18 Kabanata 17

Hinatid ko s'ya sa condo unit n'ya sa may Makati. Ayaw n'ya pa nga akong papasukin. Nakipagpatintero pa ako sa kanya para makapasok.

"Grabe ka naman sa akin, Zion. Wala naman akong gagawing masama sayo. Mukhang kriminal na ba ako sa paningin mo? "May pagtatampo sa boses ko.

"Hindi naman. Baka kasi ---"hindi nito maituloy ang sasabihin. Tiningnan n'ya ako mula ulo hanggang paa.

"Baka ano? Tsaka yang mga titig mo sakin ay iba. Huwag kang mag alala wala akong gagawing masama sayo. Akala mo siguro gagahasain kita noh?! Mukha mo! Hindi ako lasing kaya hindi ko gagawin yun, "natatawa kong sabi pero deep inside gusto kong sabihin sa kanya na mag sex kami. Ulitin namin yung ginawa namin ng hindi lasing. Pero ayaw kong magpakita ng motibo. Magbait baitan muna ako bago ko gawin ang bagay na gusto kong gawin.

"Your crazy! Babae ka tapos manggagahasa ka ng lalaki. Ang weird mo, Scent! Siguro kailangan na mabuhusan ka ng holy water para matanggal yang sumapi sa iyo. Ibang klase! "Umupo ito sa sofa at hinawakan ang noo. Halatang may jetlag!

"Grabe s'ya oh. Syempre biro ko lang yun. Gusto mo imassage ko yang ulo mo? Baka naman kasi gutom ka? Magluluto ako."

"Sige na magluto ka na.Ipagluto mo ako ng sopas. "

"Opo, boss Zion. "

Naku kung hindi ko lang talaga mahal ang lalaking ito ay hindi ko ito ipagluluto. Mabuti na lang kahit papaano ay marunong din ako magluto.

Mga 30minutes naluto na ang sopas kaya  nagdala ako ng two bowl sa sala. Nadatnan ko si Zion na nakasandal na sa sofa habang nakapikit. Halatang napagod ito.

Nilapag ko na ang sopas at nilapitan s'ya para gisingin.

"Zion, nakapagluto na ako. "

Hindi pa rin s'ya nagising sa unang sabi ko kaya tinapik ko ulit s'ya."Zion, gising na. "Pero ayaw pa rin kaya hinayaan ko na lamang s'yang matulog.Kumain na lang ako na mag isa. Bawat subo ko ng mainit na sopas di ko mapigilang mapatingin sa kanya.

"Pogi mo talaga! Hahaha. Sarap mong halikan!"Para akong siraulo na kinakausap ang sarili tapos kilig na kilig.

Nag ring ang cellphone ni Zion kaya nagising ito. Lakas ba naman kasi ng volume, to the highest level!

Sino naman kaya ang tumatawag dito ng alanganing oras?

"Kalma ka lang self."Nasabi ko na lamang sa sarili ko.

"Hello, babe. Pasensya ka na babe hindi na ako nakapunta dyan sa bahay n'yo. Dumiretso na kasi ako dito sa Makati, sa condo unit ko. "

Ah si Candy pala kausap n'ya! Talagang pinakinggan ko usapan nila.

"Tomorrow lunch out tayo babe, promise. "

Lunch out? Huh, walang mangyayaring lunch out.

Ang sweet pa ng Zion na ito kay Candy samantalang tila may ginagawang kalokohan si Candy. Sabihin ko na kaya? Kaso kulang ako sa evidence. Kailangan ko pa ng more evidence!

Natapos din ang usapan ng dalawa sa phone. Tiningnan lamang ako ni Zion.

"Bakit? "Ako na unang nagtanong.

"Bakit nandito ka pa? "

"Dito ako matutulog. "Diretsahang sagot ko.

"Hindi pwede. Umuwi ka na, gamitin mo na yung kotse. Baka hanapin ka pa sainyo."Binato n'ya sa akin ang Susi ng kotse.

"Hindi na ako bata noh. Nakapagpaalam na ako kila mommy. Bakit ayaw mong dito ako matulog? "

"Baka dumating si Candy, baka makita ka n'ya. Baka ano pang isipin.Umuwi ka na,Scent."

"Sige uuwi na ako. Hayan susi mo. Mag ga grab na lang ako!"Padabog kong tinungo ang pinto pero nakita ko s'yang sumunod.

"Sige ingat ka sa pag uwi."

Bwisit!Hindi n'ya man lang ako pinigilan.Ang harsh nya talaga sa akin!Nakakasama sya ng loob.Hindi ko sya nilingon man lang paglabas ko nang pinto.Pabagsak kong sinara ang pinto at tinahak ko na ang way papuntang elevator.

Napa grab tuloy ako ng wala sa oras.

Mabuti na lang mabait at jolly ung driver. Safe akong nakarating sa bahay. Diretso agad ako sa room ko.

Kakapasok ko pa lang ng kwarto ng tumunog agad cellphone ko. Si Zion tumatawag. Hindi ko nga sinagot. Bahala s'ya, manigas s'ya.

avataravatar
Next chapter