4 Kabanata 3

"Oh Scent my friend magkakakilala pala kayo ni Zion. "Biglang wika ni Candy na kadarating lang. Bihis na bihis ito. Kapal pa ng make-up.

"Oh hello Candy. Actually ngayon ko lang s'ya nakilala. Bisita namin s'ya. Sige maiwan ko na kayo. Mukhang may date kayo nito ni Zion. May tatapusin pa kasi akong project and tomorrow na ang submission. "Paalam ko sa kanila.

Hindi ko kasi masikmura na makita silang magkasama lalo na at gusto ko na si Zion.

"Pero sabi mo ipapasyal mo ako dito sa village n'yo".

"Zion, kabisado na ni Candy ang village na ito ,sya na ang bahala sayo. Diba, Candy? "

"Yeah! Sure. Don't worry babe ako bahala sa'yo. "

"Sige sabi mo yan, babe. "

Inakbayan n'ya si Candy. Hindi  matanggap ng mga mata ko ang eksena na 'yun kaya tumalikod na ako. Naglakad ako mag-isa pabalik sa bahay namin. Sa likod ako dumaan para hindi ako makita nila mommy. Gumawa na lamang ako ng project.

Since then dahil friend ko si Candy at boyfriend n'ya si Zion lagi ko s'yang nakikita. Everytime na magkikita kami hindi ako umiiwas sa kanya. Natural ang acting ko na friends kami, na wala akong feelings sa kanya. Hindi ko rin pinapakita na nagseselos ako. Minsan nga kapag magde date sila kasama ako. Chaperone nila ako! Game ako sa set up na yun basta ba makasama ko lang si Zion.

Halos 4 years na ganoon ang set-up namin. 4 years ko na ring itinatago ang feelings ko for Zion and actually hindi n'ya naman yata nahahalata and ipinapagpasalamat ko iyon.

Bigla akong bumalik sa kasalukuyan. Nasa may tapat na pala ako ng bahay namin. Sinabunutan ko na ang sarili kong buhok dahil pakiramdam ko talaga malas ako sa lalaking gusto ko. Sa lalaking tumatawag sa akin ng MissChaperone'.

Nagbingi-bingihan na lamang ako everytime na tatawagin n'ya ako. Makapal mukha ko kaya always akong pumapayag na maging chaperone atleast may benefits silang nakukuha sa akin. Driver, photographer, taga order nila ako...

Tanga ko diba?

Pero nilulunok ko nalang ang pride ko because I was falling in love with him since ng una ko siyang nakilala.

Ang martir ko diba?

Panahon na siguro para kalimutan ko s'ya at panahon na rin para tumingin ako sa iba. Baka sakaling may manligaw sa akin at mag click ang relasyon namin. Wow ngayon palang na eexcite na ako!

Pero bago yan magpapakalayo-layo muna ako. Ayaw ko na munang makita si Zion at si Candy. For sure naman papayagan ako nila Mommy. Nasa tamang edad na din naman ako at kaya ko na rin mag solo!

avataravatar
Next chapter