31 Kabanata 30

"Hindi ka nanaginip Sweetie. Totoo ang nakikita mo. "Niyakap ako ni Zion ng sobrang higpit na tila ba wala ng bukas. "I love you so much! "

"Teka lang Sweetie. Anong meron? Bakit nandito sila? Teka naguguluhan ako. May party ba? Grabe ka ah, nagpaparty ka pa talaga porket bagong bili mo tong lupa. "

May lumapit na lalaki, halatang emcee. "Sir megaphone po! "

"Para kang sira megaphone talaga, Sweetie. "

"Sweetie wag kang maingay. May sasabihin akong importante para sa mga bisita. "

"Bakit kakain na ba? "Patawa ko pa. Gusto ko ng lapitan mga kaibigan ko kaso mahigpit pagkakahawak sa kamay ko ni Zion. Kaya nanatili lang akong nakatayo sa tabi niya.

"Pasensya na po sa abala, "paunang salita ni Zion. "Pero gusto ko na nandito kayo para sa gagawin kong kampanya laban sa droga".Pagpapatawa pa nito kaya naman ang mga bisita naghalakhakan.

"Miss Scent Sandoval, mapapatawad mo ba ako kapag sinabi ko sa'yo na to too ang mga larawan na binigay sayo ni Candy? "

Bigla akong natahimik pati na ang mga taong nasa paligid namin. Hindi ko expected na ganito ang sasabihin niya. Public apology ba ito?Shit! Kung totoo man yun tatanggapin ko na lang. Hindi ko na rin naman mababago ang kwento sa mga pictures. "Ah ung edited pictures ?"sagot ko, sabay agaw ko sa kanya ng megaphone.

"Mr. Zion Ram Padilla, kahit ano pang sabihin mo tungkol sa pictures na binigay sa akin ng ex true love mo, wala na yun sa akin. Well, sabi mo ang ka meet up natin ngayon ay si Candy. Where is she? Don't tell me naduduwag na siyang magpakita sa akin? "

"Actually Scent oo. Naduduwag akong makipagkita sa'yo ngayon. "Biglang lumabas sa eksena si Candy, may hawak ding megaphone. "Pero nilakasan ko pa din ang loob ko. I just wanna say sorry for everything. Gusto ko na ibalik natin ang friendship natin. "

Humakbang palapit sa akin si Candy. Niyakap niya ako ng mahigpit. "Forgive me Scent for what I did yesterday. Actually Scent it was a frank! "Tumatawa ito habang umiiyak.

"What did you say? Frank? "

"Yes my dear",si Luna lumapit na sa amin.

"OMG sis naiiyak na talaga ako. Pati ikaw andito rin. Don't tell me kasabwat ka rin? "

"Of course,sissy. "

"Anu ba kayo Luna and Candy syempre kasali ang buong tropa! "Saad ni Nicole at Brenda.

"Grabe kayo sa akin ah. May araw din kayo. Anu ito reunion? "

"Hindi lang reunion,Miss Scent Sandoval"saad ni Zion. May dala-dala itong bouquet of fresh flowers at ibinigay sa akin. Sabay kiss pa sa lips ko. Ang sarap kaya gusto kong tugunin kaso inalis na agad ni Zion ang kanyang labi sa labi ko. "Miss Scent Sandoval ,ikaw ang kauna-unahang babae na nagbigay sakin ng sakit ng ulo. From being spoiled brat, chaperon and of course psycho girl! "

"Psycho talaga! "React ko. Pero natatawa at kinikilig ako sa mga sinabi niya. Ang kolokoy naman ni Zion!

"Oo Miss Sandoval, ikaw ay psycho.Pero kahit ganyan ka mahal na mahal kita."At bigla itong lumuhod sa harapan ko.

Oh my gosh, magpopropose na ba siya sa akin? Oh my gaddd! Naiiyak ako sa kilig.

Naghiyawan ang mga tao sa paligid. Kanya-kanyang kuha ng video sa eksena namin ni Zion. Nakita ko si Mommy na panay punas ng luha. Luha sa katuwaan na makita niya ako sa ganitong eksena.Yung Daddy ko naman panay palakpak ng kamay tapos sabay hiyaw pa ng "that's my Son in law! "

"Miss Scent Sandoval..., "sabay dukot sa bulsa si Zion at "will you marry me? "

OMG napaiyak na ako sa sobrang tuwa at kilig. Kaso effect fail ang nangyari. Hindi singsing ang nadukot ni Zion sa bulsa kundi susi. Tumayo ito at sabay hingi ng paumanhin. "I'm sorry guys nakalimutan ko yung singsing. Sorry po sa lahat.Scent,sorry di ko sinasadya."

Slight nalungkot ako kasi pinapangarap ko talaga ang araw na ganito na may magpoproposed sa akin ng kasal.Yun nga lang effect fail lang din.Sayang lahat ng effort tapos wala pala yung singsing.I don't know what to say.May halong sama ng loob pero ang importante nag proposed na siya sa akin.

