5 Kabanata 4

Pagdating nila Mommy ay agad ko silang kinausap. Nag paalam ako na pupunta ng Palawan. Magbabakasyon muna ako doon sa kapatid ni Dad. Sakto naman dahil may private resort doon si Uncle Tom.

"Mag iingat ka doon,hija. Alam na ba ni Zion na mag leleave ka sa work for 1 month? "

Hindi nga pala s'ya nagpaalam kay Zion. Itetext n'ya na lang ito mamaya. Kung bakit ba kasi si Zion pa ang ginawang CEO sa company na itinayo ng mga parents namin. Sabagay s'ya ang lalaki, sya ang may higit na may alam ng business at higit sa lahat sila Zion ang may malaking share sa company. Garment and Textile Business ang linya ng negosyo nila.

"Itetext ko na lang po s'ya mommy. Saka mommy baka pwede mag resign na ako? "

"Resign? Tigilan mo nga ako anak. Hindi ka pwedeng magresign. Kailangan mong tulungan si Zion sa negosyo.Kaya kailangan mong pag aralang mabuti ang negosyo. "

"Fine Arts ako mom at gusto ko magamit iyon. Alam mo naman mom na hilig ko ang magsulat at mag drawing. Saka mommy maraming deserving na pumalit sa pwesto ko bilang Head ng Marketing. Andyan si Mrs.Delfin. Irerecommend ko s'ya. "

"Okay. Pero sige na nga magbakasyon ka ng 1 month at ng makapag isip-isip ka. Baka pagbalik mo matauhan ka".

"Thank you,mom.Pero one more hirit pa mommy, "Nilambing ko si mommy. Inakbayan ko s'ya.

"Anu na naman yun,Scent? "

"Pwede 'wag mong banggitin kay Zion kung saan ako pupunta? "

"Why, hija? "

"Sige na, mommy. Please tell also to daddy."Tila bata ako na nagmamakaawa kay Mommy.

"Ewan ko sayong bata ka. "Mom comb my hair with her hands.

"Thanks a lot mommy. Love you! "Nagkiss ako Kay Mommy.

Nag impake agad ako ng mga gamit ko. Maaga akong magpapahatid sa airport.

This is it!

Kinuha ko muna ang phone ko at tinext si Zion.

Leave muna ako for 1 month. Si Mrs. DELFIN muna bahala sa dept ko.

Agad namang nagreply si Zion.

Ok. Enjoy your leave. Pero cgurado ako na mamimiss mo ako. Ako na bahala sa dept mo.

Nagreply ulit ako.

Thanks. Mamimiss kita? Naku po magdilang anghel ka sana.

Naghintay ako sa reply n'ya pero wala na.Hay naku paasa s'ya!

"Well Scent kalimutan mo na lamang talaga s'ya! May Candy na sya, magkakababy na sila. Huwag ka ngang malandi!"

Itinulog ko na lamang ang mga isiping iyon.

Maaga akong gumising at umalis sa bahay. Inihatid ako ng driver namin sa airport.Kahit sa driver namin ay hindi ko pinaalam kong saan ako pupunta.

"Bye Manila! "At pumasok na ako sa loob ng airport.Nag ring ang cellphone ko.

Zion's calling...

"Bahala ka dyan. Hindi kita sasagutin. Kakalimutan na kita diba?"Sabay reject ko ng call then I switched off my phone. Sumakay na ako ng eroplano.Sa may bintana ako pumwesto.Gusto ko kasi makita ang view sa labas.Nag eenjoy ako sa ganoong tanawin.

Inhale and exhale ang ginawa ko.

"This is it, Scent Sandoval! "

avataravatar
Next chapter