17 Kabanata 16

Scent POV

HINDI na ako sumama pabalik ng Palawan, si Brenda na lang ang mag isang umuwi. Hinatid ko na lamang s'ya sa airport. Labis-labis ang kanyang pasasalamat dahil sobra s'yang nag enjoy sa pag stay n'ya dito sa Maynila kahit 1 week lang yun. Nangako s'yang babalik dito kapag may vacant.

Well, back to normal life.

Pumasok na ulit ako sa work. Sabi nga work is life. Mas lalo akong gaganahan ngayon magtrabaho dahil sa balitang nasagap ko kay Luna na kanselado ang kasal nila Candy at Zion. Ipina cancel daw dahil nahihirapan si Candy sa pagbubuntis nito at pagkapanganak na lamang daw ni Candy itutuloy ang kasal.

Thumbs up to Luna. Iba talaga si Luna, source of information kahit na nasa abroad na ito.

May pag asa pa ako kay Zion! Itinatak ko talaga sa kukute ko. Puso ko ang paiiralin ko ngayon. Bahala na kung ano ang kahihinatnan nito basta gusto kong maging masaya din kahit sa ganitong paraan man lamang.

Okay na sa akin ang maging chaperone, okay na sa akin ang maging pangalawa basta alam kong sasaya ako.

"Welcome back, Mam Scent. Wala po today si Boss Zion, out of the country po s'ya. "Bungad kaagad sa akin ng secretary n'ya.

Biglang nawala ang tamis sa mga ngiti ko pagkapasok ko sa office. Ang aga naman ng bad news. May balak pa naman akong gawin mamayang hapon.

Well iginugol ko na lamang ang buong oras sa maghapon sa mga tambak na paper works na sumalubong sa akin.

"Miss Quintos, kailan ang balik ni Zion? Balitaan mo ako kung kelan balik n'ya. "Pumunta talaga ako sa table ng secretary n'ya para magtanong.

"Mam pabalik na daw po si Boss Zion. Nasa Incheon Airport na po s'ya at nakapasok na sa loob ng eroplano. "

"Sige, thanks. "Bumalik ako sa office ko at ako na lang ang kumuntak kay Zion. Akala mo sa akin ay asawa ni Zion sa mga oras na yun at excited na makita s'ya.

Kaya naman pati driver n'ya, kinausap ko din. Sinabi ko dito na ako na lang ang susundo kay Zion sa NAIA. Natuwa naman ito at nagpasalamat pa sa Akin dahil may importanteng lakad ito kasama ang pamilya.

Sabik na akong makita si Zion kasi simula nung unforgettable night ay hindi ko pa s'ya nakita. Gusto kong makita kung ano magiging reaksyon n'ya kapag nakita n'ya ako.

NAIA.

Nakita ko kaagad si Zion papalabas sa pinto ng arrivals area.

Lalo s'yang naging pogi sa paningin ko at napaka lakas talaga ng sex appeal n'ya. Napalunok ako sa word na sex appeal. Papunta na s'ya sa may direksyon ko. Ang gamit kong sasakyan ay ang kotse n'ya.

Balak ko talaga siyang surpresahin. Pati nga cellphone ng driver n'ya ay hiniram ko para may contact pa din ako kay Zion if ever man na magpasundo s'ya kung saang banda ba s'ya dapat puntahan.Dalawa naman ang cellphone ng driver, isang pang personal at isa na pang trabaho.

Kinakabahan man ako pero ginusto ko to. Pakiramdam ko talaga magugulat s'ya kapag nakita n'ya ako na driver ng kotse n'ya. Ito na nga bubuksan n'ya na ang pinto ng kotse...

"Scent?!!! "Nanlaki talaga mga mata n'ya ng makita ako pero pogi padin naman s'ya di naman kabawasan sa hitsura n'ya.

"Hello Boss Zion. I'm your driver tonight.Saan po kita ihahatid? "Nakangiti kong tanong sa kanya.

"Wait. Ano to? Nagulat talaga ako. "

"Surprise! Back to basic. Willing ulit ako na maging driver mo. "

"Ano?! "

"Ewan ko sayo Zion Ram Padilla. Basta kung kailangan mo ng driver, ng chaperone andito lang ako. "

"Scent, are you out of your mind? "

Hindi s'ya makatingin sa akin ng diretso, halatang iniiwasan nyang tingnan ako. I don't know pero parang ayaw n'ya talaga akong makita.

"Of course not. "Nagsimula na s'yang mag drive.

"Anong gusto mong palabasin? Gusto mong lalo akong ma guilty ?"

"Guilty for what? "

"Sa nangyari sa atin! Alam mo bang ayaw kitang makita dahil nagiguilty ako. Hiyang -hiya ako sayo tapos ikaw papakitaan mo pa ako ng kabaitan. "

"Forget and delete it all. That's life!

Okay lang, mag move on ka na. "Tinapik ko s'ya sa balikat. "Ano saan kita ihahatid? "

"Hatid mo ako kila Candy at pagkatapos umuwi ka na sainyo. Dalhin mo na itong kotse. "

Buwisit! Talagang kila Candy pa s'ya magpapahatid. No hindi pwede. Hindi sila pwedeng magkita ni Candy. Magpapaka kontrabida muna ako ngayong gabi.

"Sure ka? Baka gusto mo munang mag relax sa condo mo? Bukas ka na lang dumalaw kila Candy. Tingin ko kasi may jetlag ka pa. "

"Nope. Gusto kong makita si Candy. I miss her so much. "

Hype! Pinagdiinan n'ya pa talaga ang pagbigkas ng I miss her. Hininto ko ang sasakyan kaya nagtaka s'ya.

"Why? "

Tinanggal ko ang seatbelt at nagpaalam sa kanya. "Bahala ka sa buhay mo, mag drive kang mag isa mo. "

Nagulat s'ya sa sinabi ko. "Ano? Saan ka pupunta? "

"Uuwi na, mag tataxi na lang ako. "

"Hindi pwede delikado. "Pinigilan n'ya ako.

"Kaya kong mag isa. Bahala ka sa buhay mo. Uuwi akong mag isa. Mag drive kang mag isa papunta sa nobya mo! Lumabas na ako ng kotse pero sumunod s'ya sa akin.

"Hey, delikado. Okay hatid mo ako sa condo ko. "

Nagliwanag ang mukha ko sa sinabi n'ya. Pumasok ulit ako sa loob ng kotse.

"Lakas ng tama mo, Scent! Nakadrugs ka ba? "

"Oo at high na high ako. "

"Siraulo ka talaga! "

"Matagal na! "

avataravatar
Next chapter