"My Dear Zion, yes I will marry you kahit hindi mo dala ang singsing. Hindi na mahalaga yun basta nandiyan ka para sa akin."OMG ang plastik ko! Nagpalakpakan naman ang mga taong saksi sa marriage proposal ni Zion sa akin. "Niyakap ko si Zion at sabay bulong ko sa may punong tainga niya na "It's ok basta bigay mo yung singsing mamaya pagbalik nang Maynila. Kung hindi makakatikim ka sakin. "

Gumanti ng yakap si Zion. "Yes Sweetie as your command nanginginig pa. "

"Anong gagawin mo sa susi na yan? "Na curious kong tanong. "Gold key yan ah? "

"May nagbigay lang. Tara gutom na ang mga bisita pumasok na tayo sa gate.

Kaming dalawa ang unang pumasok sa gate at sa gulat ko akala ko yun na ang pinakagate yun pala may isa pang gate. Dito ginamit ni Zion ang susi. Pagbukas ng gate biglang umingay at lumiwanag masyado sa paligid at himpapawid gawa ng fireworks tapos sinalubong pa ako ng mga pets like dog and cats na may mga kagat-kagat na red roses at binigay sa akin. Wow amazing ang galing ng trainor ng mga pets.

"Wow totoo ba 'to? Zion pakikurot mo nga ako. So hayun imbes na kurot niyakap niya ako at hinalikan.

"Of course, Sweetie. Na surprise  ba kita? "

"Yeah sobra akong na surprise, sweetie. Akala ko talaga wala ka nang ibang pakulo. Yun pala may hinanda kang sorpresa."

"Aminin mo nagtatampo ka? "Bulong niya sa akin tapos sabay luhod niya ulit sa harap ko. OMG another pakulo na naman ni Zion.

"Miss Scent Sandoval, ikaw ang gusto Kong makasama hanggang sa pagputi ng buhok ko. Mahal na mahal kita kaya ikaw ang gusto Kong maging asawa at ina ng mga magiging anak natin. Kaya Miss Scent Sandoval, MARRY ME ,MARRY ME!"

Sa ngayon may hawak ng singsing si Zion.

"Yes walang preno.I love you Zion!I'll promise to you na ikaw lang ang iibigin ko kahit pumuti na mga buhok natin."

Isinuot na ni Zion sa daliri ko ang singsing at saktong-sakto ito.Nagpalakpakan ang mga bisita.

Nagyakap kami ni Zion ng mahigpit na mahigpit at nagkiss na din ng mga 1 minute.

"Congratulations Mr.and Mrs!"

"Bro ,alagaan mo baby girl namin at huwag mong paiiyakin yan.Alam mo naman na barako brothers to at idagdag mo pa si Dad."Biro ng kuya ko.

"Naku mga Brother in law,pag pinaiyak ako ni Scent may choices ba?"

"Hahahaha choices mo mukha mo Zion!"Sagot ko.

"Hephep ok na ba tapos na ba ang moment niyo?Aba gutom na kami"pabirong wika ni Mommy.Nilapitan ko siya at niyakap.

"Mommy paano ba yan malapit ng ikasal ang baby girl mo?"

"No problem baby.Ikaw pa rin ang baby girl ko kahit na magkaapo na ako sa'yo."

"Kelan ang kasal?"Si Brenda ang nagtanong.Lumapit na ito sa amin.

"Papadalhan ka namin ng invitation,"matipid na sagot ko at sabay kurot ko sa kanya.

"Yes,Bren.Abangan mo ang pag iisang dibdib namin ng mahal ko.Hello everyone bawal umabsent sa kasal  namin ni Scent next month."

"Kapag umabsent kayo,sige hindi niyo makikita kung paano ako magwalk out sa kasal namin,"pabiro kong sabi.

Nagtawanan mga tao na nasa paligid.

"Ivy Aguas ikaw ba yan?"Sagot naman ni Luna.

"Lily Cruz yun bhe, "singit naman ni Brenda.

"Hahahaha, whatever. Oh anu pang hinihintay natin tara party na! "

"Yes let's celebrate! "

Sobra akong happy kasi ang mapapangasawa ko ay first love ko and siya talaga ang hiniling ko kay Lord. Grabe I'm so blessed. Thank you Lord,iba ka talaga!

Pangarap ko noon, mapapangasawa ko na! Kaya Hindi ko talaga pinagsisihan ang mga ginawa ko noon. Sabi nga pag mahal mo, mahal mo talaga at kahit anong mangyari ipaglaban mo pa rin dahil parang sugal lang yan. Puede kang manalo at pwede ka ring matalo. Eh hayun nanalo ako kaya swerte ko talaga!

Basta me and Zion forever at wala nang makakapigil pa!

avataravatar