19 Kabanata 18

Scent POV

Sinadya ko talagang late na pumasok sa office. Gusto kong inisin si Zion, gusto kong sirain araw n'ya ngayon at gusto kong hindi matuloy ang lunch out nila ni Candy. Villain be like!

Tuloy-tuloy ako sa office ni Zion. Binuksan ko ang pinto gamit ang aking key card. Kaming dalawa lang meron ni Zion ng card na yun. Nakaupo s'ya sa kanyang trono while signing documents. Hindi n'ya man lang ako pinansin.

"Zion Ram Padilla, the workaholic guy! Balita ko hindi tuloy ang kasal nyo ni Candy. "Pang aasar ko, sana umepekto.

"Will you please, shut up! ",mataas boses n'ya pero deadma lang ako.

"Shut up your face! "Ganti ko.

"Okay lang yan. Anong pakiramdam ng kinansela ang kasal? "Pang iinis ko pa lalo.

Lalo naman s'yang naasar sa akin.Tiningnan n'ya ako ng masama at pagkatapos biglang tumawa na parang baliw.

"Kumusta naman ang pakiramdam ng nagmamahal sa taong di ka naman mahal? "

Bwisit! Tinamaan ako sa sinabi n'ya. Sapol na sapol ako. Natahimik tuloy ako at tinalikuran s'ya.

"Hephep. Bakit ka biglang natigilan dyan? Natamaan ka ba? Alam mo Scent may pakiramdam talaga ako na gusto mo ako.Kasi sino ba namang matinong babae na ibibigay ang sarili n'ya sa kaibigan n'ya na alam namang taken na. Sino ba namang babae ang papayag na maging chaperone. Ikaw lang naman yun sa tingin ko! "

"Talaga? Marami akong kilala na magkaibigan pero friends with benefits.Hindi lang naman ako."

"Gusto mo ganun tayo?Ganun yung set up natin? "Sarcastic na tanong nito.

"Kung papayag ka! "Matapang na sagot ko.

Pinamulahan ng mukha si Zion sa sinabi ko. Aba sige nga kung papayag ka, tingnan ko lang talaga kung magiging loyal fiancee ka pa kay Candy.

"Damn you, Scent! "

Aba minura n'ya ako. Well pikon na pikon na s'ya sa akin. Nagugulat siguro s'ya sa mga sinasabi ko. Yes this is my first time na makipag usap ng ganito sa lalaki. Yung tipong napaka liberated na babae. Yung tipong dinedemonyo ang lalaki.

"So ano payag ka? Huwag kang mag alala secret lang natin to.Saka don't worry friends with benefits lang ang magiging relasyon natin. Hindi malalaman ni Candy. Alam kong kailangan mo ng sex life habang buntis si Candy and I'm willing to offer myself."Nagkagat labi pa ako at lumapit sa table n'ya.

Naupo ako sa mesa n'ya ng nakadekwatro. Syempre naka skirt ako kaya kitang-kita ang makinis at bilugan kong legs. Napatingin s'ya sa legs ko at nakita kong napalunok s'ya. Yan ganyan nga maglaway ka.

"Stop it, Scent. Kapag hindi ako nakapagpigil sayo talagang makukuha mo gusto mo ".Galit na wika n'ya. "Umayos ka nga ng upo. "

"Hahaha! Nagba blush ka na, Zion. Presko kayang maupo dito. Ano kaya mo pa ba? Baka gusto mo mag good time muna tayo? Friends with benefits nga diba? Hahahaha! Masakit na ba puson mo? Gusto mo gamutin ko? "Shit para akong pukpok sa mga oras na ito. Nawala pagiging professional ko.Parang may sumapi talaga sa akin.

Tumayo si Zion at umikot sa mesa. Lumapit sa akin at biglang hinatak ang braso ko.

"Gusto mo talaga? Hinahamon mo ako? Sige kung yan ang gusto mo ibibigay ko. "

"Wait lang naman masakit kaya. Bitiwan mo muna ako. "Pero hindi n'ya pa rin ako binitiwan. Hawak n'ya pa rin ako sa braso.

"Let's go at ibibigay ko ang gusto mo. Sex diba? Sige tara let's do it now! "

Pinamulahan na din ako ng mukha. Ano ba naman tong pinapasok kong gulo? Kaya ko ba tong labasan?Bahala na! Sinimulan ko ito kaya tatapusin ko.

Binuksan ni Zion ang secret room. Sound proof ito. Pinasadya talaga ito ni Zion dahil minsan dito natutulog ang binata kapag nag oovertime.

"O ano pang hinihintay mo? Friend with benefits diba? Kanina napaka liberated mo, ngayon para kang birhen. "

Pumwesto ito sa kama,nahiga at nilagay ang dalawang kamay sa batok."Come with me,let's enjoy the moment."

Lumapit ako sa kanya at tinabihan ko sya sa kama."Matulog na lang tayo,"sabi ko.Tila bumalik ako sa pagiging inosente.

Tinawanan nya lamang ako."Sa totoo lang masarap ka,Scent.Masarap ka sa kama."Bigla n'ya akong niyakap at hinapit n'ya ako sa bewang. Nakaya n'ya akong dalhin sa ibabaw n'ya. Napakislot ako. Tila may kuryente na pumasok sa katawan ko. Nagkatitigan kami hanggang sa sinunggaban n'ya ako ng halik. Halik na nakapagbaliw sa akin. Halik na tila hahanap -hanapin ko.Naghiwalay ang aming mga labi, nagkatitigan ulit kami.

Gumalaw si Zion at s'ya naman itong umibabaw sa akin.

"Now tell me Scent kung gaano ako kasarap? "Mahinang bulong n'ya sa tainga ko at pagkatapos hinalikan n'ya ako sa punong tainga ko. Kiliting -kiliti ako.Parang ayaw ko ng matapos pa ang ganitong scenario.

Ngayon hindi na kami lasing.Mas feel ko na yung nangyayari.Alam na alam ko na ginagawa ko.Mas masarap palang gawin ito ng nasa katinuan.

Nagpaubaya ulit ako kay Zion...

Pinagsaluhan ulit namin ang bagay na dapat ginagawa lamang ng mag asawa.

Pagkatapos naming magtalik,binato n'ya sa akin ang mga damit ko.

"Get dress and then mag shower ka."

Hindi ako kumibo.Ang hard naman ni Zion,talagang binato nya sa akin ang mga damit ko.

"Thank you for making me happy."Tanging nasabi ko.

"Binigay ko lang ang gusto mo.Ano satisfied ka na?Friends with benefits diba?"Sarcastic nyang pagkakasabi."Anyway huwag kang makikipag sex sa iba.Sa akin ka lang muna habang hindi pa nanganganak si Candy."Madiin na pagkakasabi nya.

Pinamulahan ako ng mukha.Tila napahiya ako sa sinabi nya.Dapat nga matuwa ako kaso may katapusan din pala tong pinag gagawa ko.

"Natahimik ka na dyan.Magshower ka na nga!"

avataravatar
Next chapter