akin hindi naman s'ya mahirap mahalin. Siguro nga kung hindi ko nakilala si Candy, liligawan ko si Scent. Napaisip tuloy ako, may gusto ba sa akin si Scent? Mahirap namang mag assume. Di ko kasi s'ya mahuli-huli. Napaka natural lang kasi ng mga kilos n'ya.

Sinubukan kong tawagan ang Mommy ni Scent at tinanong kung nasaan ang dalaga. Ang sabi n'ya lang ay pumunta ito ng Palawan pero sabay bawi ng lugar at naging Pangasinan. Pero sa tono ng boses ng mommy n'ya ay tila may something.

Nagsend na lang ako ng message kay Scent,baka sakaling mabasa n'ya at mag reply.

Hi Scent. Sbi ni Tita nsa Pangasinan ka dw. Happy vacation. Pasalubong. Anyway kumusta?Dapat niyaya mo ako.

Wala akong nakuhang reply sa kanya sa loob ng 3 hours na paghihintay. Namalayan ko na lang na gabi na pala at susunduin ko pa sa Candy sa bahay nila dahil six years anniversary namin ngayon at may inihanda akong surprise dinner para sa kanya.

After 15 minutes narating ko na ang bahay nila Candy pero nag park na lang ako sa labas ng bahay nila at doon na lamang ako naghintay. Tinatawagan ko si Candy ngunit nag riring lang ang phone nito. Bababa na sana ako ng sasakyan ng makita kong bumukas ang gate.Lumabas si Candy at isang unfamiliar na lalaki ang kasama n'ya.Niyakap ito ni Candy at yumakap din ang lalaki.

Hindi naman makitid ang utak ko kaya hinayaan ko na lang muna sila. Baka naman kaibigan ito o pinsan ni Candy. Imposible namang lolokohin ako ni Candy. Mahal nya ako and mahal ko din s'ya. Saka magiging daddy na ako.Mamaya nga ay magpo propose na ako sa kanya.

Nakaready na lahat. Natawagan ko na rin mga close friends namin. Sayang wala si Scent. Dapat nandito s'ya para ma witness n'ya ang proposal ko. Actually idea n'ya talaga ang proposal na ito.

Umalis na ang lalaking kasama ni Candy at bumaba na ako ng sasakyan para sunduin s'ya. Nanibago ako sa reaksyon n'ya.Nagulat ito at parang namutla.

"B-babe, nandito ka na pala. Kanina ka pa? "

"Oo, babe. Kanina pa ako dito sa labas ng bahay n'yo. Parang namumutla ka babe. Okay ka lang ba? "

"Y-yes okay lang ako.Part lang yata ito ng pagbubuntis ko. "

"Ahm, babe. Sino pala yung kasama mong lalaki kanina? "

"Lalaki?"

"Oo yung niyakap mo. Ngayon ko lang kasi s'ya nakita. "

"Pinsan ko s'ya,babe. Kauuwi lang kahapon from Mexico. Doon kasi s'ya lumaki kaya pasensya na babe kung di ko s'ya napakilala."

"May next time pa naman, babe. Let's go, babe. May pupuntahan pa tayo. "

avataravatar
Next chapter