16 Kabanata 15

Zion POV

Mahimbing pa ang tulog ni Scent ng magising ako kinaumagahan.May ngiti pa sa mga labi n'ya.

Pero ako nagi guilty sa ginawa namin. First reason kaibigan ko s'ya, second may nobya na ako and nag promise ako sa kanya na s'ya lang wala ng iba. Mapa relasyon man o  sex ay bukod tanging si Candy lang. Pero hindi ko na rin naman mababago pa ang nangyari.

Hindi ko alam kong paano ko haharapin si Scent kapag nagising na s'ya kaya I decided to leave her.

Nagbilin na lamang ako sa yaya namin na asikasuhin sila Scent at Brenda kapag nagising na ang mga ito.

While driving yung nangyari parin kagabi ang nasa isip ko. Napasabunot na lamang ako sa buhok ko. Nilakasan ko ang sounds baka sakaling hindi ko maisip iyong nangyari pero wala paring epekto.

Hindi ko masiguro kung anong dahilan ni Scent kung bakit hindi n'ya man lang ako pinigilan kagabi, instead s'ya pa itong nang seduced sakin.Dahil lang ba lasing s'ya kaya s'ya nagpaubaya? At ako naman sinunggaban ko naman s'ya!

May kasalanan din ako sa nangyari. Ako yung sakto lang ang kalasingan, ako yung alam pa ang ginagawa at ako dapat ang nag kontrol pero hindi ko nagawa.

Cancelled lahat ng appointment ko ngayong araw. Pumunta muna ako sa rest house namin sa Tagaytay.Gusto ko munang mapag isa. Parang ang dami kasing nangyari kagabi, sunod-sunod na mga isipin.

First,gusto ni Candy na ikansela ang kasal. Second,ang nangyari sa amin ni Scent. Kung titimbangin ko, mas poproblemahin ko ang pangalawa.Dahil baka magbunga ang ginawa namin ni Scent lalo pa at walang contraceptive na involved.

Tumunog ang cellphone ko at bigla akong pinagpawisanng malamig. Pangalan ni Scent ang rumihestro sa screen. Sa pangatlong tawag doon ko lamang sinagot ang phone ko.

"Hello, "mahinang sagot ko.

"Zion, nasan ka? We need to talk. "

"Scent, about last night ba ito? "

"Yes! Forget about last night. I was drunk last night and it's not a big deal for me. "Walang preno-prenong sabi n'ya. Akala mo hindi babae kung makapagsabi nang Forget about last night.

Napanganga ako sa sinabi n'ya. Hindi ko expected na ganoon ang isasagot n'ya sa akin. Bakit ganun na lamang kadali ito para sa kanya? Parang wala lang sa kanya at chill lang s'ya compared to me na halos mabiyak na ang utak kakaisip sa posibleng pwedeng mangyari after that night.

"Zion, where are you? "

"Nasa Tagaytay ako pero babalik din ako agad dyan sa Maynila. Bakit mo ako hinahanap? "

"Wala naman. Thank you about last night. Nag enjoy ako kahit hindi ko masyadong naalala ang mga ginawa natin."

"Bakit ganyan ka, Scent? Bakit parang okay lang sayo ung nangyari? I'm so sorry. "

"No comment basta forget it, okay? "At binabaan n'ya na ako ng phone.

SCENT POV

Wala akong pinagsisihan sa nangyari sa amin ni Zion dahil ginusto ko din yun. First of all, ako pa nga yung nang akit sa kanya. Lalaki si Zion at walang mawawala sa kanya unlike me na wala na yung virginity ko, ang pinakatangi-tangi na gustong makuha ng isang lalaki.

Malamig ang gabi at muli kong sinasariwa ang nangyari sa amin ni Zion.Hinahanap - hanap ko si Zion! Masarap si Zion, magaling s'ya sa kama. Proven and tested para sa katulad kong first timer. At kung ako ang tatanungin, gusto kong maulit muli ang gabing yun. Yung tipong hindi na ako lasing tapos magtitikiman ulit kami ni Zion.

Sinaway ko ang sarili ko.Ako pa ba ito? Nakatikim lang ng langit ng isang beses ay gusto na ulit-ulitin.

Mahiya ka sa balat mo Scent! May mahal ng iba si Zion at ikaw tinikman ka lamang n'ya. Baka nga gawin ka n'yang panakip butas sa kama habang buntis pa si Candy! Sabi ng konsensya ko na labis na nanggigigil sa akin.

Bahala na. Come what may! Basta mahal ko si Zion. Siguro mas mainam na piliin ko muna ngayon ang dikta ng puso ko.

avataravatar
Next chapter